KABANATA 16

3110 Words
“ATREO!” NAPATILI AKO nang isandal ako ni Atreo sa kotse niya nang makarating kami sa parking lot. Napakapit ako sa balikat niya nang bigla niyang sakupin ng labi niya ang labi ko na animo’y sabik na sabik. Hinatak niya ako sa baywang para buksan ang pinto sa backseat, “Ouch!” Napadaing ako sa sakit nang mauntog ako dahil sa pagmamadali niya na maipasok ako sa backseat. “s**t! Sorry, baby,” aniya at hinaplos ang ulo ko saka hinalikan ang parte na nauntog. Tumingin ako sa kanya at napatingin din siya sa akin. Tuluyan akong napahiga sa upuan nang muli niya akong halikan. Dumagan ang katawan niya sa akin habang palalim nang palalim ang halikan namin. Nakapikit ako habang tumutugon sa halik niya. Napakapit din ako sa coat niyang suot nang haplusin niya ang binti ko paakyat hanggang sa hita ko. Napabuka ako ng bibig nang mas dumiin siya sa akin para maramdaman ang kanina pa niyang umuumbok na sandata. Sinamantala niya ang pagbuka ng bibig ko kaya malaya ang dila niya na gumalugad sa loob nito. Napahaplos ako sa buhok niya at napatingala nang bumaba ang labi niya sa leeg ko. Huminga ako nang malalim at napakagat ng labi nang ibaba niya ang zipper ng dress ko sa harap, kung kaya’y malaya na bumaba pa ang labi niya sa guhit ng dibdib ko. Napadaing ako nang hawakan niya ang dibdib ko habang humahaplos ang ilong niya roon. Binaba niya ang zipper hanggang pusod ko kaya madali niyang hinawi ang dress ko na kinabunyag ng dibdib ko. “I like your dress, baby,” aniya kaya napatingin ako sa kanya na ngayon ay nakatingin sa akin habang nakangisi. Hinaplos ko ang mukha niya kaya napapikit siya at hinawakan ang kamay ko. Dinala niya ang daliri ko sa labi nya. Sinubo niya ang hintuturo kong daliri kaya napakagat ako ng labi habang tinitingnan siya kung gaano ka-sexy sumipsip. Dumilat siya at bumaling sa akin ang mga mata niya na mabangis ngunit kayang magpatangay ng damdamin. Inalis niya ako mula sa pagkakahiga at siya ang naupo sa upuan bago niya ako ipaupo sa kandungan niya paharap sa kanya. Napahawak ako sa balikat niya nang hawiin niya ang buhok ko at hapitin ako sa baywang palapit pa sa kanya, kaya napahawak ako sa sandalan ng upuan. Humaplos ang kamay niya sa baywang ko habang nakatingala sa akin. “Kanina pa ako timping-timpi sa ’yo, baby. Napakagaling mo talagang mang-akit,” aniya kaya ngumisi ako na ikinangisi rin niya. Bumaba ang mukha ko para abutin ang labi niya. Marahan ang aming halik habang marahan niya akong ginigiling sa kandungan niya. Iniangat niya ako kaya bumitiw ako sa labi niya at napasubsob ako sa leeg niya habang siya ay mabilis na inaalis ang belt at binababa ang zipper ng pants niya. Humalik ako sa leeg niya na kinadaing niya kaya napangiti ako. “Damn, baby!” matigas niyang suway sa akin kaya lalo akong napangisi. “I know you like this . . .” bulong ko sa tainga niya at kinagat iyon na lalong kina-tense ng katawan niya. Pinalo niya ako sa pang-upo kaya napatigil ako sa panunukso at tumingin sa kanya. Ngumisi siya at niyakap ako kaya napahawak ako sa ulo niya bago napadaing nang hawiin niya ang panty ko at tuluyang maramdaman ko ang pagkalalake niya sa kaloob-looban ko. “Yes, I like this,” bulong niya habang pisil-pisil ang pang-upo ko at ginagabayan ako sa pag-indayog sa kandungan niya. Tumingin ako sa kanya kaya agad niyang sinakop ang labi ko na agad ko namang tinugunan. Napayakap ako sa leeg niya habang bumibilis ang galaw ko sa kandungan niya. Ramdam ko ang pagtulo ng pawis ko at maging ang kanya. Niyakap niya ako nang mahigpit habang sinasalubong niya ang bawat paggalaw ko. Sinipsip niya ang labi ko at muling nagtagpo ang dila namin na nag-espadahan. Tila hindi na siya nakatiis kaya pinatigil niya ako sa paggalaw at mariing pinulupot ang isang braso niya sa baywang ko bago niya ako ihiga sa upuan at umayos siya ng pwesto sa pagitan ng hita ko. Napaatras ako nang muli siyang sumagad at dumagan sa akin. Napahaplos ako sa buhok. niya habang tinatanggap ang bawat pag-ulos niya. “Where’s your necklace, ha?” matigas niyang tanong habang puno ng diin siyang lumalabas-masok. “I don’t know,” sagot ko at umiwas ng tingin. Napasubsob siya sa leeg ko at bumilis ang galaw niya habang isang mariin na kagat ang ginawad niya sa leeg ko na kinabaon ng kuko ko sa likod niya at napasinghap din ako. “s**t, Atreo!” pigil ko sa kanya nang kagat-kagatin niya ang bawat balat sa leeg ko ngunit hindi ko siya mapigilan dahil napupunta ang atensyon ko sa pagkalalake niya na halos sumagad sa sinapupunan ko. “’Yan ang parusa mo sa hindi mo pagsuot sa ibinigay ko sa ’yo. Next time, I want you to wear that damn necklace, understand?” Tumango ako agad kaya ngumiti siya at nilapat niya ang kanyang labi sa labi ko. Pabilis nang pabilis na ang galaw niya at pareho na kaming tensyonado sa nalalapit na pag-abot namin sa langit, pero pareho kaming napatigil nang may kumatok sa pintuan. Napatingin ako sa bintana na nasa paanan ko kaya lumingon din si Atreo doon. Nagkatinginan kami ni Atreo nang may mga gwardya sa labas ng kotse. Agad kaming napaayos kaya umalis siya sa ibabaw ko. Inayos ko agad ang sarili ko. Maging siya ay ganoon din. Nang makaayos kami ay binaba niya ang bintana. Halos mag-init ang pisngi ko at napapikit ako sa kahihiyan. “What’s the problem?” tanong ni Atreo sa mga gwardya. “Sir, gumagalaw ho kasi ang kotse n’yo. May nangyayari ho ba rito?” “Wala naman. Ganyan talaga ang sasakyan ko. Dancing car.” Pasimpleng kinurot ko ang hita ni Atreo kaya napaigtad siya at hinawakan ang kamay ko. “Gano’n ho ba. Patay po yata ang aircon ng kotse n’yo. Baka ma-suffocate ho kayo d’yan.” Kaya pala napakainit dahil hindi nga pala nabuhay ni Atreo ang aircon. Napatawa si Atreo at tumango sa gwardya. May panghihinala na binigay na tingin sa amin ang guard bago siya umalis. Napahinga nang malalim si Atreo at tumingin sa akin habang nakangiti. “Damn that guard! He ruined our hot session.” Inirapan ko siya at humalukipkip ako bago umayos ng sandal sa upuan. Humarap siya sa akin at humawak sa hita ko. “Tumigil ka na nga. Nasita na nga tayo, e.” Inalis ko ang kamay niya na kinahalakhak niya. Hinalikan niya ang balikat ko habang nakapatong ang braso niya sa sandalan ng upuan sa tapat ng ulo ko. “Paano kita titigilan kung patuloy akong naaakit sa ’yo,” aniya at hinawakan ang zipper ng dress ko at sinara niya kaya napatikhim ako. Tumingin ako sa kanya kaya nagkatitigan kami. “’Wag kang masyadong pahalata.” Ngumisi rin ako at sinara ang zipper ng pants niya na ikinangiti niya. Dinampian ko siya saglit ng halik sa labi at binuksan ko na ang pinto para bumaba. Lumipat ako sa front seat at naupo. Tumingin ako sa kanya na wala pa yatang balak umalis sa likod. “Let’s go. Gusto ko nang umuwi, baka makahalata na sila Mommy.” Ngumiti siya at napapailing na binuksan ang pinto sa backseat at bumaba na. Inayos ko ang buhok ko at dress. Inabot ko rin ang bag ko na nahulog sa sahig sa backseat saka kinuha ang press powder ko at nag-retouch nang kaunti dahil baka mukha akong ni-rape kapag nakita ako nila Mommy. “Bakit ba nagpapahid ka pa nya’n? May pinapagandahan ka ba? Uuwi ka naman na.” Tumingin ako sa kanya nang sitahin niya ang pag-aayos ko. Seryoso siya sa pagmamaneho habang kumukunot ang noo niya. “Porket nagpapahid lang nito sa mukha, may pinapagandahan na agad? Hindi ba pwedeng nag-aayos lang dahil baka mukha akong na-rape mo kapag nakita nila Mommy?” Tumingin siya sa akin saglit at pinokus na ang mata sa daan. Inis na sinilid ko ang press powder sa bag ko at umayos ako ng upo. Tumingin na lang ako sa bintana at hindi na siya pinansin. Sa buong byahe ay hindi kami nag-iimikan. Nang huminto ang sasakyan niya sa Lux Calisse ay napahinga siya nang malalim. Bubuksan ko na sana ang pinto nang pigilan niya ako sa braso kaya napatingin ako sa kanya. “Where’s my goodbye kiss?” demand niya kaya hinawi ko ang kamay niya at inirapan siya. Hindi ko na siya pinansin at binuksan ko na ang pinto para bumaba. Napatingin ako sa kanya nang bumaba rin siya at umikot para lapitan ako. Napasandal ako sa kotse nang agad niyang lamunin ang labi ko. Napahawak din ako sa braso niya at napapikit. Bumitiw din siya agad kaya napadilat ako at tumingin sa kanya. “Good night, baby,” aniya na nakangiti bago siya umayos ng tayo at pinamulsa ang mga kamay sa pantalon. Inirapan ko siya bago ako naglakad paalis sa tabi niya. Narinig ko pa ang halakhak niya kaya napailing ako at napangiti. Nang makita ko ang bodyguard na susundo sa akin ay agad na akong lumapit sa mga ito. “Señorita, saan ho kayo galing?” “Kasama ko sila Zylene, umalis na sila dala ang kotse nila.” Tumango sila kaya nakahinga ako nang maluwag at sumakay na ng kotse. Tumingin ako kay Atreo na nakatayo habang nakatingin sa kotseng sinasakyan ko. Napangiti ako at umiling habang pakiramdam ko ay ito na ang pinakamagandang araw ko mula nang umuwi ako ng Maynila. Masaya talaga ako kapag siya ang kasama ko. Nakakalimutan ko ang mga tao sa paligid ko dahil sa kanya pati na rin ang taong alam kong masasaktan namin dahil sa maling pag-iibigan naming, pero hindi ko talaga kayang tanggihan ang puso ko. Tuwing tatanggihan ko ang nararamdaman ko para kay Atreo ay ako lang ang nahihirapan. Mahal niya ako, mahal ko rin siya. At ang inaasahan ko na pangako niya na aayusin niya ang lahat ay aking panghahawakan. “Anak, mabuti at nakauwi ka na. Kumusta ang girls shopping bonding n’yo ng mga kaibigan mo?” Bumeso ako kay Mom at Dad na nakaupo sa sofa habang nanonood ng news. Natigilan ako sa tanong ni Mom pero agad akong nakabawi at ngumiti rito. “Ayos lang naman po. Sige po, akyat na po ako at gusto ko na pong magpahinga.” Tumango sila kaya agad akong tumalikod at umakyat sa taas. Nanlalata na naupo ako sa sofa sa kwarto ko at sinandal ang ulo.. Pinili kong iwasan na lang sila Mom para hindi na sila magtanong pa sa hindi naman namin natuloy na shopping night out nila Zylene. Agad kong kinuha ang phone ko at nakita ko ang text ng dalawang b***h. Una kong binasa ang kay Zylene. God. This is the best day ever. I think I'm in love. At sunod ay kay Allison. He's so damn good in bed. I can't get enough of him. Napailing ako sa kagagahan ng dalawa. Hindi ko akalain na mababaliw ang mga ito kay Quest at Haris. Well, hindi siguro kami magkaibigan kung hindi kami pare-parehong bumibigay agad sa mga lalakeng hindi pa namin lubos na kakilala. Pero natatakot din ako na baka masaktan lang sina Allison at Zylene sa oras na mahulog sila nang tuluyan sa lalakeng nagpapasaya sa kanila ngayon. Napatingin muli ako sa cellphone ko nang mag-pop ang message tone ko. Nakita ko na si Won ang nag-text. Oo nga pala, mula nang ayain niya akong mag-date ay hindi pa siya pumapasok sa Lux. Sabi ni Direk ay nag-leave daw ito for personal purpose. Grace, Can we talk? I'm here outside of your house. Nang mabasa ko ang text niya ay agad akong napatayo. Lumabas agad ako ng kwarto at bumaba. “O, anak, saan ka pupunta?” Tumingin ako kina Mom na nanonood pa rin ng news habang may kinakaing watermelon fruit. “Nasa labas ho si Won. Puntahan ko lang ho.” “Gano’n ba, papasukin mo rito.” Tumango ako at agad nang naglakad palabas. Naglakad ako patungo sa gate at nakita ko ang pagtayo nang tuwid ng mga bodyguard nang makita akong patungo sa gate. “Kuya, pakibukas ho ng gate. Nasa labas ho ang kaibigan ko.” Tumango ang isa at pinagbuksan ako. Lumabas na ako at tumingin sa labas. Nakita ko ang kotseng puti kaya naglakad ako palapit doon na siyang labas naman ni Won. “Won . . .” Ngumiti ako na ikinangiti niya. “Kumusta? Bakit napadaan ka rito?” “I’m okay. Kakagaling ko lang mula airport. Pumunta lang talaga agad ako rito para makita ka.” Napatango ako at nailang sa sinabi niya. Hindi pa rin pala siya sumusuko. “I’m sorry. Nailang ka ba?” Umiling ako at ngumiti sa tanong niya. “Hindi naman. Oo nga pala, tara sa loob. Sinabi ko kina Mommy na nandito ka.” “Hindi na. May gusto lang sana akong itanong sa ’yo.” Napatigil naman ako sa pag-aya sa kanya at tumingin sa kanya na nagtataka. “Ano bang itatanong mo?” Tumikhim siya at nakapamulsa na sumandal sa kotse niya. Nag-seryoso siya at napahinga nang malalim. “Nalaman ko ang nangyari sa Lux.” Napaiwas naman ako ng tingin sa kanya at napakutkot ako sa kuko dahil sa kahihiyan. “It’s that true?” Bakas sa boses niya ang sakit na hindi ko malaman ang dahilan. Tumango ako na kinabigat ng pagbuga niya ng hangin, “May asawa na ’yon, Grace. Bakit pumatol ka sa may asawa?” “Hindi ko naman kasi alam. Huli na nang malaman ko.” “Nagkikita pa rin ba kayo?” Mabagal akong tumango na kinamura niya. Napasabunot siya sa buhok at tumalikod siya sa akin bago napapukpok sa bubong ng kotse niya. “Grace, alam mo naman siguro ang tama sa mali. At mali na alam mo nang may asawa ay patuloy ka pa rin na nakikipagkita. Akala ko ay iba ka, katulad ka rin pala nila.” Nanikip ang dibdib ko sa sinabi niya. Napayuko ako at nangilid ang luha ko habang tumatagos sa puso ko ang sakit ng katotohanang sinabi niya sa akin. “Mahal ko siya, kaya hindi ko rin mapigilan ang sarili ko na patuloy na makipagkita sa kanya.” Marahas na humarap sa akin si Won at naglakad palapit sa akin. “Bakit, mahal ka ba niya? Tingin mo ba’y magiging masaya ka kung mananatili kang kabit lang?” “Mahal niya ako, sinabi niya. At sinabi niya rin na inaasikaso na niya ang divorce paper nila ng asawa niya.” Napailing sa akin si Won na hindi makapaniwala. “You’re so unbelievable. Grace, hindi mo alam ang sinasabi mo. Para kang desperadang kabit na ninanais na mawala ang bisa ng kasal ng mag-asawa para mapunta lang siya sa ’yo. Naisip mo ba ang anak nila na mawawalan ng buong pamilya dahil sa ’yo?” Pumatak ang luha ko at napakurap-kurap ako na parang binuhusan din ako ng tubig. Napailing ako at napahagulhol. “Hindi ko alam. Nagmahal lang naman ako, bakit ako pa ang lumalabas na masama?” Niyakap niya ako kaya tuluyan akong napahagulhol sa balikat niya. “I’m sorry for saying that. But I want you to wake up. Hindi pa rin tamang irason na mahal mo siya kung may masasagasaan ka naman.” “What’s the meaning of this?” Napabitiw ako sa yakap ni Won at tumingin kay Atreo na madilim ang mukha. Napabuka-sara ang bibig ko para lumikha ng salita pero tila ako napipi nang makita ko ang galit niyang mata. “Siya ba ang rason kaya nagpapaganda ka pa?” matigas niyang tanong sa akin. Umiling ako para ipahiwatig na nagkakamali siya ng akala. Magsasalita sana ako nang matigilan ako at magimbal sa sinabi ni Won. “Kahit kailan, wala ka talagang idudulot na maganda sa lahat, Kuya.” Napamaang ako at hindi makapaniwala. Kuya? Magkapatid sila? Si . . . Si Atreo ba ang tinutukoy niyang kapatid na general ng isang army? “Shut up, Won! I don’t want to talk to you. Leave now.” “Bakit hindi ikaw ang umalis? Asikasuhin mo ang asawa at anak mo, hindi ’yong iba ang inaasikaso mo.” “Tsss. I don’t care about her. If you want, you take care of her instead. Tutal, alam kong patay na patay ka pa rin kay Suzane.” Nabigla ako nang sugurin ni Won si Atreo at paulanan ng suntok pero hindi natibag si Atreo sa kinatatayuan niya dahil nasalo niya ang suntok ni Won. “Hayop ka! Matapos mong agawin sa akin si Suzane, ngayon ay babalewalain mo siya! You are a devil!” “Hindi ko siya inagaw sa ’yo! Magising ka nga! Mabuti nga at nailigtas pa kita at ako ang nagsakripisyo para sa ’yo.” Umiling si Won at inagaw ang kamao niya sa pagkakahawak ni Atreo. Tinulak niya si Atreo bago siya sumakay ng kotse niya at malakas na sinara ang pinto. Agad niyang pinaharurot paalis ang sasakyan niya kaya kami na lang ang naiwan ni Atreo. Hindi ko maproseso sa isip ko ang lahat ng nalaman ko. Parang napakaliit ng mundo at talagang magkapatid pa sila. Agad akong tumalikod kay Atreo para sana pumasok na ngunit agad niya akong pinigilan sa braso. “Don’t touch me.” “f**k! Bakit ka nakikipagkita pa sa kanya sa dis oras ng gabi, ha?” Hinawi ko ang kamay niya at hinarap ko siya. Sinampal ko siya habang tumutulo ang luha ko. “Wala pa talaga akong alam sa buong pagkatao mo. Hindi ko na alam ang gagawin ko at mararamdaman ko kung ano pa ba ang dapat kong matuklasan sa ’yo. At hindi ko na yata kayang malaman pa iyon. Kaya mabuti pa ay ’wag na ’wag ka nang magpapakita pa sa akin. Hindi ko na gustong sumali pa sa gulong dinadala mo. Ayoko na.” Agad na akong tumalikod pero agad niya rin akong niyakap mula sa likod kaya napatigil ako sa paghakbang. Pilit kong inaalis ang kamay niya sa baywang ko pero masyado siyang mahigpit sa pagkakakapit. “No. No. You can’t do this to me. I love you. I love you . . .” bulong niya at hinawakan ang kamay ko para pigilin sa pag-aalis sa kamay niya. Napapikit ako at huminga nang malalim. Napaigtad kami nang bigla kaming makarinig ng kasa ng baril. Agad akong napadilat at nanlaki ang mata ko nang makita ang papalabas na si Daddy. “Bitiwan mo ang anak ko, Alvarez.” Agad na napabitiw si Atreo sa akin kaya nagpahid ako ng luha at agad na lumapit kay Dad para pigilan ito. “Why are you here?” matigas na tanong ni Dad. “Sir, I just want to talk to your daughter.” Tumingin si Dad sa akin at umiling ako kaya tumingin siya kay Atreo. “Leave my daughter now! Leave now!” Umiwas ako ng tingin kay Atreo nang tumingin siya sa akin na may pagsusumamo. Napakapit ako sa braso ni Dad habang tumutulo ang luha ko. Narinig ko na ang pag-andar ng kotse at pag-alis nito. Tiningnan ko ang palayong kotse ni Atreo hanggang sa hindi ko na ito matanaw. “Sinabi ko sa ’yo na dapat alamin mo muna ang pagkatao niya bago ka sumunggab. Hindi madadaan lahat sa pag-iyak lang. Gamitin mo ang tinuro ko sa ’yo para malusutan mo ang lahat ng balakid na haharang sa ’yo.” Yumakap ako sa kanya at lalong napaiyak sa sinabi niya. Bakit hindi ko maitatak sa isip ko ang lahat ng sinasabi nila? Palagi na lang nauuna ang sinasabi ng puso ko kaysa pairalin ko ang lahat ng turo at payo ng magulang ko. Pero siguro ngayon ay ipapangako ko na sa sarili ko na hindi na muli ako magpapakontrol sa puso ko. Dahil kung nais kong masagot ang lahat ng tanong sa isip ko ay dapat kong pairalin ang pagiging Esteban ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD