KABANATA 8

3301 Words
HINDI AKO NAKATULOG nang maayos kagabi dahil sa kakaisip sa kinikilos ni Atreo. Kaya ngayon ay para akong zombie na bumangon sa higaan kinabukasan. Ginawa ko ang morning ritual ko at lumabas na ako ng kwarto ng makapag-ayos na ako ng sarili ko. Naabutan ko si Mang Feliciano na inaayos ang dadalhin niyang gamit para pumunta sa ibayong lugar para mangisda. Lagi siyang wala sa umaga dahil nangingisda siya para itinda at kapag nakabenta ay binibili niya ng kailangan nila ni Aling Consuelo sa bahay. “Mang Feliciano, aalis na po kayo?” Napaangat siya ng tingin sa akin at napatigil. “Oo, hija. Matagal din akong natigil sa pangingisda mula nang magpunta kami sa probinsya ng kaibigan ko. Kaya kailangan kong bumawi para makabili ng mga kakailanganin sa bahay.” Humahanga naman ako sa sipag at dedikasyon ni Mang Feliciano na itaguyod si Aling Consuelo kahit pa wala silang anak. Sana kung papalarin, sana ganito kami ni Atreo hanggang sa pagtanda. “Mag-iingat po kayo. Ako pong bahala kay Aling Consuelo habang wala po kayo.” Napangiti siya sa sinabi ko at tumango sa akin habang sukbit-sukbit niya ang bag na dadalhin niya at maging ang paglalagyan ng nahuli niya. Wala si Aling Consuelo sa bahay kaya tiyak na nasa bahay ni Atreo. Naupo ako sa upuan at napahinga nang malalim. Nanlalata pa ako dahil kulang ako sa tulog sa kakaisip kay Atreo. Kakasimula pa lang ng relasyon namin, tapos agad-agad ay pinapahirapan na niya ako. Porket gustong-gusto ko siya at hulog na hulog na ako sa kanya, sasamantalahin naman niya. Sino nga kaya ’yong tumawag? His dad or mom? Aha! Oo nga. Baka nawalan siya ng gana dahil isa sa parent niya ang tumawag. Baka may sama siya ng loob doon. Agad akong tumayo mula sa pagkakaupo at lumabas ako ng bahay nila Aling Consuelo. Nilakad ko ang ilang pagitan ng layo ng bahay nila Aling Consuelo mula sa bahay ni Atreo. Pagpasok ko ay tahimik ang kabahayaan kaya naisipan kong tunguhin ang kwarto ni Atreo. Tumingin muna ako sa paligid bago ko binuksan ang pinto at pumasok. Sinara ko ang pinto at naglakad ako papasok ng kwarto ni Atreo. Napahinto ako nang makita ko siya na nakasuot ng army uniform habang nakatalikod sa akin at nakatanaw sa bintana. May hawak siyang phone na nakatapat sa tainga niya at tila may katawagan siya. Maingat akong naglakad para hindi niya malaman na narito ako. Nais ko siyang gulatin. “Don’t act like you hurt, because you are not. Hindi ako tanga para paikutin mo. Kung napaikot mo sila Dad, pwes, ako hindi!” Napahinto ako sa paglapit sa kanya dahil sa galit niyang sinabi sa kausap niya sa kabilang linya. Sino ba ang kausap niya? Ke aga-aga, e, galit na galit siya. Nakita kong binaba na ni Atreo ang cellphone at napahugot siya ng hininga at tila pinapakalma ang sarili bago siya humarap para siguro umalis sa harap ng bintana. Pero napahinto siya at nakita ko na gulat na gulat ang mukha niya habang napapalunok. Namutla siya agad na hindi ko malaman kung bakit? “B-Baby.” “Are you okay, Atreo?” “Kanina ka pa?” “Kakapasok ko lang din.” Tila naman siya nakahinga nang maluwag kaya napahalukipkip ako. “Bakit galit na galit ka sa kausap mo? At ano ’yong ‘Don’t act like you hurt, because you are not. Hindi ako tanga para paikutin mo. Kung napaikot mo sila Dad, pwes, ako hindi!’” Talagang ginaya ko pa ang way ng pagkakasabi niya na may halong galit niyang emosyon na ikinangiti niya. Ibinulsa niya ang cellphone sa bulsa ng army pants niya. Lumakad siya palapit sa akin at pagkalapit niya ay hinapit niya ako sa baywang kaya nagkalapit masyado ang aming katawan. “Bata ka pa para maunawaan iyon,” aniya habang pinipisil-pisil ang baywang ko habang nakatitig siya sa akin. “I hate you! Ginagawa mo na naman akong bata!” Nakanguso ako kaya agad niyang binaba ang mukha niya at patak na halik ang ginawad niya sa akin. “You’re so cute,” aniya at hinaplos ang labi ko habang pinagdikit niya ang noo namin. Bigla namang nag-init ang pisngi ko sa sinabi kaya napangiti siya at muling dinampian ng halik ang labi ko kaya napapikit ako. “Gusto man kitang ma-solo ngayon ay hindi maaari sa oras na ito,” aniya habang padampi-dampi ang halik niya sa labi ko. “Bakit naman?” tanong ko at humalik sa labi niya. “Dahil may gagawin kaming operasyon muli sa kabilang isla para ma-secure ang kaligtasan ng isla. Hindi ako dapat makampante,” tugon niya at sinipsip ang ibabang labi ko bago niya kagatin. “Sama na lang ako.” Tumitig siya sa akin at umiling bago ako buhatin kaya pinulupot ko ang binti ko sa baywang niya habang nakasampay ang mga kamay ko sa leeg niya. Inupo niya ako sa work table niya habang binibigyan ng halik ang pisngi ko. “Hindi pwede. Delikado lalo’t muntik ka nang mapahamak no’ng sumama ka.” Hinawakan ko siya sa mukha at nagpa-puppy eyes ako. “Pero kaya kong depensahan ang sarili ko. Sama na ako sa inyo.”. Umiling siya at seryosong tiningnan ako. “Hindi nga sabi pwede, baby. Ayokong mapahamak ka. Mabuti nang nandito ka at ligtas. Ayoko nang sinusuway mo ako, naiintindihan mo?” maawtoridad niyang sabi kaya napanguso ako. Ngumiti siya at gumapang ang kamay niya sa dibdib ko kaya napalunok ako. Pinisil niya iyon habang tinitingnan ang reaksyon ko. “Akala ko ba ay kailangan mo ng umalis?” tanong ko. “Sinabi ko ba ’yon?” nakangisi siya habang pinapaikot niya ang daliri niya sa tuktok ng dibdib ko. “Oo, sinabi mo.” Hinaplos ko ang mukha niya na napakagwapo. Tinigilan niya ang dibdib ko at mas hinapit ako sa baywang palapit sa katawan niya. “Ramdam mo siguro ang kasabikan ko sa ’yo. Ganito ang epekto mo sa akin tuwing aakitin mo ako nang hindi mo sinasadya,” aniya at damang-dama ko ang nakatago niyang galit na batalyon na dumidiin sa akin. “Damang-dama ko.” bulong kong mapang-akit kaya napamura siya at sinakop ang labi ko habang mabagal ngunit puno ng diin niyang pinapadama sa akin ang nakatago niyang batalyon. Tumugon ako sa halik niya. ’Yong halik na alam kong kaaadikan niya. Gusto ko na habang malayo siya ay hindi maaalis sa isip niya iyon at agad na babalik siya sa akin para lamang matikman iyon. Nag-aalab na ang aming palitan ng halik nang may pumukaw sa aming katok mula sa pinto. “General, ready na!” dinig ko ang boses ni Sebastian habang patuloy pa rin kami sa paghahalikan. Bumitiw siya ng halik pero hindi siya tumitigil sa pagdiin ng katawan niya sa akin. “Okay! Susunod ako!” sigaw niya para marinig ni Seb, habang nagkakatinginan kami nang malagkit. Muli niyang binalikan ang labi ko at binuhat ako paalis sa work table niya. Pagdating namin sa harap ng pintuan niya ay binaba niya ako at tumigil siya sa paghalik. Tiningnan niya ako at may pilyo siyang ngiti sa labi. “Kailangan ko ng baon mula sa ’yo,” aniya. “Anong gusto mong baon?” Ngumisi siya at bumaba siya para lumuhod sa harap ko. Tinaas niya ang palda ng bestida ko at walang anu-ano ay binaba niya ang panty ko at hinubad sa akin. Sinampay niya ang isang legs ko sa balikat niya at napakagat ako ng labi at napahawak sa ulo niya nang sumubsob siya sa chipapay ko at naramdaman ko ang mala-ahas niyang dila na humahagod doon. Pinigil ko ang ungol ko habang namimilipit na ako sa kinatatayuan ko dahil sa ginagawa niya. Tumigil siya nang maramdaman na malapit na akong manginig sa sarap. Hinalikan pa muna niya iyon bago niya inalis ang mga hita ko sa balikat niya at tumayo siya. Tinaas niya ang panty ko at binulsa sa pantalon niya. “Babaunin ko ito, lucky charm.” Ngumisi siya kaya inirapan ko siya dahil binitin niya ako. “Sige na, aalis na ako, baby,” dagdag pa niya at muling humalik sa akin kaya lasa ko sa labi niya ang hindi ko ma-explain na lasa. Mariin siyang humalik at kinagat ang labi ko na gigil bago niya binitiwan. Ngumisi siya at tumalikod na bago lumabas ng kwarto niya. Napailing ako at inayos ko ang suot kong bestida. God. Lalabas na naman ako nang walang panty sa kwarto niya. Naghintay muna ako ng ilang sandali para siguraduhin na nakaalis na sila. Nang tingin ko ay ayos na ay lumakad na ako palapit sa pinto at pinihit ang seradura. Binuksan ko ang pinto at sumilip ako kung may tao bang maaaring makakita sa akin. Nang wala ay dali-dali akong lumabas at sinara ang pinto ng kwarto ni Atreo. Naglakad ako palabas ng bahay para kumuha ng extra panty. Alangan namang wala akong suot, baka mahalata pa ni Aling Consuelo. Inayos ko muna ang sarili ko sa bahay nila Aling Consuelo at pinuntahan si Aling Consuelo na tiyak na nasa kusina ng bahay ni Atreo. Pero wala siya roon kaya lumabas ako sa pinto sa kusina kung nasaan ang wash area ng mga damit. Nakita ko si Aling Consuelo na may inaamoy sa kumot ni Atreo. Habang hindi ko ma-explain ang reaksyon niya. “Aling Consuelo, bakit nyo po inaamoy ’yang kumot ni Atreo?” Napatingin siya sa akin habang hawak-hawak ang basket na naglalaman ng maruming damit ni Atreo. “May kakaibang amoy kasi sa kumot ni Atreo. At kahit itim itong kumot niya ay may bakas ng dugo.” Napalunok naman ako dahil alam ko nang dahil sa pagkabasag ng kainosentehan ko ang dugong iyon. Shocks. Magaling talagang kumilatis si Aling Consuelo. Parang sandali na lang, e, malalaman na niya ang sikretong relasyon namin ni Atreo. “Baka naman po dahil sa sugat niya noong natamaan siya ng bala sa operasyon niya.” Tumango naman siya at umiling bago isalang iyong kumot sa washing machine. Automatic washing machine na kapag huminto na ito sa pag-ikot ay agad na tuyo ang damit kapag nilabas. Tinulungan ko na lang si Aling Consuelo sa gawain niya kaysa tumanganga ako at maburyo lang habang naghihintay sa pagbabalik ni Atreo. Nang wala na akong ginagawa ay naisipan kong gumawa muli ng anklet para kay Atreo. Hindi ko pa nga pala natatapos ang anklet na ginawa ko para sa kanya. Pinakatutukan ko ito para mamaya ay maibigay ko na sa kanya. Binusisi ko talaga kung matibay ang nagawa ko. Tiningnan ko ang gawa ko nang matapos ako at napangiti ako dahil perpekto. Nag-unat ako ng braso at hinaplos ko ang leeg ko dahil biglang sumakit sa pagyuko ng ulo ko nang matagal. Tumingin ako sa karagatan at nakita ko na ang kahel na kalangitan na nagre-reflect sa dagat. Nahiga ako sa sun-lounger para makita ko kung parating na ba sila Atreo. Napahinga ako nang malalim at pumikit upang umidlip muna. Dahil siguro sa mahangin na paligid at tunog ng hampas ng tubig sa dagat ay para akong dinuduyan. Nakatulog ako nang matagal at hindi pa sana ako magigising kung hindi lang ako ginising ni Aling Consuelo. Napaupo ako at tumingin sa paligid. Nakita ko na madilim na ang kalangitan. “Hija, bakit ka d’yan natutulog? Baka napapak ka na ng lamok.” Imbes na sagutin ang tanong niya ay nagtanong rin ako sa kanya. “Sila Atreo po ba ay nakabalik na?” tanong ko habang nagmamadali na hinagilap ang tsinelas ko. “Hindi pa sila bumabalik, hija.” Napahinto ako sa ambang pagtayo dahil sa sinabi niya. Napatingin ako rito at nakita ko ang mapanghinala niyang tingin. “Wala pa po sila? Gabi na po, a.” “Sinabi sa akin ni General na baka matagalan sila sa kabilang isla dahil kailangan nilang masiguro ang kaligtasan ng mga tao roon.” Bigla ay parang nanlumo ako sa sinabi niya. Matatagalan? Bakit hindi niya sinasabi sa akin? Umaasa pa naman ako at hinintay siya. At nakakalungkot dahil tiyak na mabuburyo ako rito sa pagka-miss sa kanya. “Umamin ka nga, hija, may namamagitan ba sa inyo ni General?” seryosong tanong niya na kinalunok ko at tumingin ako sa kanya. Napayuko ako dahil useless na kung magsinungaling pa ako sa kanya. Alam ko na alam na ni Aling Consuelo ang kinikilos namin ni Atreo. Naupo siya sa tabi ko at hinaplos ang buhok ko. Napayakap ako sa kanya upang doon ibuhos ang paghingi ko ng sorry dahil nagsinungaling ako sa kanya. “Kaya pala may kakaiba sa tinginan n’yo ng General. At kaya pala palagi ka niyang tinatanong sa akin kung gising ka na ba sa umaga.” Napahinga siya nang malalim at hinimas ang likod ko. “Hija, hindi naman ako tutol kung meron kayong relasyon. Pero parang masyado kang bata para makipagrelasyon sa General. At kahit na naninilbihan ako sa kanya ay hindi ko rin alam ang pagkatao niya. Sa edad niyang iyon ay hindi ka ba napapaisip kung may asawa na ba siya?” Napabitiw naman ako ng yakap sa kanya dahil sa sinabi niya. Asawa? Hindi ko naitanong sa kanya iyon dahil imposible namang may asawa na siya at wala naman siyang wedding ring na suot. “Imposible po iyon, Aling Consuelo. Wala naman po siyang suot na singsing. At tsaka, kung may asawa na siya, edi sana nagpupunta po ’yong asawa dito, ’di ba po?” Napatango naman siya sa sinabi ko. “Siguro nga, hija. Pero tandaan mo na minsan ang lalaking gustong magbinata muli ay aalisin lang ang singsing at pwede nang sabihin na single siya. Natatakot lamang ako para sa ’yo dahil baka masaktan ka, hija.” Umiling ako rito at ngumiti. Pero nasa isip ko ang lahat ng sinabi niya. Kinabahan din ako at natatakot. “Siya ba ang may bigay nito sa ’yo?” Napatingin ako sa necklace na nasa leeg ko. Tumango ako kay Aling Consuelo at tumingin sa kanya. “Napakagandang kwintas nito. At masasabi ko na walang katumbas.” Napangiti naman ako at hinaplos ang kwintas na bigay sa akin ni Atreo. Napahinga nang malalim si Aling Consuelo bago tumayo. “Halika na, hija, at ’wag mo nang hintayin si General dahil hindi dadating iyon ngayon.” Tumango ako rito at tumingin sa karagatan. Nalulungkot ako dahil hindi ko siya makikita bago ako matulog. Tumayo na ako at binitbit ang gamit sa palamuti bago sumabay kay Aling Consuelo na maglakad. TWO WEEKS. TWO weeks siyang wala. At kating-kati na akong puntahan siya roon ngunit wala naman akong sasakyan na maaaring sakyan papunta roon. Dahil si Mang Feliciano ay palaging ginagamit ang bangka niya para mangisda. Alangan namang sabihin ko na samahan ako sa kabilang isla para lamang makita ang lagay ni Atreo. Alangan namang sayangin ko ang araw ng pangingisda nito. Pumangalumbaba ako habang nakatanaw sa kabilang isla. Narito ako sa light house dahil dito ay gumagaang ang pakiramdam ko. Nawawala ang pagkaburyo ko. Sa loob ng dalawang linggo ay palagi akong narito sa light house para tanawin ang kabilang isla. Umaasa ako na matanaw ko siya kahit na napakaimposible. Nakakainis siya! Mawawala pala siya ng ganoong katagal, tapos hindi man lang ipinaalam sa akin. Napabuntonghininga ako at ngumuso. “Kapag hindi ka pa nagpakita ngayon, sisiguraduhin kong magsisisi ka,” inis kong sambit at tumayo nang tuwid. Humarap ako para sana umalis na ngunit nabigla ako nang bumulaga sa harap ko si Atreo. At hindi pa ako nakakapagsalita nang mahigpit niya akong niyakap at sabik na sabik na nilamon ang labi ko. Napayakap ako sa leeg niya at tumugon sa halik niya. Hindi ko mapigilan na kumabog ang dibdib ko sa tuwa dahil sa wakas ay umuwi na siya. Mariin niyang sinipsip ang labi ko bago kami nagbitiw ng halik at hingal na hingal na nagkatinginan kami. “Sobra kitang na-miss, baby,” aniya at pinagdikit ang noo namin. “Na-miss din kita sobra. Bakit ngayon ka lang bumalik?” nagtatampo ako habang hinahaplos ko ang batok niya. “Nagkaroon lang ng mahirap na operasyon sa kabilang isla. Meron pa palang natitirang mga bandido na nanggulo sa kabilang isla, kaya kailangan naming puksain.” Napahinga ako nang malalim at yumuko dahil naiintindihan ko naman siya. Sinundan niya ng tingin ang mga mata ko at panay iwas ko dahil ewan ko, nakakailang siya. Napahalakhak siya at pinisil ang baba ko na hindi ko alam bakit nakahiligan niyang pisilin iyon. “Okay, alam kong nagtatampo ka dahil hindi ko sinabi sa ’yo na matatagalan ako, pero babawi ako. Ngayon ay tapos na ang operasyon namin kaya hindi mo na ako mami-miss.” Napatingin ako sa kanya at tila sumigla pa lalo ang pakiramdam ko dahil sa sinabi niya. “Talaga? Tapos na ang operasyon n’yo?” tumango siya at inipit ang tumikas kong buhok sa tainga ko. “Oo. Kaya ngayon ay solong-solo mo ako.” Nakangisi siya at alam ko ang ibig niyang sabihin. “Oo nga pala, alam na ni Aling Consuelo ang relasyon natin.” Ngumiti siya at tinalikod niya ako sa kanya bago niyakap. Pinatong niya ang baba niya sa balikat ko at binigyan iyon ng dampi-damping halik. “Alam na rin ng Vipers ang relasyon natin,” aniya na kinalaki ng mata ko at haharap sana ako sa kanya nang pigilan niya ako. At mas humigpit ang yakap niya sa akin. “Talaga? Alam na nila?” “Yes,” bulong niya at inamoy niya ang leeg ko na kinakiliti ko. “Paano nila nalaman?” “Sinabi ko nang hindi ko sinasadya. Masyado ka kasing maganda kaya hindi mapigilan ni Regie na magka-crush sa ’yo. Ayoko nang may umaagaw sa ’yo, kaya wala akong choice kundi sabihin sa kanila, para alam na nila na akin ka lang,” bulong niya na kinakilig ko. “General.” Agad kaming napalingon sa nagsalita. Si Sebastian. Kaya aalisin ko sana ang pagkakayakap ni Atreo dahil nakakailang na nakatingin sa amin si Seb, pero ayaw niyang alisin ang pagkakayakap sa akin at talagang humarap kami kay Seb habang yakap-yakap niya ako sa likod. “Ano ’yon, Seb?” “Merong naghahanap kay Grace.” Walang pakialam si Seb kahit magkayakap kami. Pormal pa rin sIyang nakipag-usap kay Atreo. Nagkatinginan kami ni Atreo sa sinabi ni Seb. Sa akin? May naghahanap? Sino? Umalis kami sa light house at tinungo ang rest house ni Atreo dahil nandoon daw ang naghahanap sa akin. Magkahawak-kamay kami na pumasok sa loob at tumingin sa mga taong nasa sala. Napahinto ako nang makilala at maalala ko ang dalawang lalake. Si Bien at Kier. Ang dalawang tauhan ni Kuya Gab! Kinabahan ako dahil iuuwi na ba nila ako? Ayoko pa. Napatingin ako sa lalakeng nakatalikod habang nakatayo sa harap ng malaking glass wall na kita ang karagatan mula rito. Kilalang-kilala ko kung sino ito. At ngayong bumalik na talaga totally ang memorya ko ay kahit nakatalikod ito ay kilala ko pa rin siya. “K-Kuya Gab!” Natanggal ang tingin nito sa dagat at dahan-dahan itong lumingon sa amin habang seryoso ang mukha. Napatingin ako kay Atreo na napahigpit ang hawak sa kamay ko. “Nice place,” komento ni Kuya kaya napatingin ako muli rito na lumakad palapit sa amin. Pumantay siya kay Atreo kaya kinabahan ako dahil alam kong uusisain ni Kuya si Atreo. Napatingin si Kuya sa kamay namin kaya ngumisi siya. Agad akong humarang sa pagitan nila dahil baka anong gawin niya kay Atreo. “Kuya, anong ginagawa mo rito?” Natawa siya sa tanong ko at ginulo ang buhok kaya napasimangot ako at hinawi ang kamay niya. “Anong klaseng tanong ’yan, bunso? Syempre narito ako dahil pinapasundo ka na ni Dad. Almost seven years ka nang nawala, tapos iyan lang ang sasabihin mo? Na-miss ka na ni Mommy at kaya naman pala hindi ka namin makita agad ay dahil itinago ka—este dahil masyadong tago ang lugar na ito,” aniya at tumingin kay Atreo na tila ba dito nito sinasabi ang sinasabi sa akin. “Pero, Kuya—” “Alvarez, right?” tumingin siya kay Atreo kaya lumingon ako kay Atreo na seryoso ang mukha at tumango kay Kuya. “I heard about you. And I don’t like you. Almost seven years nawala si Grace, bakit hindi mo man lang naisip na ibalik siya? Kilala kita at sa estado mo ay madali naman siguro sa ’yo na ipahanap kami para maibalik si Grace,” dagdag pa ni Kuya. Naguguluhan ako dahil parang pinararating ni Kuya na itinago ako ni Atreo. Hindi nakasagot si Atreo at humigpit ang hawak niya. “Grace, let’s go.” Agad na kinuha ni Kuya ang braso ko para hatakin pero ayokong sumama. “Kuya, dito muna ako.” “Sumama ka na, Grace.” Napatingin ako kay Atreo dahil sa sinabi niya. Nangilid ang luha ko at umiling sa kanya. Ngumiti siya at tumango sa akin para sabihin na sumama ako. Inalis ko ang kamay ni Kuya at yumakap ako kay Atreo. Hindi ko pa nga siya nakakasama nang matagal, tapos malalayo na naman kami sa isa’t isa. Kung ako lang ang masusunod ay ayoko nang umalis dito. Gusto ko na lang makasama si Atreo habambuhay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD