KABANATA 18

2829 Words
SA LUMIPAS NA panahon ay marami na ang nagbago. May nawawala, may dumadating, at napagtanto ko na sa buhay ay dapat hindi ka padalos-dalos sa damdamin mo. Hindi lahat ng gustuhin mo ay makukuha mo, at hindi lahat ng akala mong sa ’yo ay sa ’yo talaga. I’m very greatful to my life now. All the things is in the right place. At masaya ako para kay Kuya dahil natagpuan na niya si Ate Hera. Nagkaroon pa ng pagsubok sa buhay mag-asawa nila pero nakayanan iyon lahat ni Kuya. “Grace, good job!” Ngumiti ako kay Direk nang makababa ako mula sa stage. We are now here in Victoria Secret fashion show. Kami nila Zylene at Allison ang napili para maging Victoria Secret Angels. Medyo may kaunting hiya pa ako sa klase ng suot ko ngayon. Suot ko kasi ang sexy black and red bikini. Wings at my back, black stocking hanggang hita ko na nakakonekta sa panty na suot ko, at boots na hanggang tuhod ko. Hindi ko akalain na ako ang gagawing sentro ng event kaya sobra ang excitement ko dahil pangarap ko talaga ito kahit daring ang pagrampa ko. “Gosh. Success!” tili ni Zylene at nagtatalon kami dahil sa wakas ay nawala na ang kaba sa aming dibdib. “Congrats sa atin!” Napangiti kami sa sinabi ni Allison at nagyakapan kami. “Oh, girls, Congratulation! Dahil sa inyo kaya mas lumakas pa ang pangalan ng Lux.” Pumalakpak si Direk kaya napangiti kami at nagtungo sa dressing room para magpalit. Nagpalit ako ng white dress ko at black pumps. Sinuklay ko lang ang buhok ko gamit ang daliri ko. “Grace . . .” Tumingin ako kay Zylene nang sambitin niya ang pangalan ko. “Oh?” Tumingin muli ako sa salamin para tingnan kung ayos pa ba ang makeup ko. “My babe text me.” Napailing ako dahil hindi ko talaga akalain na magkakatuluyan si Zylene at Haris. “Ano naman ang kinalaman ko sa text ng boyfriend mo?” “He’s back.” Nang sabihin iyon ni Zylene ay alam ko na agad ang pinapahiwatig ng sinabi niya. Tumikhim ako at nagkibit-balikat para ipakita kay Zylene na hindi ako apektado at hindi kumabog ang dibdib ko sa nalaman ko. “Oh? ’Yon lang ba? Akala ko naman, importante.” Inayos ko ang bag ko at nang makita kong ayos na ay sinukbit ko na sa balikat ko. “Grace—” “I need to go, Zylene. Tumawag si Momny at meron na namang problema kina Kuya Jam. Paki sabi na lang din kay Direk at Allison na mauuna na ako. Sige, bye.” Bumeso ako sa kanya at hindi ko na siya hinintay pang magsalita. Dumiretso na ako palabas at ang mabilis kong paglalakad ay napabagal dahil sa panghihina ng mga tuhod ko. Napahawak ako sa bubong ng kotse ko at napapikit ako ng mata habang nakahawak sa dibdib ko. Napailing ako at huminga nang malalim. I’m not affected. Who cares if he’s back? Sumakay na ako sa kotse at pinaharurot na iyon paalis ng Lux Calisse. Dumiretso ako sa bahay nila Kuya at nagtaka ako na maraming media at police mobile sa harap ng bahay. Agad akong bumaba at napapikit nang masilaw ako sa kislap ng camera. “Miss Esteban, anong masasabi n’yo sa kaso ng kapatid n’yo na si Mr. Jam Esteban?” “Ano?” Napamaang ako sa sinabi ng reporter na babae. Nagtanong na rin ang iba pang reporter kaya nahirapan akong makaalis sa kinatatayuan ko. “Señorita!” Napatingin ako sa tauhan ni Dad na nilapitan ako at pinaghahawi ang mga reporter. Nang makalapit sila ay agad akong pinalibutan para hindi na makalapit pa ang mga reporter. Nagtungo na ako papasok ng gate at mabilis akong naglakad papasok sa bahay. Narinig ko agad ang iyak ni Ate Hera at pagpapatahan ni Mommy rito. Lumapit ako sa kanila. Ang unang nakakita sa akin ay si Mom kaya bumeso ako rito. Napatingin ako sa television kung saan ay balitang-balita ang pagdampot at pagposas kay Kuya Jam. “Mom, wala naman pong kasalanan si Jam. Bakit siya hinuli?” Napatingin ako kay Ate Hera na iyak nang iyak habang nakatingin sa balita. Napahinga ako nang malalim at nanlalata na naupo sa sofa. Wala si Dad kaya alam kong kasama ito ni Kuya Jam. Naiwan lang ang ilang mga tauhan niya para siguro magbantay rito. Naisipan kong umakyat sa taas para bantayan muna ang mga pamangkin ko. Pag-akyat ko ay nakita ko ang mga kapatid ni Ate Hera na si Cathy at Louie. “Bakit umiiyak ang mga bata?” tanong ko at agad na lumapit sa mga pamangkin ko na iyak nang iyak. Kinuha ko si Jace mula sa stroller at inayos ang pagkakakilik dito. “Ate Grace, hindi namin alam kung bakit sila umiiyak. Kanina pa nga iyan, mula nang kunin ng mga pulis si Kuya Jam.” “Tita!” Napalingon ako sa pinto nang marinig ang boses ni Greyson. “Greyson, sinong kasama mo?” “Si Mommy po.” Tumango ako at pinatahan si Jace. “Cathy, nasaan ba ang gatas nila? Baka nagugutom lang ang mga ito.” “Heto, Ate. Pinapainom na nga po namin sila ng gatas ni Ate, pero ayaw pa rin nilang tumigil.” Kinuha ko ang isang boteng inabot ni Cathy at sinubo ko iyon kay Jace. Ayaw nitong tanggapin at iyak pa rin ito nang iyak. “Hindi kaya may pupu na sila?” Sinilip ko ang pampers ni Jace pero wala naman. Pinasilip ko kina Cathy kung meron ang dalawa pero wala rin. “Cathy, tawagin mo na nga si Ate Hera. Baka masobrahan na sa pag-iyak ang mga bata.” Agad naman nitong sinunod ang sinabi ko at tumakbo na palabas ng kwarto. Hinele ko si Jace habang mahinang pinapalo ko sa binti sila Hammer at Edward para patahanin din. “Anong nangyayari, Grace?” Lumingon ako kay Ate Hera kasama si Cathy. “Ate, ayaw naman nilang uminom ng gatas. Tapos wala naman silang pupu. Pero iyak pa rin sila nang iyak.” Napahagod siya sa buhok habang palapit sa amin. Kita ko ang pagod sa mukha ni Ate. Ramdam ko ang problemang dinadala niya. Hinaplos niya ang mukha nila Edward at Hammer. “Diyos ko!” Nagtaka naman ako sa biglang bulaslas ni Ate Hera na tila kinakabahan siya. Lumapit siya kay Jace na hawak ko at kinapa rin ang noo at leeg. “Bakit, Ate?” tanong ko. “Nilalagnat sila.” Hindi siya mapakali at maging ako dahil hindi ko akalain na nilalagnat na pala ang tatlo. Diyos ko, bakit hindi ko agad nalaman? Kung hindi pa kinapa ni Ate ay baka hindi na tumigil ang tatlo sa kakaiyak. Nakokonsensya ako dahil pakiramdam ko ay kasalanan ko kapag may nangyari sa tatlo dahil baka hindi agad maagapan. Bumaba kami sa sala habang buhat ko si Jace. Nataranta na rin si Mommy at Ate Maqi nang malaman na nilalagnat ang tatlo. Agad-agad kaming sumugod sa hospital. Naiwan sa bahay si Ate Maqi dahil hindi naman maaaring ma-expose sa hospital si Greyson at Cienti. Napasiklop ako ng kamay habang pinagmamasdan si Ate Hera na umiiyak habang tinitingnan ang doktor na sinusuri ang mga anak niya. Pero nang sabihin ng doctor na stable na ang kalagayan ng tatlo ay pare-pareho kaming napahinga nang malalim. “Grace.” Tumingin ako kay Mom nang akayin ako para lumabas at iniwan muna namin si Ate Hera sa mga anak niya. Naupo kami sa labas ng emergency room. “Mom, ang hirap po ng sitwasyon ngayon ni Ate Hera, parang walang katapusan ang problemang dinadala nila.” “Ganyan talaga ang buhay kapag may pamilya na. Hindi rin madali ang magkaroon ng pamilya dahil kapag nandoon ka na ay kailangan mo nang maging responsable. Kaya ikaw, isipin mo muna ang lahat, bago magpadalos-dalos.” Tumango ako kay Mommy at sumandal sa balikat niya. Nag-ring ang cellphone niya kaya umalis ako sa pagsandal sa kanya at tiningnan namin ang tumawag. “Daddy mo.” Tumango ako kaya sinagot niya agad. Nalaman ko na si Kuya Jam pala ang nasa kabilang linya kaya pumasok muli kami sa loob para ibigay kay Ate Hera ang cellphone. Naupo ako sa gilid ng higaan ng mga pamangkin ko at pinagmasdan ang mga ito. Ang sarap nilang titigan. Napaka-cute. Gwapo tiyak ang mga ito paglaki. Napangiti ako at kinuha ko ang cellphone ko nang marinig ko ang pag-pop ng message tone ko. Napahigpit ang hawak ko sa cellphone ko nang mabasa ko ang pinadala sa aking mensahe. At kahit hindi ko tanungin pa kung sino siya ay alam ko na kung sino. Agad kong binura ang message at sinilid ko na muli sa bag ko ang phone ko. Niwaglit ko sa isipan ko iyon. Matapos ang araw na dalhin niya ako sa bahay ng parents niya ay hindi na siya nagpakita pa, at nabalitaan ko na lang kina Zylene na umalis ito para magpunta sa ibang bansa. Hindi ko alam kung saang bansa dahil hindi ko na tinanong pa. Sa ospital na lang kami nagpalipas ng gabi. Kinabukasan ay tinulungan muna namin ni Mommy si Ate Hera bago kami umuwi sa bahay namin. Magpapalit lang ng damit si Mommy at babalik muli kina Ate Hera at ako naman ay patungo sa Lux. Gamit ang sasakyang binili sa akin ni Dad ay nagtungo na ako sa Lux. Hinahayaan na ako ni Dad na mag-isang lumakad. Nalaman niya na wala si Atreo sa bansa kaya hinahayaan niya ako. Pero ngayon kaya, alam ni Dad? Siguro ay hindi. Mas focus ngayon si Dad sa kaso ni Kuya. Pagdating sa Lux ay bitbit ko ang hand bag ko na naglakad papasok. Binati ako ng mga katrabaho ko at ang ilan ay ngiting-ngiti pa sa akin. Nagkibit-balikat lang ako sa ikinikilos nila at tinungo ang dressing room ko. Pagpasok ko ay bumulaga sa akin ang tadtad na bulaklak. Napakarami at halos naging hardin na ang buong dressing room ko. Napatingin ako kay Benny na dumaan sa dressing room ko kaya agad ko itong tinawag. “Benny, bakit tambak ng bulaklak ang buong dressing room ko?” Kumekendeng na pumasok siya sa dressing room at nag-flip pa kunwari ng hair kahit wala naman siyang mahabang buhok. “Well, your admirer send all that flowers for you. Check the card, Gracy.” Umikot pa siya bago kumekendeng-kendeng na umalis. Napailing ako at tumingin sa mga bulaklak. Ang gaganda. Mga imported flowers pa. Kinuha ko ang isang bouquet ng bulaklak, ito kasi ang nakalagay sa harap ng salamin. Inamoy ko ito. Mabango ito, mga pink tulips at sunflower ang nakalagay. Nakita ko ang card doon kaya nakangiti na kinuha ko ito at binuksan para malaman ko kung sino ang nagpadala. I still remember. 8-26 Nanginig ang kamay ko at naibaba ko muli sa harap ng salamin ang bulaklak. Napahagod ako ng buhok at lumapit sa pinto. “Benny!” Tumawag ako at sumilip. Nakita ko na si Benny na nagmamadaling lumapit sa akin. “Yes, Gracy?” “Alisin mo nga ang mga bulaklak na ito sa dressing room ko o ’di kaya ay itapon mo.” “What? Sayang naman.” “Edi sa ’yo na lang kung gusto mo. Basta ayokong makikita ’yan.” Iniwan ko na siya at lumabas ako ng dressing room. Napahinga ako nang malalim at nagtungo sa rooftop. Nanlalata na naupo ako sa sofa at sinandal ko ang ulo ko sa sandalan nito. Pumikit ako para kahit papaano ay mawala ang inis ko. Bakit ba umuwi pa siya? Tahimik na ang lahat. Nawala na ang tingin sa akin ng mga katrabaho ko na isa akong kabit. Sa wakas ay hindi na rin ako ginugulo ni Suzane. Pero matapos niyang umalis, ngayon ay babalik siya para ano? Para manggulo? “Hey, itch!” Napadilat ako nang marinig ko ang boses ni Allison. Napatingin ako sa dalawa na lumapit sa akin. “Sabi na, e, narito ka lang. Ano ’yong mga bulaklak sa dressing room mo? Tsaka bakit pinapaalis mo.” Umiwas ako ng tingin at muling pumikit. Naramdaman ko ang pag-upo nila sa tabi ko. “Wala iyon. Masyadong marami kaya gusto kong ibigay na lang sa iba.” “Si Vince ba ang nagbigay no’n.” Umiling ako na kinasinghap nila. “Omg! Parang alam ko na kung sino.” “Stop it, Zylene. I don’t want to hear anything about him.” “Ayaw mong marinig o baka natatakot ka dahil hanggang ngayon ay nariyan pa rin siya sa puso mo.” “Ano bang pinagsasabi n’yo? Wala na akong natitirang feelings sa kanya. Tsaka si Vince na ang gusto ko.” “Gusto lang, pero si Atreo ang mahal mo?” ani Allison. Hindi ko sila inimikan. Napahinga sila nang malalim at gaya ko ay sumandal din sila ng upo. “Baka naman pinapaasa mo lang si Vince, Grace,” ani ni Zylene. “I like Vince. Hindi ko siya pinapaasa.” “Sabi mo, e. Pero paano kung sumulpot sa harap mo si Atreo? Anong gagawin mo?” Umalis ako sa pagkakasandal sa sofa at hinagod ko ang buhok ko. “Wala. Hindi ko siya papansin. Wala na dapat pang mangyari.” Pumito ang dalawa kaya tiningnan ko sila nang masama. Iniwan ko nga sila doon at bumalik na lang ako sa dressing room ko. Mula kasi nang maging successful ang Lux ay binigyan na kami ni Direk ng tig-iisang dressing room para hindi na masikip. Premyo niya sa aming tatlo nila Zylene dahil naging maganda ang feedback sa amin ng Victoria Secret. Pinili kong magpahinga muna. At nang magising ako ay dahil iyon kay Zylene. Inaaya ako ng dalawa na mag-bar. Nasanay na lang din ako dahil palaging nag-aaya ang dalawa kapag gusto nilang magpakasaya. Hindi nila sinasama ang nobyo nila dahil ayoko. Lahat ng related kay Atreo ay ayokong makikita. Sakto naman na palaging nandoon ang grupo ni Vince. Doon nga siya nagtapat ng feelings niya sa akin. Noong una ay tinanggihan ko siya, pero dahil naging masigasig siya ay pinagbigyan ko nang ligawan ako. Alam ng parents ko. At hindi naman sila tutol, hindi katulad ng kay Atreo. Nagtatawanan ang dalawa habang ako ay tahimik lang na sumusunod sa paglalakad nila palabas ng building. “Teka, Grace. May naiwan pala kami sa loob. Dito ka muna, hintayin mo na lang kami.” Tumango ako kahit nagtataka ako dahil pareho pa silang may naiwanan. Naglakad ako patungo sa naka-park kong kotse pero napahinto ako nang may biglang humintong isang kotse sa harap ko. Nang makita kong nagbabaan ang Vipers ay biglang kumabog ang dibdib ko. Napaatras ako pero agad nila akong pinalibutan para hindi makaalis. “Anong ibig sabihin nito!?” Galit ko silang tiningnan pero napatingin ako sa bumaba na si Atreo. Ang long hair niya noon ay pinagupitan niya pero medyo mahaba pa rin, hanggang sa batok niya at lagpas sa tainga ang haba. Nakatarintas ang kalahati kaya nagmukhang mayabang ang dating niya. “It’s nice to see you again, baby,” aniya habang binubutones ang suot na coat. Naka-formal suit siya na ngayon ko lamang nakita. Palagi kasi siyang naka-army o ordinaryong damit. “Well, it’s not nice to see you again,” sarkastiko kong sabi sa kanya na kinahalakhak niya. Lumapit siya sa akin kaya umatras ako, pero napatingin ako sa vipers na mga nakaharang kaya wala akong tatakbuhan. Napasinghap ako nang hilahin ni Atreo ang baywang ko palapit sa katawan niya, kaya napahawak ako sa dibdib niya at napatingala sa kanya. Ngumisi siya at inaamin ko na may kakaibang takot akong nararamdaman sa presensya niya. Parang naging mas mabagsik siya at walang pipiliing batas basta magawa lang ang gusto niya. “I like you being a matured woman now, baby,” aniya at hinaplos ang panga ko, pero umiwas ako. “Anyway, let’s go. Let’s celebrate our first and one month anniversary, baby.,” aniya kaya nagpumiglas ako. “Walang ano mang anniversary o monthsary sa atin. Kaya pwede ba, bitiwan mo ako!” Ngumiti lang siya at sinenyasan si Von kaya binuksan muli ni Von ang pinto ng kotse niya. Nagpupumiglas ako pero masyadong mahigpit ang pagkakahapit ni Atreo sa baywang ko, hindi ako makaalis sa bisig niya. Pinangko niya ako at sinakay nang sapilitan. Nang makaupo ako ay inayos ko ang dulo ng dress ko na suot at umusog sa gilid nang sumakay siya at tumabi sa akin. Hinila niya ako palapit sa kanya kaya napalunok ako nang pisilin niya nang mariin ang baywang ko. “’Wag kang masyadong dumistansya, ayoko ng gano’n,” bulong niya. Hindi ko alam kung ano itong pinapakita niya? Pero kinakabahan ako at ayoko ng nangyayari ngayon. Nasa intersection na kami kung saan ang daan patungo sa lugar nila Ate Hera nang mapansin niya ang suot kong kwintas. “Maganda ang kwintas mo, baby,” bulong niya habang hinahaplos-haplos ang kwintas na bigay sa akin ni Vince. Nabigla ako nang hilahin niya iyon kaya nasira ang lock at naalis sa akin. Binuksan niya ang bintana sa side ko at tinapon ang kwintas. Ngumisi siya na tila nasisiyahan pa sa ginagawa niya. Napapikit ako dahil ramdam ko ang pagkabog ng dibdib ko at panginginig ng sistema ko. Pinilit ko mang lumayo sa kanya ay hindi siya nagpatinag at patuloy na nakapulupot ang braso niya. Sa isang Casino, hotel and resort huminto ang sasakyan. Pinagbuksan siya ng pintuan ni Seb kaya nauna siyang bumaba. Pinababa niya ako kaya wala akong choice. Pero nang maisipan kong tumakbo ay agad niyang nahagilap ang baywang ko at sinandal ako sa kotse niya. “Don’t try, because I’ll never let you go,” aniya kaya napaiyak ako at pinaghahampas siya sa dibdib. “Hayop ka! Wala kang karapatan na gawin sa akin ito! Hayop—hmmp!” Nawalan ako ng boses nang sakupin niya ang labi ko. Mariin niyang sinipsip ang labi ko bago bitiwan. “Don’t say bad words, baby. Hindi bagay sa ’yo.” aniya at pinunasan ang luha ko. Napaiwas ang mga Vipers ng tingin pero napapasipol naman sila sa ginawang paghalik sa akin ni Atreo. Inakay na ako nito patungo sa loob ng casino, hotel and resort at hindi ako makawala sa kanya dahil mahigpit na nakapulupot ang isang braso niya sa baywang ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD