Chapter 6

1717 Words
Sinundan ni Jayson si Leslie na noo'y nagtungo na sa bulwagan. Nais niya itong pigilan ngunit sino nga ba naman siya para pigilin ito, trabaho naman nito iyon. Ngunit sa kaibuturan ng kanyang puso nais niyang gawin ang lahat para hindi lamang ito matuloy sa pagsasayaw. Dumako siya sa karamihan, ayaw niyang mapansin nito. Nagsimula ang maharot na musika, at sabay-sabay na naghiyawan ang mga bisita. Karamihan ay kalalakihang may mga edad na rin kaya naman halos lumuwa ang mga mata ng mga ito ng magliwanag sa tila entabladong sadyang ipinagawa ni Don Tantico para siguro dito sumayaw si Leslie. "Tang*nang matanda ito! Pati si Leslie, ginagamit maging sikat lamang ito sa mga partners nito sa negosyo! Akala ko pa naman matino ang h*yop na to!" galit na sabi ni Jayson sa sarili habang matalim na nakatitig sa matandang tuwang-tuwa sa pagsayaw ni Leslie na kaakit-akit. Parang nais niyang magwala ng mga oras na iyon, sirain ang kasiyahang iyon at dukutin ang mga mata ng mga kalalakihang malaswang nakatingin sa katawan ni Leslie na halos nakahantad na. Patuloy lamang sa maharot na pagsayaw si Leslie, nakangiti ito pero hindi umaabot sa mga mata nito ang ngiti, ramdam niya na parang wala ito sa mood sumayaw, halata rin sa mukha nito na masama pa rin ang pakiramdam nito. Pansin niya nga na nagbubutil-butil ang pawis nito sa noo, kitang-kita niya iyon dahil malapit lamang siya dito. Bigla itong napatigil at agad na napahawak sa ulo. Napaboooo naman ang mga tao, na ikinabwesit niya. Mga sira ulo, masama na nga ang lagay ni Leslie, puro pa kalib*gan ang naiisip ng mga hinayupak. Nakita niyang parang pilit pang magpapatuloy si Leslie ngunit nagulat ang lahat ng biglang bumagsak si Leslie sa sahig. Agad naman siyang tumakbo para saklolohan ito. Hinubad niya ang kanyang suot na coat at agad na ibinalabal iyon kay Leslie, animo naman natuklaw ng ahas ang mga nandoroon maging si Mr. Tantico ay hindi rin nakahuma ng buhatin niya si Leslie palabas ng bulwagan. Nakita niya ang lalaking katiwala kaya naman nakiusap siya ditong samahan siya para madala si Leslie sa ospital. Laking pasasalamat naman niya ng pumayag ito. Ito ang nagbukas ng pintuan ng kotse at maingat niyang isinakay si Leslie. "Manong, marunong po ba kayong magdrive? Maaari po bang kayo na ang magmaneho? Mas gamay nyo po ang lugar na ito at kayo ang nakakaalam ng pinakamalapit na ospital ei," tanong niya dito. "Opo Sir, sumakay na po kayo," sabi nito. Sumakay na nga siya sa kotse. Isinandal niya ang ulo ni Leslie sa kanyang balikat at tsaka niyakap ito. Awang-awa siya sa babae, kung bakit kasi hindi ito nakinig sa kanya. Dalangin niya na sana ay okey lamang ito. Hinawi niya ang buhok na nakatabing sa pisngi nito, napakaganda pa rin nito kahit wala itong malay. Pawisan ang noo nito kaya kinuha niya ang panyo na nasa bulsa at marahang pinunasan iyon. Ramdam niya ang matinding init na nagmumula sa katawan nito kaya napagtanto niyang inaapoy pa rin ito ng lagnat. "Manong, malayo pa po ba tayo? Pwede bang pakibilisan? Nag-aalala po kasi ako sa kanya, inaapoy po siya ng lagnat baka kung magkapaano siya," sabi niya sa matanda, mababakas sa boses niya ang pag-aalala. "H'wag po kayong mag-alala Sir,malapit na po tayo," sagot naman ng matanda. "Hmmmm...." daing ni Leslie. "L-Leslie?!" nag-aalalang tawag niya dito. Gumalaw ito at tila batang lalong sumiksik sa dibdib ni Jayson. Animo nilalamig din ito dahil nararamdamn niya ang bahagyang panginginig ng katawan nito. "Manong, pakipatay po muna ang aircon, buksan nyo nalang po ang bintana. Sapalagay ko po kasi ay nilalamig si Leslie," pakiusap niya dito. "Sige po Sir," sagot nito, tsaka tumalima na. "Leslie, okey ka lang ba? Kaya mo pa ba? Dadalhin ka namin sa ospital para naman gumaling ka kaagad," masuyong pahayag niya dito. Hindi ito sumagot bagkus lalo lamang sa kanyang sumiksik kaya nayakap na lamang niya ito ng mahigpit. Hindi niya malaman kung ano ang pakiramdam na bumabalot sa kanya ngayon, parang awang-awa siya dito at parang nais niyang akuin nalang ang lahat ng sakit nito. Napapraning na talaga yata siya, bakit ba siya nagkakaganito. Hindi rin normal ang t***k ng puso niya lalo pa at ngayong magkadaiti ang mga balat nila, ngayong napakalapit nito sa kaniya. "Sir, andito na po tayo," pahayag ng matanda. Inalis niya ang pagkakayap kay Leslie at inayos ito sa pagkakaupo. Saka siya lumabas ng kotse at kinarga ito papasok ng ospital. Agad naman itong inasikaso ng doctor. Laking pasasalamat niya ng sabihin ng doctor na simpleng trangkaso lamang ang sakit nito. Kailangan lang daw nitong makainom ng gamot at makapagpahinga na rin. Napagkamalan pa nga siyang asawa ni Leslie dahil tinawag nito si Leslie na Misis. Pero natuwa siya ng marinig iyon mula sa Doctor, parang napakasarap sa pakiramdam na mapagkamalang asawa niya ito. Pinauna na niyang umuwi ang matandang lalaki sa bahay bakasyunan ni Mister Tantico, sinabi niya dito ihingi siya ng pasensya sa kanyang inasal kanina. Nagpanic kasi siya ng makitang bumagsak si Leslie kaya ni hindi na niya nakuhang magpaalam pa sa matanda. Nang makaalis na ang lalaki bumalik na siya sa hospital room kung room kung nasan si Leslie. Nakita niyang itong nagpipilit na bumangon, marahil nahihirapan ito dahil sa nangangatog pa rin. Agad siyang napalapit dito at tutulungan sana niya ngunit winaksi nito ang kamay niya. "Les, okey ka na ba? Mahiga ka lang muna," mahinahong sabi niya dito. "Okey lang ako Jayson," tipid na sagot nito. "Sabi ng Doctor kelangan mo daw magpahinga para mabawi mo ang lakas mo," sabi niya dito. "Pwede bang lumabas na tayo dito Jayson, ayoko kasi talaga ng amoy ng ospital ei. Actually nong naospital ang Inay ni Charlotte napipilitan lang akong magstay ng ospital dahil kelangan ako ni Tita pero ngayong ako yong nakahiga dito sa hospital bed parang feeling ko mas lalala ang sakit ko dito," seryosong sabi nito. "Sige, lalabas na tayo dito. Gusto mo bang bumalik na tayo sa bahay bakasyunan ni Mr. Tantico?" tanong niya. "Wag! Please wag don, hindi rin ako makakapagpahinga kapag doon ako umuwi," agad na tutol nito, pero sa totoo lang ayaw din talaga niyang doon pa sila uuwi. "Sige, hindi naman tayo pwedeng umuwi ng Manila so try ko nalang maghanap ng lugar kung saan tayo maaring manatili ngayong gabi," sabi niya dito. Tumango naman ito at agad naman siyang nagpaalam na dito para maghanap ng matutuluyan. Samantala. Sa isipan ni Leslie, bakit masyado na yata siyang nakakampanti kay Jayson. Kanina nagising na siya kahit pa lang ng kotse nito pero bakit pakiramdam niya mas safe siya at mapapabilis ang paggaling niya kapag nasa tabi nito. Guminhawa ang kanyang pakiramdam ng magising na nasa mga bisig nito. Kaya naman sinamantala niya iyon at mas lalo pa siyang sumiksik dito. Kanina nahiling niya na sana hindi na matapos ang sandaling iyon dahil noon lang siya nakaranas ng totoong yakap na hindi puro kahalayan ang nasa isip. Yong tipong yakap na may kasamang paggalang at pag-aaruga. "Hindi kaya masyado lang akong umaasam na ganon nga ang kahulugan ng mga ikinikilos nya? Kelan pa ba siya nagkaron ng pakialam sakin? Haisstt! Assumming ka Leslie! Nangangarap ka nanaman ng gising!" inis na sabi niya sa sarili. Wala pang isang oras nakabalik na agad si Jayson sa ospital. Swerte naman na may apartel pala na katabi ang ospital buti na lang may bakante pang kwarto ngunit iisa nga lamang. Maliit lang kasi ang nasabing paupahan. Kinuha na rin niya kesa naman sa wala, balak niyang sa lapag nalang matulog. Inasikaso na niya ang paglabas ni Leslie, nagbayad siya ng bill nila sa ospital tsaka pinuntahan na niya ito. Nakabili na rin siya ng mga gamot na reseta dito ng doctor kaya wala na siyang alalahanin pa. Wala rin itong damit kaya naisipan na niyang bilhan ito ng dalawang pares ng damit. Cotton shorts na maiksi at white sando ung kentucky. No choice ei, wala na syang iba pang mapagpipilian basta may maisuot lang ito. Nakakahiya man pero bumili na rin siya ng undies nito na sa tingin naman niya ay sakto dito. Nakaupo ito sa kama ng bumungad siya sa pinto, nakahospital gown lamang ito ngunit masasabi niyang napakaganda pa rin nito. Todo make up pero talagang hindi maaaring hindi pansinin ng kahit sinong makakakita dito. Tila tuliro ito, pakagat-kagat kasi ito sa hinlalaki nito animo may malalim na iniisip. Nakalapit na lamang siya ei hindi pa rin siya nito napapansin. "Leslie, okey na may matutuluyan na tayo. Pati ang bills nabayaran ko na kaya pwede na tayong umalis. Don nalang tayo kakain sa apartel, pwede naman tayong umorder doon ng makakain para makainom ka ng gamot," nakangiti niyang sabi dito, na noon nama'y nakatingin na sa kanya. "Salamat Jayson," tila naiilang na sabi nito. Iyon lang at inalalayan na niya ito. Inabot niya ang plastic na may damit dito at sinabing magbihis muna ito. Simpleng sando at cotton short pero hindi pa rin maitatago niyon ang kagandahan at kasexyhan ni Leslie. Nakangiti na itong lumapit sa kanya, siya naman ay umiwas ng tingin dito dahil baka hindi niya mapigilan ang sarili at bigla niya itong mayakap. Nagtungo na sila sa apartel. Humiga na si Leslie sa kama, maliit lang ang kwarto pero pwede na nilang pagtiyagaan. Masama pa rin ang pakiramdam nito pero medyo bumaba na rin ang lagnat nito. Nag-order naman ng pagkain si Jayson ngunit tumanggi si Leslie, wala daw itong ganang kumain kaya hinayaan na lamang niya ito. Humingi siya ng pasensya dito dahil iisang room lang ang kanyang nakuha pero sabi naman nito ay okey lang daw. Siya naman ay nahiga na rin sa sahig mabuti nalang may isa pang maliit na kutson ang nandoon sa kwarto kaya iyon ang hinigaan niya. At dahil siguro sa pagod nakatulog agad siya. Naalimpungatan siya ng marinig si Leslie na tila umuungol. Agad siyang napabalikwas ng bangon. Nakita niyang tila nangangaligkig sa lamig si Leslie, hinawakan niya ang noo nito kaya natuklasan niyang napakataas nanaman ng lagnat nito. Agad niya pinatay ang electripan, tsaka kinumutan ito at tangkang aalis na sana siya para kuhain ang gamot nito pero pinigilan siya ng kamay nito. "W-wag kang umalis, wag mo kong iwan J-Jayson. N-nilalamig ako, yakapin mo ako," pakiusap nito sa nangangatog na boses. "Ha?" nasambit na lamang niya. ITUTULOY
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD