KABANATA 20

3081 Words
NAPAKUYOM ANG KAMAY ko at napaarko ang katawan ko sa lubos na kiliti at kilabot na ginagawa ni Atreo sa katawan ko. Simula nang meron muling nangyari sa amin sa hotel noon ay halos hindi na niya ako tigilan at hindi ko na rin siya mapigilan. Magaling siyang manukso ngayon at hindi ko alam kung anong nangyayari sa akin kung bakit naging sunod-sunuran ako sa kanya. Palagi niya akong pinapasaya at pakiramdam ko ay ako lang ang pinakamagandang babae sa mga mata niya kung paano niya ako ituring. Kaya hindi ko masisisi ang puso ko kung bakit sumuway na naman ako sa sinasabi ng isip ko at kinunsinti ang bawal na relasyon namin. Napahawak ako sa unan at napakagat ako ng labi nang maramdaman ko ang dila niya na humahagod sa p********e ko. Naipit ng aking mga hita ang kanyang ulo nang manginig ako sa sobrang sarap ng ginagawa niya sa akin. Gumapang siya paakyat sa katawan ko. Napasabunot ako sa buhok niya nang muling sakupin ang dibdib ko ng kanyang mainit na bibig. Pisil-pisil niya ang dibdib ko habang paakyat ang halik niya sa leeg ko at pinagpantay niya ang mukha namin. Hingal na hingal ako na napapikit habang pinagdikit niya ang noo namin. “Baby . . .” aniya kaya dumilat ako. Nasalubong ko ang mata niya na malalim na nakatingin sa akin. “Hmm . . .” “Tinantanan ka na ba ni Olivares?” tanong niya kaya tumango ako na kinaangat ng sulok ng labi niya. Pinagparte niya ang binti ko gamit ang mga binti niya kaya napakapit ako sa balikat niya nang mahigpit habang magkatitigan kami ng mata sa isa’t isa. “Good. Mabuti at alam niya kung sino ang nagmamay-ari sa ’yo,” dagdag pa niya at hinawakan ako sa ulo bago kami parehong napadaing nang maramdaman ko na sa loob ko ang kahabaan niya. “Paano naman ay halos tutukan mo ng baril. Nakakaawa naman si Vince.” Napahalinghing ako nang mariin niyang idiin ang sarili sa akin. Nagbigay iyon ng ibang kiliti sa akin. “Nakakaawa? Ha? Pinagtatanggol mo pa siya?” maanghang niyang tanong at marahan ang galaw niya habang puno ng diin. Napayakap ako sa leeg niya habang tinitingnan ko ang inis niyang mukha. Umiling ako kaya napangiti siya at bumilis ang galaw niya. Hinalikan niya ako nang mapang-akin kaya pumikit ako at tumugon sa halik niya habang tinatanggap ang bawat pag-angkin niya. Habang pabilis nang pabilis ang galaw niya ay palalim na palalim naman ang palitan namin ng halik na halos kinabaliw ko. Napasabunot ako sa buhok niya at napayakap ang mga binti ko sa pang-upo niya. Binitawan niya ang labi ko at niyakap ako sa ulo bago niya ibigay-todo ang paggalaw sa ibabaw ko. “Damn! Baby!” Mura siya nang mura habang walang humpay ang pag-indayog niya. Huminto lang siya saglit at inusog ako sa head board ng kama na halos nakaupo na ako sa unan. Hinawakan niya ang pang-upo ko at muli siyang umindayog na kinayakap ko sa kanya. “Ohhh! Atreo! God!” halos mamilipit ako at kahit halos igitgit niya ako ay balewala sa akin iyon dahil hindi ko na alam ang nangyayari sa paligid ko. “B-baby, I’ll marry you. Pangako ’yan . . .” bulong niya pero tanging ungol lang ang naisagot ko dahil halos magdeliryo na ako. Napatugon ako sa halik niya nang muli niyang sakupin ang labi ko ngunit napabitiw ako nang bigla akong manginig at napayakap sa kanya. Hingal na hingal ako habang siya ay patuloy lang sa paggalaw. Binuhat niya ako kaya napakapit ako sa balikat niya. Hiniga niya muli ako at hinugot ang kanya mula sa akin. Pinatalikod niya ako at hinila ang baywang ko pasandal sa katawan niya. Napahawak ako sa braso niya at napanganga nang muli ko siyang naramdaman papasok. “I love you. I love you . . .” bulong niya at hinalikan ang tainga ko na ikinangiti ko habang tinatanggap ang bawat pag-ulos niya sa likod ko. Gumapang ang isa niyang kamay sa dibdib ko at pinisil iyon na kinamaang ko. Pinabaling niya ang mukha ko sa kanya at inabot ang labi ko para halikan. Humigpit ang hawak niya sa tiyan ko at bumilis ang galaw niya habang pabilis nang pabilis din ang palitan namin ng halik. Nang mangawit ako ay bumitiw ako ng halik. Mahigpit siyang yumakap sa akin at ang mabilis niyang galaw ay puno ng diin. Kinagat niya ang leeg ko bago siya nanginig at ako man ay nanginig din sa pangalawang pagkakataon. Napabagsak kami ng higa habang hingal na hingal. Tumagilid ako kaya nahiga siya sa tabi ko patagilid din at niyakap ako habang nakapatong ang isa niyang binti sa binti ko. Nag-pop ang message tone ko kaya napadilat ako at napatingin sa side table. Inabot ko iyon at nakita ko na nag-text si Zylene at sinabi na pabalik na sila sa Lux. Mahinang pinalo ko ang kamay ni Atreo na nakahawak sa tiyan ko. “Atreo, pabalik na raw sila Zylene sa Lux.” Babangon na sana ako nang pigilan ako ni Atreo kaya lumingon ako sa kanya. Nakapikit siya at pinahiga muli ang ulo ko sa unan hanggang sa maramdaman ko ang pagsubsob ng mukha niya sa buhok ko. “Bukas ka na umuwi. Dito ka muna,” bulong niya. “Pero baka magtaka na sila Dad kung bakit ako palaging inuumaga ng uwi.” “Hindi iyon, ako ang bahala sa ’yo,” aniya at inabot niya ang makapal na kumot niyang itim at tinakip sa hubad naming katawan. “Matulog ka na. ’Wag kang mangamba dahil ako ang bahala sa ’yo,” dagdag pa niya at hinalikan ang ulo ko bago humigpit pa ang yakap niya sa akin. Napahinga ako nang malalim at tinext si Zylene na kay Atreo ako magpapalipas ng gabi. Humawak ako sa kamay ni Atreo na nasa tiyan ko at pumikit na ako. Pero agad na napadilat din ako at napahawak ako sa bibig ko nang makaramdam ng pagbigat ng dibdib ko at pag-ikot ng kung ano sa tiyan ko. Inalis ko ang kamay ni Atreo at mabilis akong bumangon sa kama. Tumakbo ako patungo sa banyo at agad na sumalampak sa toilet. Pakiramdam ko ay masusuka ako pero halos tubig lang naman iyon. Napahawak ako sa tiyan ko at nanlalata na tumayo at lumapit sa lababo. Binuhay ko ang gripo at nagmumog ako. Naghilamos ako ng mukha para mahimasmasan. Napahinga ako nang malalim at napahawak sa tiyan ko. s**t. May nakain yata akong hindi maganda kagabi. Lumabas ako ng banyo at tumingin kay Atreo na tulog na tulog. Naupo ako sa kama at niyugyog ko siya. “Atreo, gising!” “Hmmm . . . Baby . . .” Umungot lang siya at hinalikan ang kamay ko bago siya muling natulog. “Gising. Atreo.” Napabuga ako ng hangin at umalis ng kama. Tumingin ako sa paligid para maghanap ng gamut, pero wala akong makita. Napatingin ako kay Atreo na sarap na sarap sa pagtulog. Habang ako ay napaaga ang gising. Napailing ako at nagtungo sa banyo para maligo at baka mahimasmasan ako, dahil baka sumama lang sikmura ko. Hay! Nakakapanglata at parang gusto kong matulog ulit! Nang matapos ako sa morning ritual ko ay lumabas ako habang tinatali ang roba. Nagtungo ako sa walking closet niya. Pagpasok ko ay tinungo ko ang isang closet kung saan niya nilagay ang mga damit ko na naiiwan dito. Nilagyan niya ako ng place sa wardrobe niya. Hindi ko mapigilan na mapangiti kapag iniisip ko na siya mismo ang naglagay noon at nag-ayos. Kumuha ako ng plain white shirt, maong short-shorts at ankle brown boots. Lumabas na ako ng walking closet habang inaalis ang tuwalya sa ulo ko. Tumingin ako sa kanya at napailing dahil tulog pa rin siya at halata ang puyat pero nakangiti naman ang labi. Sinuklay ko lang buhok ko at lumabas ako ng kwarto niya. Pagbaba ko ng hagdan ay nakita ko si Manang na palaging naglilinis ng bahay ni Atreo. “Manang, nakapagluto na po ba kayo?” Tumingin siya sa akin mula sa pagva-vacuum. “Hindi pa, hija.” Napangiti naman ako na ikinangiwi niya. “Sige po, ako na po ang maghahanda.” “Teka, hija.” Hindi ko na siya pinatapos at maligalig akong nagtungo sa kitchen. Nag-unat ako ng braso at pinagalaw ko ang leeg ko. Nang makapag-unat na ako ng katawan ay lumapit na ako sa refrigerator at binuksan iyon. Bumungad sa akin ang maraming laman ng ref ni Atreo. Napahawak ako sa baba ko at tiningnan ang maaari kong lutuin. Tutal ay breakfast naman ang kakainin namin ay kumuha ako ng hotdog at bacon. Nilapag ko sa kitchen bar ang mga iyon. Kinuha ko rin ang apron at sinuot ko. Napatingin ako sa isang bowl ng itlog kaya napangiti ako dahil pang breakfast din iyon. Kumuha ako ng mga limang itlog at nilapag ko iyon sa kitchen bar. Kinuha ko ang kawali at spatula saka ko inilagay ang kawali sa electric stove. Binuhay ko ito sa mild lang gaya ng nakikita ko sa telebisyon. Inuna kong ilagay ang mantika. Binuhos ko ang isang malaking bote ng mantika sa kawali kaya halos mapuno na ang kawali. Tinapon ko na sa basurahan iyon dahil kailangan din daw sa pagluluto ay malinis. Napangiti ako at tumingin sa hotdog at bacon. Ano nga ba ang gagawin dito? Nakita ko na nilagay na lang sa kawali ang hotdog kaya siguro ay ilalagay ko na lang din ito. Nilagay ko sa kawali ang hotdog at bacon. Nagpagpag ako ng kamay at napangiti dahil madali lang palang magluto. Kinuha ko ang spatula at biniling-biling ko ang hotdog at bacon. Napaigtad naman ako nang biglang may humawak sa baywang ko. Napalingon ako at nakita ko ang pipikit-pikit pa na mga mata ni Atreo. Tiningnan ko ang katawan niya at nakita ko na naka-boxer naman siya kaya hinayaan ko na dahil akala ko ay hibang pa siya nang bumangon sa higaan at nagpunta siya rito nang nakahubad. “Doon ka muna. Ginugulo mo lang ako.” Napahalakhak siya at hinawakan ang buhok ko para iipon sa kamay niya at ipusod dahil sumasabog sa mukha ko. “Sige, d’yan ka pala muna. Hawakan mo na lang ang buhok ko at wala akong dalang pamusod.” “Nagluluto ka?” Parang ngayon lang siya nagising at sinilip ang niluluto ko. “What the f**k!” Agad niya akong nilayo sa niluluto ko at agad na pinatay ang stove. Napatingin ako sa kanya na hindi makapaniwala na nakatingin sa kawali. “Bakit mo pinatay? Hindi pa nga naluluto, e.” Tumingin siya sa akin at napahawak siya sa noo niya. Natawa siya at napailing. Napataas ako ng kilay at tiningnan siya na tila nababaliw na. “Damn. Mabubutas yata ang bulsa ko sa ’yo kapag nagsasama na tayo,” bulong niya. “Ano?” Hindi niya ako pinansin at kumuha siya ng isang apron at sinuot. Kumuha siya ng plato at spatula para hanguin ang hotdog at bacon. Binawasan niya ang mantika at nilagay sa malinis na lalagyan ang ibang mantika. Binuksan niya ang ref at kumuha ng panibagong hotdog at bacon. Napalaki ang mata ko nang makita ko na inalis niya ang balat ng hotdog at hiniwa pa. Pagkatapos ay kumuha siya ng sibuyas at hiniwa. Pagkatapos ay sa itlog naman siya at nilagay niya ang laman sa bowl at binati niya iyon para maghalo at nilagyan ng sapat na asin. Nang matapos ang ginagawa ay binuhay na niya muli ang stove at pinainit ang mantika. Nang mainit na ay sinalang muna niya ang itlog at napakagaling niya sa pagluluto kaya napanguso ako dahil mali pala lahat ng ginawa ko. Nang matapos siya sa pagluluto ng itlog ay inilagay niya sa clean plate ang niluto niyang itlog at sinalang naman niya ang hotdog. Nang maluto ang hotdog ay ang huli niyang niluto ay ang bacon. Pinanood ko lang siya at nagsalang siya ng bread sa oven bago siya tumingin sa akin. Ngumiti siya at inalis ang apron. Kinuha niya ang hawak kong spatula at hinila ako sa gripo. “Next time hayaan mo na si Manang ang magluto. Kaya pala hindi mapakali si Manang dahil nagluluto ka,” aniya habang hinuhugasan ang kamay ko. “Bakit naman parang sa tono mo, e, ayaw ko na akong magluto? Marunong naman ako, a.” Napahalakhak siya sa tainga ko kaya napalayo ako. Nang matapos kami sa paghuhugas ay kumuha siya ng tissue at pinunasan ang kamay ko. Humarap ako sa kanya habang nakasandal sa lababo. Pinatong niya sa lababo ang kamay niya, bale sa magkabilang gilid ko para makorner ako. “Basta. Ipangako mo na ’wag na ’wag ka nang magtutungo rito para magluto.” Napasimangot ako sa sinabi niya pero nginisian niya lang ’yon. Kinintalan niya ako ng halik sa labi kaya tinulak ko siya sa dibdib na kinahalakhak naman niya. “Ang baho mo, maligo ka nga.” Napakunot-noo siya at naalis ang pilyo niyang ngiti. Inamoy niya talaga ang kili-kili niya kaya napahawak ako sa labi ko at pinigil na mapangiti. “Okay. Wait me here. ’Wag ka munang kakain.” Tumango ako kaya agad siyang tumalikod habang inaamoy ang sarili. Actually, mabango pa rin siya. Gusto ko lang siyang patigilin dahil tiyak na mangangalabit na naman siya. Kinuha ko ang bread sa oven at dinala na ito sa kitchen bar. Natakam ako sa gatas kaya nagtimpla ako at pati na ang kape na gusto ni Atreo sa umaga. Nilapag ko na sa lamesa ang gatas at kape. Naupo ako sa high chair at nagtiyagang hintayin si Atreo. “I’m done. Let’s eat.” Basa pa ang buhok niya at nakabihis na siya ng simpleng black shirt at lumang punit-punit na pantalon habang naka-rubber shoes na white. Tumabi siya sa akin sa isang high chair. “Pinagtimpla na kita ng kape.” Tumingin siya sa kape at hinawakan ang tasa. Humigop siya at tumingin sa akin bago ngumiti. “Nóstimo san eséna.” Napakunot-noo ako sa sinabi niya. “Huh? Anong ibig sabihin no’n.” Ngumiti siya at binaba sa platito ang tasa. Dinilaan niya ang labi niya at ngumiti sa akin. “Delicious like you.” Nag-init ang pisngi ko at umiwas ako ng tingin na kinatawa niya. Humigop muli siya ng kape kaya lihim akong napangiti at nagpalaman ng bacon at egg sa bread. Pagkatapos naming mag-breakfast ay hinatid na niya ako pauwi. Sa bungad lang ng gate niya ako hinatid dahil hindi siya makakapasok sa loob dahil baka makita kami ni Dad. “Mag-iingat ka sa pagda-drive, ha?” Tumango siya kaya nakahinga ako nang maluwag at kinuha ko na ang bag ko. Hinawakan ko na ang pintuan pero napalingon ako nang hawakan niya ang mukha ko at ipaharap sa kanya. Hinalikan niya ako kaya napapikit ako at tumugon. Saglit lang din at bumitiw na kami. “Sige na. Mamaya ay papasok ka ba sa Lux?” “Oo, mag-te-text na lang ako sa ’yo.” Tumango siya kaya bumaba na ako. Naglakad ako palapit sa gate at tsaka humarap muli. Kumaway ako ng i-atras na niya ang kotse nya. Napangiti ako at binuksan ang gate. “Señorita, bakit ho ngayon lang kayo?” Napahawak ako sa dibdib nang mabigla ako nang sumulpot sa harap ko si Sally. “Nandyan ba sila Dad?” “Oho, nand’yan po.” Tumango ako at huminga nang malalim. Pumasok na ako at tumingin sa loob ng bahay. Naabutan ko ang mga katulong na naglalagay ng mga bulaklak sa bawat sulok at sa mga lamesa. Napatingin ako kay Mommy na may buhat na flower vase at tila kakatapos lang niya i-arrange iyon. “Oh, anak, nand’yan ka na pala. Kumusta ang pag-overnight mo sa mga kaibigan mo?” Napalunok ako at gusto kong sabunutan ang dalawa dahil nakagawa na naman ng palusot kina Mom. Sila kasi minsan ang pasimuno kapag nagkikita kami ni Atreo. Ewan ko kung talagang naniniwala si Dad sa alibi ng dalawa. Alam ko naman kasing hindi madaling maloko si Dad. Pero hindi naman ako sinisita ni Dad kapag palagi na akong nag-o-overnight kina Zylene kahit hindi naman. Bumeso ako kay Mom at naupo sa sofa para panoorin siya na nag-aayos ng flower vase. “Pansin ko na parang tumataba ka ’ata, anak.” “Ho?” Tumingin ako sa katawan ko at napahawak ako sa mukha ko, “Tumataba na po? Sigurado po kayo?” Bumaling siya sa akin at tiningnan ako bago siya tumango. Nabalisa naman ako. “Hindi ba makakasira sa trabaho mo ’yan? Pero bagay naman sa ’yo.” “Mom, makakasira ho kapag tumaba ako. Ako pa naman po ang kinuha ng sikat na magazine para gawing cover girl. Next month na ho ang photoshoot.” “Edi, mag-exercise ka. Panay kasi ang kain mo ngayon.” Tumango ako at tumayo na sofa. Umakyat ako sa taas at nagpalit ng gym outfit ko. Suot ang cotton short-shorts at racer back sando ay nagtungo na ako sa gym room. Binuhay ko ang trendmills at sinet ko iyon sa medyo mild lang. Sinikap ko talaga na pagpawisan. Nand’yan ang nag-trendmills ako, exercise ball, at elliptical trainer. Hingal na hingal ako na tumigil at pinunasan ko ang pawis ko gamit ang bimpo. Naupo ako habang nakahawak sa binti ko. Tumingin ako sa wall clock na nakasabit sa pader at nakita ko na mag-aalas dose na pala. Tumayo na ako at lumabas ng gym room habang nagpupunas ng pawis. Nagpahinga lang ako saglit at pagkatapos ay naligo muli. Suot ang blue dress at blue sandals. Kinulot ko ang dulo ng buhok ko at nagpahid lang ng red lipstick. Kinuha ko na ang sling bag kong itim at lumabas na ako ng kwarto ko. Pagbaba ko ay nakita ko sina Mom at Dad na naghaharutan sa sofa kaya napangiti ako. Napansin nila ako kaya hinampas ni Mom si Dad at umalis siya sa pagkakaupo sa kandungan ni Dad. “I need to go, Mom and Dad.” Bumeso ako sa kanila at ngumiti ako nang may panunukso. “Sige, ipagpatuloy n’yo na po ang paglalambingan n’yo.” “Grace!” suway ni Mommy kaya napahagikhik ako at lumakad na palabas. “Kuya, pahatid po ako sa Lux. Naiwan ko ho kasi doon ang kotse ko.” Agad namang tumango ang dalawang bodyguard ko dati at kinuha ang kotseng available. Pinagbuksan agad ako ng pinto nang huminto sa harap ko ang kotse. Sumakay na ako at kinuha ko ang phone ko. Tinext ko si Atreo at sinabing patungo na ako sa Lux. Tumingin ako sa bintana pero napatingin muli ako sa phone ko nang mag-reply agad si Atreo. Napangiti naman ako at kinilig sa sinabi nya. Nireplyan ko siya ng ‘I love you too’. “GOOD MOOD, b***h?” Ngumiti ako kay Allison na inaayusan ng buhok ng stylish niya. Naupo ako sa sofa at kinuha ang isang unan. “Yes. Wala lang, masaya lang ako.’ “Asus! Kami pa niloko mo. Alam naman namin na si Atreo ang dahilan. Don’t deny it.” Tumango na lang ako kay Zylene at napahawak ako sa tiyan ko. Napangiwi ako nang makaramdam na naman ng sakit dito. “A-Ahh! Ouch!” “Anong nangyari sa ’yo?” Napalingon sa akin ang dalawa. “Ang sakit. Ang sakit ng tiyan ko.” Nagtaka sila at napatingin sa akin. “Omg! Dinudugo ka!” Agad nila akong dinaluhan. “A-ano? P-Paano . . . ? Ako . . . ? Dinudugo?” Tinulungan nila ako na tumayo sa sofa at pakiramdam ko ay nanlalamig ang katawan ko. Hindi ko na alam ang nangyayari dahil bigla ay dumilim ang paningin ko. 

Read on the App

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD