KABANATA 5

2090 Words
DINAMPIAN KO NG bulak ang sugat ni Atreo. Wala akong alam sa panggagamot pero alam ko naman kung paano lilinisin ang sugat. Si Sebastian ang nag-alis ng bala sa braso ni Atreo at ako na ang nagprisinta na maglinis. Pagdating na pagdating namin dito sa isla ay agad siyang ginamot dahil baka maubusan siya ng dugo. “Siniguro n’yo ba na wala na ang grupo ng mga bandido na nasa isla?” “Yes, General. Clear na ang bawat sulok ng isla kaya ligtas na ang mamamayan doon.” Napatango naman si Atreo at napatingin sa akin nang mapadiin ang pagdampi ko ng bulak sa sugat niya. “Sorry.” Nag-piece sign ako at ngumiti nang paumanhin na kinaiwas niya lang ng tingin sa akin. Napanguso ako at pinagpatuloy ko na lang ang paglilinis sa sugat niya. “Sige na, Vipers, magpahinga na kayo.” Nagsitayuan na ang Vipers at sumaludo kay Atreo. Isa-isa na silang nag-alisan para magpunta sa sinasabi nilang camp. Doon sa isa pang bahay na nakatago sa likod ng rest house ni Atreo. Nang kami na lamang ang naiwan ni Atreo ay katahimikan ang namayani sa amin. Nang matapos kong malinis ang sugat niya ay nilagyan ko ng bulak ang sugat niya at tsaka ko tinape para hindi ma-infection. Pagkaraan ay nilagyan ko ng gasa para hindi magalaw ang sugat niya. “Done.” Niligpit ko na ang medicine kit niya at tatayo na sana ako nang pigilan niya ako sa braso. Bumaling ako sa kanya na ngayon ay nakatingin sa akin ang mala-agila niyang mga mata. Tumingin ako sa kanya upang ipahiwatig kung ano ba ang nais niya at pinigilan ako. “Paano ka natuto ng self-defense? Nakakaalala ka na?” Natigilan ako at wala rin naman akong magagawa dahil halata na niya na may kakaiba sa akin. “Yes, my memories are back. And my dad taught me. Why?” Binitiwan niya ang braso ko habang napapatango siya. Hindi niya ako sinagot. “Ako naman ang magtatanong sa ’yo.” “Umuwi ka na.” Tatayo na sana siya nang pigilan ko siya sa balikat. Tumingin siya sa akin. “Do you have a girlfriend?” “At bakit mo gustong malaman?” seryoso niyang tanong habang tinitingnan ako sa mukha. “Because I like you,” walang paligoy-ligoy kong pag-amin. Napailing siya at napangiti na tila manghang-mangha siya sa akin. Ano naman ang kamangha-mangha roon? Bakit ngayon lang ba merong umamin sa kanya nang walang paligoy-ligoy? “Hindi mo alam ang sinasabi mo. Masyado ka pang bata.” “Answer me. Do you have a girlfriend?” desperada kong tanong. “Paano kung wala?” nakangisi niyang tanong, tila hinahamon pa ako, kaya napangiti ako. “Edi ako na lang ang girlfriend mo.” Natawa siya sa unang pagkakataon na nakita ko. Napakagwapo niya at lalo pa akong nahuhulog sa kanya nang makita ko at marinig ang maganda niyang pagtawa. Lalo pa ngayon na malaman ko na wala pala siyang girlfriend. “Hindi ako pumapatol sa bata.” Tumayo na siya matapos niyang sabihin iyon. Napalunok ako at napatayo rin. Agad akong humarang sa harap niya kaya napahinto siya sa paghakbang. “Hindi porket bata ako ay mamaliitin mo ako. Tandaan mo, kaya kitang makuha kahit bata ako sa ’yo.,” seryoso kong sabi sa kanya at tumingkayad ako para abutin ang labi niya. Pumikit ako at dinama ang labi niya. Saglit lang iyon at agad akong bumitiw bago tumingin sa kanya na hindi ko alam kung ano ang kanyang iniisip. Parang nablangko siya. “Good night.” Agad na akong tumakbo palabas ng bahay niya habang nakangiti nang maluwag at nakahawak sa labi ko. Napahinto pa ako saglit at pigil na napatili habang napapatalon sa kaligayahan. “Ang sarap ng labi niya. God.” Agad akong nahiga sa higaan ko nang makarating ako sa bahay ni Aling Consuelo. Nakahawak pa rin ako sa labi ko at napapahagikhik dahil sa kilig. Nagpagulong-gulong ako sa higaan at napaupo ako dahil hindi ko malaman ang nararamdaman kong saya. Hindi yata ako makakatulog nito. Para akong mababaliw. He’s my first crush. My first kiss. I want him to be my boyfriend. Isipin ko pa lang na boyfriend ko siya ay hindi ko mapigilang kiligin. Kinabukasan ay maaga akong nagpunta sa bahay niya. Naabutan ko ang Vipers na kumakain na. Napatingin ako kay Atreo na nakasuot ng apron, black loose pants, at wala siyang suot na damit na pang-itaas kaya tanging apron lang ang tumatakip sa maganda at masarap niyang katawan. Kasing sarap ng breakfast. Grabe, ang ganda naman ng umaga ko. Nilapag niya ang ulam na mukhang siya ang nagluto. “Ikaw ang nagluto ng lahat ng iyan?” “Maupo ka na.” Nakangiti pa rin ako kahit na nagsusungit na naman siya. Naupo na ako sa bakanteng upuan at ngumiti sa Vipers na nagpapakiramdaman. Tila sila pa ang nahiya sa akin. “Bakit kayo nakahubad lahat?” tanong ko kaya ang ilan ay napaubo sa kinakain nila at ang ilan ay napabuga sa iniinom nila. “Bakit naman ganyan ang reaksyon n’yo? Ngayon lang ba kayo nagpakita ng katawan sa babae? Infairness, ang gaganda ng katawan n’yo. Alam n’yo, pwede kayo sa modeling.” “Enough, kiddo.” Tumingin ako kay Atreo na nilapag ang gawa niyang kape sa kanyang pwesto. Hindi naman ako makatabi sa kanya dahil si Sebastian at Von ang nasa magkabilang gilid niya na pareho ring suplado kaya hindi ko ka-vibes. Tumahimik na lang ako dahil tila mainit na naman ang ulo ni Atreo. Tsss. ’Wag niyang sabihin na nagalit siya sa kiss ko? Ano ’yon, first kiss niya? Napahagikgik ako kaya napatingin sila sa akin. Nagpaumanhin ako at pinigil ko ang pagngiti ko. Tinusok ko ang hotdog gamit ang tinidor at saka ko kinagat ito. Ngumunguya ako nang mapatingin ako kay Atreo na seryoso sa pagkain niya. Nang mapatingin siya sa akin ay kumindat ako at kinagat ang hotdog na kinasamid niya kaya napangiti ako habang enjoy na enjoy sa pagkain ng hotdog. Nagpunas siya ng nguso gamit ang table napkin bago siya tumayo kaya napatingin sa kanya ang Vipers at ako naman ay naibaba sa plato ang kinakain kong hotdog. “I’m done.” Umiwas siya ng tingin sa akin at umalis siya sa hapagkainan. Sinundan ko naman siya ng tingin. “Ano kayang nangyari kay General? Hindi pa nga siya nangangalahati sa pagkain niya.” Napatingin ako kay Erick na kulot ang buhok. Nagpatuloy ako sa pagkain at napaisip. Pero lihim akong napangiti dahil alam kong dahil sa akin kaya hindi niya naubos ang pagkain niya. Nang magprisinta ako na ako na ang magliligpit ng pinagkainan ay nagsialisan na sa dinning area ang Vipers. Nang matapos naman ako sa pagliligpit ay naisipan kong hanapin si Atreo. Napatingin ako sa labas nang makarinig ako ng talsik ng tubig. Agad kong tinungo ang pinaka-garden at paglabas ko ay napatingin ako sa taas. May hagdanang bakal paakyat sa rooftop ng bahay ni Atreo. Hindi ko rin alam pero naisipan kong umakyat. Sumilip ako nang medyo nasa last step na ako. At nakita ko na may swimming pool pala rito. May nakita akong lalaki na lumalangoy at nang mahinto siya sa gilid ng pool at humarap sa gawi ko ay napangiti ako nang malamang si Atreo iyon. Napaisip ako at bumaba ng hagdan. Bumalik ako sa bahay nila Aling Consuelo at kinuha ang bagong labang bikini bra at panty ko. Mabuti na lamang at ito ang suot ko nang bumagsak ako rito sa isla nila Atreo. Magagamit ko pala. Ngayong nakakaalala na ako, kahit gusto kong makapiling muli ang pamilya ko ay parang mas gusto kong manatili muna rito, para maangkin ang pinakamasungkit at pinakagwapo na general ng sundalo na si Atreo—my one and only crush. Nang maisuot ko ang bikini ko ay sinuot ko muli ang bulaklaking bestida na one strap at nakatali sa leeg ko. Excited na tumungo muli ako sa bahay ni Atreo. Tinungo ko ang hagdan at umakyat ako. Nakita ko si Atreo na nakasandal ang likod sa pader ng pool habang nakapikit at nakadantay ang braso sa pader ng pool. Lumakad ako palapit sa pool. “Can I join you?” Napadilat siya at napatingin sa akin. Umalis siya sa pagkakasandal nang makita ako. Ngumiti ako at inalis ang tali ng bestida sa leeg ko at binaba ko iyon to reveal my beach body. Ngumiti ako nang makita ko na napatingin siya sa katawan ko. Hinubad ko ang tsinelas na suot ko bago ako lumapit sa dulo ng pool. Nag-dive ako at sumisid sa ilalim ng tubig patungo sa kanya. Nang makita ko na ang mga binti niya at makita na tanging brief na itim lamang ang suot niya ay napangiti ako at umahon sa harap niya. Hinagod ko ang buhok ko at tumingin sa kanya. Napatingin naman siya sa akin na tila hindi makapaniwala. Ngumiti ako sa kanya na may pang-aakit at humawak sa kanyang balikat. Hinawakan niya ako sa kamay para sana alisin iyon. “Hindi mo alam ang ginagawa mo,” aniya sa mariin na tono. Mahigpit siyang nakahawak sa pulso ko at ramdam ko na na-te-tense siya. Bakit kinakabahan ang isang Atreo Ripler Alvarez? “At anong mali rito? Wala naman akong ginagawa?” nakangiti kong tanong at dumikit pa sa kanya. Napapikit siya at ramdam ko ang bigat ng hininga niya na tumatama sa aking mukha. “This is not right,” bulong niya na narinig ko naman. “Anong mali rito?” bulong ko kaya napadilat siya at napatitig sa akin. Kita ko sa mata niya ang pagtitimpi at tila nahihirapan siya. Ngumiti ako at lumayo sa kanya kaya nabitiwan niya ang kamay ko. “Okay. I will leave.” Matapos kong sabihin iyon ay tumalikod na ako sa kanya at lumangoy patungo kung saan ako nanggaling. Umahon ako at naglakad palapit sa bestida ko. Piniga ko ang buhok ko at hinawi ang tubig sa mukha ko. Napalingon akong muli sa pool nang marinig ko ang pag-ahon niya. Malalim siyang tumingin sa akin at lumakad palapit. Hinarap niya ako sa kanya at hinapit sa baywang palapit sa katawan niya. Napatingin ako sa kanya na seryoso lamang na nakatingin sa akin. “Sinusubukan kong magtimpi pero palagi mo akong tinutukso. Hindi mo alam kung sino ako, kaya bakit pilit mong pinagsisiksikan ang sarili mo?” Ramdam ko ang lakas ng kabog ng dibdib ko at maging ang kanya. Magkadikit ang aming mga dibdib habang sobrang lapit ng aming mukha dahil nakayuko siya sa akin na nagpalambot ng tuhod ko. “Sapat na ba kung sabihin ko na na-love at first sight ako sa ’yo? Pwede mo namang sabihin sa akin ngayon ang buong pagkatao mo. Bakit meron ba akong dapat malaman para tumigil na ako sa pagkagusto ko sa ’yo?” Napalunok siya habang nakatitig sa akin. Napahawak ako sa balikat niya nang iharap niya ako patungo sa pool. Lumakad siya kaya napaatras ako. Napatingin ako sa likod ko at nakita ko na malapit na kaming bumagsak sa pool. Tumingin ako sa kanya at napatili ako nang isama niya akong ibagsak sa pool. Pero ang tili ko ay natigil nang sakupin niya ang labi ko. Napadilat ako sa tubig at tumingin sa kanya habang nasa ilalim kami ng tubig. Nakapikit siya habang patuloy na sinasakop ang labi ko at mahigpit na nakayakap sa akin. Napapikit na rin ako at napatugon sa halik niya na hinihigop ang buong pagkatao ko. Isinandal niya ako sa pader sa ilalim ng tubig habang patuloy kami sa palitan ng halik. Walang anumang tubig na pumapasok sa amin dahil hindi kami nagbibitiw ng labi. Napahawak ako sa buhok niya at pinulupot ko ang binti ko sa baywang niya. Hindi ko alam na makaka-experience ako ng underwater kiss. At hindi ko akalain na mismong si Atreo ang unang bumigay. Humawak siya sa baywang ko at pinisil iyon habang patuloy kami sa palitan ng halik. Nang hindi ko na kaya ay bumitiw ako ng halik at napadilat kaya dumilat din siya. Umahon kami at napasinghap ako para makalanghap ng hangin. Nang umayos na ang paghinga ko ay tumingin ako kay Atreo na nakangiti habang hawak-hawak pa rin ang baywang ko. Pareho kaming walang masabi habang nakangiti na nagtitinginan. “Itago natin ang nangyari ngayon.” Nang sabihin niya iyon ay nawala ang ngiti ko sa labi. “Bakit?” “Ayokong isipin ng Vipers na pumatol ako sa ’yo.” Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko. Oo, tama siya, kasi matanda siya at masyado akong bata para patulan niya. Pero kinakahiya ba niya ako? “Ano naman kung ano ang isipin nila? Alam naman nila na may gusto ako sa ’yo.” Hinawakan niya ang baba ko at pinisil habang nakatitig sa akin ang mala-agila niyang mga mata na nakakalambot ng tuhod. “I’m the General of our group. Ayokong mawala ang tingin nila sa akin bilang General.” Napahinga ako nang malalim at napayuko. Hinawakan naman niya ang baba ko at iniangat para ipatingin muli sa kanya. “Ayaw mo ba?” tanong niya at dinampian ng halik ang labi ko na kinalunok ko. “Pero kasi . . .” “Trust me,” aniya at gumapang ang labi niya sa panga ko patungo sa likod ng tainga ko na kinaigtad ko. “S-sige . . .” nasabi ko na lang.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD