KABANATA 10

3367 Words
PINAPAKIRAMDAMAN KO SILA Dad and Mom. Tahimik kaming kumakain habang humahanap ako ng tiyempo. “What it is, Grace?” Napalunok ako nang mapansin ni Dad ang pagsulyap ko sa kanila. Binaba ko ang spoon and fork ko bago nagpunas ng bibig gamit ang table napkin. “Dad, I think I need a new phone. Nawala ang bag ko sa nangyaring pagsabog, nandoon ang cellphone ko at nandoon pa naman ang contact ko sa friends and workmates ko.” “Okay, later.” Napangiti ako dahil agad siyang pumayag. “Pero sasabihin mo sa akin ang lahat ng ilalagay mo sa contact list mo,” dagdag pa niya na kinahinto ko sa pagkuha muli sa spoon and fork ko. Wala talagang lusot kapag pinairal ni Dad ang pagiging over protective niya. Pero bahala na. Gagawan ko na lang ng paraan para hindi siya manghinala. “Okay, Dad, noted.” Tumikhim lang siya kaya napangiti ako at maganang kumain. “How much is this?” tanong ni Dad sa babaeng nag-guide sa amin sa magagandang uri ng cellphone. Naibigan ko ang cellphone na kagaya ng cellphone ni Atreo. Gold and white nga lang iyon. Black kasi ang kay Atreo. “Thirty five thousand for that, Sir.” “Okay, here’s my card.” Kinuha ni Dad sa wallet niya ang black card, pero pinigil ko. “Dad, ako na. Meron naman akong pera.” “It’s okay, baby. This is not a big deal.” Napakagat ako ng labi sa tawag niya sa akin. “Ah, Dad, pwede po bang tawagin n’yo na lang akong anak o ’di po kaya ay sa pangalan ko na lang. Nakakailang po kasi ang baby.” Napakunot-noo siya sa sinabi ko. “At bakit naman? Simula nang nasa sinapupunan ka pa lang ng mommy mo ay baby na ang tawag ko sa ’yo.” Humawak ako sa braso niya at sinandal ko ang pisngi ko roon. “Dad, dalaga na ako, kaya nakakahiya naman po kung baby pa rin ang tawag n’yo. Sige na po, Grace na lang po.” Napahinga siya nang malalim kaya napangiti ako dahil tiyak na papayag na siya. “Okay. Tsss.” Napangiti ako lalo at tumingin sa kanya. “Thank you, Dad. The best ka talaga!” Hinalikan ko siya sa pisngi at niyakap. Tinapik niya naman ang balikat ko. “Sir, heto na po. Thank you and come again!” Ngumiti ako sa babae at kinuha ang paper bag ng phone na binili namin. Kinuha ko ang phone sa loob at ang bagong sim card na binigay ni Dad. “Save my number. Pati ang sa Mom mo at sa kambal.” Tumango ako at napangiti, dahil sa wakas ay meron na akong phone. Matatawagan at mate-text ko na si Atreo. Pagdating sa bahay ay agad akong pumanhik sa taas. Siniguro kong sarado ang pinto para hindi makapasok agad ang nais na pumasok sa room ko. Naupo ako sa kama ko at kinuha sa card holder ko ang calling card ni Atreo. Sinave ko muna ang number niya at tsaka ko dinial. Napakagat ako ng labi habang hinihintay kong sagutin niya ang tawag ko. Nang sinagot na niya ay napangiti ako. “Yes?” “Atreo . . .” Nakarinig ako ng kalabog mula sa kabilang linya at narinig ko ang daing ni Atreo na ikinangiti ko. Tila nahulog pa siya sa kinauupuan niya. “Baby?” “Oo, ako nga ito.” Napangiti ako at napakagat ng labi. “Damn, finally . . . Can we meet?” “Hmmm. Saan naman?” “You are working at Lux Calisse, right?” “Paano mo naman nalaman? Tsaka hindi ko pa alam kung makakabalik pa ba ako. Tagal ko ring nawala sa work.” “Basta, alam ko. At gumawa ka ng paraan para makapasok muli roon.” “So, stalker ka na ngayon? Ganoon ba?” Tumayo ako at lumakad patungo sa veranda ng room ko. Sumandal ako sa hamba ng sliding door. “I’m not a stalker, baby, I’m your boyfriend. Natural lang na alam ko ang lahat sa ’yo.” Napangiti naman ako at kinilig sa sinabi niya. Napatayo ako nang tuwid nang matanaw ko si Dad na kasama ang mga dati niyang tauhan. Nakita ko na humalik si Dad kay Mom bago siya sumakay ng kotse. Nanlaki ang mga mata ko nang may dala siyang maleta. “Atreo, tingin ko ay magkikita tayo ngayon.” “Why?” “Sige, tatawagan na lang ulit kita, kakausapin ko lang si Mom.” “Okay, I’ll wait for your call.” Tumango ako kahit hindi niya nakikita. Binaba ko na ang tawag at agad akong umalis sa veranda at lumabas ng room ko. Bumaba ako at saktong pagbaba ko ay kapapasok lang ni Mom. “Mommy, saan po pupunta si Dad?” Napatingin siya sa akin at napahinga nang malalim. “May business trip ang Dad mo sa Europe, kaya baka matagalan iyon,” aniya at naupo sa sofa. Lihim na napangiti ako at tila nagdiwang ang buo kong pagkatao. Dahil ibig sabihin lang no’n ay madali ko na lang matakasan ang naiwang mga tauhan ni Dad. “Kasama rin po ba ’yong mga tauhan niya?” Lumapit ako sa kanya at naupo sa kabilang sofa. “Oo nga pala. Bilin ng Dad mo, e, kailangan mong mabantayan ng mga naiwang bodyguard. Hindi ka raw maaaring umalis nang walang kasama.” “Okay, Mom.” Napakunot-noo siya at alam ko na nagtataka siya kung bakit agad akong sumang-ayon na hindi ko naman ginagawa noon. “May lakad ka ba ngayon, anak? Pwede mo bang samahan si Mommy sa bahay ng Kuya Gab mo. Gusto kong makita si GM. At kamustahin na rin natin ang pagbubuntis ni Maqi.” Yeah. Malapit na ang kabuwanan ni Ate Maqi. Kaya nga nagtataka ako na sumama iyon noon sa hospital, buntis pa naman siya. Pero siguro, gusto lang no’n na ipakita ang pagmamalasakit niya kay Ate Hera. I heard mag-best friend na sila. “E, Mom, nais ko po sanang bumisita sa Lux Calisse para malaman nila na narito na ako at buhay.” “Gano’n ba . . . Edi samahan na lang kita at tsaka tayo magpunta sa mga kuya mo.” Agad kong inilingan si Mom. Hindi siya pwedeng sumama. Hindi ako makakatakas kapag kasama siya. “’Wag na, Mom. Baka matagalan ako roon at mainip lang po kayo. Alam n’yo naman po na baka mag-aya pa ang mga ka workmates ko dahil ngayon lang ako magpapakita sa kanila.” Napahinga siya nang malalim at tumango. Sorry, Mom, ayoko pong pagsinungalingan kayo, pero kasi, gusto ko lang makasama si Atreo. I WORE MY black camisole, printed pencil skirt, and black pumps. I looked at the mirror while smiling. Kinuha ko ang black shoulder bag ko at umalis na ako sa room ko. Naabutan ko si Mommy na nagmemeryenda kaya lumapit ako sa kanya at bumeso. “Mom, I have to go,” paalam ko kaya tumango siya. Ngumiti ako at naglakad na palabas ng bahay. Napahinto ako nang makita na nakaabang na ang limang baguhang tauhan ni Dad. Napahinga ako nang malalim at lumakad palapit sa kotse. “Saan po tayo, Señorita?” “Sa Lux Calisse Agency.” Tumango ang nasa driver seat habang ang isa ay nasa front seat. May kasunod kaming kotse at doon nakasakay ang tatlo. Kinuha ko ang phone ko at nakita ko na nag-text na si Atreo at tinatanong niya kung nakaalis na ako ng bahay. Tinext ko siya na papunta na ako sa Lux Calisse. At wala pang ilang segundo ay nag-reply na siya na pupunta na siya. Napangiti ako at tumingin sa bintana. Napahawak ako sa leeg ko at kinabahan ako nang makalimutan kong isuot ang necklace na bigay ni Atreo. Pero nang maalala ko na nailagay ko nga pala sa pouch ko iyon ay agad kong kinuha sa bag ko ang pouch at hinanap ang necklace. Nang makita kong dala ko ay nakahinga ako nang maluwag at sinuot ito. Tiningnan ko pa at bumagay naman. “Señorita, narito na po tayo.” Hindi ko namalayan na narito na pala agad kami. Tumango ako at inayos ko ang bag ko. “Sige, dito muna kayo o ’di kaya ay mag meryenda muna kayo. Baka kasi matagalan ako sa loob dahil baka meron akong kakausapin.” “Hindi po, dito lang po kami. Baka magalit sa amin si Lord.” Napahinga ako nang malalim at hindi ko na ito pinilit pa. Bumaba na ako ng kotse at inayos ko muna ang skirt ko bago ako naglakad, pero napahinto ako sa paglalakad nang umalingawngaw ang tunog ng cellphone ko na nasa bag ko. Agad kong kinuha at nakita ko na si Atreo ang tumatawag. “Atreo?” “Baby, change place tayo.” “Huh?” “Magpahatid ka sa mall. Sa mall n’yo.” “Sige, sige.” Agad akong bumalik kung saan nakaparada at naghihintay ang mga tauhan ni Dad. “Bakit kayo bumalik, Señorita?” “Sa mall na lang pala. Wala pala rito ngayon ang kakausapin ko. Gusto ko na lang na mamasyal sa mall.” Nagtataka sila pero pinagbuksan na ako ng pinto kaya sumakay na ako. Medyo natagalan bago kami nakarating sa mall dahil nagkaroon pa ng traffic. Bumaba ako at napatingin sa mga bodyguard ko nang sumunod sila. “Bakit kayo sumusunod?” “Señorita, malaki itong mall, baka hindi namin kayo makita kaya susunod na lang kami sa inyo.” “Paano ang kotse?” “Maiiwan ako rito, Señorita, silang apat ang sasama sa inyo.” Napahinga ako nang malalim dahil tila mahihirapan akong sabihan na huwag silang sumunod. “Sige, pero dapat kayong dumistansya sa akin ng ilang metro. Ayokong pagtinginan ng mga tao.” Nagkatinginan sila at tumango kaya tinalikuran ko na sila at naunang maglakad. Kinuha ko ang phone ko at tinext si Atreo na narito na ako sa mall. Nag-text siya na magpunta ako sa isang botique. Binigay niya ang name ng botique kaya hinanap ko kung saan iyon. Nang makita ko ay pumasok ako. “Welcome to Sunshine Elle boutique!” Ngumiti lamang ako sa sales lady at naglakad patungo sa mga dress na naka-display. Tiningnan ko ang mga bodyguard at nakita ko na nasa bungad sila ng botique kaya napahinga ako nang malalim at tiningnan ang paligid para hanapin si Atreo. May nagsuot sa akin ng sumbrero at hinatak ako patungo sa fitting room. Pagkasara ng pinto ay tumingin ako kay Atreo. Napangiti ako at yumakap sa kanya. “I miss you, baby,” aniya kaya napangiti ako. “Kakakita pa lang natin kagabi, miss mo na agad ako?” “Of course. Bawat oras ay name-miss kita kaya hindi mo ako masisisi,” aniya habang nakasandal ang mga kamay niya sa magkabilang gilid ng ulo ko at ako naman ay nakasandal sa pader ng fitting room. “Paano tayo makaalis dito? Nasa labas ang bodyguard ko.” Ngumiti siya at pinisil ang baba ko. “’Wag kang mag-alala. May naisip na akong paraan para makaalis nang hindi nila nalalaman.” “Paano?” “You need to change your outfit.” Nanlaki ang mga mata ko pero napangiti ako sa suggestion niya. Tumango ako kaya napangiti siya. “Good. Tara, pumili na tayo ng isusuot mo.” Tumango ako sa pag-aya niya at hawak niya ako sa kamay na lumabas kami ng fitting room. Nahiya naman ako nang mabugaran namin ang naghihintay na magsusukat ng damit. Binigyan niya kami ng tingin na mapanghinala. Natawa lang kami ni Atreo at hindi na pinansin ito. Naghanap kami ng damit na isusuot ko. May pinasukat sa aking summer hat si Atreo at sinuotan niya rin ako ng malaking shades. Nagpigil siya ng ngiti at napailing na kinasimangot ko. Nagpalit ako ng damit na cream shirt, maong skirt, and ankle boots habang si Atreo naman ay nagsuot lamang ng shades at sumbrero para wala raw makakilala sa kanya. Sinuotan din niya ako ng sumbrero at shades bago siya napangiti. Tumingin ako sa labas at nakita ko na nandoon pa rin ang mga body guard ko. Nang mabayaran ni Atreo ang suot ko ay kinuha niya ang paper bag na laman ang suot ko kanina. Hawak-kamay kaming lumakad para lumabas. Nang nasa bungad na kami ng pinto ay hinawakan niya ako sa ulo at sinubsob ako sa dibdib niya. Nakayuko ako habang nasa ganoon kaming posisyon at habang naglalakad. Napatingin ako sa body guard at napatingin sila sa amin kaya mas niyuko ko ang ulo ko at yumakap sa baywang ni Atreo. Nang makalayo kami ay inalis ko na ang ulo ko sa dibdib niya at natawa kami nang magkatinginan kami. “So, saan naman tayo?” tanong ko. Ngumiti siya at hinapit ako sa baywang palapit sa kanya. “May alam akong restaurant na walang makakakilala sa atin,” aniya kaya tumango ako at ngumiti. Naglakad na kami habang nakahawak siya sa baywang ko. Inakay niya ako sa parking lot ng mall dahil nandoon daw ang kotse niya. Huminto kami sa isang Bugatti Chiron car na mix color ng black and white. “It’s that your car?” turo ko sa kotse na ikinangiti niya. “Yes. Alangan namang isakay kita sa jeep ko. Gusto kong isakay kita sa kotse ko na unang beses ko pa lang nilabas.” Kinikilig naman ako kaya natawa siya sa reaksyon ko. Pinagbuksan niya ako ng pinto kaya sumakay na ako. Inayos ko ang upo ko at tiningnan ang loob ng kotse niya. Napangiti ako dahil mukhang bago nga at hindi pa nagagamit. Tumingin ako sa kanya na mabilis na umikot sa driver seat at sumakay. Pagkasakay ay bumaling siya sa akin at nilapit ang katawan niya kaya napasandal ako sa upuan. “Safety first,” aniya at kinabit ang seatbelt ko. Nagnakaw pa siya ng halik sa labi ko kaya mahinang tinulak ko siya sa dibdib na kinahalakhak naman niya. Umirap ako pero napangiti rin. Binuhay na niya ang sasakyan at umalis na kami sa parking lot ng mall. Inalis ko ang sumbrero ko at shades. Sinuklay ko rin ang buhok ko habang sinilid ko naman sa bag ko ang shades at ang sumbrero ay sinabit ko sa bag. Sa buong byahe ay nakangiti lang kami at nakikinig ng song sa music player niya. Hininto niya ang sasakyan sa isang expensive restaurant at halatang private. Hawak-kamay kaming pumasok sa restaurant habang gina-guide kami ng waiter patungo sa pina-reserve na table ni Atreo. Walang ibang costumer sa nadatnan naming. “Talagang nagpa-reserve ka kaagad, ha?” Naupo kami sa pang-dalawahang couch. Inakbayan niya ako kaya umusog ako palapit sa kanya at humawak sa hita niya. “Pinaghandaan ko na lahat. Mabuti na lang at umaayon ang lahat sa atin,” bulong niya sa tainga ko at kinagat kaya napaiwas ako na kinahalakhak naman niya. “Mabuti na lang at may business trip si Dad ngayon, kaya nakaalis ako.” “Sir, Ma’am, here’s the menu.” Napatingin kami sa babaeng waitress. Umayos ako ng upo at kinuha ni Atreo ang menu. Binuklat niya iyon kaya tumingin din ako. “What do you want, baby?” tanong niya kaya tinuro ko ang pasta. “Ito lang?” tumango ako sa kanya. “Baka kasi tawagan ako ni Direk para sa photo shoot, tiyak na alam na niya na nakauwi na ako. Ayokong tumaba.” “Tsss,” inis niyang asik at may tinuro siya sa waitress na puro meat and crabs. “Bakit marami kang in-order? Kaya mo bang kainin lahat iyon?” tanong ko. Gumapang ang kamay niya sa baywang ko habang nakapatong ang isang kamay niya sa table. “Kakainin natin lahat iyon.” “Pero pasta lang ang akin.” Napahinto siya sa pagtapik ng daliri niya sa table at tumingin sa akin. Pinisil niya ang baba ko kaya napanguso ako. “Kapag ako ang kasama mo, kakain ka ng gusto kong kainin mo. Para may mapisil naman ako sa ’yong taba.” Kinurot ko ang tiyan niya na kinadaing niya. Umirap ako at napahalukipkip dahil napaka-bossy niya talaga. “Baka ’pag tumaba ako ay pumangit ako. Baka ipagpalit mo naman ako.” Inamoy niya ang leeg ko at hinalikan ang pisngi ko. “Tataba ka lang kapag dala-dala mo na ang anak ko,” bulong niya kaya nag-init ang pisngi ko sa sinabi niya. “Heh! Nakakainis ka.” Tinulak ko ang mukha niya kaya napahalakhak siya. Umirap ako pero ramdam ko pa rin ang pag-init ng pisngi ko dahil sa sinabi niya. “Here’s your order, Sir, Ma’am.” Napatingin ako sa babaeng waitress na umirap sa akin kaya umayos ako ng upo. Nang ilapag niya ang pasta ko ay parang nagdadabog pa siya. Yumuko siya at tiningnan ako bago irapan na kinataka ko. Sinundan ko siya ng tingin at nakita ko na may kinuha siyang cellphone sa bulsa ng slocks niya at tila may tinawagan. “Are you okay, baby?” Tumingin ako kay Atreo at umiling bago ngumiti. Ano kaya ang problema no’n? Bakit parang inis siya sa akin? Nagkibit-balikat na lang ako at kinain ang pastang in-order ko. Kahit ayokong kainin ang mga nakakatabang food ay wala akong choice dahil sinubuan ako ni Atreo. Pagkatapos naming kumain ay umalis na kami sa restaurant. “Saan tayo pupunta?” Lumingon siya sa akin at hinalikan ang kamay ko na hawak-hawak niya habang nagmamaneho siya. “Sa bahay ko.” “Talaga?” Tumango siya kaya napangiti ako. Hindi ko akalain na dadalhin niya ako sa bahay niya rito. Sa isang exclusive village kami pumasok. Nakita ko ang isang two storey white house na may touch of black. Bumusina si Atreo kaya may katulong na lumabas at agad na binuksan ang gate. Pinasok naman agad ni Atreo ang kotse nang mabuksan ang gate. Pinarada niya sa harap ng main door ang kotse habang ako ay nakatingin sa buong paligid ng bahay niya. Tumingin ako kay Atreo na agad na bumaba. Inalis ko ang seatbelt ko at kinuha ko ang bag ko bago ito binitbit nang pagbuksan ako ni Atreo. “Bahay mo ’to?” Tumango siya at hinawakan ako sa baywang. “Yeah. Tara sa loob.” Sumabay ako sa kanya nang akayin niya ako. Pagpasok namin ay napakalinis at ang marble tiles niya ay napakakintab. Nakita ko na may estatwa pa ng mga sundalo na nakadisplay sa bahay niya. Pabagsak na naupo siya sa sofa at inalalayan akong maupo sa hita niya. “Ang ganda ng bahay mo.” Kinuha niya ang bag ko at inilapag sa gilid niya. “Kakalipat ko lang ditto,” aniya habang pinipisil-pisil ang gilid ng baywang ko. Tumingin ako sa kanya dahil sa sinabi niya. “Huh? Kakalipat mo lang? Edi, hindi ka dito nakatira noon?” Mabagal siyang tumango at sinandal ang likod sa sandalan ng upuan. “Palipat-lipat ako ng bansa kaya ang lagi kong inuuwian noon ay ang isla. Pero dahil narito ka ay kumuha ako ng bahay rito.” Napangiti naman ako dahil talagang ginagawa niya lahat para makasama lang ako. “Ah, Sir, aalis na po ako.” Napatingin kami kay Manang na tila bumabantay sa bahay niya. “Salamat, Manang.” Kinuha ni Atreo ang wallet niya sa bulsa at kumuha ng maraming isang libo. “Heto ang sahod n’yo. Sa susunod ho ulit.” “Naku, salamat po rito. Sobra-sobra ho ito. Makakaasa po kayo na palagi kong lilinisin ang bahay n’yo.” Ngumiti sa akin si Manang kaya ginantihan ko rin ito ng isang matamis na ngiti. Nagpaalam na ito kaya kami na lang ni Atreo ang naiwan. Napatili ako nang hawakan ni Atreo ang mga hita ko at tumayo siya mula sa pagkakaupo sa sofa habang buhat-buhat ako. “Tayo na lang ang narito, kaya wala nang istorbo,” aniya kaya hinampas ko ang dibdib niya pero kinintalan niya lang ako ng halik sa labi. “Siguraduhin mong makakahampas ka pa kapag hindi kita tinigilan,” pilyong bulong niya habang lumalakad siya paakyat sa paikot na hagdan. Kinagat ko ang dibdib niya kaya napadaing siya. Bumilis ang pag-akyat niya sa hagdan at pag-akyat namin ay nakita ko na agad ang kama at kwarto niya. Akala ko maraming room, pero kwarto na pala agad ito. Binaba niya ako kaya inilibot ko muna ang tingin ko rito. Niyakap niya ako mula sa likod habang lumalakad kami patungo sa kama. “Room na pala ito. Akala ko meron pang mga kwarto.” Gumapang ang labi niya sa leeg ko patungo sa likod ng tainga ko kaya nakiliti ako. “Isang room lang ang kailangan ko para sa atin. At ako lang naman ang tao rito kaya hindi na kailangan ng ibang kwarto,” bulong niya at humigpit ang yakap sa akin. Gumapang ang kamay niya paakyat sa dibdib ko kaya napakagat ako ng labi. Gigil na gigil siya sa pagpisil habang patuloy sa paghalik sa leeg ko. “Atreo . . .” bulong ko at napahawak sa kamay niya na pumipisil-pisil sa dibdib ko. “Yes, baby?” bulong niya at bumaba ang kamay niya sa hita ko. Tinaas niya ang maong na palda na suot ko at napahalinghing ako nang idiin niya ang katawan sa akin kaya ramdam ko ang katigasan niya sa pang-upo ko. Pinigil ko ang kamay niya nang ambang ipapasok niya sa loob ng panty ko. “May menstration ako ngayon.” Napatigil siya sa sinabi ko at pinirmi ang kamay niya sa tiyan ko. “Damn . . .” asik niya at kinagat ang tainga ko na tila nainis siya at nabitin. “Pero pwede ako sa dinuguan,” dagdag pa niya kaya inalis ko ang kamay niya sa baywang ko at tinulak ko siya palayo sa akin. “Kadiri ka!” Inayos ko ang palda ko at umirap sa kanya nang humalakhak siya. “Anong nakakadiri doon? Masarap naman talaga ang dinuguan?” “Heh! Tumigil ka na nga!” Aalis na sana ako sa kwarto niya ngunit agad siyang humarang sa harap ko at humawak sa baywang ko. “Okay, hindi na. Binibiro ka lang,” aniya at niyakap ako. Napangiti naman ako at yumakap rin sa kanya pabalik. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD