KABANATA 19

3372 Words
PUMASOK KAMI SA loob habang tahimik lamang ako na nagpapahila sa kanya. Kahit anong piglas ko ay hindi ako makaalis sa bisig niya. Para siyang tuko kung makakapit. “General, may naka-reserve na kaming restaurant.” Tumango si Atreo sa sinabi ni Sereno. Malaki ang lugar at very class ang bawat structure ng building. Narito kami sa resort pero sa main hall, dahil narito ang mga fast food chain, restaurant, game zone, botique at iba pa. Sumakay kami sa escalator at pag-akyat namin sa second floor ay restaurant at fast food chain naman ang makikita. “Bakit mo ba ako dinala dito? Gusto ko nang umuwi.” Napahinto siya sa paglalakad kaya napahinto rin ako dahil hawak niya ako. Binaba niya ang mukha niya kaya napaiwas ako dahil masyado siyang nakakailang. “Mamili ka, mag-ce-celebrate tayo rito o gusto mong tumuloy agad tayo sa hotel?” aniya na kinainit ng pisngi ko. Napahalakhak siya at binitiwan ang baywang ko para akbayan ako. “Just enjoy this day, baby. Gusto kong bumawi sa ’yo,” dagdag pa niya bago ako akayin na. Pasimple na tumingin ako sa kanya at bakas sa mukha niya ang kasiyahan. Tila ang madilim niyang mukha noon ay nagkaroon ng liwanag. Naupo kami sa upuan na pangdalawahang lamesa rito sa pina-reserve niyang restaurant. Nakayuko ako habang siya ang pumipili ng kakainin. “That’s all. Thank you,” pagpapasalamat siya sa waitress nang makuha na ang order namin at umalis na ito. Tumikhim siya pero hindi pa rin ako nag-aangat ng tingin at nanatili ang mata ko sa kamay ko. “Mananatili ka na lang bang nakayuko d’yan? Baka sumakit ang leeg mo?” Pumikit ako at hindi ko siya pinansin. Nakarinig ako ng pag-usog ng upuan kaya napadilat ako at gulat na napatingin sa kanya nang itabi niya ang upuan sa akin. “Hindi ako sanay na tahimik ka. Magsalita ka at baka manatili ka nang pipi d’yan,” aniya kaya napakuyom ang kamay ko at matalim na tumingin sa kanya. “Bakit mo ba ako dinala rito? Hindi mo ba nauunawaan na tapos na ang lahat sa atin? Ayoko na sa ganto kung matanda lang din ang magiging nobyo ko at may asawa na,” punong-puno ng diin ang bawat salita na binato ko sa kanya. Tila siya manghang-mangha at tuwang-tuwa sa galit kong mukha. Humarap siya sa akin at pinatong ang kamay sa upuan ko. “Really? Ayaw mo sa matanda? Ayaw mo na sa relasyon natin?” Ngumisi siya at hinawi ang buhok ko pero hinawi ko lang ang kamay niya at sa iba ko binaling ang mukha ko. Hinawakan niya ako sa baba at pinaharap sa kanya. Tinapatan ko ng matapang na tingin ang may pilyo niyang tingin. “Pasensya na, baby, pero gusto ko sa mga bata. At gusto ko ang relasyon na ito. At mas lalong gusto ko na hindi na matapos ito. Akin ka lang.” Pinisil niya ang baba ko at tumingin siya sa labi ko. Napahawak ako sa kamay niya nang hawakan niya ang panga ko at pisilin iyon na ikinabuka ang bibig ko. Agad niyang nilamon ang bibig ko at pumasok doon ang dila niya. Tinulak ko siya kaya napabitiw siya pero nakangiti pa rin. Sinampal ko siya pero natawa pa siya habang nakahawak sa pisngi niya. “Ang sarap mong sumampal. Nakakagigil.” Kinagat niya ang kanyang ibabang labi habang minamasahe ang panga niya. Tumayo ako sa upuan ko at maglalakad na sana nang mapatigil ako at makita ang Vipers na nakaupo sa ibang table habang nakapalibot sa amin. Nabigla ako nang hatakin muli ako ni Atreo paupo. “Subukan mo ulit tumakas, baka hindi ko na mapigilan ang sarili ko,” aniya. Nag-ring ang phone ko kaya agad kong kinuha iyon sa dala kong bag. Nakita ko na si Vince kaya sasagutin ko na sana nang biglang kinuha iyon ni Atreo na kinainis ko. “Akin na ’yan!” Hindi ko na natiis at pinagtaasan ko siya ng boses. “Kapag ako ang kasama mo ay ayoko na nababaling sa iba ang atensyon mo. At sinong may sabi na pwede kang makipag-flirt sa iba?” binulsa niya ang phone ko at tumingin sa akin nang seryoso. Napakuyom ako ng kamay at inis na lumihis ako ng tingin. “Here’s your order, Sir and Ma’am.” Umayos ng upo si Atreo nang dumating na ang order at nilapag na ng waitress sa lamesa. Wala akong imik hanggang sa makaalis na waitress at nailapag na ang lahat ng in-order ni Atreo. “Eat this.” Inuma niya sa bibig ko ang kutsara na may lamang pagkain. Hindi ko siya sinunod at umiwas lang ako ng tingin. Napahinga naman siya nang malalim at inusog pa ang upuan palapit sa akin. “Kainin mo na ito.” Inusog na lang niya ang pinggan sa harap ko at hindi na ako balak na subuan. Kinuha niya ang mga kamay ko at pinahawak ang kutsara at tinidor. Kumuha na lang din siya ng kanya. Gumalaw ang kamay ko para kuhanin ang chicken roasted slice. Kumain na ako at hindi ko na pinansin ang mga pasimple niyang tingin. Tahimik lang kaming kumakain at nang matapos ay may dala naman agad na dessert ang waitress na isang buko na ang laman ay haluhalo. Busog na ako pero sayang naman ito. Nang makalahati ko ang dessert ay inayawan ko na. Uminom ako ng tubig at tumayo na kinaagap niya. “Saan ka pupunta?” Tumingin ako sa kanya at kamay niya na mahigpit na nakahawak sa pulso ko. “Rest room.” Nagtaka naman ako nang magpunas siya ng nguso at tumayo rin. “Samahan na kita,” aniya na kinainis ko na naman. “Hindi ako tatakas, kaya hindi mo na kailangang sumama.” Tiningnan niya ako, tila binabalaan bago niya bitiwan ang pulso ko. Naupo muli siya kaya kinuha ko ang bag ko at umalis na sa lamesa. Tumingin ako kina Quest at inirapan ko sila na ikinangisi lang naman nila. Tsk. Napakasiraulo talaga nila. Manang-mana sa General nila. Inis na pumasok ako sa ladies comfort room. Nilapag ko sa lababo ang bag ko at binuhay ko ang faucet saka naghilamos. Tumingin ako sa salamin at napahinga nang malalim. Napapikit ako at naalala ko ang tagpong pinuntahan pa ako ng mommy ni Atreo. “Dito ka pala nagtatrabaho?” Hindi ako makapaniwala na napatayo mula sa hairdress chair ko. Nagkatinginan kami nila Zylene at alam kong nalilito sila kung sino ang babaeng nasa harap nila. Tinanguan ko sila kaya ayaw man nila akong iwan ay wala silang choice kundi lumabas dahil tiningnan sila ng mommy ni Atreo. Nang kami na lang ang naiwan ay ngumiti ako rito. “Magandang araw ho, Ma’am.” Tumingin siya sa akin na nakataas ang kilay. “Walang maganda sa araw ko kung ikaw ang kaharap ko,” aniya na kinalunok ko. “Hindi ko akalain na sa ganito nagtatrabaho ang kabit ng anak ko,” dagdag pa niya at tumingin sa akin mula ulo hanggang paa. Suot ko ang maiksing damit para sa gagawing photoshoot ko mamaya. “Wala naman pong masama sa trabaho ko.” Natawa siya at tiningnan ako na may pagkadisguto. “Wala nga namang masama sa babaeng halos maghubad na nang damit. Malayong-malayo ka kay Suzane, my son’s wife.” Pinagdiinan talaga niya ang huli niyang sinabi na kinayuko ko. Naramdaman ko ang paglapit niya at napamaang ako nang sampalin niya ako kaya napahawak ako sa pisngi ko at napatingin sa kanya. “Tigilan mo na ang paglalandi sa anak ko. May asawa at anak na pero nilalandi mo pa rin. Buntis pa ngayon si Suzane kaya kung hindi ka titigil ay ako ang puputol ng sungay mo.” “Iniiwasan ko na po si Atreo. Bakit po ako pa ang lumalabas rito na masama?” Hindi siya makapaniwala na tumingin sa akin at ambang sasampalin niya ako ulit ay mahigpit kong pinigil ang kamay niya habang matapang akong nakatingin sa mata niya. “Wala kayong karapatan na saktan ako dahil narito kayo sa teritoryo ko. At kung nais n’yong tumigil na ang anak n’yo sa pangungulit sa akin ay siya ang sabihan n’yo at hindi ako.” “Walang modo! Hindi ka ba tinuruan ng magulang mo ng magandang asal? O baka kagaya ka rin ng magulang mo.” “Umalis na lang po kayo. Hindi ko na po lalapitan ang anak n’yo kung ’yan po ang gusto n’yo.” Tiningnan niya ako nang masama bago siya tumalikod na at umalis sa dressing room. Napatulala ako at nanlalata na naupo sa hairdresser chair ko. “Sino ’yon, b***h?” Pumasok na sina Allison at napahinto nang makita ang pag-iyak ko. “Anong ginawa sa’yo no’n?” Umiling ako kay Zylene at pinahiran ang luha ko. “Wala iyon.” Humarap ako sa salamin at kinuha ang press powder ko para takpan ang bakas ng luha at sampal sa akin ng mommy ni Atreo. “Wala lang pero bakit ka umiiyak? Sino ba ’yon?” Umiling ako at ngumiti sa salamin habang nakatingin sa kanila. Napahinga sila nang malalim at hindi na nila ako kinulit para tanungin pang muli. Ayokong sabihin sa kanila dahil baka magkagulo lang. Bumukas ang pinto ng comfort room kaya agad akong mapabalik sa sarili. Nakita ko sa salamin si Atreo kaya agad akong nagpunas ng basang mukha. “Anong ginagawa mo rito? Hindi ka ba nakakaintindi ng privacy?” Kinuha ko ang press powder ko at nagpahid sa mukha. “Ang tagal mo. Akala ko, tinakasan mo na ako,” aniya na kinairap ko. Hindi ko na siya pinansin at pinagpatuloy ko na ang pag-re-retouch ko. Sumandal siya sa pader habang pinapanood ako. Binilisan ko na lang ang ginagawa ko at agad ko nang sinilid sa bag ko. Kinuha ko ang red lipstick ko at nagpahid ako sa labi. Napatingin ako sa kanya at nailang ako sa tingin niya kaya agad akong umiwas ng tingin at niligpit ko na ang lipstick ko. Nang ayos na ako ay binitbit ko ang bag ko at naglakad na ako palapit sa kanya. “Kailangan ko nang umuwi. Baka hinahanap na ako nila Mommy.” Ngumisi siya at napailing na kinataka ko. “Hindi ka hahanapin no’n,” aniya at kinuha ang bag ko bago ang kamay ko. “Paano mo naman nasabi na hindi ako hahanapin?” Hindi na niya ako sinagot at hinila na ako palabas. Lumabas kami ng restaurant habang kasunod ang Vipers. Napatingin ako sa kamay namin nang pagsiklupin niya ang mga daliri namin. “General, the ceremony will be start at exactly six in the evening.” Napatingin ako kay Erick nang sabihin niya iyon kay Atreo. Napatango si Atreo at tumingin sa pamisig na relo niya. “We have one hour to prepare.” Naguguluhan ako sa sinasabi nila. Hinila ako ni Atreo at sa isang botique at salon kami huminto. Pumasok kami kaya agad kaming binati ng mga parlorista. “Ayusan n’yo siya,” sabi ni Atreo sa mga ito at hinila ako sa mga dress na nakahilera. May kinuha siyang red dress at hinila ako sa hilera ng sapatos at kinuha niya ang nude pumps. Binigay niya sa mga empleyado ang napili niyang dress at pumps. “Ipasuot n’yo ’yan sa kanya at aalis lang ako saglit,” bilin niya sa mga empleyado na tumango naman sa kanya kaya tumingin na siya sa akin. “Bakit kailangan kong magpalit at ayusan?” Ngumiti siya at nabigla ako nang kintalan niya ako ng halik sa labi na kinatikhim ng mga empleyado. Pakiramdam ko tuloy, nag-init ang pisngi ko. “Basta. Babalikan kita rito. ’Wag kang tatakas dahil may magbabantay sa ’yo,” aniya at ibinigay sa akin ang bag ko. Umalis na siya kaya naiwan ako sa mga empleyado ng salon. Nahihiya na napangiti ako sa kanila na nangingiti rin sa akin. “Gosh Madamé, ang gwapo ng boyfriend n’yo.” Tipid na ngumiti na lang ako at sumama sa kanila nang pagsuotin ako ng roba. Naupo ako sa hairdresser chair nila at sinimulan na nila akong ayusan. “Madali lang kayong ayusan, Madam. Sa ganda n’yo ay hindi na kailangan pang pagandahin. Beauty n’yo lang ay sapat na,” sabi ng isang gay beautician. Ngumiti na lang ako at nabuburyong hinayaan silang ayusan ako. Nang matapos na ay pinasuot na nila sa akin ang red dress at nude pumps. Paglabas ko ng fitting room ay nakita ko na si Atreo na nakatalikod habang may kausap sa phone niya. Kinalabit siya ng nag-makeup sa akin kaya lumingon siya at napatingin sa akin. Napangiti ako nang makitang nakanganga siya. Hindi ko alam kung ano pa ba ang kinamamangha niya, e, palagi naman niya akong nakikitang nakaayos. Lumakad ako palapit sa kanya at inalis ko na ang ngiti ko. Nagpalit pala siya ng suot. Mula sa casual formal suit, ngayon ay nakaformal na talaga siya. Black coat, black polo and white necktie, and black pants with leather black shoes. Mas lalo palang nakaka-attract ang looks niya kapag masyadong kagalang-galang ang ayos niya. Tumikhim ako kaya napakurap siya at napatingin sa phone niya. Agad siyang nagpaalam sa kausap niya sa kabilang linya at binulsa ang cellphone bago siya tumingin muli sa akin mula ulo hanggang paa habang napapalunok pa. “You are so gorgeous, baby,” aniya kaya tumango lang ako bilang pagpapasalamat sa papuri niya. Ngumiti siya at kinuha ang kamay ko bago niya ilagay sa braso niya. “Let’s go. We just have ten minutes before the start of the ceremony,” dagdag pa niya at inakay na ako. “Thank you, Sir and Ma’am. Come again!” Tumango at ngumiti ako sa empleyado ng salon bago kami lumabas. Nakita ko ang Vipers na agad sumunod sa amin. Tila sa lahat ng pupuntahan namin ay nakasunod ang Vipers. Sa isang function hall ay nakita ko ang mga naka-formal suit at mga matataas na tao na pumapasok din. Tila isang wedding ceremony ang gaganapin dahil maraming bulaklak at ang mga upuan ay may mga tela at bulaklak na nakapalibot. “General Alvarez.” May bumati kay Atreo na ginoo na tingin ko ay nasa singkwenta na ang edad. “Sergeant Major Buenitez.” Nag-saludo si Atreo rito na kinangiti ng matanda. Sumaludo rin ang matanda bilang tugon sa paggalang ni Atreo. “Happy anniversary sa inyo ni Mrs. Buenitez, Major,” magalang na sabi ni Atreo. Napahalakhak ang matanda at tinapik ang balikat ni Atreo. “Salamat. Salamat. Anyway, nabalitaan ko ang ginawa mong pagligtas sa isla ng bayan ng Carlota. Kaya lalong tumataas ang pangalan mo sa batch n’yo. Kung papasok ka sa gobyerno ay baka lalong makabuti kung ikaw ang hahawak doon.” Umiling si Atreo at tipid na ngumiti sa matanda. “Hindi ko ho kailangan ng posisyon sa gobyerno. Masaya na ako sa sarili kong grupo at nakakatulong ako sa bansa.” “Sabagay, magaling ang pag-train mo sa grupo mo. Kaya hindi nakakapagtaka na ikaw ang palaging ninanais ng mga nakakataas.” Napatingin sa akin ang matanda kaya tipid na ngumiti ako rito. “Who is this gorgeous lady beside you, General Alvarez?” Tumingin ako kay Atreo nang alisin niya ang kamay ko sa braso niya at pumulupot ang braso niya sa baywang ko. “She’s Grace, my girlfriend, Major.” “Oh, I thought she’s your wife.” Napayuko ako at napahigpit sa hawak kong bag. “Mr. Buenitez, nand’yan na po ang bride.” May biglang sumingit na tila organizer ng kasal na kinahinga ko nang maluwag. “Oh, General Alvarez, maupo na kayo at sasalubungin ko lang ang aking asawa.” Ngumiti ito sa amin at tinapik ang balikat namin kaya ngumiti ako rito. Inalis ko ang kamay ni Atreo sa baywang ko at nauna akong maglakad sa kanya para maupo sa bakanteng upuan. Naupo ako sa dulo at sumunod nama siya. Tahimik ako habang siya ay panay ang sulyap sa akin. Nagsimula nang maglakad ang bride habang sabay na sila ng groom na si Mr. Buenitez. Pumalakpak ako at nakinig sa seremonya. Hindi siguro sila magpapakasal muli kung hindi nila mahal ang isa’t isa. At kitang-kita ko ang saya sa mukha nila at pagmamahalan kahit pa nasa edad na sila kung saan ay pareho na silang matanda. Pagkatapos ng seremonya ay lumipat lang sa reception hall na katabi ng function hall. Malawak at sosyal ang bawat pagkain at ang motif ng kasal. Kumakain na kami at panaka-naka ang tingin ko sa mga taong narito sa reception. “Try this.” Nilagyan ni Atreo ang plato ko ng isang putahe. Kanina pa siya at hindi lang ako makatanggi sa kanya dahil baka makagawa pa ako ng eksena. Busog na busog na ako at halos ayoko na nga pero siya ay lagay pa nang lagay. Binaba ko na ang kubyertos ko at uminom ako ng tubig na kinatingin niya sa akin. “Finish your food, baby,” aniya pero hindi ko siya inimikan. Napahinga siya nang malalim at siya na ang kumain ng natira ko. “Oh, kumusta kayo d’yan?” Napatingin kami sa mag-asawang Buenitez at ngumiti ako sa mga ito. “We’re okay, Mr. And Mrs. Buenitez. Actually, we’re enjoying this a lot,” tugon ni Atreo na tumayo at bumeso kay Mrs. Buenitez. “Mabuti naman at nagustuhan n’yo. Salamat sa pagdalo. Pasensya na kayo kung boring ang kasal. Alam n’yo na, matatanda na.” Napahalakhak si Atreo at Mr. Buenitez sa sinabi ni Mrs. Buenitez. Nakingiti na lang ako sa kanila. “Oh darling, this is Miss Grace, Atreo’s girlfriend,” biglang pakilala sa akin ni Mr. Buenitez. “Hello, Grace. You’re so gorgeous lady. You really looks like someone I know.” Nagtaka naman ako sa sinabi niya. Tumingin ako kay Atreo na hinawakan ang balikat ko. “She’s Grace Jane Esteban, Ma’am.” “Oh, really. Esteban. Daughter of Mr. James?” Tumango ako rito kaya ngumiti ito. “Anyway, I’m happy to meet you, Grace.” “Same with you, Mrs. Buenitez. Congrats po.” Hinalikan niya ako sa pisngi bago sila lumipat ng table. Nang kami na lang muli ang naiwan ni Atreo ay natahimik muli ang table namin. Tumikhim siya nang makaupo siyang muli at humawak sa hita ko kaya agad kong hinawi ang kamay niya. “Are you tired, baby?” aniya kaya tumingin ako sa kanya. “Yes, I’m tired. Actually, dapat ay kanina pa ako nakauwi kung hindi mo lang ako dinala rito nang walang permiso ko.” Nagseryoso siya at binutones ang coat niya bago siya tumayo at hinila ako patayo. Napasunod ako sa kanya kaya kinuha ko ang bag ko habang nagtataka na nakatingin sa kanya. Inakay niya ako palapit sa mag-asawang Buenitez. “Excuse me, Sergeant Major, Mrs. Buenitez. We have to go. Pasensya na ho kung hindi namin matatapos ang seremonya.” “Don’t be sorry. It’s okay. If you want, pwede kayo sa reserve room na para sa mga guest namin. Malayo pa ang bahay mo rito, right?” Napatingin ako kay Atreo nang tumango siya. Pinisil ko ang kamay niya na nakahawak sa kamay ko kaya napatingin siya sa akin. “Thanks for the offer, Major. Actually, pagod na itong girlfriend ko at baka hindi na kaya ang mahabang byahe.” Inakbayan ako ni Atreo at napamaang ako sa sinabi niya. Napatapik ang matanda sa balikat ni Atreo habang nakangiti sa amin. Hinila ako ni Atreo palabas ng reception hall at pilit akong nagpupumiglas ngunit mahigpit ang hawak niya sa kamay ko. Pinindot niya ang elevator ng hotel at hinila ako papasok nang bumukas na iyon. Hindi ko siya masigawan dahil may tao rin na nasa loob ng elevator. Nang matapat sa sinabi ng matanda na floor ay bumukas ang elevator at hinila na ako ni Atreo. “Ano ba, Atreo!? Uuwi na ako!” Nagpupumiglas ako sa hawak niya pero hindi niya ako binitiwan. Binuksan niya ang pinto gamit ang card na binigay ni Mr. Buenitez bilang susi ng room na ni-reserve niya. Hinila ako ni Atreo papasok at nabigla ako nang isandal niya ako sa pinto. “Kanina pa ako nagtitimpi, baby. Ngayon tingnan natin kung makapagpumiglas ka pa at makauwi,” seryoso niyang sabi at hinubad ang suot na coat habang nakatitig sa akin nang seryoso. Napalunok ako at kumabog ang dibdib ko. Pinihit ko ang pinto at tatalikod na sana ako sa kanya para buksan ang pinto nang isandal niya muli ako sa pinto at napahalinghing ako nang lamunin niya agad ang labi ko. Pinagsusuntok ko ang dibdib niya at hindi ako tumutugon sa halik niya, pero hinapit niya ako sa baywang at mas ginitgit sa pinto habang mapusok akong hinahalikan. Hinawakan niya ang isang binti ko at tinaas hanggang baywang niya. Napabuka ako ng labi nang kagatin niya ibabang labi ko na agad niyang sinamantala. Ginalugad agad ng dila niya iyon at hindi ko namalayan na kusa na akong tumutugon sa halik niya habang nakapikit ang mga mata ko. Lumalim ang halik namin at naging marahan na ngunit puno ng kapusukan. Binitiwan niya ang labi ko kaya napadilat ako at sumalubong sa akin ang mata niyang mabagsik. “I love you. And I still want you. All of you is mine. Do you love me?” Tiningnan ko siya at nahihirapan akong sagutin dahil kapag sinagot ko ay alam kong gulo na naman ang kalalabasan nito. Napayuko ako pero hinawakan niya ang baba ko at iniangat kaya nasalubong ko ang masuyo niyang tingin. “Do you love me? Answer me.” Napapikit ako at dahan-dahan na tumango. Naramdaman ko ang paglapat ng noo niya sa noo ko kaya dumilat ako at halos maduling ako sa pagsasalubong ng tingin namin. “Good answer.” Ngumiti siya at tinagilid niya ang mukha niya bago niya sakupin muli ang labi ko na puno ng kaingatan at kasabikan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD