KABANATA 9

4747 Words
MAHIGPIT NA NIYAKAP ko si Aling Consuelo. Ngayon ay nagkakaiyakan na kami dahil aalis na ako. Mahigpit din siyang yumakap sa akin na tila hindi niya nais na umalis ako. Nagulat siya nang malaman na nakakaalala na ako. Akala niya kasi ay hindi pa. Nagtatampo nga siya dahil bakit hindi ko raw iyon sinabi sa kanya. “Hija, saglit na panahon pa lamang tayo nagkakakilala dahil nito ka lang din nagising, pero iba na ang dinala mong saya sa amin ni Feliciano. Sana lang ay ’wag mo kaming kalilimutan. Sana ay magkita muli tayo.” Ngumiti ako rito habang panay ang patak ng luha ko. Hinaplos ko rin ang likod niya. “’Wag po kayong mag-alala. Hindi ko po kayo kakalimutan at dadalawin ko po kayo kapag nagkaroon ng pagkakataon. Tandaan n’yo po na tinuturing ko na po kayo na pangalawang magulang ko. At napamahal na rin po kayo sa akin dahil kayo po ang nag-alaga sa akin noong comatose ako at pati noong nagpapagaling pa ako. Salamat po sa kabutihan n’yo, Aling Consuelo.” Bumitiw kami ng yakap at hinawakan niya ang mukha ko para alisin ang luha ko na pumatak. Inakbayan ko siya at lumakad kami palapit sa speed boat na dala nila Kuya. Napatingin ako kay Kuya na nakapamulsang hinihintay ako. Tumingin din ako sa paligid at nakita ko ang Vipers. Kumaway sa akin sina Regie, Sonny, at si Quest habang ang ilan ay nakatingin sa akin. Hinanap ko si Atreo ngunit wala siya sa paligid mula nang akayin ako ni Kuya palabas ng rest house niya. Napabuntonghininga ako at inalis ko ang pagkakaakbay ko kay Aling Consuelo. Kinuha ko sa bulsa ng bestidang suot ko at ang anklet na gawa ko na hindi ko pa naibibigay kay Atreo. “Aling Consuelo, pakibigay na lang po ito kay Atreo. Sabihin n’yo po sa kanya na buong puso kong ginawa ito para lang sa kanya.” “Makakaasa ka na makakarating ito sa kanya. Mag-iingat kayo sa byahe, hija. At sana baunin mo ang mga itinuro ko sa ’yo.” Tumango ako rito at ngumiti. Hinalikan ko siya sa pisngi at niyakap muli nang mahigpit. Bumitiw na kami at naglakad na ako pahakbang palapit kina Kuya. Lumingon pa ako nang isang beses at kumaway sa kanila bago ko nilibot ang paningin ko at umaasa na sana ay magpakita si Atreo, ngunit hindi siya nagpakita kaya tumalikod na ako at humawak sa kamay ni Kuya nang alalayan niya akong sumakay sa speed boat. Naupo ako sa gitna at tumingin muli sa mga taong nakilala ko sa pananatili ko sa isla. Pinaandar na ni Bien ang speed boat ng makasakay na si Kuya. Nalulungkot na nakatanaw pa rin ako sa isla ni Atreo habang palayo na ang sinasakyan namin. “Washing your clothes, ha?” Tumingin ako kay Kuya na prenteng nakaupo habang nakade-kwarto at nakapatong ang mga braso sa kinasasandalan niya. “Bakit ba ikaw ang sumundo sa akin? Hindi ka yata bumubuntot ngayon kay Ate Maqi?” Umirap ako rito habang inis kong tinatanong. “Kung si Jam at Si Dad ang sumundo sa ’yo, tsk, tsk, tiyak na bugbog sarado ang General na iyon. Tagal ka nIyang tinago, at kung hindi pa namin nalaman kung nasaan ka ay baka isipin namin na patay ka na.” “Bakit ba galit na galit ka kay Atreo? Wala namang ginagawa sa ’yo na masama ang tao. Mabuti nga at siya ang nagligtas sa akin at alam mo ba na nagka-amnesia ako dahil sa pagkabagsak ko sa chopper. siya ang sumuporta sa akin kaya dapat na pasalamatan siya, hindi iyong sasabihan mo siya ng masama.” Pumito siya at sinuot ang shades niya bago umiling-iling ang ulo. “Hindi namin alam na nagka-amnesia ka, pero Jane, hindi mo kilala nang lubusan ang lalakeng iyan. At kahit na siya ang sumuporta sa ’yo nang ma-coma ka, hindi pa rin siya dapat na pagkatiwalaan. Tinago ka niya at hindi man lang siya nag-effort na hanapin ang pamilya natin . . . At hindi sa lahat ng pagkakataon ay narito kami para protektahan ka sa lahat ng mananakit sa ’yo. Kaya dapat mong matutunan na protektahan ang sarili mo sa maaaring makasakit sa ’yo. At umpisahan mo iyon sa lalakeng iyon.” Hindi ko siya maunawaan. Anong ibig niyang sabihin? Protektahan ko ang sarili ko kay Atreo? At bakit ganoon na lang niya sabihin na hindi dapat pinagkakatiwalaan ang tulad ni Atreo? Magtatanong sana ako pero may biglang tumawag sa cellphone ni Kuya. Agad niyang sinagot kaya alam kong si Ate Maqi iyon. “Yes, wife?” Umirap ako at hindi ko na ito pinansin. Napabuntonghininga ako at napahawak sa kwintas na bigay ni Atreo. Ngayon pa lang ay name-miss ko na siya. Natatakot ako na baka hindi na kami magkita. Wala pa naman akong contact sa kanya. AKBAY-AKBAY AKO NI Kuya habang papasok kami sa bahay namin. Agad na bumati ang mga tauhan sa bahay nang makita kami. Kinakabahan ako habang napapatingin sa bahay. Marami nang pinagbago at meron ding ilang tauhan na hindi ako kilala. Kinakabahan ako dahil ngayon ko lang ulit makakasama ang pamilya ko. “Nasaan sina Mom and Dad?” tanong ni Kuya Gab sa tauhan na malapit. “Sir, nasa kwarto ho nila.” Tumango si Kuya at inalis ang pagkakaakbay sa akin. Lumakad siya patungo sa sofa at pabagsak na naupo. “Anak!” Agad akong napatingin sa hagdan at nakita ko na ang pagbaba nila Mommy. Agad na inilang hakbang ni Mommy ang distansya namin nang makababa siya ng hagdan. “Mom . . .” Yumakap ako sa kanya habang dama ko ang mahigpit niyang yakap. “Mabuti at nakita ka na, anak. Miss na miss na kita. At sobra akong nalulungkot nang mawala ka, pero ngayon ay nabunutan na ako ng tinik sa dibdib dahil narito ka na talaga. Pasensya na at ngayon ka lang nakita ng kuya mo.” Umiiyak si Mom kaya nakaramdam ako ng guilt dahil habang nasa isla ako ay naisip ko na gusto ko na lang manatili roon. Pero ngayon ay pakiramdam ko’y ang sama-sama ko dahil hindi ko man lang naisip ang pangungulila nila Mommy sa akin. “Naku, Mom, ayaw pang sumama n’yan. Ayaw nang umalis sa isla dahil sa Alvarez na iyon.” Bumitiw ng yakap si Mom at hinawakan ako sa balikat para mas makita ang mukha ko. “Totoo ba iyon, Anak? Ayaw mong umuwi sa amin?” Napanguso ako at hindi makasagot. Nakokonsensya kasi ako dahil ngayon ko lang naisip ang sinabi ko at kinilos ko sa isla. “Grace, from now on, you’re grounded. Hindi ka aalis nang walang kasama at hindi ka aalis nang hindi ka nagpapaalam. Maliwanag ba?” Napatingin ako kay Dad dahil sa sinabi niya. Nakita ko ang maawtoridad niyang emosyon na kinakaba ko. Ibig sabihin lang no’n ay hindi ko sila maaaring suwayin dahil tiyak na magagalit siya sa akin. Napayuko ako dahil hindi ko alam kung bakit parang nilalayo nila ako kay Atreo. Ano ba ang kasalanan ko? Nagmahal lang naman ako. At bakit sa tagal kong nawala ay talagang pinaghihigpitan pa nila akong lumabas. Dapat ay alalahanin naman ako ni Dad. “James, ’wag mo namang paghigpitan ang anak natin.” “Sweetheart, alam ko ang ginagawa ko, at wala nang makakabali sa desisyon ko.” Niyakap ako ni Mom dahil wala siyang magawa para sa akin kundi pagaanin na lang ang loob ko. Alam ko na kapag tungkol sa amin ay palaging tama si Dad. Kaya hindi na nakikipagdebatehan pa si Mom. “Magpalit ka ng damit at aalis tayo,” sabi ni Dad sa akin kaya tumingin ako kay Mom na tumango. “Saan po tayo pupunta?” “Kamuntikan na kasing makunan ang Ate Hera mo. Dadalaw tayo para kumustahin siya.” Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ni Mom. Buntis si Ate Hera? Naalala ko pa si Ate Hera. Siya ang kinababaliwan ni Kuya noon. At hindi ko akalain na talagang na-angkin na siya kay Kuya Jam na baliw. “Magkakaanak na sila ni Kuya Jam, Mom?” Tumango si Mommy kaya kahit paano ay napangiti ako para sa lovelife nila ni Kuya. Grabe, na-miss ko rin siya. At napakarami kong na-miss. Agad akong umakyat sa taas at tinungo ang kwarto ko. Pagpasok ko sa kwarto ay agad kong nilanghap ang amoy nito na sobrang na-miss ko. Walang pinagbago. Alalang-alala ko pa ang bawat detalye nito. Naupo ako sa kama at hinaplos ang kama ko. Napabuntonghininga ppa ako at nahiga bago napatingin sa kisame na may pintang mga stars and moon. Glowing in the dark ito na talagang pinasadya ko. “Atreo . . .” bulong ko at pumikit saglit para alalahanin ang mukha niya sa isip ko. Humugot ako ng hangin at naupo bago napailing. Lalo lang akong mababaliw sa ginagawa ko. Miss na miss ko na agad siya. Hindi ko alam kung kailan ko siya makikita lalo pa ngayon na grounded ako. LULAN NA KAMI ng sasakyan habang nasa backseat kami nina Mommy and Daddy. Sila Kuya Gab at family niya ay nasa kasunod naming kotse at sa unahan namin at likuran ng kotseng sinasakyan nila Kuya ay nakasunod ang mga tauhan ni Dad. “Bumili muna tayo ng prutas bago tayo magpunta sa hospital,” suggest ni Mom na agad namang sinunod ni Dad. Pagdating sa fruit store ay pinagbuksan kami ng pinto ng tauhan ni Dad. Naunang bumaba si Dad at sumunod ako dahil nasa gitna nila ako. Humawak ako sa braso ni Dad nang pagtinginan kami ng tao. Paano ba naman kasi, ang OA ng bodyguard. Parang mas dumami ang bodyguard namin at tila mga baguhan ang iba. Napahinga ako nang malalim at sumabay ng lakad kina Dad. Pumasok kami sa loob ng fruit store. Ngayon ko na lang muli nakita ang siyudad at inaamin ko na nakaka-miss din talaga. Namili sila Dad ng prutas habang ako ay lumalakad-lakad lang at pinagmamasdan ang store na napakaraming iba’t ibang klase ng prutas. “Grace, let’s go!” Lumingon ako kay Dad at tumango bago naglakad palapit sa kanya. Nauna silang lumabas ni Mom at kasunod ako. Sakay na muli kami ng kotse patungo sa Esteban Hospital kung saan daw dinala si Ate Hera. Sa bungad pa lang ng hospital ay hindi na magkandaugaga ang mga doktor and nars sa pagbati sa amin. Tanging tango at ngiti ang ginawa namin ni Mom habang si Dad ay hindi naman bumabalik ng bati. “Grace!” Napahinto kami sa paglalakad at nanlaki ang mga mata ko nang makita ko si Won. Ang tanging lalakeng bestfriend ko sa dati kong work. Wala pa rin siyang pinagbago. Napangiti ako nang huminto siya sa harap namin at yumuko bago batiin sina Mom and Dad. “It’s nice to meet you Sir and Ma’am. I’m Won Rusbelt.” “I know you, boy.” Tumingin ako kay Dad na tumango kay Won. “Anong ginagawa mo rito, Won? At mabuti nakita kita rito,” tanong ko at tumingin sa hawak niyang bag na pambabae. “Sinamahan ko lang ang hipag ko na magpa-checkup.” “Bakit, anong sakit niya?” “Wala siyang sakit, she’s pregnant.” Napatango ako. Napakabait naman nitong si Won. “Hmm, bakit nga ba ikaw ang kasama ng hipag mo?” “Tarantado kasi ang kuya ko. Umuwi rito, hindi man lang kinamusta ang lagay ng asawa niya.” Nalungkot naman ako. Bigla ay naalala ko na General nga rin pala ang kapatid niya. “’Di ba General din ang kapatid mo?” Nagtaka siya pero tumango sa tanong ko. “Yeah. Pero bakit may ‘rin’? May kilala ka bang General ng army?” Ngumiti lang ako at nagkibit-balikat. “Secret.” Natawa siya at napakamot sa batok. “Ang tagal mong nawala. Almost seven years kang nawala sa trabaho. At naalala ko na sabi sa balita ay sumabog daw ang sinasakyan n’yo. Mabuti at nakauwi ka nang maayos ang lagay.” “Mahabang kwento, Won. Pero masaya ako sa lugar na matagal kong tinuluyan.” “Mabuti naman. Pero papasok ka na ba sa Lux Calisse? Daming naghahanap sa ’yo, lalo na sina Zylene at Allison. Parang mga zombie na ang mga babaeng iyon sa trabaho dahil nalulungkot kapag naaalala ka.” Tumingin ako kina Dad na nasa harap na ng isang pintuan, siguro ay doon ang room ni Ate Hera. “I’m not sure, Won. Grounded ako, e. At kakausapin ko muna si Direk dahil baka hindi naman ako agad tanggapin dahil tagal ko ring nawala.” “Bakit ka grounded?” tanong niya. “Grace!” Tumingin ako kina Dad nang tawagin na ako. “Sige, Won, tsaka na lang ako magkukwento sa’yo. See you again.” Bumeso ako sa kanya at agad siyang iniwan doon para sumunod kina Dad. Naunang pumasok sila Dad kaya sumunod na lang ako. Pagpasok ko ay nakita ko si Ate Hera na gising na gising at kita ko ang gulat sa mukha niya nang makita ako. Ngumiti ako at lumapit sa kanya. “Kumusta ka na, Ate?” Bumeso ako sa kanya at sumandal sa higaan niya. “Ayos na ako at pati ang anak ko. Ikaw ang kumusta? Ang tagal mong nawala.” “Ayos lang ako, Ate. Sa mabuting kamay ako napadpad nang mahulog mula sa chopper na sinasakyan namin.” Napatango naman siya at ngumiti. She’s so beautiful. Her beauty is unique. Tha’t why my brother is so obssess to her. I like her for my Kuya Jam. “Napakulong mo ba ang may gawa sa asawa mo, Jam?” It’s Dad na nakaupo na sa sofa habang nakade-kwarto. Ganoon din si Kuya Gab na katabi sina Ate Maqi at GM. Si Kuya Jam naman ay nakaupo sa paanan ni Ate Hera. “I did, Dad. They need to be in jail. Kamuntikan na nilang ipahamak ang mag-ina ko.” Tumango si Dad na kinailing ko. Ang daya! Bakit kapag ang dalawang kambal kong kuya ay wala siyang tutol? Bakit sa akin ay pinagbabawalan ako sa lahat ng gagawin ko? Tumingin sa akin si Dad kaya umiwas ako ng tingin at ngumuso. “Grace, anak . . .” Agad na sumunod sa akin si Mom nang makauwi kami mula sa hospital. Umakyat agad ako para umiwas sa maaaring itanong nila Dad. Lumingon ako kay Mom na pumasok ng kwarto ko at sinara ang pinto. Napabuntonghininga ako at naupo sa kama ko. “Anak, maaari mo bang sabihin kay Mommy kung sino ang lalakeng sinasabi ng Kuya Gab mo?” malambing niyang tanong at lumapit sa akin. Tumabi siya sa akin sa kama at hinaplos ang buhok ko kaya sumandal ako sa balikat niya at niyakap ang baywang niya. “Mom, boyfriend ko na po si Atreo.” “Ano?” Napahagikgik ako dahil gulat na gulat si Mom at napaigtad pa. “Anak, kilala mo ba siya nang lubusan? Paanong naging nobyo mo na agad iyong lalakeng iyon?” dagdag pa niya. “Mom, siya lang po kasi ang nakapukaw ng atensyon ko. Tapos siya rin ang nagligtas sa akin noong bumagsak ako sa tubig. At siya rin ang nagsuporta sa akin noong ma-coma po ako. Tapos niligtas din niya rin ako nang muntikan na akong kagatin ng ahas. Kaya po kahit ilang buwan pa lang kaming magkakilala mula nang magising po ako mula sa coma ay na love at first sight na po ako sa kanya.” Hinawakan ako ni Mom sa balikat at tiningnan niya ako bago siya napabuntonghininga. “Masyado ka pang bata para sa relasyon, anak. Baka saktan ka lang ng lalakeng iyon.” Hinawakan ko siya sa kamay at ngumiti ako sa kanya. “Mom, bata rin naman po kayo nang maging mag-asawa po kayo ni Daddy. At alam ko po na hindi ako sasaktan ni Atreo. Alam ko po na mabuti siya.” Napailing siya at ngumiti, tila wala na siyang magagawa sa akin. “Alam mo naman na ayokong masasaktan ka. Masyado ka naming pinoprotektahan ng Dad mo, lalo na sa mga lalake na baka ang dulot lang sa ’yo ay sakit. Ipangako mo na hindi ko makikita ang luha sa mata mo dahil sa lalakeng iyon, kundi, ako ang makakaharap niya.” Napahagikgik ako dahil kahit magbanta si Mom ay hindi nakakatakot. Masyado kasing sweet ang voice niya at mahinahon kaya siguro hindi natitinag si Dad kapag nagagalit siya. “Oh, sige na, magpahinga ka na. Grabe, hindi ko akalain na dalaga na talaga ang bunso ko. Nalulungkot tuloy ako dahil pitong taon ko hindi nasaksihan ang bawat pagdadalaga mo,” aniya habang hawak-hawak ang mukha ko. “Wala naman pong nagbago sa akin. Dahil sa pitong taon ay ako pa rin po ito. At Mom, kapag po nagkita muli kami ni Atreo, ipapakilala ko kayo sa kanya. At tiyak po ako na magugustuhan n’yo sya.” “Gwapo ba, anak?” Napangiti ako dahil ito ang gusto ko kay Mom. Very supportive at hindi strict like Dad. “Yes, Mom, gwapong-gwapo.” Natawa kami at napatili pareho, tila na-i-imagine niya si Atreo habang ako ay lumitaw ang gwapong mukha ni Atreo sa isip ko. Bumagsak ako pahiga sa kama at napangiti na kahit paano dahil kay Mom. Papatunayan ko kina Dad na hindi ako nagkamali sa pagkagusto kay Atreo. At alam kong magugustuhan din nila ito kahit pa halos kaedad na siya nila Kuya. “Señorita Grace, may tawag po kayo.” Agad akong napalingon sa pinto nang pukawin ako ni Ate Wena na sumilip mula sa pintuan ng kwarto ko. “Pasok, Ate Wena.” Pumasok siya kaya binaba ko muna ang blower. Kakatapos ko lang kasing maligo. “Sino raw siya, Ate Wena?” “Hindi ko kilala, Señorita. Basta kailangan daw niya kayo makausap agad.” Kinuha ko ang wireless landline na hawak niya. Tinapat ko sa tainga ko ang landline phone habang nakaipit ito sa tainga at balikat ko. “Hello?” Nagpahid ako ng lotion sa braso ko habang hinihintay na sumagot ang nasa kabilang linya. “Baby . . .” Agad akong napahinto sa pagpahid ng lotion at nanlaki ang mata ko sa pagkabigla nang marinig ang boses at endearment sa akin ni Atreo. Agad kong hinawakan ang landline at tinakpan para hindi marinig ni Ate Wena ang sinasabi ni Atreo sa kabilang linya. “Sige na, Ate Wena, ako na ang magbababa nito mamaya.” Tumango siya at lumakad na palabas ng kwarto ko. Nang makalabas siya ay agad akong tumayo mula sa pagkakaharap sa tukador. “Atreo?” Napangiti ako at lumapit sa pinto para i-lock iyon. “Baby, I miss you.” Kinilig ako at napakagat ng labi sa malambing niyang boses. “I miss you too, Atreo.” Naupo ako sa kama at kinuha ang unan para yakapin. “Anong ginagawa mo ngayon?” “Kakatapos ko lang maligo.” “Damn.” Napangiti ako dahil tila naakit siya sa sinabi ko. “Gusto kitang makita, baby.” “Pero paano naman? Grounded ako. At hindi ako makakalabas kapag walang bodyguard.” “Don’t worry, I have a great plan.” “Ano ’yon?” “Secret. Basta mamaya,” aniya na kinalito ko. “Bye, baby.” Ibinaba na niya ang tawag kaya napanguso ako. Ano naman kaya ang plano niya? Napabuntonghininga ako dahil miss ko na talaga siya. Naghintay ako ng tawag mula sa kanya. Pero hindi pa rin siya tumatawag. Nahiga na ako sa kama dahil inaantok na ako. Baka naman bukas pa kami magkikita. Hindi pa ako masyadong nakakaidlip nang makarinig ako ng kaluskos at pagbukas ng sliding door mula sa veranda ng kwarto ko. Nagkusot ako ng mata at tumingin sa paligid. Madilim dahil nakapatay ang ilaw ko. Binuhay ko ang lamp shade sa side table ko at bumangon ako sa kama. Nabigla ako nang may lalakeng pumasok sa kwarto ko at sisigaw na sana ako nang takpan nito ang bibig ko. Pinaghahampas ko ito pero natigilan ako nang magsalita siya. “Baby, it’s me . . .” Binitiwan niya ang bibig ko at inalis ang suot niyang sumbrero. “At . . . reo?” Gulat na gulat ako at hindi makapaniwala na nakapasok siya ng kwarto ko. “Paano ka nakapasok?” bulong ko. “Nakatiyempo lang ako. Basta ang mahalaga ay kasama na kita, baby.” Hinapit niya ako sa baywang at niyakap kaya napayakap na rin ako sa kanya. Tumingin siya sa akin at agad na sinakop ang labi ko kaya tumugon naman agad ako sa kanya. Pareho kaming sabik na sabik sa isa’t isa. Sobra ang pagka-miss namin. Napaatras ako nang umabante siya habang hapit-hapit ako sa baywang at habang mapusok kaming naghahalikan. Naramdaman ko na binuhat niya ako at hiniga sa kama ko bago siya dumagan sa akin habang hindi pinuputol ang halikan namin. Bumitiw kami ng halik at hingal na hingal na nagkatitigan kahit kaunting liwanag lamang ang aming nakikita mula sa ilaw na nasa side table ko. Hinaplos ko ang buhok niya habang nakangiti kami sa isa’t isa at nagkakatinginan. Dinampian niya muli ako ng halik sa labi ko bago bumaba ang labi niya sa leeg ko kaya napatingala ako para bigyan siya ng access doon. Napahalinghing ako nang pinisil niya ang dibdib ko na tanging suot ko lamang ay manipis at madulas na night dress na may kaiklian. Wala akong suot na bra kaya malaya niyang nahahaplos ang dibdib ko na tanging tumatakip lang ay ang kanipisan ng suot ko. Bumibigat na ang hininga ko at napapaalon ang tiyan ko nang ibaba niya ang neckline ng suot ko na kinabunyag nang tuluyan ng dibdib ko. Napasabunot ako sa buhok niya at napakagat ako ng labi nang hayok niyang isubo sa mainit niyang bibig ang dibdib ko. Salitan at halos ayaw niyang tantanan. Tinigilan niya ang dibdib ko at naupo siya para alisin ang suot niyang T-shirt. Nang mahubad niya ay pinagparte niya ang mga hita ko at napakapit ako sa kobre kama nang haplusin niya ang p********e ko kahit may suot pa akong panty. Pinagpantay niya ang mukha namin at muli niya akong hinalikan habang patuloy siya sa paghaplos sa p********e ko. Napaarko ang katawan ko at napakapit ako sa balikat niya nang ipasok niya ang kamay niya sa loob ng panty ko para damhin ang p********e ko. Halos mawala ako sa pagtugon sa halik niya nang gamitan niya ng daliri ang pagpapaligaya sa akin. “A-Atreo. Ohhh . . .” Halos pabulong iyon dahil pinipigilan kong umungol nang malakas dahil baka marinig sa labas. “That’s right, baby, moan my name . . .” aniya at dinilaan ang labi ko bago niya sipsipin ang ibabang labi ko habang patuloy ang daliri niya. Napaangat ang ulo ko at napahigpit ang kapit ko sa balikat niya nang manginig agad ako. Bumagsak ang ulo ko at tumingin sa kanya na nakatitig sa akin nang malalim. Umalis siya sa ibabaw ko at pinagparte lalo ang mga hita ko. Bumaba ang ulo niya sa p********e ko kaya napasabunot ako sa buhok niya habang nakapikit ako at taas-baba ang dibdib ko dahil pakiramdam ko ay hindi ako makahinga sa sarap. Hinawi niya lang ang panty ko at humahagod na doon ang dila niya na tila may sinisimot siya roon. Nanghihina na ako at para akong mauubusan ng tubig sa katawan dahil sa paglunok ko. “Ohhh . . . God, Atreo!” Naipit ng hita ko ang ulo niya dahil halos hindi ko na kaya. Napaangat ako ng ulo at tiningnan siya na walang habas sa paghagod ang dila sa p********e ko. Hinaplos ko ang buhok niya kaya napatingin siya sa akin. Tumigil na siya at lumuhod habang inaalis ang belt ng pantalon niya. Napakagat ako ng labi habang nakatingin sa katawan niya na nakakapanglaway. Agad niyang hinubad ang pants niya at brief kung kaya lumitaw ang batalyon niya na galit na galit. Napatingin ako rito at hinawakan ko ito na kinadaing naman niya. Dinama ko iyon sa kamay ko habang tinitingnan ko ang reaksyon niya. Namumula na ang mukha niya at malalim kaming nagkatinginan. Habang pinapaligaya ko siya ay hinawakan niya ang buhok ko para hindi sumabog sa mukha ko. Napaungol siya nang gamitan ko ng bibig ang sandata niya. Napasabunot siya sa buhok ko at inalalayan ako kung paano ang gagawin dahil hindi pa ako sanay. Palakas nang palakas ang daing niya at mura dahil sa binibigay kong kaligayahan sa kanya. “Enough now, baby . . .” Pinigil niya ako at maingat na hiniga muli sa kama. Hinila niya pausod ang katawan ko palapit sa kanya habang nakapwesto siya sa pagitan ng mga hita ko. Pareho kaming napasinghap nang unti-unti siyang lumalalim papasok. Mahigpit siyang nakahawak sa baywang ko at pareho kaming napadaing nang tuluyan niyang sinagad ang pagpasok. Tinukod niya ang mga kamay niya sa pagitan ng ulo ko kaya nagkalapit ang aming mukha. Yumakap ako sa likod niya habang nakikipagtitigan sa kanya. Tinagilid niya ang ulo niya at sinakop ang labi ko habang marahan siyang nagsisimulang gumalaw sa ibabaw ko. Halos magkatamaan kami ng ilong sa sobrang diin ng paghalik niya sa akin. Hinahaplos-haplos ko ang likod niya habang pareho kaming darang na darang sa kapusukan. “Ohhh God . . .” Napaungol ako mula sa nakabukas naming bibig nang bumilis ang galaw niya. Pinasok niya ang dila niya sa bibig ko kaya nakipag-espadahan ako sa kanya habang dinadama ang bilis ng galaw niya. “Wala silang magagawa kahit pigilan nila ako sa ’yo. Eísai dikós mou, hmmm . . .” aniya nang magbitiw kami ng labi habang mabilis siyang umiindayog sa ibabaw ko. Hindi ako makasagot dahil halos hindi ako makagawa ng salita sa nararanasan kong sarap ngayon. Sa sobrang gigil ni Atreo ay bumagsak ang portrait painting na nakasabit sa pader. Umuuga ang kama at tumama ang head board nito sa pader kaya bumagsak ang painting. Napahinto siya at agad na iniangat niya ang ulo ko nang kamuntikan nang tamaan ito. Nagkatinginan kami at natawa. Hinawakan niya ako sa baywang at binuhat kaya napayakap ako sa leeg niya. Nakaupo siya habang nakaupo naman ako sa hita niya. Pinagdikit ko ang noo namin habang ako na ang gumagalaw. “Mag-iiwan ako ng contact ko sa ’yo. Baka hindi na ako makakapuslit dito, pagkatapos nito.” “Bakit hindi mo harapin sina Dad?” “Tsaka na, kapag naayos ko na ang gusot ko sa buhay.” “Anong gusot sa buhay mo?” Ngumiti siya at dinampian ng halik ang labi ko. Hindi niya ako sinagot at bumaba ang labi niya para halikan ang dibdib ko. Nang magsawa siya ay hiniga niya ako muli ngunit paharap na sa paanan ng kama habang yakap-yakap niya ako. Mabilis siyang gumalaw at mahigpit na yumakap sa akin. Tumunog ang cellphone niya kaya napasuntok siya sa gilid ng ulo ko. Huminto siya sa paggalaw sa ibabaw ko para abutin ang pants niya na hindi nalaglag sa kama. Kinuha niya sa bulsa ang phone niya at sinagot ang tawag. “What?” inis niyang tanong sa tumawag. “s**t!” Bigla niyang ibinaba ang tawag at tumingin siya sa akin. “Bakit?” “Nagkalat ang tauhan ng Dad mo sa paligid. Nakatunog yata na pumasok ako.” Nanlaki ang mga mata ko kaya dali-dali siyang umalis sa ibabaw ko. Napaupo ako at pinanood siya na agad sinusuot ang mga damit niya. Sinuot ko lang ang strap ng night dress ko dahil hindi naman ito nahubad sa katawan ko. Bigla naman ay saktong may kumatok sa pintuan ng kwarto ko. Kinabahan ako kaya napatingin ako kay Atreo na naisuot na ang lahat ng damit niya. “Paano na?” Hinawakan niya ako sa mukha at hinalikan sa labi. “Don’t worry, makakaalis ako rito nang hindi niya makikita.” Hinaplos niya ang mukha ko at kinuha niya ang wallet sa bulsa niya. “Tawagan mo ako rito. Aasahan ko, baby.” Tumango ako kaya napangiti siya. “Grace, open the door!” Napaigtad ako nang galit nang kumatok si Dad. “Good night, baby . . .” Malalim na halik muli ang ibinigay ni Atreo sa akin at aalis na sana siya sa kinatatayuan niya nang mapatingin siya sa sahig. Pinulot niya ang panty ko at tinaas na kinalaki ng mata ko. Aagawin ko sana sa kanya iyon nang ilayo niya iyon sa akin para hindi ko maabot. “Akin na ’to.” Pilyong ngumiti siya bago mabilis na naglakad patungo sa veranda. Napailing ako at napangiti pero agad akong bumaba ng kama at sinundan siya. Napahawak ako sa dibdib ko dahil kinakabahan ako at baka mapahamak sya. Sumilip ako sa baba at nakita ko na nakababa na siya nang matiwasay. Agad akong napapasok sa loob nang makita ko ang tauhan ni Dad na may mga lenteng hawak. Malawak ang paligid ng bahay namin, kaya alam ko na makakatago si Atreo sa madilim na parte para makatakas. Inayos ko ang sarili ko bago ko tunguhin ang pinto. Pagbukas ko ay agad na pumasok si Dad na may dalang baril. “Mom, what happened?” Kasunod kasi ni Dad si Mom na agad na lumapit sa akin. “Nasaan ang lalakeng iyon, Grace?” dumadagundong na maawtoridad na tanong ni Dad sa akin. “Dad, sino po bang lalake? Mag-isa lang po ako rito at natutulog?” “Bakit parang binagyo itong kama mo?” Napakagat ako ng labi dahil hindi ko pala naayos ang kama ko. “Dad, iyan nga po pala ang problema. Bigla na lang pong nahulog ang portrait habang natutulog ako. Tapos alam n’yo naman po na malikot akong matulog.” Tiningnan pa niya ang bawat kasuluk-sulakan ng kwarto ko. Nang wala siyang makita ay naglakad siya palapit sa amin at inalis ang kasa ng baril niya. “Lord.” Napalingon kami sa pinto nang magsalita si Kuya Nestor, ang kanang kamay ni Dad. “Nahuli n’yo ba?” “Hindi, Lord. Wala kaming nakita sa paligid. Baka nagkakamali lang si Ben.” Pinipigil kong mapangiti at nakahinga ako nang maluwag nang malaman kong nakatakas siya nang maayos. “Anong nginingiti-ngiti mo, Grace?” Napaigtad ako nang mahuli ako ni Dad. “Wala po. Masyado lang kasi kayong paranoid, Dad.” Lumapit ako rito at hinawakan ko ang likod niya para mahinang itulak palapit sa pinto. “Sige na po, matulog na kayo ni Mommy at mag-loving-loving.” “Grace Jane!” suway sa akin ni Mom na namula ang mukha kaya napahagikhik ako. “Sige na po. Good night.” Bumeso ako sa kanila at agad ko nang sinara ang pinto. Sumandal ako sa pintuan at kinuha ang calling card ni Atreo. Impit na napatili ako at hinalikan ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD