KABANATA 4

4174 Words
DATING GAWI. NARITO muli kami ni Aling Consuelo sa bahay ni Atreo dahil kailangang ipaghanda sila ng hapunan. Pero nagtataka ako dahil tanging mga tauhan lang niya ang kumakain. Hindi siya lumabas ng kwarto para kumain. “Saglit lang, Grace, at dadalhan ko lang si General ng pagkain niya.” Agad na nalipat ang tingin ko sa hawak na tray ni Aling Consuelo na may lamang pagkain at inumin. May naisip naman ako. Nagpunas ako ng kamay bago lumapit sa kanya habang inaalis ang apron. “Ako na po, Aling Consuelo. Magpahinga na po kayo dahil alam kong napagod kayo sa pagluluto.” “Huh? Pero kaya ko pa naman. Tsaka baka mahirapan ka kung ikaw lang mag-isa ang magliligpit ng pinagkainan nila.” Umiling ako at ngumiti rito. “Don’t worry, Aling Consuelo. Yakang-yaka ko ito.” Natawa siya at walang nagawa kundi iabot sa akin ang tray. Napangiti naman ako at binitbit iyon palabas ng kusina. Sa dinning area ay nakita kong tapos na ang Vipers sa pagkain. Ang ilan ay nakita ako kaya kumaway sa akin na ikinangiti ko. Hindi naman ako suplada, ’no. Pagdating sa room ni Atreo kung saan ko siya huling nakitang lumabas kagabi, tumikhim muna ako at binasa ko ang aking labi gamitang dila ko. “General, here’s your food,” sabi ko sa harap ng pinto. Naghintay ako ng tugon ngunit walang sumasagot kaya inulit ko ulit iyon at baka hindi lang niya narinig. Pero wala talagang sumasagot, kaya nilapag ko muna sa nakita kong table ang tray at lumapit muli ako sa pintuan. Hinawakan ko ang seradura ng pinto at maingat kong binuksan. Sumilip ako sa loob at tiningnan ang loob. Wala akong makita kundi tanging pader lang. Tuluyan ko na lang na binuksan ang pinto at kinuha ko muna ang tray bago ako pumasok. Maingat akong humakbang habang tumitingin sa loob. Nang makalagpas ako sa dalawang pader, nakita ko na ang malaking kama na puro itim ang kulay. Sapin, unan, at kumot ay all black. May paintings din sa dingding kung saan nakaharap ang head board ng kama. Very simple and very manly ang buong kwarto niya. Kaunti lamang ang gamit. Lumapit ako sa side table malapit sa kama niya para ilapag doon ang tray. Lumakad-lakad ako para tingnan kung nasaan siya. Tiningnan ko rin ang work table area niya. May ilang papel na nakakakalat doon. Inusisa ko pa kung ano iyon at nakita kong tungkol iyon sa mga plano kung paano sila mag-train o puntahan ang isang lugar. Binaba ko iyon at napatingin ako sa isang small kit box. Binuksan ko iyon at kinuha ko ang laman. Condom. Shocks! Meron siya? It means, palagi siyang gumagamit? At ibig sabihin din ay meron siyang babae na ginagamitan nito? Bigla ay kumulo ang dugo ko. Bumigat din ang paghinga ko dahil maisip ko pa lang na may ibang babae siyang naka-s*x na ay parang nanghihina ako. Binitiwan ko na iyon at binalik sa box bago isarado. Humarap na ako para sana umalis na at balak na iwan na lang ang tray, ngunit sa aking pagharap ay bumulaga sa akin ang basang dibdib ng isang tao. May tattoo na ahas sa dibdib habang kitang-kita ko ang ma-muscle na katawan. Tumingala ako at agad kong nahigit ang hininga ko nang malaman na si Atreo ang nasa harap ko na basa ang buhok niyang mahaba. Nakatingin lang siya sa akin nang walang emosyon. “Why are you here?” malamig niyang tanong. Napakagat ako ng labi nang mapababa ako ng tingin. Tanging towel lamang ang nakatakip sa ibaba niya. Kitang-kita ko ang eight packs abs niya habang tumutulo ang tubig doon. “I’m just here to bring your food.” Habang sinasabi ko iyon ay tumingin ako sa mata niya. Lumapit siya sa akin kung kaya napasandal ako sa work table niya. Hinapit niya ako sa baywang kung kaya halos magkadikit na ang katawan ko sa katawan niyang basa. Humawak ako sa dibdib niya habang nakatingin pa rin sa mga mata niya. “Napakaganda mo. Maaari ko bang tikman ang labi mo?” mapang-akit niyang tanong. Tumango ako habang nakatingin sa kanya nang malalim. “Oo. ’Wag ka nang magpaalam.” “Ano?” Nagbalik ako sa sarili nang sigawan ako ni Atreo. Halos napatanga pa ako sa kanya na ngayon ay nakakunot ang noo sa akin. “Huh?” Maging ako ay napatanong. Hindi ko alam kung ano ang sinasabi niya. God. Anong pumasok sa kokote ko at na-imagine ko iyon? Oh my god! I’m so desperate b***h. “Sabi ko ay ’wag mong sandalan ang table ko,” malamig niyang sabi kung kaya ay agad akong umalis sa pagkakasandal sa table niya. Napapikit ako at napakagat ng labi habang naglalakad palapit sa pinto. Nakakahiya. “Where are you going?” Napahinto ako sa paglalakad dahil sa tanong niya. Humarap ako sa kanya kahit na alam ko na namumula ang pisngi ko sa kahihiyan. “I’m going now. Dinala ko lang talaga ang food mo.” Lumapit siya kung saan nakasabit ang roba niya. “No, just stay.” Napamaang ako dahil doon. Just stay. ’Wag niyang sabihing . . . “Tinatamad akong lumabas kaya bitbitin mo ito palabas,” dugtong niya kaya napatikhim ako dahil napahiya na naman ako sa naisip. “Okay.” Tumayo lang ako at tiningnan siya. Naupo siya sa kama at alam kong malambot iyon dahil nang maupo siya ay medyo lumubog ang inuupuan niya. Napatingin ako sa mahaba niyang mga hita na medyo mabalahibo. Nakabukaka siya habang kumakain. Kita rin ang dibdib niya dahil sa hindi nakaayos niyang roba. Humalukipkip ako at pinanood ko siya. Tumingin naman siya sa akin kaya umayos ako ng tayo habang nakahalukipkip. Tinitigan pa niya ako at nakita ko na napalunok siya bago umiwas at umiling. Naguguluhan naman ako sa ikinilos niyang iyon. “General, do you have a girlfriend?” Napatigil siya sa pagsubo dahil sa tanong ko. Hindi siya sumagot kaya napanguso ako. Ang hirap naman niyang abutin. Suplado talaga. Naku, naku! Kapag naging akin ka, titiyakin kong mawawala ang pagkasuplado mo. Tsss. “I’m done.” Nang sabihin niya iyon ay agad akong lumapit. Yumuko ako para buhatin ang tray, pero napatigil ako at nanlaki ang mga mata ko nang tumayo si Atreo sa likod ko. Medyo nakakailang ang posisyon dahil medyo naka-lean ang katawan ko habang siya ay nakatayo sa likod ko at tila natigilan din. “Move.” “Okay, heto na. Heto na . . .” Dali-dali akong umalis sa tabi niya at nakahinga ako nang maluwag nang makalayo na ako. Tiningnan ko siya na may kukunin pala sa isang book shelf na malapit sa side table. Nang makuha niya ang isang libro ay napatingin siya sa akin kaya ngumiti ako at agad na tumalikod habang napapapikit dahil sa sariling kagagahan ko. Paglabas ko ng kwarto niya ay hindi ko napigilang mapasandal sa pinto at huminga nang malalim. God. Halos pigilin ko pala ang hininga ko dahil sa nangyari. Nakakataas ng balahibo ’yong pagdikit ng katawan niya sa akin. Umiling-iling ako at umalis na doon para bumalik sa kusina. YAKAP ANG UNAN na nahiga ako sa matigas na higaan nila Aling Consuelo. Dahil sa pagod sa pagligpit ng pinagkainan ay agad akong ginapo ng antok. Nasa isang malawak na bakuran daw ako. Malaking bahay. At napatingin ako sa batang babae na tumakbo palabas ng bahay. Natigilan ako. Kamukha ko ang bata. Napahinto at nagkatinginan kami. Ngumiti siya at tumakbo. “Grace, come here!” May dalawang magkamukhang lalake na agad siyang hinabol. Hagikgik nang hagikgik ang batang kamukha ko habang hinahabol siya ng dalawa. “Mga kuya, habulin n’yo ako!” sigaw ng bata. “Geez. Kapag nahabol ka namin, yari ka sa akin!” sabi ng isa. Hindi ko alam kung bakit ako naiiyak. Masaya silang naghabulan at nang mahuli ng dalawang magkamukha ang batang babae ay natawa na lang ang bata nang kilitiin siya ng dalawa. “Hey, stop that! Let’s go, kids!” Napatingin ako sa may-edad nang lalakei na maawtoridad sa kanyang boses at tindig. Katabi nito ang magandang babae na nakangiting nakatingin sa mga bata. Nagulat ako nang mapatingin sa akin ang magandang babae. “Halika na, Grace.” Napamaang ako dahil para niya akong inaaya na lumapit. Napahakbang ako pero napahinto rin nang tumakbo ang batang babae sa magandang babae. “Mommy, saan po tayo pupunta?” tanong ng batang babae. “Kakain tayo sa labas at mamamasyal,” nakangiting sabi ng magandang babae. “Yehey!” Gusto kong humabol pero parang nakabaon ang paa ko sa lupa. Napaiyak ako dahil napagtanto ko kung sino ako. Kung sino sila. “Grace, gising!” Gulat na nagising ako nang marinig ko ang boses ni Aling Consuelo. Bumangon ako ng higa at nagkukusot ng mata na tumingin sa kanya. “Bakit po?” “Pasensya na sa istorbo sa pagtulog mo, pero magpapaalam lang sana kami sa ’yo. Namatay kasi ang kaibigan ni Feliciano sa kabilang probinsya, kaya baka matagalan kami makabalik.” Nagising ang diwa ko sa sinabi niya. “Pero paano po rito sa resort?” “Nagpaalam na ako kay General. Kaya habang wala kami ay siya muna ang makakasama mo at mga tauhan niya. Pasensya na kung maiwan ka namin, ha?” Ngumiti ako rito at umiling. “Wala po iyon. Ayos lang po.” Kung alam lang ni Aling Consuelo kung gaano ako kasaya. Ibig sabihin, kapag aalis si Atreo ay dapat kasama ako. “Oh sige, ipagpatuloy mo na ang pagtulog mo at kami’y aalis na.” Tumango ako rito at pinanood ko siya na lumabas ng kwarto. Nang ako na lang ang naiwan ay nahiga muli ako at kinuha ko ang unan para yakapin. Napangiti ako at tinakip ko ang unan sa bibig ko para tumili. Ang saya! Pero natigilan ako nang maalala ko ang naging panaginip ko. Actually, hindi siya panaginip. Dahil totoo iyon. Totoo ang nakita ko. Dahil . . . naaalala ko na kung sino ako. Kinaumagahan ay bumangon agad ako sa higaan at ginawa ko ang morning ritual. Mabuti at may extrang tooth brush sa bahay ni Atreo kaya may nagagamit ako. Nagsuklay ako ng buhok at tumingin ako sa bestidang suot ko. Inalis ko ang tali sa bandang dibdib ko kung kaya medyo lumitaw ang cleavage ko. Ayos na ang kaiklian ng bestida. Maaari nang makapang-akit ng supladong lalaki. Nasa dugo namin ang lahat ng gustong makuha ay nakukuha. At ang gusto kong makuha ay ang lalaking niligtas ako sa panganib. I am Grace Jane Esteban, at humanda ka, Atreo, dahil sisiguraduhin kong akin ka. Nang ayos na ako ay lumabas ako ng bahay at medyo pasikat na ang liwanag. Ang sarap ng hangin. Ang lamig na galing sa dagat ang mas nagpahangin sa paligid. Tumingin ako sa rest house ni Atreo at nakita ko ang ilang bukas na ilaw kaya napangiti ako. Nagtungo na ako sa bahay nito para makita siya. Pagpasok ko ay nabungaran ko ang grupo niya na mga nagco-coffee habang nakaupo sa mga sofa at ang ilan ay nakatayo at nakasandal sa pader. Napatingin sila sa akin na halos maibuga ang kape nang makita ako kaya napangiti ako at lumapit sa kanila. “Good morning. Have a nice day!” bati ko habang maluwang akong nakangiti sa kanila. “Good morning, little girl. Ang aga mo yata? At tila may kakaiba sa ’yo ngayon?” tanong ni Quest. Kilala ko na siya. Siya ’yong may mohawk ang style ng hair. Sinimangutan ko siya sa tawag niya sa akin. “Bakit, bawal ba? Tsaka dalaga na ako kaya ’wag mo akong matawag-tawag na little girl, tsss.” Napailing siya at humigop ng kape. Inismiran ko naman siya at hinanap si Atreo. “Vipers, let’s go.” Agad akong napatingin sa gilid ko nang magsalita si Atreo na galing pala ng kwarto niya. Nakasuot siya ng army pants at white shirt habang nakasumbrero at nakatali ang buhok niya. Napatingin ako sa nagtayuang mga grupo niya at naguluhan akong tumingin kay Atreo nang mapagtanto ko ang sinabi niya. “Saan kayo pupunta?” Tumingin siya sa akin na tila ba nagtataka kung bakit ko iyon tinatanong? “You just stay here.” Iyon lamang ang sinabi niya bago siya umalis sa gilid ko para lumabas. Nanlumo ako dahil aalis na naman siya. Pero lalo akong nanlumo dahil maiiwan akong mag-isa sa resort nito. Nang makalabas silang lahat ng bahay ay nanlulumo ako na naupo sa sofa. Ang boring. Ano naman ang gagawin ko? Tutunganga? Hay. Bakit kasi hindi na lang niya ako isama? “Get up, kiddo.” Agad akong napaayos ng upo sa sofa at napatingin sa pinto nang marinig ko ang boses ni Atreo. Malamig ang tingin niya at tumalikod agad kaya napangiti ako nang maunawaan ko ang sinabi niya. Dali-dali akong tumayo sa kinauupuan ko at agad siyang hinabol. Sinara ko ang pinto at maluwang ang ngiti ko na sumunod sa kanya. Nakita ko ang Vipers na nakasakay sa bangka na tila bago na dahil hindi na ’yong bangka ni Mang Feliciano ang gamit nila. Kumaway ako sa Vipers para ipaalam na kasama ako. “I’m excited! Where are we going?” tanong ko nang alalayan nila akong sumakay ng bangka at maupo sa gitna. “General, bakit sinama pa natin ito?” tanong ni Von na una pa lang ay alam ko nang mayabang. “Bakit naman hindi? Alangan namang maiwan ako mag-isa?” Tinarayan ko nga ito. “Enough. Can you please shut up for a while,” suway sa akin ni Atreo kaya nginisihan ako ni Von na ikinasimangot ko. “Kailangan natin siyang isama dahil baka kapag may nangyari sa kanya ay kasalanan ko pa,” paliwanag ni Atreo sa Vipers. “Wear this,” dagdag ni Atreo at inabot ang life vest sa akin. “I don’t need that. Thank you but I’m okay.” “Just wear this. I can see your clevage for god sake,” masungit niyang sabi at dinuldol sa akin ang life vest bago bitiwan kaya agad kong kinuha. Napasipol ang ilan at ang ilan ay walang reaksyon sa sinabi ni Atreo. Tila naman ako napahiya kaya sinuot ko ang life vest na bigay niya. Tumahimik na rin naman na tila ramdam nila ang asiwa kong pakiramdam. Napakasungit niya. Kung alam ko lang, kanina pa siya nagnanasa sa cleavage ko. Tsss. Tumahimik na lang ako habang nag-uusap sila sa pinagpaplanuhan nila. Seryoso silang lahat kaya alangan namang istorbohin ko sila. Nakatingin na lang ako sa dagat na kay gandang pagmasdan. Pasikat na ang araw at kita sa karagatan ang repleksyon ng pagliwanag. Natanaw ko na rin ang kabilang islang sinasabi nila Aling Consuelo. Na-excite ako dahil ngayon ko lang makikita kung anong klaseng isla naman ang isang ito. “Talasan n’yo ang mga mata n’yo at alam ko na merong kakaibang kinikilos ang ilan sa mga bakasyunista na nagpunta sa isla.” “Yes, General!” sabay-sabay na sagot ng Vipers. Pagdating namin sa pampang ay isa-isang nagsibabaan ang Vipers. Bumaba na rin si Atreo kaya ako na lang ang naiwan. Lumapit ako sa dulo ng bangka at ambang bababa na ako nang may dalawang kamay ang nag-offer sa akin kaya napatingin ako kung sino. Ang isa ay si Gorge na pinakatahimik sa Vipers, at ang isa naman ay si Atreo. Nagkatinginan sila at tila balak na ni Gorge na alisin ang kamay dahil General nga naman nila ang isang nag-offer. Ewan ko kung anong nangyari kay Atreo at talagang gentleman siya, pero kanina ay ang sungit niya. Kaya para isnabin siya ay ’yong kamay ni Gorge ang kinuha ko na kinagulat nito. Ngumiti ako rito at nagpaalalay sa kanya na bumaba. Anong akala ni Atreo, porket patay na patay ako sa kanya ay hindi ko siya kayang tanggihan? Tsss. Napahiya kaya ako kanina. Para namang hindi siya nakakakita ng clevage sa state kung maka-react. Tila nagkaroon ng something awkward sa pagitan ni Gorge at Atreo at pakiramdam ko ay masama na ang aura ni Atreo. Siguro ay napahiya siya dahil hindi ko tinanggap ang kamay niya. “Grupo ni Seb, sa kabilang kanto kayo. And the rest, follow me.” Nakita ko ang pitong Vipers na sumaludo kay Atreo bago tumalikod sa amin at nagtungo nga sa kabilang kanto. Ang naiwan kay Atreo ay ang limang Vipers at ako. Sumunod lamang ako sa kanilang sa hulihan habang nililibot ko ang tingin sa paligid. Maraming tao na hindi gaya sa isla kung saan nakatira sina Aling Consuelo. May mga pamilihan na ikinangiti ko. Tama nga si Aling Consuelo, meron ditong pamilihan. Nakakita ako ng mga tindahan ng summer dress na kahit simpleng tindahan lang at hindi botique ay magaganda naman ang style ng summer dress. Hindi ko namalayan na lumapit ako roon para tumingin. Natutuwa ako dahil ang daming maaaring bilhin dito. Nakakita ako ng may tuhog-tuhog na banana na kulay brown kaya lumapit ako roon. “Manang, ano pong pagkain ito?” turo ko sa tinda niya. “Ah Ine, banana que ’yan.” Banana que? Ngayon ko lang narinig ang tawag sa pagkaing iyon. “Pwede po bang patikim?” “Ah-eh, Ine, binebenta ko kasi ito.” “Ah, gano’n po ba . . .” Napalabi ako dahil wala naman akong dalang pera. “Pautang po, bayaran ko po kapag may pera na po ako.” “Hindi ako nagpapautang, Ine. Malulugi naman ako.” Napabuntonghininga ako at napahawak sa suot kong necklace na hindi nawala sa akin kahit na nasa ilalim ako ng dagat. Inalis ko ito at inilahad sa kanya. “This is worth of fifty thousand. Maybe this is enough?” “Iyan ang ipambabayad mo?” Tumango ako at ngumiti. “Pero wala akong isusukli sa ’yo.” “It’s okay. Keep the change.” Tila naman natuwa siya at kinuha ang kwintas ko. “Sige, Ine, iyon na lahat ito.” Nanlaki ang mata ko sa sabihin niya na akin na ang lahat ng paninda. “Really?” Natuwa talaga ako dahil ibibigay niya sa akin lahat. Wow lang! Tumingin ako kay Manang na iniwan na ang food stand niya habang manghang-mangha na nakatingin sa kwintas ko. Napailing ako at hinawakan ko ang basket na naglalaman ng paninda niya. Binitbit ko ito at tsaka ako lumingon sa likod para hanapin sina Atreo, pero napakunot-noo ako nang malaman na iniwan nila ako. Napahinga ako nang malalim at naglakad. Kumuha ako ng isang stick ng banana que. Kumagat ako at halos manlaki ang mata ko dahil masarap pala ito. Matamis na gustong-gusto ko. Naupo ako sa isang kahoy na upuan kung saan nakaharap sa mga batang naglalaro. Sarap na sarap ako sa pagkain nang biglang maglapitan sa akin ang mga bata. “Ate! Ate, pahingi kami.” Napatigil naman ako sa pagkagat at napatingin sa mga batang nakapalibot sa akin. Ngumiti ako at tumango na kinatuwa nila. “Okay, pili na kayo ng gusto n’yo.” Agad naman silang kumuha ng banana que at natuwa ako ng maupo sila sa tabi ko. “Salamat, Ate. Grabe, gutom na gutom na kami.” Tumingin ako sa batang lalaki na tingin ko ay seven years old na. “Bakit, hindi pa ba kayo kumakain?” “Opo. Kasi nagtitinda pa sila nanay para sa pagkain namin ngayong araw.” Tumingin naman ako sa little girl. Bigla naman ay naaawa ako sa kanila. “Kaya ba narito kayo at hindi nag-aaral?” “Nag-aaral kami tuwing sabado at linggo lang po.” Napahinga ako nang malalim at inabot sa kanila ang basket. “Sa inyo na lang ito, paghatian n’yo. At para may makain kayo habang nagtatrabaho ang parents n’yo.” “Talaga po?” tuwang-tuwa nilang paniniguro, tila hindi makapaniwala na binibigay ko sa kanila ang lahat ng banana que. “Oo, sige, inyo na ’yan.” Napangiti ako nang kumuha sila ng tig-lilimang banana que. Nagpaalam na sila sa akin at nagsitakbuhan habang tuwang-tuwa. “You’re here.” Napatingala agad ako nang biglang sumulpot sa harap ko si Atreo. Tiningnan ko ang grupo niya kung kasunod niya pero wala. Tanging siya lang. “Uuwi na ba tayo?” Tumayo ako habang kinakagat ang banana que. Napatingin ako bigla sa kamay ko nang hawakan iyon ni Atreo. Seryoso lang siya nang tingnan ko ang mukha niya. “Let’s go. Tsss, pinapahirapan mo ako,” aniya at nabigla ako nang hatakin na niya ako. Nagpatangay ako sa kanya habang tinitingnan ko ang kamay niya na nakahawak sa kamay ko. Hindi ko mapigilan na mapangiti dahil doon. Kinain ko ang huling kagat sa banana que at tinapon ko sa basurahang nadaanan namin ang stick. Sumabay ako sa kanya at humawak sa braso niya na ikinatingin niya. Nginitian ko siya kaya umiwas siya ng tingin at hinayaan akong lumingkis sa kanya. Ang bango niya. Ang tigas ng braso niya. Napapangiti ako dahil abot-kamay ko na siya. Nakita namin ang ilang Vipers na seryosong nagmamasid habang nakakalat sila sa bawat kabahayan. Napatingin sila sa amin at kita ko ang pagtingin nila sa kamay namin. Syempre, sino ba ang hindi magtataka kung bakit kami magka-holding hands while walking? “Just stay here.” Dinala niya ako sa tabi ng mga tauhan niya kung saan ay may isang army car. Sumandal ako sa gilid ng nguso ng army car at humalukipkip doon habang tinitingnan sila na nag-uusap habang nagmamasid. Ano kaya ang meron dito at tila binabantayan nila? May biglang sumabog kaya naging alerto sila. Habang ako naman ay natakot kaya hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. “Tara na, kiddo.” Nagsakayan ang dalawa na si Quest at Sonny. “Pero si Atreo?” tanong ko at tumingin kay Atreo na tumakbo habang may hawak na dalawang baril. “’Wag mong intindihin si General. Kaya niya ang sarili niya.” Pinasakay ako ni Quest sa army car kaya agad akong sumakay. Nasa driver seat si Sonny habang nakatayo sa likod si Quest. “Ano bang nangyayari?” “Dito dumadaong at nagtatago ang ilang teroristang nais na manggulo sa bansa.” Tumingin ako kay Quest na seryosong nagmamaneho. “Kaya ba mula sa Amerika ay umuwi kayo para tulungan ang islang ito?” “Mahalaga kay General ang lugar na ito kaya kahit iwanan namin ang trabaho sa Amerika ay mas pinili niyang unahin ang maalis ang salot sa lugar na ito.” Napatango ako at lalong humanga sa kabutihan ni Atreo. Hindi ko man alam ang dahilan kung bakit mahalaga kay Atreo ang La Carlota, ang mahalaga ay alam kong tama na nagustuhan ko si Atreo. Inikot namin ang buong lugar ng isla at nakita ko ang ilang kasamahan nila na nakikipagputukan. Nakita ko na nagtatakbuhan din ang ilang mamamayan para makaiwas sa putukan. Hininto ni Sonny ang army car sa isang malaking evacuation. Bumaba rin ako ng bumaba sila Quest. “Dito ka muna, kiddo. Kailangan naming alamin kung may nasugatang mamamayan.” Tumango ako kay Sonny kaya umalis na sila ni Quest. Dinala lang pala ako rito para hindi mapahamak. Napatingin ako sa mga mamamayan na mga takot sa mga naririnig na barilan. “Ate! Ate!” Napatingin ako sa batang umiiyak. Pinantayan ko siya para madali ko siyang matanong. “Bakit, little girl? Nasaan ang parents mo?” Umiling-iling siya habang umiiyak. Nilibot ko ang tingin at tumayo ako baka sakaling may naghahanap sa bata. Pero dahil halo-halo na ang mga tao at sa dami kaya siguro nawala ang batang ito sa magulang niya. “Kasama mo bang pumunta rito ang magulang mo?” tanong ko sa bata. “Hindi po.” Napahinga ako nang malalim dahil paano itong bata. Inakay ko siya para hanapin ang parents niya. Baka sakaling narito na rin. “Manang, kilala n’yo ba ang batang ito?” “Hindi, hija.” Tumango ako rito at tumingin sa bata na bakas ang luha sa mukha habang tumitingin sa paligid. “Rica, anak!” Napatingin ako sa babaeng sumisigaw. Inaya ko ang batang babae roon. “Excuse me, Ale.” Lumingon ito sa akin at napatingin siya sa batang hawak ko. “Rica, diyos ko, mabuti narito ka lang.” Agad siyang lumuhod at niyakap ang anak niya kaya binitawan ko ang kamay ni Rica at napangiti nang may nagawa ako para sa mag-ina. Tumingin sa akin ang ale at tumayo habang nakangiti. “Salamat, hija.” “Walang anuman ho.” Ngumiti ako rito bago sila iwanan. Bumalik ako sa entrance para tingnan kung pabalik na sila. Nakita ko na may ilang sugatang mamamayan na agad na inasikaso ng mga nakaabang na medic. Napatingin ako sa isang lalaki na nakasumbrero at may takip na panyo sa bibig. Pumasok siya rito sa evacuation habang palinga-linga. Hindi ko rin alam pero naramdaman ko agad na tila meron siyang hatid na masama. Napaatras ako nang mapatingin siya sa akin. Lalo akong napaatras nang lumakad siya palapit sa akin. Tumalikod na ako para sana tumakbo ngunit agad nitong sinakal ang leeg ko gamit ang braso niya kaya napangiwi ako. Napatingin ako sa baril na tinutok niya sa sentido ko. “Sige, lumapit kayo!” Nagsigawan na ang mga tao at nagsilayo nang makitang hostage ako ng lalaki. Napatingin ako kina Atreo na pumalibot sa amin. “Ibaba mo ’yan, kung ayaw mong lumabas ang dugo sa bibig mo,” banta ni Atreo habang seryoso na nakikipag-usap sa nang-hostage sa akin. “Hindi ako tanga para sundin ka. Papatayin ko itong babaeng ito kapag lumapit kayo!” Naman! Amoy araw ’tong si kuya. Ang lakas pa ng power. Tumingin ako sa baril na hawak niya at pinakiramdaman ko muna ang lakas niya. Nang medyo lumapit sina Atreo ay na-tense ang katawan niya kaya agad kong siniko ang tiyan niya at inagaw ang baril. Pinilipit ko ang kamay niya at pinukpok ang batok niya gamit ang baril. Agad namang nahimatay ito. Napahawak ako sa leeg ko dahil ang sakit din ng pagkakahigpit ng sakal niya. Lumapit sina Sereno, Jun, at Haris para itayo ang terorista. Napatingin naman ako kina Atreo na hindi makapaniwalang nakatingin sa akin. “Wow. Marunong ka pala sa self-defense.” Manghang-mangha si Regie. ’Yong baby face sa kanila. Ngumiti ako at inabot ang baril kay Atreo. Kinuha naman niya iyon at tumalikod na siya. “Let’s go. We need to check if the area is okay.” Napatingin ako sa braso niya nang may tumulo sa kamay niya na dugo. Napamaang ako at agad na lumapit sa kanya. “Teka! May sugat ka. Gamutin natin.” Pinigilan ko siya sa damit niya kaya napahinto siya. Lumipat ako sa kabilang braso niya at kinuha ko iyon bago ipatong sa balikat ko. “Tsss. Anong alam mo sa panggagamot, kiddo?” Napasimangot ako sa sinabi niya kaya inabot ko mula sa likod niya ang braso niyang sugatan na kinadaing naman agad niya. “’Wag mo nga akong tawaging kiddo. Dalaga na ako.” “You’re still young for me,” aniya kaya tumingin ako sa mukha niya. “I don’t care.” Tumingin siya sa akin nang sabihin ko iyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD