"Ouch! Sakit ng ulo ko," daing ni Jayson kinabukasan ng magising siya, napadami pala ang nainom niya kagabi.
Tiningnan niya ang relong pambisig at napabalikwas siya ng bangon ng makitang alas sais na pala ng umaga.
May order pa naman ng cake na pang alas siyete, agad siyang naligo at nagtungo sa gawaan para gawin ang order na wedding cake.
Samantala sa bahay nina Leslie, nananatili siyang mulat at iniisip ang mga pinagsasabi ni Jayson kagabi. Mabuti na lamang at na-wrong call ito kung hindi baka nagkaproblema pa ang mag-asawang Charlotte at Denver.
"Ate, nakaluto na ako ng almusal bumangon ka na para makasabay ka naman naming kumain. Palagi ka nalang kasing tulog sa umaga, ayan tuloy namimiss ka na namin," sabi ng kapatid niyang si Angel, matapos nitong katukin ang pinto.
Ayaw sana niyang bumangon at lalong wala sana siyang ganang kumain ngunit ayaw naman niyang biguin ang mga ito. Palagi na nga lang naman siyang hindi nakakasabay ng mga itong kumain, kung hindi siya tulog nasa ibang lugar naman siya.
Hindi niya alam kung hanggat keylan siya mabubuhay bilang ganito. Bilang bayarang babae na wala na yatang kapaguran,kumita lamang ng pera. Pero syempre para sa pamilya naman niya ang lahat kaya papano siyang mapapagod? Kahit kailan hindi siya mapapagod para sa pamilya niya. Kahit pa ikamatay niya ito.
Siguro nararapat lamang na mas tibayan pa niya ang pagiging bato ng kanyang puso pagdating kay Jayson, dati-rati naman bato ang puso niya pero simula ng makilala niya si Jayson hindi niya maipaliwanag ngunit parati nalang tila wala sa sarili ang kanyang puso.
Parang hindi na niya kilala ito, akala nga niya nababaliw na siya ei. Hindi niya akalaing may tao palang magdudulot ng ganitong gulo sa kanyang puso. Patunay nalang ang nangyari kagabi, hanggang sa nakatulog si Jayson puro pangalan ni Charlotte ang kanyang naririnig na nagdudulot naman ng ibayong sakit sa kanyang puso. Hinayaan lamang niya itong ilabas lahat ng sama ng loob nito. Alam kasi niyang hindi madali ang pinagdadaanan nito.
"Ate?" muling tawag ni Angel sa kanya.
"Oo, susunod na ako," sagot nalang niya.
Naghilamos lang siya at nagsuot ng bra bago lumabas ng kanyang kwarto. Masayang nagsalo-salo ang pamilya sa almusal na iyon, mamaya kasi bago maglunch aalis siya dahil tinawagan siya ni Mr. Tantico para isama nanaman sa out of town nito.
Ayaw sana niyang tanggapin ang trabaho ngunit nanghinayang din siya. Malaki pa naman itong magbayad, tsaka hanggang romansa nalang ang nagagawa ng matanda. Hindi na kasi nito kayang magpaligaya pa ng babae. Kailangan lang nito ng display sa mga kaibigan nitong negosyante. Kailangan pa naman niys ng pera para sa pangmatrikula ni Jing ang sumunod sa kanyang kapatid na babae.
Sa Bakery...
Napakarami ng order na cake ang ginawa ni Jayson kaya ng matapos sa mga iyon ay umakyat muna siya sa kwarto para magpahinga ng konti. Masama pa rin kasi ang pakiramdam niya dahil sa hang over parang binibiyak ang kanyang ulo.
Nahiga siya sa kama at tila hapong pumikit, nais niyang maidlip kahit konting oras lamang. Inaagaw na siya ng antok ng marinig niyang tumunog ang kanyang cellphone, hinanap niya ito at natagpuan sa ilalim ng kanyang unan.
Nang tingnan niya ito, si Mr. Tantingco pala ang tumatawag. Isang negosyante ito na minsang umorder sa kanila ng cakes para sa event ng mga ito sa company. Nagustuhan ng matanda ang lasa at design ng kanilang mga cakes sabi pa nga nito walang binatbat ang lasa at design ng cakes na mismong gawa ng hotel na pinagdausan ng party.
Matandang biyudo ito, mayaman at mahilig sa mga party. Marahil tumatawag ito dahil baka may party itong dadaluhan at mag oorder ng cake sa kanya.
"Hello Sir, napatawag po kayo. Anong atin?" magalang niyang tanong dito.
"Mr. Ponzalan! I'm glad sinagot mo ang tawag ko," masiglang bungad ng matanda. "May nais sana akong i-offer sayong trabaho. May gaganaping party sa isa sa mga bahay bakasyunan ko sa Batangas nais ko sanang ikaw ang gumawa ng cake para sa event at syempre iniimbita na rin kita. Sa katunayan, kaarawan ko ngayon at doon ko nais ganapin. Sinadya kong hindi magpagawa ng cake para matikman din ng mga mahahalaga kong bisita ang sarap ng lasa at linamnam ng cake mo. At baka makatulong na rin para mas lumakas pa ang sales mo hijo," mahabang pahayag muli nito.
Napawow si Jayson dahil sa narinig.
"Oo naman Mr. Tantico sino ba ang makakatanggi sa napakagandang offer na yan, anong oras po ba at pakitext nalang ang eksaktong address para makapunta agad ako. Basta sigurado po na kompleto ang kakailanganin ko sa inyong kusina ei wala pong problema iyon. Dadalhin ko nalang din po ang ilang pang-decorate ko," nasisiyahang sagot niya dito.
"No problem Mr. Ponzalan, basta ba ikaw ay tutupad sayong pangako ei lahat ng kailangan mo ay handa kong i-prepare. So, okey na tayo? Itetext ko ang exact location para makabiyahe ka na rin. Ako kasi ei paalis na kasama ang aking chikababe, alam mo na. Kelangang may maganda at bata tayo sa tabi para mas ganahan at lumakas pa ako," masayang sabi muli nito.
Natawa siya dito, kahit kasi matanda na ito ay napakapilyo pa rin pagdating sa mga babae. Kabi-kabila ang babae nito palibhasa ay mayaman at talaga naman ito ay galante sa mga babae nito.
"Sige po Sir, makakaasa po kayong makakarating po agad ako diyan," magalang ns pasasalamat niya dito.
"Good, salamat naman," sabi ng matanda bago pinatay na nito ang tawag.
Napasuntok sa hangin si Jayson, malaki nanaman ang kikitain niya nito at baka makahakot pa siya ng ibang costumer pag nagkataon. Tiningnan niys ang relong pambisig at napangiti siya ng makitang maari pa siyang matulog ng kahit isang oras, kelangan din niyang makapagpahinga kahit saglit para hindi maapektuhan ang trabaho niya sa Batangas. Napailing siya ng maalala ang pag iinom niya kagabi, at nagkalakas pa siya ng loob na tawagan si Charlotte. Hindi naman niya maalala kong ano ang pinagsasabi niya.
Tinap niya ang call log, at agad na napakunot ang noo niya.
"T-Teka bakit name ni Lesly ang nandito?!" gulat na gulat na tanong niya sa sarili.
Tiningnan niya ang oras, date at araw pati na kung ilang tawag ang ginawa niya.
"Oh God! Ten calls! Ibigsabihin siya ang kausap ko sa buong magdamag?!" di makapaniwalang bulalas niya sa sarili.
Napakatanga naman niya para hindi iyon matuklasan agad o talagang lasing lamang siya. Natampal tuloy niya ang noo dahil sa katangahang nagawa niya. Ano nalang ang sasabihin sa kanya ni Leslie? Ano na lang ang iisipin nito sa kanya? Pero agad na napakunot ang kanyang noo.
"Teka?! Kelan pa ako nagkaroon ng paki sa iisipin at sasabihin niya tungkol sakin? Nababaliw ka na ba Jayson? Bakit nagkakaganyan ka kay Leslie samantalang si Charlotte ang mahal mo? Nasisiraan ka na talaga ng bait!" tila timang na kausap niya da sarili.
Nagpasya siyang matulog nalang kesa isipin pa ang katangahang kanyang nagawa. Ngunit ilang saglit na ang nakalipas ei hindi pa rin siya makatulog, iniisip pa rin niya ang nagawa at curious siya kung ano ang iniisip sa kanya ni Leslie ngayon.
Sa tingin niya hindi na rin siya makakatulog nito. Kinuha niya ang cellphone at matagal na tinitigan iyon. Nag iisa't dalawa siya kung tatawagan ba niya si Leslie para makahingi ng pasensya sa nagawa kagabi o hindi na.
Napabuntunghininga siya at pikit matang pinindot ang number ni Leslie, nagring iyon.
"Sh*t! Bahala na nga!" kinakabahang sabi niya sa sarili.
Ilang saglit lang at sinagot na iyon ni Leslie.
"Oh, J-Jayson anong atin?" bungad nito.
"Les....ahmmm... Yong ano, yong tungkol kagabi..." tila nauutal na sabi niya dito.
"Ah, i-iyon ba? Okey lang yon, naiintindihan ko naman iyong pinagdadaanan mo," malumanay na sabi nito kahit medyo nabubulol.
"Geesshh! Ano kayang mga nasabi ko sa kanya kagabi?! Itanong ko kaya?!" sabi niya sa sarili.
"Uhmmm, may mga nasabi ba akong masama kagabi? P-Pasensya na talaga Les, nawrong call pala ako sayo," nahihiyang paumanhin niya dito.
"Okey lang yon Jayson, wala naman. About lang sa kung gaano mo kamahal si Charlotte at paulit-ulit mong tinatawag ang pangalan niya habang umiiyak ka," sagot nito, kababakasan ng bahagyang lungkot ang boses nito.
Hindi niya alam kung tama ba ang pagkakarinig hinala niya o talagang siya lang iyong mapaghinala.
"S-Sorry talaga Les, nakakahiya ang ginawa ko," muli niyang hinging paumanhin dito. Naiinis siya, bakit ganito ang kanyang pakiramdam? Pakiramdam kasi niya nagkasala siya dito at nsaktan niya ito, pero bakit naman?
"Ano kaba Jayson, naiintindihan kita kaya wag mo ng isipin yon," matamlay nitong sagot na napansin nanaman niya.
"S-Salamat Les, may sakit ka ba?" di na siya nakatiis at tinanong na niya ito.
"Ah, masama ang pakiramdam ko kagabi at hanggang ngayon pero heto ako at patungong Batangas may costumer kasi ako doon. Hinihintay ko lang ang driver na susundo sakin," matamlay na sagot nito.
Parang may kung anong kumurot sa kanyang puso ng marinig iyon. Hindi niya mawari kung dahil ba sa kasalanan niya kaya hindi pa ito gumaling o dahil may costumer itong pupuntahan. Naipilig niya ang ulo dahil sa isiping iyon.
"O sige na Les ha, salamat at pasensya na ulit. Uminom ka muna ng gamot bago ka magbiyahe para pagdating mo doon ei hindi na masama ang pakiramdam mo. Naggi-guilty tuloy ako sa nagawa ko sayo,imbis na nagpapahinga ka kagabi,nagambala pa kita," sabi niya dito.
"Ikaw talaga, paulit-ulit ka. Okey lang nga yon, tsaka salamat sa pagpapaalala ng gamot hindi pa nga pala ako umiinom non kaya ganito pa rin pakiramdam ko. Sige na, Jayson andito na ang sundo ko," sabi nito.
"Okey, s-sige mag-iingat ka," sabi niya dito, yon lang at pinatay na nito ang tawag.
Napabuntunghininga siya at nagpasya na ring gumayak para sa pagpunta niya sa Batangas. Halos tatlong oras din ang biyahe niya patungong Lipa Batangas kung saan naroroon ang bahay bakasyunan ni Mr. Tantinco.
Hindi naman siya nahirapan na hanapin ang mismong bahay bakasyunan nito. Ipinasok niya sa maluwag na gate na binuksan ng isang lalaki ang kanyang kotse. Pagka-park niya sa parking area, tila alam na ng may edad na lalaki ang gagawin tinulungan siya nitong ipasok ang ilang mga gamit na kakailanganin niya sa trabaho at maging ang maliit niyang bag na naglalaman ng ilang damit niya.
Pinaupo muna siya nito sa sofa at sinabing hintayin nalang doon si Mr. Tantinco tsaka dinala nito kung saan ang kanyang gamit. Hindi naman siya nainip sa hinihintay ng mapansin ang matandang lalaki na papalapit sa kinaroroonan niya, napakalawak ng ngiti nito tila galak na galak na makita siya.
Napangiti na rin siya dito, napakabait kasi nito sa kanya sa ilang beses kasi na nagkita sila nito ei napatunayan niyang mabuti itong tao dangan nga lang at babaero. Lumingon ito sa likuran at animo may tinatawag. Napatingin naman siya sa direksyon ng tinitingnan nito. At ganon nalang ang panlalaki ng kanyang mata ng mapagsino ang babaeng papalapit dito. Parang slow motion ang mga pangyayari...
"L-LESLIE?!" bulalas niya sa kanyang sarili. Kahit medyo malayo pa ang mga ito, hindi siya maaaring magkamali dahil kahit siguro nakatalikod pa ang babae ay makikilala at makikilala agad niya ito.
Si Leslie naman hindi pa napapansin si Jayson. Kaya ganon na lamang ang gulat niya ng makita si Jayson na nakatayo at nakatingin sa kanya na tila gulat na gulat.
"J-JAYSON?!" gulat na sabi niya sa sarili.
ITUTULOY