Kabanata 18

2622 Words
HINDI umatras ang lalaking mahaba ang buhok sa pagharap dito ni Aristhon. Nakaguhit pa rin sa mukha nito ang matalim na ngisi nanpara bang nagsasabi sa kanila na kahit anong gawin nila ay hindi sila mananalo rito. Sa pagtagpo ng dalawa malakas na tinulak ng lalaki si Aristhon kaya napaatras ito nang dalawang beses nang hindi mawala sa balanse. Hindi roon natapos ang lahat sapagkat humabol kaagad si Aristhon kasabay ng pagsipa nito sa paa ng lalaki mula sa likod. Sa ginawa nito napatid ang lalaki kaya bumagsak ito sa lupa nang padapa na ikinasigaw ng mga presong nanonood. Gumulong palayo rito ang bola. Hindi na hinintay ni Aristhon na makabangon ang lalaki sa pagsunod nito sa bola. Nakuha pa nitong tapakan sa likod ang lalaki nang pababangon ito kaya muli lamang ito nadapa. Nagawa namang mahabol ni Aristhon ang bola kaya dinala niya iyon patungo sa net ng kalaban. Sa balak na pagtakbo ng lalaking nasa likuran niya tumalon siya sa ere karugtong ng pagsipa sa mukha nito. Tumama ang paa niya sa pangit nitong mukha na ikinabingi ng ulo nito. Hindi pa siya nakuntento sa isang sipa dahil sinipa niya pa ito sa dibdib na ikinabagsak na rin nito sa lupa. Tinakbo niya kapagkuwan ang lalaking mahaba ang buhok na nagbabalak na namang bumangon. Sa pagdaan niya rito nagpakawala siya ng sipa sa nagmumura nitong mukha. Hindi na rin siya nag-aksaya ng sandali sa paglingon ni Aristhon kaniya. Kumaripas siya ng takbo nang makahabol. Nakasabay namannsiya rito nang nasa harapan na sila ng net kung saan binabantayan ng pangatlong lalaki ng kalaban. Nakuha pa nitong idipa ang mga kamay at ibinukaka ang mga paa nang mapigilan nito ang pagpasok ng bola sa net na binabantayan nito. Hindi nito inalis ang tingin sa bola na nang sandaling iyon ay natatapakan ni Aristhon. Sa pagtakbo ng dalawa nilang kalaban pinasa nito sa kaniya ang bola. Ngunit hindi niya naman nagawang ipasok sa net. Imbis na sipain niya iyon papasok mas pinili niyang ipasa na lamang pabalik kay Aristhon. Naisip na iyon kaysa naman siya ang sumipa na sigurado kung maipapasoi ang bola. Hindi rin naman nagtaka si Aristhon na para bang alam nitong hindi niya magagawang sumipa. Lumipad ang bola patungo sa rito dahil sa kalabisam nailagay niyang puwersa. Sinalo nito iyon gamit ang dibdib kasunod ang pagsipa sa paggulong niyon paibaba. Sumibad patungo sa net ang bola kung kaya nga hindi na nagawang mapigilan pa ng goalie ng kalaban. Pagtama ng bola sa net nagsigawan ang mga manonood. Matapos niyon lumakad na palayo si Aristhon kaya lumapit siya rito na siya ring paglalakad ng mga kalaban nila patungo sa net nang makuha ang ipapasang bola ng goalie. "Ang husay mo namang maglaro," komento niya rito. Pinagmasdan siya nito nang tuwid. "Madali lang gawin iyon lalo na't hindi naman mga professional ang kalaban. Sabihin na nating marunong akong magpokus sa laro malayo sa iyong nagdadalawang-isipnpa," sabi naman nito. "Hindi mo na sana ako sinali kung ganiyan din naman ang sasabihin mo." "Kung alam ko nga lang hindi na nga sana," pagsisimula nito sa mahaba-haba nitong sabihin. "Inakala ko lang na pati sa paglalaro mayroon kang magagawa. Dahil sa pinapakita mo sa akin kaya mong gawin ang kahit na ano. Nagkamali lang pala ako. Matatalon mo naman ang mga iyan. Kailangan mo lang gamitin ang utak mo na hindi mo alam kung paano." Nakaramdam siya ng inis sa pinagsasabi nitong pang-iinsult sa kaniya. Dahil dito tinalikuran niya na lamang ito. "Bahala ka nga diyan. Maglaro kang mag-isa," maktol niya rito sa paglalakad niya. Hindi naman siya nakalay dahil pinigilan siya nito sa kaniyang suoy. "Kailangan mong tapusin ang laro," matigas nitong sabi sa kaniya. Hinarap niya ito kasabay ng pag-alis ng kamay nitong nakahawak sa kaniyang suot. Napapatitig na lamang sa kanilang ang ibang mga preso lalong lalo na ang dalawa niilang kalaban sa nangyayari sa kanila. Kung hindi sila kakalma pareho pihadong mahahantong iyon sa kanilang pag-aaway. "Tutal ang laki naman ng bilib mo sa sarili mo ikaw na lang ang tumapos." Huminga siya nang malalim sa paghahabol niya ng hininga. Kapwa sila init na init na dalawa kaya nadadala iyon sa kanilang mga ulo. "Imbis na magalit ka sa akin dapat ang binibigyan mo ng pansin ay ang dalawa. Hindi ba't gusto mong ipamukha sa kanila na hindi dapat sila nagsasalita nang patapos?" paalala sa kaniya "Kung aatras ka sa larong ito na madali lang matapos hindi mo mapapatunayan sa dalawa na kaya mo silang talunin kahit gumamit pa sila ng pandaraya." Pinakatitigan niya ang mukha dahil mayroon din naman talaga itong punto sa sinabi nito. Muli na lamang siyang napabuntonghininga nang kumalma ang takbo ng kaniyang dugo. "Hindi ko tatapusin ang laro dahil sinunod ko ang sinabi mo," aniya rito na malinaw nitong narinig. "Alam ko," sabi na lamang nito sa kaniya. Hinarap nila ang dalawa nilang kalaban na naghahanda na. Binitiwan ang bola ng lalaking mahaba ang buhok sabay tapak dito. "Mukhang mayroon kayong hindi napapagkasunduan. Susuko na ba kayo?" ang nakuhang sabihin ng lalaking mahaba ang buhok sa kanila. Nakatayo lang sa kaliwa nito ang kasama nito. "Sayang naman iyong iskor niyo kung ganoon nga ang gagawin niyo." "Imahinasyon mo lang ang nakikita mo," aniya sa lalaki na ikinasama ng mukha nito. "Akala ko ba ay mananalo kayo pagkatapos simula pa lang wala naman kayong magawa para mapigilan kaming makaiskor. Napunta sa katawan niyo ang mga utak niyo." Sumama ang mukha ng lalaking mahaba ang buhok na hindi niya binigyang pansin. Nilingon niya sa Aristhon sa pagsenyas nito ng ulo. Sa puntong iyon naintindihan niya kung ano ang gusto nitong mangyari kung kaya nga paglalakad nito paatras tumayo siya sa harapan ng dalawa nilang kalaban. Sa bola niya itinutok ang kaniyang mga mata nang pagpasapasahan iyon ng dalawa. Sa pagtakbo ng lalaking mahaba ang buhok sinalubong niya ito para maagaw ang bola. Ngunit hindi naman niya nagawa dahil sinipa nito patalikod ang bola patungo sa kakampi nitong naghihintay. Sinundan niyo iyon ng pagtulak sa kaniya. Huli na ang lahat para upang siya ay umiwas. Tumama ang blikat nito sa kaniyang dibdib. Buong lakas siyang bumagsak sa lupa, ramdam niya ang pagtama ng kaniyang likod, maging ang kaniyang ulo ay hindi rin nakaligtas. Naalog iyon sa tigas ng lupa. Tumatawa ang lalaking mahaba ang buhok nang iwanan siya nito. Hindi pa roon nagtapos ang lahat dahil sa pagbangon niya ay inumpong ng ikalawang lalaki ang ulo nito sa kaniyang noo matapos maipasa ang bola sa lalaing mahaba ang buhok. Hindi pa ito nakuntento sa basta umpog lang sapagkat maging ito ay binalibag siya, sa laki ng katawan nito mistula lang siyang naging papel. Hindi man siya dumadaing ang sakit mula sa kaniyang likod paakyat ng kaniyang leeg. Nakatanggap siya ulit ng malakas na tawa mula naman sa ikalawang lalaki sa paglayo nito sa kaniya. Imbis na bumangon kaagad nanatili siyang nakahiga sa kainitan ng araw habang pinagmamasdan ang malinaw na kalangitan. Isang tao nga lang naman siya na mayroong ibang hindi niya makakayang harapin nang mag-isa. Naipipikit pa niya ang kaniyang mga mata, hininhintay niyang bumalik sa dating bilis ang kaniyang paghinga. Binuksan niya lamang ang kaniyang mga mata nang maramdaman niyang mayroong lumapit sa kaniya. Bumungad sa kaniya si Aristhon na nakatayo sa kaniyang uluhan. "Ayos ka lang ba?" ang naitanong nito nang pagmasdan siya nito paibaba. Sinalubong niya ang mga mata nitong hindi naman nababahiran ng ano mang galit para sa kaniya. Imbis na sumagot sa naging katanungan nito aniya, "Bakit mo pinabayaan ang dalawa?" "Huwag mo na lang silang isipin," ang malumanay nitong sabi. Sa tono ng pagsasalita nito nasasabi niyang hindi nag-aalala ito na maka-iskor ang kalaban. Naupo siya sa lupa kasabay ng kaniyang paglingon. Naabutan niyang nasalo ni Ismael ang bola na sinipa ng lalaking mahaba ang buhok. Hindi man lang ito dumaing kahit walang sapin ang mga kamay sa pagsalo. Gumuhit ang inis sa mukha ng dalawang kalaban dahil sa nangyari. "Kaya naman pala," ang nasabi na lamang niya. "Varsity player iyan si Ismael nang kolehiyo," pagbibigay alam nito na hindi naman niya pinagtakhan. Alam niya rin naman kasing mayroong mga taong binayaan ng mga talento. Inilahad nito ang kanang kamay sa kaniya para tulungan siya sa pagtayo na hindi niya naman nakuhang tanggapin. Pinagmasdan niya lamang iyon sa kaniyang pagtayo habang pinapagpag ang kumapit na buhangin sa kaniyang suot. Sa pagbalewala niya sa intensiyon nito sumama na lamang ang mukha nito nang ipagpahinga nito ang kanang kamay sa tagiliran. Nabaling ang kanilang atensiyon sa pagsigaw ni Ismael. "Boss!" Malakas nitong sinipa ang bola patungo sa kanilang kinatatayuan. Lumampas iyon sa uluhan ng dalawa nilang kalaban. Habang nasa ere ang bola tumakbo na si Aristhon nang masalo nito iyon na siya ring pagsunod niya rito. Nagawa naman nitong masalo ang bola sa pagpatama nito sa dibdib sabay pinatalbog sa kanang paa. Humabol din naman ng takbo ang dalawang lalaki sa kanila na maraming dipa ang layo. Natigalgalan na lamang siya nang ipasa ni Aristhon ang bola patungo sa kaniya. Iniharang niya ang kaniyang paa bago pa iyon muling lumampas sa kaniya. Isinenyas na naman nito ang ulo sa huling pagkakataon para sabihin sa kaniya na siya ang sumipa sa bola. Sinipa niya naman ang bola pagkarating nila sa harapan ng goalie. Hindi niya inasahan na papasok ang bola sa net dahil hindi talaga siya nakapaglalaro minsan ng soccer. Ang inasahan niya ay mapipigilan iyon ng goalie, ipapasa sa kakampi't mababawi naman ni Aristhon. Hindi nga ganoon ang nangyari sapagkat pumasok ang bola sa goal, dumaplis lamang iyon sa frame na bakal bago tumama sa mismong net. Sa nangyari sumigaw ang ibang mga nanonood lalo na iyong mga sumusuporta kay Aristhon. Matapos niyon nakahinga siya nang maluwag, muli niyang pinagpahinga ang mga kamay sa dalawang tuhod habang hinihintay na bumalik sa dati ang kaniyang paghinga. Tumayo lamang siya nang tuwid sa paglapit ni Aristhon, nakuha pa nga siya nitong tapikin sa kaniyang balikat. Kapwa pinagpapawisan silang dalawa nang malala. "Tara na," pagyaya nito sa kaniya sa paglalakad nito patungo sa kanilang upuan. Nalingunan pa niya ang dalawang lalaki na patungo naman sa kinauupuan ni Gustavo. Lumakad na rin pabalik si Ismael na pinapagpag ang kamay. Nagkatagpo silang tatlo sa mahabang upuan kung saan naghihintay ang guwardiya hawak ang malamig na tubig. Tinapon ng guwardiya ang isa kay Ismael na nasalo ng huli nang isang kamay lang. Pagdating naman kay Ismael inabot lamang nito ang tubig. Kinuha na rin naman ni Aristhon ang isa pang tubig para sa kaniya at ito ang nag-abot. Nang mahawakan niya iyon idinikit niya ang tubig sa kaniyang pisngi nang maramdaman niya ang lamig niyon. "Sobrang init," reklamo niya. Hinubad niya na rin ang kaniyang polo't isinampay iyon sa mahabang upuan. "Ibibigay na ba sa atin ang premyo?" ang naitanong pa niya. Pinagmasdan siya nang tuwid ni Aristhon dahil sa pag-inom nito ng tubig. Tumataas-baba ang lalagukan nito sa bawat paglunok nito. "Basta pera ang bilis mo rin ano na oara namang ang laki," ang nasabi ni Ismael sa kaniya nang buksan nito ang tubig nito. "Ikaw ba, hindi?" hirit niya rito. "Hindi." "Huwag ka ngang magmalinis. Baka nga mas masahol ka pa sa akin." Nabaling niya ang kaniyang atensiyon kay Aristhon sa nasabi nito. "Iinumin mo ba iyong tubig mo o hindi? Kung ayaw mo ay akin na lang." "Nakainom ka na. Manghihingi ka pa." Binuksan na nga niya ang tubig sa pagpihit sa takip ng botilya. Hindi nga niya pinatagal pa ang mga sandali't mabilisang ininom iyon. "Hindi mo mahahawakan ang pera. Ipapadala mismo sa bank account mo. Pero bago mangyari iyon kailangan mong ibigay ang account name at number mo," pagbibigay alam nito kapagkuwan ay kinausap ang guwardiya. "Anong sabi ng warden?" "Pinapunta kayo sa opisina niya matapos ang laro," wika naman nito. Basta lang nitong tinapon ni Aristhon ang plastik na botilya sa tabi kaya napapatingin siya rito. Tiningan siya nito't sa paghakbang nito patungo sa kabilang ibayo ng ground. Sumunod naman sila ni Ismael rito kasabay ang guwardiya matapos niyang kunin ang hinubad na polo. Hindi niya naman maitapon ang plastik na botilya kaya hawak pa rin niya iyon. Sa paglapit nila sa tolda nagsimula na ring maghanda ang ibang mga preso para sa iba pang mga palaro. Hindi niya naiwasang tingnan si Gustavo na masama pa rin ang tingin sa kaniya. Minamasahe pa ng isa nitong tauhan ang balikat. Inalis niya rin naman ang tingin niya rito nang tuluyang makasilong sa tolda. Naroon pa rin sa likuran ng mahabang mesa ang warden kasama ang babaeng magarbong pulang blusa ang suot. Hindi niya man kita ang mga mata nito dahil sa suot nitong sunglasses alam niyang nakatitig ito sa kaniyang mukha. "Bakit kaya madalas kang manalo kahit gaano kahirap?" ang nasabi ng warden kay Aristhon. "Mahihina ang isinasali ni Gustavo," paliwanag ni Aristhon. "Akala niya siguro ay makakalamang sila sa laki ng mga katawan ng dalawa." "Marahil tama ka," ang nasabi ng warden sabay baling ng tingin sa kaniya. "Kumusta naman ang pananatili mo rito?" "Iyon ba talaga ang gusto mong malaman? Nag-aaba ka ngang gumawa ako ng pagkakamali," ganti niya rito na patanong din. Bigla na lamang itong tumawa na kita ang ngalangala. "Basta ba maging mabait ka magiging maayos ka rito," wika nito nang ipatong nito ang isang kamay sa mesa. "Magandang ngang sumali ka kay Aristhon. Marami siyang maitutulong sa iyo." "Hindi niya ako tauhan. Lahat na lang ng mga tao rito tingin sa akin ganoon porke't magkasama kami sa isang selda. Napapagod na akong mangtama," ang nasabi niya sa warden. Sa narinig binalik ng warden ang tingin kay Aristhon. "Hindi ba talaga?" paniniguro nito kay Aristhon. Hinawakan siya ni Aristhon sa kaniyang ulo't ginulo ang medyo basa niyang buhok ng pawis. "Magiging tauhan ko rin siya. Binibigyan ko lang siya ng panahon na ma-enjoy ang pagiging malaya," saad nito nang tingnan siya nito ng tuwid. Pinangpalo niya ang hawak na botilya sa kamay nito nang maalis nito iyon na ginawa rin naman nito. "Malabong mangyari ang sinasabi mo," hirit niya naman dito. Hindi na nasundan pa ang mga sinabi niya sa muling pagtawa ng warde na nang sandaling iyon ay nakatingin sa babae. "Nakakatuwa sila, hindi ba?" tanong pa nito na hindi rin naman sinagot ng babae. Sa hiyang naramdaman ng warden tumayo na lamang ito nang tuwid na inaayos ang suot na uniporme. "Huwag mo nang subukang makipag-usap sa kaniya," ang nasabi pa ni Aristhon. "Kaya nga. Wala naman akong masamang intensiyon," ang naisatinig pa ng warden. "Mayroon naman akong itsura. Galit ata siya sa mga lalaki. Sa kaniya lang hindi gumagana ang mga teknik ko." Sa naging pag-uusap ng dalawa pinagmasdan niya ang babae sa pagtayo nito. Itinulak nito nang bahagya ang upuan nang makatayo ito nang tuwid kasabay ng pagbagsak ng laylayan ng suot nitong blusa. Kinuha pa nito ang malapad na sombrero't isinuot iyon lahit mayroong bubong ang pupuntahan nilang opisina. "Pero puwede ring huwag mo siyang sukuan. Malay mo mahulog siya sa iyo," ang nakuha namang sabihin ni Aristhon. Gumuhit sa labi ng warden ang matamis na ngiti. "Oo nga no," pagsangayon naman nito kay Aristhon sabay baling sa babae. "Puwede kaya?" dugrong nito para sa bisita. Hindi naman ito pinansin ng babae sa pagtingin nito sa relo. Tinapos pa nga ito iyon sa para nalaman ng warden ang oras. Naintindihan ng warden ang naisi iparating ng babae kaya nagpatiuna na ito sa paglalakad sa pag-alis ng tolda. Sumunod sa warden si Aristhon habang nasa hulihan sila ni Ismael kasam ang guwardiya. Kumunot na lamang ang kaniyang noo nang sumabay sa paglalakad ni Aristhon ang babae, nagkatinginan pa ang dalawa na walang lumalabas sa bibig ng mga ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD