Ilang sandali ng nakaalis si Leslie pero heto at nakatitig pa rin siya sa pintuang nilabasan nito. Parang hindi pa rin nagsisink-in sa utak niya ang mga sinabi nito. Hindi niya matanggap na matapos ang lahat, ganon lang iyon? Samo't-sari ang naglalaro sa kanyang isipan, biro lang ba ang lahat kay Leslie? O talagang para dito ay normal na ang pagbibigay ng sarili nito sa isang lalaki. Hindi ba nito naramdaman ang sensiridad ng pagtatapat niya dito? O baka pinagtatawanan lamang siya nito, lahat ba para dito ay biro? Maya-maya ay tumayo na rin siya para magawa ang mga dapat niyang gawin, oras na kasi para mamili ng para sa hapunan at maglista ng mga kakailanganin ng mga baker niyang pang-gabi. Nakaugalian na niyang i-check ang mga kagamitan tuwing hapon para na rin maiwasang kulangin sila n