"Saglit lang po ate ha. Les, pasok kana sa loob ako na bahala nitong mga dala mo," sabi niya dito. Tumango lamang naman ito at pumasok na sa loob ng tindahan. Tsaka niya pinulot ang mga nahulog nitong mga dalang pasalubong. "Ano po sayo Ate?" tanong nito sa aleng bumibili. Hindi na niya naituloy ang pagpulot dahil pinagmasdan na lamang niya ito habang inaassist ang costumer. Hindi niya maipaliwanag ang nararamdaman ng mga sandaling iyon habang pinagmamasdan ito. Napakaganda nito habang nagtitinda, kapag ganito kaganda ang kanyang tindira baka mapaaway pa siya sa mga lalaking costumer. Tsaka iyong feeling na, katulong niya itong magtinda o magmanage ng sarili nilang bakery. Nasisiyahan siyang isipin ang bagay na iyon, may hatid na kung ano sa kanyang puso. Kung sana girlfriend na niya