KABANATA 15

3543 Words
SA WARD NG mga babies ay nakatayo ako kasama si Mommy habang pinagmamasdan ang triplets nila Ate Hera and Kuya Jam. Napaka-cute nila. Kamukhang-kamukha ni Kuya Jam. Halos ’yong kutis lang ang nakuha kay Ate Hera. “Ang cute-cute naman ng mga apo ko. Hindi ko akalain na ganito agad kadami ang anak ng Kuya Jam at Ate Hera mo.” Napangiti ako at tumingin kay Mom na nakatingin sa mga bata at tila nilalaro pa niya sa pamamagitan ng paghehele. Hindi pa naman siya naiintindihan ng mga ito. “Nasa lahi naman po, kaya siguro marami agad ang naging anak nila. ’Di ba po, kapag kambal, posible na magkaanak din po ng higit sa isa?” “Oo.” Napahinga siya nang malalim at tumingin sa akin. “Hindi ka na ba ginugulo ng asawa no’ng Alvarez?” Umiling ako sa bigla niyang paglihis ng usapan na napunta naman ngayon sa akin. Tumingin muli ako sa kambal na mahimbing na natutulog. Nagpapasalamat ako at hindi kumalat ang gulong nangyari sa Lux Calisse noong nakaraan, pero ngayon ay ramdam ko naman ang ilan kong katrabaho na naiilang sa akin. Ang iba ay naaabutan ko pang pinag-uusapan ako tungkol sa pagiging kabit ko. Palagi akong pinagtatanggol nila Zylene at Allison, pero kahit siguro anong gawin ko ay hindi na maganda ang tingin nila sa akin. “Hindi na po.” “Dapat kasi pinakasuhan mo na iyon sa Dad mo. Hindi ka dapat nagpapaapi sa babaeng iyon.” Hinaplos ko ang likod niya dahil galit na galit talaga siya kay Suzane. Nauunawaan ko naman dahil sino ba namang magulang ang hindi sasama ang loob kung naaagrabyado ang anak niya? Wala naman. “Mom, alam n’yo naman po na ayoko na ng gulo. At kahit kasuhan ko pa po siya ay ako lang po ang mapapahiya.” “At bakit? Dahil naging kabit ka no’ng Alvarez? Hindi mo naman alam, kaya wala kang kasalanan doon.” Napahinga ako nang malalim at umiling. “Mom, tama na po. Ayoko na pong pag-usapan iyon.” “Kasi . . . Aist! Kung bakit kasi ang hina-hina mo?” Natawa ako. “Mana lang po ako sa inyo.” Tumingin siya sa akin at napailing pero napangiti rin. “Ay, hindi naman ako mahina. Kapag alam kong nasasaktan na ako ay lumalaban ako. Kapag alam kong wala akong kasalanan ay hindi ako papayag na maapi.” Napatingin ako sa sahig ng hallway ng hospital na nilalakaran namin. Tiningnan lang namin ang triplets bago kami umalis. Nakapagpaalam na rin kami kina Kuya habang si Dad ay naunang lumabas para kunin ang sasakyan. Tinatak ko sa isip at puso ko ang lahat ng sinabi ni Mom. Next time hindi ko na hahayaan na apihin ako ni Suzane. Hindi ko naman alam na may asawa na si Atreo, kaya wala akong kasalanan. “Saan tayo?” tanong ni Mom. “Umuwi na tayo. Inaantok pa ako dahil madaling araw pa lang ay nagising na tayo dahil sa biglang panganganak ni Hera.” Gaya ng sabi ni Mom ay sinunod siya ni Dad. Kinuha ko ang phone ko at balak ko sanang i-text sina Zylene at Allison ngunit napatigil ako nang makita ang text ni Atreo. Hindi ko kailanman binabasa ang text ni Atreo kahit na natutukso ako na buksan iyon. Wala naman sigurong masama kung basahin ko na ngayon? Napahinga ako nang malalim sa nabasang text niya. Hindi talaga siya titigil? Hindi ba niya maunawaan na kailangan na niya akong tigilan dahil hindi tamang mangaliwa siya? Hindi ko na ito sinagot. Bahala siya, basta ako na lang ang lalayo para sa ikabubuti ng lahat. Pagdating sa bahay ay umakyat agad ako sa taas para makapaglinis ng katawan at matulog. Napagod ako sa work at sumakit ang ulo ko dahil sa amoy ng ospital. Pagkalapat na pagkalapat ng katawan ko sa kama ay agad akong tinangay ng antok. Sa pagod at antok ay hindi ko na narinig pa ang mga bagay na nangyayari sa paligid ko. Napaupo ako at napaatras sa gulat nang bumungad si Atreo sa pagbukas pa lang ng mga mata ko. Agad siyang sumenyas na ’wag akong maingay. Napalunok ako at kinabahan sa hindi ko malamang dahilan. “A-anong ginagawa mo rito? Umalis ka na!” galit ngunit halos pabulong kong pagpapaalis sa kanya. Hinawakan niya ako sa mukha at umiling siya. Bakas sa mukha niya ang pagtutol sa gusto kong mangyari. “Hindi ako aalis hangga’t hindi tayo nagkakaayos, baby. Gusto kitang makausap pero ayaw mo naman akong pagbigyan.” “At bakit kita pagbibigyan? Wala na tayong dapat pang pag-usapan dahil ang relasyong namamagitan sa atin ay isang pagkakamali lamang. Niloko mo ako at pinaglaruan. Alam mo kasi na gustong-gusto kita kaya sinamantala mo ako! Ginawa mo akong kabit na hindi ko matanggap!” Hinawi ko ang kamay niya at tinulak ko siya paalis sa kama, pero hindi siya nagpatinag. “Hindi ko naman mahal si Suzane. Kahit kailan hindi ko siya minahal.” Napatigil ako at napatingin sa kanya. Napahinga siya nang malalim at kinuha ang kamay ko. Ambang aalisin ko ang kamay ko sa pagkakahawak niya nang higpitan niya iyon. “Bigyan mo ako ng panahon para mawala ang bisa ng kasal namin. Pinoproseso na sa korte sa ibang bansa kaya kaunting panahon na lang.” “At bakit naman ako maniniwala sa ’yo?” Hinigit ko ang kamay ko kaya napabitiw siya sa pagkakahawak sa aking kamay. “Atreo, niloko mo na ako, kaya kailanman ay hindi na ako maniniwala sa ’yo.” “Because I love you.” Napabuka-sara ang bibig ko sa matigas niyang pagkakasabi no’n. “I love you, Grace Jane,” aniya at lumapit pa siya sa akin. “Hindi.” Hinawakan niya ako sa mukha at hinaplos-haplos habang tinititigan ako nang masuyo. “Nahihirapan ako kung hindi kita nakikita at nahahawakan nang ganito araw-araw. Ikaw lang ang minahal ko nang ganito.” Umiling ako at pumatak na ang luha ko. “May asawa ka na at anak, Atreo. Hindi ko na matutugunan pa ’yang pagmamahal mo.” Hinawakan ko siya sa dibdib nang halikan niya ako sa labi nang mapusok. Pinagsusuntok ko ang dibdib niya para patigilin siya dahil hindi ito tama. Kinuha niya ang mga kamay ko at dinala sa leeg niya. Napahiga ako sa kama ko nang marahan niya akong itulak. Napahinga rin ako nang malalim nang bitiwan niya ang labi ko at tumingin siya sa akin nang seryoso. “Maaayos ko lahat, baby. Kaya ’wag kang mangamba. At alam kong mahal mo ako dahil ramdam ko.” “Hindi kita mahal.” Ngumisi siya nang mahubad niya ang suot niyang T-shirt na gray. “It’s a lie, baby. A lie . . .” aniya at muling sinakop ang labi ko na hindi ko naman matanggihan. Ramdam ko ang pagngiti niya sa ginawa kong pagtugon sa kanya. Hindi ko pa rin siya matanggihan. Puso ko pa rin ang nasusunod kaysa sa isip ko na pilit sinasabi na isa itong kamalian. Bumuhos ang lahat ng pangungulila sa sabik naming palitan ng halik. Mariin ang pagkakahawak ng aming kamay habang mabilis ang aming mga labi sa pagtugon sa mainit na halik. Sa sobrang pagdadala sa akin ni Atreo ay hindi ko namalayan na kusa na naming nahubad ang aming saplot. Ramdam ko ang pagkikiskisan ng aming katawan at ramdam na ramdam ko ang bawat init na binibigay namin sa isa’t isa. Napasabunot ako sa buhok niya at napasinghap nang paglaruan ng labi at dila niya ang dibdib ko. Tumaas-baba ang dibdib ko dahil halos hindi ako makahinga sa kakaibang tensyon na dinudulot niya sa akin. Napatingin ako sa kanya nang bumaba siya hanggang sa madaanan niya ang tiyan ko, kanya iyong hinalikan at dinilaan. Pinagparte niya ang mga binti ko at napapikit ako at napakapit sa kumot nang maramdaman ko ang humahagod niyang dila sa p********e ko na nagpakiliti sa akin nang todo-todo. “God . . . Atreo . . .” Halos pigil ang pagsigaw ko kahit halos hindi ko na makayanan pa ang lahat. Naisip ko na posibleng marinig ang ungol ko kaya pinigilan ko ang boses ko at napatakip na lang ako ng bibig habang namimilipit na ako sa ginagawa niya. Para akong magaang na bagay na hinila niya palapit sa kanya kung kaya ay halos nakaangat ang katawan ko mula sa kama habang sobrang dikit ng katawan ko sa kanya. Mariin siyang nakahawak sa baywang ko habang sinesentro niya ang pagkalalake sa akin. “May namamagitan na ba sa inyo ng Vincent na iyon?” tanong niya habang tinitignan ako nang matalim at tinutukso ako. Umiling ako kaya pumulupot na ang dalawa niyang braso sa baywang ko at napadaing kami pareho nang sumagad siya hanggang sa kaloob-looban ko. “Good . . .” aniya at muling sinakop ang labi ko habang nasa ganoon kaming posisyon at marahan siyang gumagalaw. Napahigpit ang kapit ko sa leeg niya at halos hindi ako makatugon sa kanya dahil sa pagdiin ng kanyang katawan sa akin. Umuungol ako sa pagitan ng mga labi namin habang tinatanggap ang lahat ng pang-aangkin niya. Umuuga ang kama sa sobrang gigil niya kaya agad niya akong binuhat paalis sa kama at dinala ako sa aking sofa sa kwarto para doon ako ihiga. Napayakap ako sa likod niya nang bumilis ang galaw niya. Halos igitgit niya ako sa gilid ng sofa sa sobrang pagkasabik niya. Hinalikan niya akong muli habang pabilis nang pabilis ang galaw niya. Pareho kaming napasinghap at nanginig kaya humigpit ang yakap namin sa isa’t isa. Malalim ang paghinga namin habang pinapahupa ang init. Kinintilan niya akong muli ng malalim na halik bago siya umalis sa ibabaw ko at nahiga sa tabi ko. Niyakap niya ako habang nakatalikod sa kanya at nakatagilid kami nang higa. Pumikit ako at tinablan na naman ng konsensya dahil bumigay na naman ako sa kanya. Gusto kong magalit sa kanya pero hindi lang siya ang dapat na sisihin kundi pati ako. Gusto ko rin itong nangyari kaya wala akong dapat sisihin kundi ako. “Hindi ako titigil sa ’yo. Aayusin ko agad ito,” aniya ngunit wala akong sinagot na tugon sa kanya. Inalis ko ang kamay niya sa baywang ko at bumangon sa pagkakahiga. Hindi ko na ininda ang hubad kong katawan dahil nakita na rin naman niya ang lahat sa akin. “Pakisara na lang ang sliding door pag-alis mo.” Tumungo ako ng banyo para maglinis. Pagsara ko ng pinto ay napasandal ako doon at napapikit. Naglakad ako patungo sa shower habang lutang na lutang ang pakiramdam ko. Naguguluhan ako at natatakot sa maaaring idulot ng mali naming ginawa. Pero paano ko pipigilan ang damdamin ko kung ito mismo ang lumalabag? Tumingala ako at pumikit habang bumabagsak sa aking ulo pababa sa aking katawan ang tubig na nagbibigay ng kaginhawaan at katiwasayan sa aking isipan. Tila lahat ng kasalanan ko sa batas at Diyos ay nililinis nito kahit saglit. Pinatay ko ang shower kaya natigil ang pagtulo ng tubig sa aking katawan. Napahinga ako nang malalim at hinagod ko ang buhok ko para ipalis ang tubig na tumutulo sa aking mukha. Lumabas ako ng kwarto habang tinatali ang roba sa aking katawan. Napatingin din ako sa sliding door at nakita ko na nakasara na iyon. Hindi ko alam kung anong ginawa niya para makapasok siya. Siguro ay sinamantala niya ang pagiging panatag ng mga tauhan ni Dad na hindi na siya pupuslit dito kaya walang nakatunog sa kanya na pumasok siyang muli. Napahinto ako sa paglalakad nang mapatingin ako sa kama at nakita ko na may naiwan doong nakatiklop na papel. Lumapit ako at kinuha ko ito bago naupo habang inaalis ang pagkakatiklop ng papel. Baby, give me a chance to show you how much I love you. I’ll give up everything just for you . . . . Good night and I love you. ❤ Naibaba ko sa kandungan ko ang kamay ko na hawak ang sulat niya. Hinaplos ko ang sulat kamay niya na napakaganda, napakalinis at parang hindi isang general ang nagsulat. Hindi ko mapigilan na mapangiti sa sinabi niya. Hindi ko akalain na mahal niya rin ako. Kita at ramdam ko na mahal niya ako. “b***h, PARA KANG tanga.” Napakurap ako ng mata nang pukawin ni Zylene ang atensiyon ko nang pumalakpak siya nang dalawang beses malapit sa mukha ko. Umayos ako ng pagkakaupo sa hair dresser chair na kinauupuan ko. “Ano bang sinasabi mo?” Umiwas ako ng tingin sa kanila at pinagpatuloy ko ang pag-re-retouch ko. “Kanina pa kasi namin napapansin ang pagkatulala mo, tapos napapailing ka pa. May nililihim ka ba sa amin?” Napailing ako at napangiti sa kuryosidad ng dalawa. “Don’t mind me. Sige, I have to go.” Inayos ko na ang bag ko at ambang tatayo na ako nang hawakan ako ng dalawa sa magkabilang braso. “Hep! Hep!” “What?” Napakunot-noo ako habang tinitingnan sila na mga nakangisi sa akin. “Girls night out naman tayo. Tutal ay payag naman na ang parents mo na lumabas-labas ka basta kami ang kasama mo.” Napabuga na lang ako ng hangin dahil alam kong hindi ako tatantanan ng dalawang ito. Nais ko sana na umuwi para makasabay sa dinner nila Mom. “Baka magkaroon na naman gulo? Ayoko nang pumunta sa mga bar.” “Hindi na tayo sa bar pupunta. Mag-shopping na lang tayo.” “Dali na, b***h. Libre mo kami,” sulsol pa ni Allison sa anyaya ni Zylene. “Okay, okay. Geez. Wala talaga akong takas sa inyo.” Nag-apiran sila na sinimangutan ko naman, pero tinawanan lang nila. Sabay-sabay na kaming naglakad para umalis sa Lux Calisse building. Nagtatawanan kami nang mapahinto ako at mapatingin sa lalakeng nakatayo habang nakasandal sa isang kotseng magara. Napaayos siya ng tayo nang makita ako at napangiti siya. “O. M. G!” sabay na bulalas ng dalawa at siniko ako. Napatingin naman ako sa kanila na binibigyan ako ng mapanuksong tingin. Napahigpit ang hawak ko sa shoulder bag ko nang maglakad siya palapit sa amin. May hawak siyang bouquet ng flower. “Hi,” bati niya na kinakapit ng dalawa sa akin habang tila mga nangingisay sa kinatatayuan nila. “God. Mas gwapo pala siya kapag maliwanag at mas malapitan,” bulong ni Zylene sa akin. Napatikhim ako at tumingin kay Atreo na nilahad ang bulaklak na dala niya. “Anong ginagawa mo rito?” Napangiti siya nang hindi ko kunin ang bulaklak na dala niya. “Let’s watch the movie,” aniya at may kinuha siya sa bulsa ng suot niyang coat at nakita ko ang ticket ng movie. “Sorry, pero hindi ako pwede.” “Kami, pwede kami. Available na available.” Pinanlakihan ko ng mata ang dalawa dahil sabay pa talaga sila. Akala ko ba ay mag-sho-shopping kami? “Hindi kami pwede, dahil may lakad kami. For girls only. b***h, let’s go.” Hinawakan ko na ang dalawa at aalis na sana kami nang humarang pa sa amin si Atreo. “Vipers!” aniya at napatingin kami sa bawat kotse na nakakalat sa paligid. Nagbabaan doon ang Vipers na kinatili ng dalawa. “Quest. Haris, alam n’yo na.” Tumingin ako kay Atreo na nakatingin sa akin. Pinagtaasan ko siya ng kilay na ikinangiti lang niya. Napatingin ako kay Quest at Haris na lumapit kina Zylene at Allison. In-offer nila ang braso sa dalawa kaya agad na inalis ng dalawa ang pagkakahawak ko sa kanila at agad silang humawak sa braso ni Quest at Haris. “Omg. Ang tigas-tigas!” impit na tili ni Allison habang hinahaplos ang braso ni Quest. “Ang bango niya, bitch.” Napatingin naman ako kay Zylene. “Hey, bitches! Sasama talaga kayo sa kanila? May shopping pa tayo, ’di ba?” Lumingon ang dalawa nang ambang sasama na sila kina Quest at Haris. “Sorry, b***h, pero nagbago na ang isip namin.” Humahagikgik na sabay nilang sabi at todo kapit kay Quest at Haris na sumama na sila. Napapadyak ako dahil sa inis. Sila ang nag-aya pero iiwan lang ako sa ere dahil nakakita ng lalake. Pinagpalit talaga nila ako sa dalawa. Nakakainis! “Ehem!” Tumingin ako kay Atreo nang tumikhim siya. Inirapan ko siya at maglalakad na sana ako nang ibigay niya sa akin ang bulaklak na dala niya at agad niyang hinawakan ang kamay ko na pinasiklop niya sa mga daliri niya. “Wala ka nang choice kundi sumama sa akin,” aniya at hinila na ako palapit sa kotse niya. Pinagbuksan niya ako ng pinto sa front seat kaya napatingin ako sa kanya. Magsasalita sana ako nang hawakan niya ang ulo ko at ginabayan na ako sa pagpasok sa kotse niya. Nang makaupo ako ay tumingin ako sa kanya na sinara na agad ang pinto. Kinausap pa niya ang Vipers kaya nilapag ko sa kandungan ko ang bag ko at ang bouquet. Napatingin akong muli sa kanya nang buksan na niya ang pinto sa driver seat at sumakay na siya. Umayos siya ng upo at binuhay ang makina ng kotse. “Bakit mo ba ginagawa ito? Hindi mo ba maintindihan na hindi na tayo pwedeng magkita pa dahil tiyak na marami na ang makakakita?” “Ginagawa ko ito dahil gusto kong ligawan ka na hindi ko pa nagagawa sa ’yo. At gusto kong makasama ka kaya may masama ba doon?” Seryoso na niyang pinaandar ang sasakyan kaya napahinga ako nang malalim. “Masama dahil may asawa ka.” Hindi na siya sumagot at mas binilisan na lang niya ang pagpapatakbo ng sasakyan. Pagdating sa mall ay wala akong imik na sumasabay sa kanya sa paglalakad. Pinagtitinginan kami ng tao at halos ang mga kababaihan ay nababali ang leeg sa katitingin kay Atreo. Napatingin ako sa baywang ko nang ipulupot ni Atreo ang kamay niya roon. Bumaling ako sa kanya at nakita ko ang pagtiim ng bagang niya habang matalim ang tingin niya na kinataka ko. Hindi ko na lang siya pinansin at nagtungo kami sa second floor ng mall para puntahan ang sinehan. Binigay niya ang nabili niyang ticket sa nagbabantay sa entrance ng cinema saka kami pumasok habang bitbit niya ang pop corn at drinks na binili niya sa amin. Naupo kami sa pinakagitna. Marami nang tao kaya nagsimula nang buksan ang malaking screen. Nag-cross legs ako at umayos ng upo habang nakatingin sa screen. Napatingin ako kay Atreo nang alisin niya ang suot na coat at itakip sa hita ko. “Tsss. Masyadong maikli,” aniya at umayos na siya ng upo habang nakasandal ang ulo sa kinauupuan niya. Napatingin ako sa paligid at pasimpleng inayos ang pagkakatakip ng coat niya sa hita ko. Tila nag-init rin ang pisngi ko sa sinabi niya. Hindi ko naman kasi akalain na aayain niya ako rito. Suot ko pa naman ang fitted dress ko na itim na may slit sa magkabilang gilid. Tumikhim na lang ako at kinuha ang drinks na nilapag niya sa upuan ko. Nagsimula na ang movie kaya doon na lang nakatutok ang mata ko habang paunti-unti lang ang higop ko sa drinks. Hindi ko akalain na ang pipiliin niyang movie ay ang fifty shades of grey. Tila nasamid siya nang maunawaan niya ang pinili niya. Napakuha rin siya sa drinks niya at napainom sa scene kung saan ay medyo nakakailang na. “Si-Sila Sonny ang pinabili ko ng ticket kaya hindi ko alam ang pelikulang ito,” aniya at bigla ay tila napaka-defensive niya at nais na ’wag akong ma-turn off. Lihim na napangiti ako dahil tila hindi naman siya mahilig sa ganito. Hindi man lang niya inalam ang ticket na pinabili niya. Mula simula hanggang natapos ay hindi kami naging komportable sa isa’t isa. Lumabas na kami ng sinehan habang tahimik na lumalakad. God! Ewan ko kung anong meron sa movie na iyon at pareho kaming naapektuhan? “Dinner?” Napatingin ako sa kanya nang ayain ako. Tumango na lang ako bilang pagsang-ayon. Sa isang sikat na restaurant ang napili naming kainan. Agad kaming sinalubong ng waitress at binati. “Table for two,” ani Atreo kaya inaya kami ng waitress sa table na pang-dalawahan. Pinaghila ako ni Atreo ng upuan kaya nagpasalamat ako sa kanya nang makaupo ako. Naupo na rin siya sa katapat ko at nanghingi ng menu sa waitress. Pumipili ako ng kakainin ko nang dumikit ang binti ni Atreo sa binti ko. Tumingin ako sa kanya na namimili ng pagkain at tila wala naman sa kanya iyon. Sa tangkad niya kasi ay halos umabot na ang hita niya sa akin at nakakulong na ang binti ko sa pagitan ng binti niya. Nang ambang titingin siya sa akin ay agad kong pinokus ang paningin ko sa menu. Tinuro ko sa waitress ang nais kong kainin na agad naman nitong nilista. Binigay ko na sa kanya ang menu kaya kinuha na nito iyon at umalis. Napatingin ako kay Atreo na napapatapik ng daliri sa table habang ngiting-ngiti siya. Tumingin siya sa akin kaya nagkasalubong ang mga mata naming. Agad akong napaiwas ng tingin dahil halos hindi ko makayanan ngayon ang tingin niya. Kinakabahan din ako, hindi dahil sa takot, ngunit sa pagbilis ng t***k ng puso ko. Inabot niya ang baba ko kaya napaangat ako ng tingin sa kanya nang pisilin iyon. “Nasaan na ang baby kong mahilig mang-akit at kaya akong titigan nang matagal?” pilyo niyang tanong kaya hinawi ko ang kamay niya na kinahalakhak lang niya. “Tumigil ka,” suway ko sa kanya. “Bakit, hindi mo na kaya, ha?” hamon niya at medyo nilapit niya ang mukha habang titig na titig sa akin. “’Wag mo akong hamunin, baka magsisi ka,” seryosong sabi ko at pinatong ko ang braso ko sa lamesa at medyo nilapit ko rin ang mukha ko kaya ilang pulgada na lang ang layo ng mukha naming sa isa’t isa. Nagpigil siya ng ngiti at napakagat-labi habang titig na titig sa akin. Hinubad ko ang pumps na suot ko at sinayad ko ang paa ko sa binti niya na kinalunok niya. Pumalumbaba ako at kinagat ang dulo ng hintuturo ko habang tinitingnan siya na may pang-aakit. Sumandal ako sa upuan ko at inangat ko pa ang paa ko hanggang sa umabot iyon sa pagitan ng hita niya. Napangisi na lang din ako nang maramdaman ko ang umbok sa pants niya na kinaayos niya ng upo. Binaba ko na ang paa ko nang makitang palapit na ang waitress. Tumingin ako sa kanya na napahawak sa gilid ng lamesa at napapalunok habang nakatingin sa pagkaing in-order namin na nilapag ng waitress. Napailing ako at lihim na napangiti dahil hindi naman pala niya kaya, lakas pa ng loob maghamon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD