Chapter 3

1801 Words
Matapos ang pagkikita nilang iyon ni Jayson, nasundan pa ng ilang beses noong umuwi na si Charlotte sa bahay ng mga ito. Naging masugid na itong manliligaw ng kanyang kaibigan. Sa bahay din nina Charlotte siya tumutuloy dahil na rin sa kalagayan ng kaibigan. Nainlove ito sa kanyang naging boss na walang iba kundi ang lalaking parati nitong pinapanood sa video. At natuklasan din nila na nagdadalan tao na pala ito. Nasasaktan si Leslie sa mga ikinikilos ni Jayson pero ano ba naman ang magagawa niya. Bakit kasi nagkacrush pa sya dito. Minsan nga natatawa nalang siya sa kanyang sarili dahil nakakaramdam siya ng selos kahit hindi naman nararapat. Para siyang teenager dahil bumibilis ang t***k ng puso niya kapag nandiyan si Jayson. Medyo naging okay na silang dalawa, hindi na ito masyadong ilag sa kanya kaya nakakapagbiro na rin siya dito. Ngunit hindi niya inaasahan ang nagawa nito. Nang nagkaayos ang magkasintahan na sina Charlotte at Denver nag-iba ang pakikitungo ni Jayson sa mga ito. Nalaman din niya na bestfriend pala nito ang kasintahan ng kanyang kaibigan. Maging sa kanya ay tila nag-iba na rin, at ng sumapit na nga ang kasal ng kanyang bestfriend. Hindi nila akalaing may balak pala itong masama. Kinidnap nito si Charlotte sa mismong araw ng kasal ng mga ito. Lahat sila ay nag-aalala sa kaligtasan ni Charlotte lalo pa at buntis ito. Ngunit hindi niya lubusang magalit kay Jayson alam niya na mabuting tao ito. Kailangan lang na matanggap nito ang lahat para sa ikaliligaya ng marami. Sinubukan niyang tawagan ito ngunit hindi nito sinasagot ang phone. Maging si Denver ay paulit-ulit na tumatawag pero wala pa rin. Lumapit siya kay Denver at kinausap ito, tinanong niya kung dapat na daw ba nilang ireport sa pulis ang pagkawala ni Charlotte, ngunit tumanggi ito. Kilala daw nito ang kaibigan at alam daw nito na nasa mabuting kalagayan si Charlotte, umaasa pa rin daw ito na magbabago ang isip ni Jayson at ibalik dito ang fiancee. Hanga naman siya sa tiwala ni Denver sa kaibigan, kahit na marami na itong nagawang kasalanan sa kanila ni Charlotte ay handa pa rin nito iyong patawarin. Sabagay maging siya, alam ng kanyang puso na mabuting tao si Jayson. Kailangan lang nilang maghintay, siguradong makikinig din ito kay Charlotte. Samantala sa lugar kung saan dinala si Charlotte. "I-ikaw? Ikaw ang walang hiyang kumidnap sakin?" galit na tanong ni Charlotte kay Jayson. Masakit para sa kanya ang marinig iyon mula dito,na makita ang mga mata nitong punong-puno ng hinanakit sa kanya. Yumuko siya at tinangkang hawakan ang kamay nito. Ngunit umiwas siya, na lalo namang nagpasama ng loob niya,tila diring-diri ito sa kanya. Nagtangis ang kanyang mga bagang at muli niyang sapilitang hinawakan ang braso nito ngunit nagpumiglas pa rin ito. "Bitiwan mo ako! Walang hiya ka!Bitiwan mo ako!" hiyaw ni Charlotte habang umiiyak. Pinagsusuntok siya nito sa dibdib. Hindi na niya makayanan ang ipinadarama nitong pagkadisgusto sa kanya. Bigla niya itong binuhat na parang isang sako ng bigas, patuloy naman itong nagpupumiglas. Muli niyang dinala ito sa kwartong pinagkulungan nito kanina. "Sige na boy ako ng bahala dito, salamat," sabi niya sa lalaking katulong niya para maisagawa ng balak. "Mamayang alas singko ang alis ng barkong sasakyan natin patungong Zamboanga. Doon muna tayo mamamalagi sa mga Lola ko, bago tayo magpapakasal," seryosong sabi niya dito. Sa totoo lang gulong-gulo na rin siya sa mga pinagagawa, hindi rin niya akalaing magagawa ang bagay na ito. "Nasisiraan kana ba ng ulo Jayson?! Pakawalan mo na ako, kasal namin ng bestfriend mo ngayon! Anong klase kang tao!" galit na bulyaw nito sa kanya. Ngunit alam niya na takot na takot na ito dahil nababanaag niya iyon sa mga mata nito. Napasabunot siya sa sariling buhok. Gulong-gulo na siya, andon ang pangamba na maari siyang makulong sa ginawa niya pero andito na ito wala ng atrasan pa. "Ako lang ang lalaking pakakasalan mo Charlotte, hindi ako makakapayag na mapunta ka kay Denver!" galit na pahayag niya dito, batid man niya na nagmamahalan ang dalawa ngunit hindi naman niya maatim na mawala ito sa buhay niya. "Nababaliw ka na nga talaga! Kahit kelan hindi-hindi kita mamahalin dahil si Denver lang ang tinitibok ng puso ko!" "Oo! Nababaliw na ako, kahit ako hindi ko akalaing magagawa ko ito, pero mahal kita Charlotte! Hindi ko kayang makita ka habang ikinakasal sa ibang lalaki!" asik niya habang tila nawawala sa sarili. Umiiyak na rin siya, hindi naman talaga kasi niya ginustong saktan ito pero nangyari na nga ang lahat. "Jayson mali ito, una palang alam mo ng si Denver ang mahal ko. Wag mo naman sanang sirain ang tiwala ko at tiwala sayo ng bestfriend mo. Alam mo bang sobrang saya niya nong pumayag kang maging bestman niya. Mahalaga ka sa kanya Jayson, kaya wag mo sanang gawin ito. Ibalik mo na ako sa kanya, maawa ka naman," pagmamakaawa nito sa kanya. Ngunit imbis na maawa siya dito ibayong sakit ang katumbas ng pagmamakaawa nitong iyon, matalim ang matang tumingin ito sa kanya. "Puro ka nalang Denver! Denver! Denver! Ano ba ang wala ako na meron si Denver ha! Pwede bang ako naman? Tayong dalawa ang magkasama ngayon kaya please lang, pangalan ko naman ang bigkasin mo!" galit na pahayag niya dito. "Tumigil ka! Hindi kita mahal, kaibigan lang ang turing ko sayo. Kaya pwede ba pakawalan mo na ako dito,hinihintay na ako ni Denver sa simbahan!" galit din na sagot nito sa kanya. "Hindi! Dito ka lang! Mahal kita Charlotte, patawarin na ako ng Diyos sa gagawin ko! Pero hindi ako makakapayag na makasal ka sa kanya!" Mabilis na lumapit ito sa kanya at ubod lakas siyang sinampal nito. " Wala kang puso!" galit na sigaw nito sa kanya. Naningkit ang mata niya sa galit dahil sa ginawa nito at walang babalang dinaluhong niya si Charlotte, mariin niyang sinapo ang ulo nito at bigla niyang sinibasib ng halik ang labi nito. Nanlaban si Charlotte, sinubukan siya nitong sipain pero parang hindi niya alintana iyon, patuloy pa rin siya sa ginagawa, hanggang sa di sinasadyang matumba ito sa malambot na kama. Tila nawalan na ito ng pag-asa, wala na itong lakas para manlaban pa marahil dahil sa mas malakas siya dito. Ngunit hindi niya maintindihan kung bakit tila walang dating ang halik na iyon sa kanya. Parang wala siyang nararamdaman na kakaiba, hindi katulad ng minsang mahalikan niya si Leslie. Ang labi nito tila malamig na yelo na walang kadating-dating sa kanya, ngunit ang labi ni Leslie ay tila apoy na nag-aalab at andon ang kagustuhang patuloy pang lasapin at namnamin ang sarap ng labi nito. Pero kay Charlotte ibang-iba, wala siyang makapa ni anumang damdamin sa kanyang puso. Magulo ang kanyang isipan sa natuklasan, ngunit agad siyang natauhan ng marinig ang malakas na pag iyak ni Charlotte. Agad siyang bumangon mula sa kama. "Oh God! Charlotte, h-hindi ko sinasadya, s-sorry!" tila nawawala sa sariling sabi niya,hindi niya malaman kung papano patatahanin ito. "Makuha mo man ang katawan ko Jayson, hinding-hindi mo naman makukuha ang puso ko. At hinding-hindi kita mapapatawad kapag may mangyaring masama sa baby ko!" punong-puno ng hinanakit na sabi nito sa kanya. "P-Patawad Charlotte," mahinang sabi niya. "Mapapatawad lang kita kapag pinakawalan mo na ako dito, alam kong mabuti kang tao. Kaya bago mahuli ang lahat, pakawalan mo na ako bago pa sila makapagsumbong sa police," puno ng hinanakit na sabi nito sa kanya. Nagyuko lamang siya ng ulo dahil sa hindi niya kayang salubungin ang galit nito, hiyang-hiya siya sa nagawa. Mahal niya ngunit hindi niya akalaing magagawa niya ang ganong bagay dito. Napakasama niya, wala siyang kwenta. Nagpasya siyang ibalik nalang si Charlotte kay Denver, bahala na kung ipakulong siya ng mga ito. Matapos ang insidenteng iyon. Natuloy din ang kasal ng kanilang mga kaibigang sina Charlotte at Denver, masaya naman siya para sa mga ito pero hindi pa rin matawaran ang sakit na nararamdaman niya sa pagkabigo ng kauna-unahang babaeng kanyang tunay na minahal. Ilang araw ng tapos ang kasal hindi pa rin siya makapagmove-on sa pagkabigo. Araw-araw siyang umiinom para lamang makatulog. Katulad ngayon, matapos ang duty niya sa bakeshop bumili siya ng alak at pulutan. Nagkulong siya sa kanyang kwarto at doon nagpakalunod nanaman sa alak. Ilang minuto na siyang nakatitig sa screen ng kanyang cellphone. Maraming beses niyang binalak na tawagan si Charlotte pero syempre hindi naman tamang tawagan pa niya ito. Hanggang sa ibinato niya ang cellphone sa kama at muling tumungga ng alak. Hindi niya napigilan ang hindi maluha, gustong-gusto niyang makausap si Chatlotte. Muli niyang kinuha ang phone, medyo duling na siya dahil sa tama ng alak. Nang magring, at sagutin ni Charlotte hindi na niya pinagbigyan itong makapagsalita manlang. Natakot siyang maduwag nanaman kapag narinig ang boses nito kaya ininahan na niya itong magsalita. "Charlotte, una sa lahat humihingi ako ng tawad sa nagawa. Mahal na mahal lang kita. Bakit ba kasi si Denver ang pinili mo?! Ano bang meron siya na wala ako?!" umiiyak na pahayag niya sa kausap. Samantala sa kabilang linya. Natameme si Leslie ng marinig ang boses ni Jayson sa kabilang linya. Medyo masama ang kanyang pakiramdam kaya nagpasya siyang hindi pumasok sa club ngayong araw. Nakahiga na siya ng magring ang kanyang cellphone, ng makitang si Jayson iyon agad niya itong sinagot. Agad-agad itong nagsalita, at napagtanto niya na nawrong call ito. Si Charlotte ang dapat na tatawagan nito ngunit siya ang natawagan nito. Hindi siya nagsalita, patuloy lamang ito sa pagsasalita na halos paulit-ulit lang naman. Alam niyang kailangan din nito na mailabas ang lahat ng sama ng loob nito. Ngunit sa bawat pagbanggit at pagtawag ni Jayson sa pangalan ni Charlotte naghahatid iyon ng kirot sa kanyang puso. Ewan din niya kung bakit pero alam niyang dapat niyang katakutan ang bagay na ito. Dahil ito lamang ang kauna-unahang beses na naranasan niyang makadama ng ganito sa isang lalaki. Natatakot siyang baka mas lumalim pa ito dahil alam niyang siya rin naman ang matatalo sa huli. Siya ang matatalo dahil batid niya na walang magseseryoso sa isang pokpok na katulad niya. Pokpok na kung sino-sinong lalaki ang nagpapasasa sa kanyang katawan. Pokpok na pagmamay-ari ang katawan ng mga lalaking may kakayahang tapatan ang kanyang presyo. Kaya baliw lamang ang lalaking magtatangkang mahalin siya, kaya hindi na siya umaasa dahil sa kanyang paningin. Pare-parehas lamang ang mga lalaki, ang kanyang mura at sariwang katawan lamang ang habol ng mga ito. Napabuntunghininga siya sa isiping iyon. "Batid kong isa ka sa kanila Jayson,kaya dapat ko ng pigilan ang kalokohang namumuo sa aking puso," sabi niya sa sarili at hindi niya napigilan ang maluha. Itutuloy
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD