Chapter 5

2349 Words
Hindi malaman ni Leslie kung tatakbo ba pabalik sa pinanggalingan, lilingon sa ibang deriksyon o kung hahayaan nalang na tuluyang lumapit dito. Hindi niya akalaing makikita niya si Jayson dito. "Baby, bakit ba para kang sinisilihan diyan? Halika na at ipapakilala kita sa mahalaga kong bisita," sabi sa kanya ng matandang si Mr. Tantico. "Dyosko! Putek na matanda to! At BABY pa talaga ang tawag sa'kin!" reklamo niya sa sarili. Nagpatuloy na siya sa paglakad palapit sa matanda, hindi naman niya matagalan ang titig ni Jayson sa kanya. Kung maari lang sanang hilingin niya na bumuka nalang ang lupa at lamunin siya nito ginawa na niya. Parang nanlalambot ang kanyang tihod at pinagpawisan pa siya ng butil-butil ng tuluyan na silang makalapit sa lalaki. Masama pa naman ang pakiramdam niya baka himatayin siya ng wala sa oras nito. "Ano ka ba naman Leslie! Baliw ka na ba? Ei ano kung andiyan si Jayson? Alam naman niya ang nature ng trabaho mo diba? Pakialam mo ba sa iisipin nya? Kelan kapa nagkaron ng pakialam sa sasabihin ng iba?! My God! Ano na bang nangyayari sakin?!" inis na sabi niya sa ng kanyang isipan. Umayos siya ng tayo, taas noo at taas dibdib ano ba naman kung mag-isip ito ng masama sa kanya. So what?! Mas mahalaga sa kanya ang datung no! "Mr. Ponzalan, I want you to meet my baby Rosa, one of my.... lam mo na," masayang pakilala sa kanya ng matanda, tumatawa pa nga ito lalo naman siyang tila sinilihan dahil sa pagpapakilala ng matanda sa kanya. Kung pwede lang sana niya itong kutusan kanina pa niya ginawa. "Pesteng matanda to! Isinama pa ako sa mga babae nya!" inis na palatak niya sa sarili. "Baby, siya si Mr. Ponzalan ang batang-bata at napakabait kong kaibigan. Siya ang gagawa ng cake ko para mamaya, isa siyang baker, napakagaling niyang gumawa ng cake, talo pa ang cake na gawa sa five star hotel kaya siya talaga ang hinire ko," excited na pakilala nito kay Jayson, halatang malalim talaga ang pinagsamahan ng dalawa. Kelan pa naging close ang mga ito, ni sa hinagap niya hindi niya akalaing magkikita talaga sila bilang siya na umaakteng na babae ng matanda at ito naman kaibigan o hinire ng matanda. Grabe namang magbiro ang tadhana, pakiramdam tuloy niya mas lalong bumaba ang tingin nito sa kanya. Ngumiti siya ng bahagya kay Jayson. "Hi," tipid na bati nito sa kanya, sabay abot ng kamay para makipagkamay. Ngumiti lang siya dito, nag-aalangan siyang tanggapin ang kamay nito ngunit baka magtaka ang matanda kapag ginawa niya iyon. Ngunit hindi niya maintindihan ng ganap na magdaop ang kanilang mga palad. Tila may kuryenteng dumadaloy doon kaya agad niyang nabitawan ang kamay nito. "Have a set Mr. Ponzalan," nakangiting sabi ni Mr. Tantico dito. Tumalima naman ang lalaki, siya naman ay giniya ng matanda na umupo sa katapat nitong mahabang sofa sabay akbay sa kanya. Parang nais niyang iwaksi ang kamay nito na nasa kanyang balikat, hiyang-hiya na talaga siya kay Jayson. Samantala si Jayson naman ay parang sinisilihan sa upuan. Parang nais niyang manapak ng matanda dahil sa pasimpleng paghimas- himas nito sa sexyng balikat ni Leslie. Napapansin naman niyang tila ilang na ilang si Leslie marahil nahihiya ito sa kanya. Iniiwas niya ang paningin dito dahil ayaw niyang makaramdam ito ng pagkailang sa kanya. Trabaho nito iyon kaya ano bang karapatan niya. "Hijo, maaari ka na munang magpahinga dahil mamaya pa namang gabi ang party hindi ka naman siguro aabutin ng ilang oras sa pagbi-bake diba? Alam kong napagod ka sa pagdadrive patungo dito," sabi ng matanda kay Jayson. "Hindi na po Sir, kailangan ko na po kasing gumawa ng mamon para mamaya ei iicingan ko nalang," tugon niya dito. "O sige, ikaw ang bahala," sabi nito sa kanya, tsaka tinawag ang lalaking sumalubong sa kanya. Sinabi nito na ito na ang bahala sa kanya, kung may itatanong daw siya dito nalang itanong at kung may mga kakailanganin sabihin nalang niya dito. Tumango nalang siya dito. "Baby, lika sa room imassage mo ako ha," malambing na sabi ng matanda kay Leslie, hindi naman niya napigilan na magsalubong ang kilay. Napansin niya na automatikong napatingin sa kanya si Leslie, namumula ang mukha nito habang bahagyang nanlaki ang mga mata. Hindi niya mawari kung bakit ganon ang reaksyon nito pero nagtama ang kanilang mga mata ngunit agad itong nagbawi ng tingin. "Pano hijo, maiwan kana muna namin diyan ha. Kailangan ko ng masahe para lumakas ako mamaya sa party," sabi ng matanda sa kanya, kumindat pa ito na parang nakakaloko. Ngumiti si Jayson dito, iyong tipo ng ngiti na ngiting aso. Muli naman siyang tumingin kay Leslie ngunit umiwas lang ito sa kanya ng tingin. Tumayo na ang matanda at marahan nitong hinila si Leslie. Nasundan nalang niya ng tingin ang mga ito at tila sasabog ang kanyang dibdib ng makitang hinawakan ng matanda sa pwet si Leslie at bahagyang pinisil iyon. Pakiramdam niya ay nais niyang sugurin ito at pilipitin ang malikot nitong kamay. Naipilig niya ang ulo dahil sa pakiramdam na iyon, ano ba ang karapatan niyang makaramdam ng ganito? Hindi naman niya kaano-ano si Leslie, isa pa ginagampanan lamang nito ang trabaho nito. Marahas siyang tumayo sa sofa at kinuha na ang ilang gamit niya sa pangdecorate ng cake. Mas minabuti na niyang gawin agad ang cake para maaga din siyang makaalis, wala na siyang balak umattend pa ng party ng matanda. Isang malaking 5 layer cake ang nais ng matandang gawin niya iba pa ang maliliit na cakes at cupcakes na nais din ng matanda na gawin niya. Samantala sa kwarto. "Baby, lika na simulan mo na akong masahihin," malambing na sabi ng matanda kay Leslie. Ngumiti ng napakatamis si Leslie sa matanda, at hinawakan ito sa baba. "Baby, diba sabi ko sayo masama ang pakiramdam ko. Sasayaw pa ako mamaya sa birthday mo, baka hindi ako makapagperform niyan," malambing na sabi niya dito. Palusot lamang niya ito dito dahil parang hindi niya kayang makipagniig sa matandang ito lalo pa at nasa iisang bahay sila ni Jayson. Isa pa talagang dahilan ay masama pa ang kanyang pakiramdam, uminom na siya kanina ng gamot para sa trangkaso pero hindi pa rin siya gumaling pakiramdam nga niya lalo pang lumala ang kanyang sakit ng makita niya si Jayson. "O sige, matutulog nalang tayo baby para naman malakas ka mamaya. Marami akong mga kaibigan at kasosyo sa negosyong sabik na makita ang pagsayaw mo. Baka mapahiya ako kapag nagkaganon," sabi ng matanda sa kanya na nooy tila hayok na hinahalik-halikan ang kanyang palad. "Salamat baby, napakagwapo mo talaga. " malandi niyang puri dito kahit ang totoo'y nasusuka siya sa pinagagagawa nito lalo pa kapag tinatawag niya itong 'baby'. Tuwang-tuwa naman ang matanda at animo kilig na kilig sa pagpuri niya dito. Iyon lang at nahiga na ang dalawa sa kama, nagkunwari siyang tulog hindi kasi siya makakatulog kahit pa sabihing masama ang pakiramdam niya. Ang unang dahilan ay si Jayson na nandiyan lamang sa paligid at ang pangalawa ay ang mal*bog na matandang kanyang katabi na walang sawang pinapakialaman ang maseselang bahagi ng kanyang katawan. Pero wala iyong epekto sa kanya, dahil ang laman ng isipan niya ay si Jayson. Samantala... Sa kusina kung saan nagbebake si Jayson, hindi siya makapagconcentrate sa ginagawa tila lutang ang kanyang isipan dahil pati ilang mamon niyang binake ay puro bagsak hindi umusbok. Mabuti nalang at maraming stock na cake flour dito at iba pang engredients kaya ayos lang kahit makailang gawa siya. Sa totoo lang ang isip niya ay nasa kwarto na pinasukan ni Leslie at Mr. Tantico, ano na kaya ang ginagawa ng mga ito? Totoo bang nakikipagganon si Leslie sa isang matanda? Ilang tanong na gumugulo sa kanyang isipan, pilit niyang iwinawaksi ngunit alam na alam naman niya ang kasagutan. Pero bakit nga ba siya nagkakaganito? Gulong-gulo na rin siya sa sarili, dahil ba kakilala niya ito? Dahil ba kaibigan ito ni Charlotte kaya nagkakaganito sya? Napailing-iling nalang siya, naihilamos niya ang kamay sa kanya mukha. Nakaupo siya noon dahil hinihintay niyang maluto ang mamon na kanyang pangatlong salang. Ang naunang dalawa ay sira, hindi umusbok kaya heto at pangatlo na niya itong try sana naman maayos na niya itong nagawa. "Ano bang nangyayari sakin? First time na nangyari sakin na masiraan ng cake na ginagawa , noon naman kahit problemado ako kay Chatlotte never ako nasiraan ng cake. Pero kay Leslie.... Aissttt!" inis na sabi niya sa sarili tsaka marahas na tumayo dahil narinig na niya ang pagclick ng oven, tanda na luto na ang mamon. Nakahinga siya ng maluwag ng makitang maayos na ang pangatlo niyang gawa. At naging maayos na rin ang iba pa niyang ginawa. Pinalamig na muna niya ang mga ito saka nilagyan ng design. Gabi oras ng party... Isang magarbong party ang naganap. Sa malawak na bakuran ng bahay bakasyunan na iyon. Hindi pinayagan ni Mr. Tantico si Jayson na umalis kaya napilitan siyang magstay nalang dito. Kanina nakita niya si Leslie na kasama ng matanda pero ngayon hindi na niya ito makita nag-aalala siyang baka kung napano na ito. Nagtungo siya sa loob ng bahay para iutos sa tauhan ng matanda na ilabas na ang ilan pang reserbang cake. Paliko na siya sa may kusina ng makita si Leslie na nakatayo sa may sulok. Nakapikit ito at medyo namumutla habang hawak ang sintido. Lumingon-lingon muna siya sa paligid bago linapitan si Leslie. Agad niyang sinalat ang noo nito na nagpaigtad naman sa babae. Agad itong napamulat at nanlalaki ang matang napatingin sa kanya. "J-Jayson?" banggit nito sa pangalan niya. "Bakit hindi ka magpahinga, inaapoy ka ng lagnat," nag-aalalang sabi niya dito. "Ahmm, h-hindi maaari ei malapit na ang oras ng pagsasayaw ko," tila nauutal na sagot nito. May nakita siyang plastic na upuan kinuha niya iyon at pinaupo ito. "Anong pagsasayaw? Magsasayaw ka pa sa lagay mong iyan?" kunot noong tanong niya dito. "Oo Jayson, trabaho ko iyon ei. Sayang naman, malaki pa naman magbayad si Mr. Tantico," sagot nito sa kanya na noo'y nakapikit na ulit habang hinahagod ang sintido. Awang-awa siya dito, halata kasi sa mukha nito ang sakit na nararamdaman. Hinagod niya ito tingin at parang nais niyang magsisi sa ginawa. Napako ang kanyang mata sa malalim na pagitan ng dibdib nito, na nooy malapitan niyang nasisilayan, agad na iba ang hatid niyon sa kanya. Napakaganda nito habang nakapikit, hindi iyong tipo ng gandang enosente ngunit iyong gandang palaban. Ngunit kapag wala itong make up, hindi ganon ang itsura nito, maamo ang mukha nito at animo parating nakangiti ang mata nitong palaging nagniningning kung tumingin. Napailing siya sa isiping iyon, kailan pa niya na notice ang pagkakaiba ng ganda nito kapag nakamake up at walang make up. Napasulyap siya sa makinis at mahahaba nitong hita na nakahantad. Maging ang tiyan nitong flat na flat na perpekto ang hugis idagdag pa ang malusog nitong dibdib na nooy nakaluwa na sa suot nito. Agad na naghurimintado ang kanyang alaga na ikinainis niya, may sakit na nga iyong tao kung ano-ano pa ang naiisip niya. Pasimple niyang inipit ang nabuhay na bagay na iyon dahil baka makita pa ito ni Leslie. "Uminom ka na ba ng gamot? Kung hindi pa ibibili kita or magtatanong ako sa katulong ni Mr. Tantico baka meron sila dito. Para sa trangkaso nalang dahil sa tingin ko trangkaso iyang dumapo sayo," nag-aalalang sabi niya dito. "Kanina pagkatapos kitang makausap sa phone uminom ako ng gamot,akala ko nga nawala na iyon pala hindi. Wag ka ng mag-alala Jayson, magiging okey din ako," sabi nito habang nakapikit. "Tingnan mo nga at parang hindi mo kayang gumalaw, tapos sasayaw ka pa. Gusto mo kausapin ko si Mr. Tantico para—," "Wag!" putol nito sa sasabihin niya. "Pero..." "Wag Jayson, kailangan ko ang trabahong iyon. Alam mo naman ang sitwasyon ko diba? Lalo pa at kailangan ng mabayaran ang tuition fee ng kapatid ko," pahayag nito, noo'y nakamulat na ito at nakatingin sa kanya. "Wag ka ng sumayaw! Mas mahalaga pa rin ang kalusugan mo!" medyo umangat na ang boses niya, naiinis kasi siya kalagayan pa rin ng pamilya nito ang iniisip kahit ganito na ang kalagayan nito. "Ehh? Ano kaba naman, okey lang ako. Pagkatapos kung sumayaw iinom ako ng gamot para tuluyan ng mawala ito," tila naguguluhan ito sa inaasal niya pero wala siyang pake. "Hindi ka magsasayaw at ibibilad iyang katawan mo sa mga kalalakihan sa party!" galit na sabi niya dito, hindi rin niya alam kung bakit siya nagagalit. "Ha?! K-Kailangan ko ang trabahong ito Jayson! Bakit ka ba kasi nagkakaganyan? Kailan ka pa nagkaron ng pakialam sa trabaho ko?" tila gulong-gulo na ito sa inaasal niya kahit siya ay talagang naguguluhan na rin sa sarili. "Ngayon! Ngayon lang dahil tingnan mo nga ang kalagayan mo Leslie, sa ayaw at sa gusto mo hindi ka magsasayaw. Ako na ang bahala sa tuition fee ng kapatid mo," may diing sabi niya dito. Napakunot noo ito. Tinitigan siya sa mata. "Bigyan mo ako ng magandang dahilan Jayson kung bakit bigla-bigla ay naging concern ka sakin. Na pati tuition fee ng kapatid ko ay handa mong ibigay. " seryosong sabi nito sa kanya habang deritsong nakatitig sa kanyang mga mata. Natuliro naman siya sa sinabi nito, kahit kasi siya ay hindi malaman kung ano ba talaga ang dahilan. Hindi siya agad nakasagot pero mas pinili niyang idahilan dito ang nangyari kagabi. "I-isipin mo nalang na iyon ang kabayaran ko sa panggugulo ko sayo kagabi," sabi niya. Tila nalungkot ito ng marinig ang sinabi niya. Nagbaba ito ng tingin at bumuntunghininga. "Mam, pinapatawag po kayo ni Mr. Tantico," sabi ng isa sa mga kasambahay na lumapit sa kanila. Sabay silang napalingon dito. Tumayo si Leslie sa upuan, hinawakan naman niya ang braso nito para pigilan. Iwinaksi nito ang kamay niyang nakahawak sa braso nito. "Wag mong guluhin ang tahimik kong mundo Jayson! Hindi ko matatanggap ang pera mo, kung gusto mo ikama mo muna ako bago ko matatanggap ang pera mo!" mapait ang himig ng boses na sabi nito tsaka siya tinalikuran. Naiwan naman siyang natitigilan dahil sa sinabi nito. ITUTULOY
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD