KABANATA 7

3958 Words
KANINA PA SALITA nang salita at sermon nang sermon sa akin si Aling Consuelo dahil bakit nakigamit pa raw ako ng banyo sa bahay nina Atreo, at kung bakit daw tadtad ako ng mapulang tila kagat daw sa leeg ko. Alangan namang aminin ko na si Atreo ang may gawa no’n at nakipagtalik na ako rito. Naku, tiyak na lalong maghuhurumentado si Aling Consuelo kapag nalaman niya iyon. “Aling Consuelo, marami po yatang insect sa bahay n’yo. Siguro, kailangan po nating mag-general cleaning.” “Insekto? Kagat ba ng insekto ’yan?” turo niya sa leeg ko. “Yes. A big insect.” Napatingin naman siya sa bahay niya at tiningnan talaga kung may insekto ba. Napakagat ako ng labi at kinuha ang panty ko sa bulsa. Sinuot ko ito pero napahinto ako nang makita ko na may sulat na nakadikit doon. Tumingin ako kay Aling Consuelo na nakatalikod pa rin. Agad kong kinuha ang papel at agad na sinuot ang panty ko. “Ah, Aling Consuelo, pasok po muna ako sa kwarto.” Lumingon siya at napatango. Ngumiti ako rito bago patalikod na naglakad habang nakaharap pa rin sa kanya at nakangiti pa rin ako. Nasa likod ko kasi ang kamay ko at nandoon ang papel. Agad akong humarap sa kahoy na hagdan at mabilis na umakyat. Pagdating sa kwarto ay agad kong binuklat ang sulat ni Atreo. Napakagat ako ng labi nang mabasa ko ang sulat niya. Baby, light tower. 10 pm. Omg! It’s a date! God. Agad akong lumabas ng kwarto at bumaba ng hagdan. Hinanap ko si Aling Consuelo. Nasa kusina siya at may hinahanap sa cabinet. “Aling Consuelo.” Lumingon siya at nakita ko na may nakuha siyang isang insect spray sa cabinet. “Bakit, hija?” Ngumiti ako at lumapit sa kanya. Inipit ko ang buhok ko sa tainga ko habang hindi ko mapigilan na mapangiti. “Saan po ba ang light house dito?” “Oh, ’yon ba. lakarin mo ang mahabang dalampasigan. Tapos sa dulo ay may harang na dalawang puno ng buko. Tapos makikita mo na ang light house doon.” Napatango naman ako at tinandaan ang sinabi niya. “Bakit mo nga pala natanong?” “Wala po . . . . Oo nga po pala, may magandang dress or bestida po ba kayo na hindi n’yo na nagagamit?” Napaisip siya saglit. “Meron pa yata . . . Bakit, wala ka na bang isusuot?” “Opo, e. Hindi po kasi ako marunong maglaba. Kaya po tambak ang maruming damit na isinuot ko na pinahiram n’yo.” “Hala! Oo nga pala. Inaalala ko nga iyan nang umalis kami. Tatlong bestida at panloob lang ang napahiram ko sa ’yo,” aniya at nilapag ang hawak na insect spray sa lamesa. “Halika. May binili kaming bagong panloob mo at bestida. Baka magustuhan mo,” dagdag pa niya at lumakad palapit sa akin. “Talaga po?” Tuwang-tuwa ako dahil hindi ko akalain na aalalahanin pa nila akong ibili ng damit. Nakakatuwa naman at parang anak talaga ang turing nila sa akin. “Oo, at tiyak akong bagay na bagay iyon sa ’yo.” Excited din si Aling Consuelo na ipakita sa akin dahil hinawakan niya ako sa braso para akayin sa kwarto nila. Pumasok kami at agad siyang lumapit sa bag na dala nila noong umalis. May plastick siyang kinuha roon na may laman. Lumapit siya sa akin habang kinukuha sa plastick ang laman no’n. “Heto, hija. Uso raw ito sa millennial. Hindi ko alam kung anong klaseng damit ang millenial pero binili ko na dahil maganda nga,” aniya kaya napahagikgik ako. Naguguluhan kasi ang reaksyon niya sa sinabing millennial. “Bakit humagikgik ka, hija?” Umiling ako at napanguso para pigilin ang tawa. “Wala po. Nakakatuwa lang po at binili n’yo ako ng damit. Salamat po.” Ngumiti naman siya at hinawakan ang kamay ko. “Walang anuman iyon, hija. Gusto ko lang maranasan ang magkaanak kaya habang narito ka, e, ginagawa ko ang lahat para maranasan.” Ngumiti ako rito at niyakap ko siya. “Salamat po. ’Wag po kayong mag-alala, habambuhay ko po kayong ituturing na second parents ko. At hanggang nandito po ako ay sisikapin ko po na tugunan ang pagiging anak n’yo.” “Salamat, hija.” Bumitiw ako at ngumiti muli rito bago napatingin sa hawak niyang dress. Hinawakan ko ito at isa siyang yellow print dress na nagustuhan ko. “Ang ganda naman nito. Parang mamahaling dress.” “Two hundred bili ko d’yan. Hindi ko tinigilan ang tindera hanggang sa maka-discount ako.” “Talaga po? Two hundred for this dress?” Tumango siya kaya napamangha ako. “Wow.” “Mabuti at nagustuhan mo. Isukat mo nga at nang makita ko kung sakto lang sa ’yo,” aniya kaya agad kong kinuha iyon. Pareho kaming excited na makitang suot ko ang binili niya. Pero excited talaga ako dahil may isusuot na ako sa date namin ni Atreo mamaya. Agad kong hinubad ang bestidang suot ko at inalis ko ang bra ko. Sinuot ko ang dress at nang masuot ko ay tumingin pa ako sa likod ko at hinimas ang tela dahil fit na fit sa akin. Agad akong lumabas at pinakita kay Aling Consuelo iyon. “Kasyang-kasya sa ’yo, hija. Parang naging mamahaling dress nang isuot mo.” “Tingin n’yo po ay maganda ako rito?” Umikot-ikot pa ako na ikinangiti niya. “Napakaganda mong bata. Kaya hindi ako magtataka kung isa man sa mga lalakeng tauhan ni General ang magkagusto sa ’yo.” Nag-init naman ang pisngi ko at napakagat ako ng labi. Kung alam lang ni Aling Consuelo, wala sa tauhan ni Atreo ang magkakagusto sa akin . . . dahil mismong General ang naakit sa akin. Pinipigilan kong kiligin dahil kapag iniisip ko na boyfriend ko si Atreo ay parang sasabog ang dibdib ko sa tuwa. “Hubarin mo na iyan at tuturuan kitang maglaba. Para kapag nakapag-asawa ka, e, marunong ka na.” “Po? Hindi po ito matutuyo agad, ’di ba po?” “Matutuyo agad ’yan, dahil gagamitin natin ang dryer ni General.” “Sige po.” Agad akong bumalik sa banyo at sinuot ko muli ang suot ko kanina. Bitbit ang dress ay lumabas na ako ng banyo. Wala na si Aling Consuelo sa kwarto kaya agad akong lumabas para hanapin siya. Kailangang malabhan at matuyo agad ito para maisuot ko mamaya. Lumabas ako at nakita ko si Aling Consuelo na may kinuhang batya sa gilid ng bahay nila. Nagtungo siya sa sementadong parte na lupa habang may gripo roon. “Halika na rito, hija, at nang maturuan na kita.” “Sige ho.” Agad akong lumapit sa kanya na naupo sa isang maliit na plastick chair na sakto lang ang sukat sa taas ng batya. May isang wood chair na maliit din kaya doon ako nakaupo habang iniipit ko ang dulo ng palda ko sa hita at binti ko. Tinuruan na niya ako nANg malagyan ng kalahating tubig ang batya at nilagay niya ang mga marurumi kong damit. Tinuruan niya ako gamit ang mga kamay ko. Mahirap dahil masakit sa kamay ang pagkukusot pero sineryoso ko dahil kailangan kong matuto for my future with my Atreo. Puno na ng sabon ang kamay ko, braso at paa ko dahil sa mabulang sabon. Napaangat ako ng tingin nang makarinig ako ng mga sumisigaw at nalaman ko ang Vipers iyon na nag-jo-jogging. Nahati sa dalawang group ang Vipers habang nakahilera na nag-jo-jogging. Nahuli si Atreo na napatingin sa bahay ni Aling Consuelo hanggang sa makita niya kami na kinahinto niya. Ngumiti ako at agad na napatingin kay Aling Consuelo nang mahina niyang pinalo ang kamay ko. “Ayusin mo, hija. Jusko, masisira yata ang panty mo sa sobrang gigil mo.” Napakagat ako ng labi at tumingin kay Atreo na napapangiti at nag-unat-unat ng braso habang sinusundan ng tingin ang Vipers. “Ang gwapo niya talaga.” “Sinong gwapo?” tanong ni Aling Consuelo kaya napangiti ako dahil nasabi ko pala ang iniisip ko. “Wala po.” “Ikaw, hija, umamin ka nga sa akin,” seryoso si Aling Consuelo kaya agad akong napalunok habang nakatingin sa kinukusot ko. “Ano po ’yon?” Napakagat ako ng labi at ayokong tumingin sa kanya dahil baka mamaya ay may nakikita na siyang namamagitan sa amin ni Atreo. Okay iyon para sa akin, pero sabi ni Atreo ay ’wag daw naming ipaalam ang namamagitan sa amin. “Mula nang iwanan kita rito ay napapansin ko na nangingiti ka na parang naloloka. Tapos nagsasalita nang wala sa loob. Umamin ka nga, may nangkulam ba sa ’yo?” Napaangat ako ng tingin sa sinabi niya. Nakahinga ako nang maluwag dahil iba pala ang iniisip niya. “Ho? Kulam? Ano naman po iyon?” “Kulam, sa mga probinsya lang uso iyon. Pero ang ibig sabihin no’n ay parang nasaniban o may ginawang orasyon sa ’yo ang isang taong may kakayahan no’n.” “Hmmm. Hindi naman po,” nangingiti kong tugon. Napailing siya at pinagpatuloy ang pagkusot. “Mamaya lang, e, magdasal ka. Baka mamaya, kung ano na nangyayari sa ’yong bata ka.” Napailing na lang ako at hindi na pinansin ang pagka-over react ni Aling Consuelo. Tumingin ako kung saan ko nakita si Atreo pero wala na siya. Nang matapos kami sa pagbabanlaw ay tumayo na kami habang buhat-buhat ni Aling Consuelo ang batya na inalalayan ko. Napahawak ako sa balakang ko dahil masakit na nga ito sa pagtatalik namin ni Atreo, sumakit pa lalo dahil sa pagyuko ko sa paglalaba. Ang hirap palang maglaba. Nadaanan namin ang Vipers na nagpu-push-ups habang si Atreo ay lumalakad-lakad habang inoorasan ang mga ito. Nang mapadaan kami ay napahinto siya sa paglalakad at napatingin sa akin. Kumindat siya at ngumuso tila humihingi ng kiss pero binelatan ko lang siya. Napatingin sa akin ang Viper kaya agad akong sumunod kay Aling Consuelo na tuloy-tuloy sa paglalakad. Pagdating namin sa space area kung saan nakahilera ang washing machine at dryer ni Atreo ay agad na sinalang ni Aling Consuelo sa dryer ang mga damit ko. “Hija, ikaw na ang humango nito at ipagluluto ko lang ng meryenda sina General. Kapag tapos nang umikot ang dryer ay buksan mo at kunin ang damit. Isampay mo na rin d’yan sa sampayan para lalong matuyo,” bilin niya. “Sige ho.” Agad naman na siyang umalis kaya sumandal ako sa washing machine at hinintay na matapos ang dryer sa pag-ikot. Pero napaigtad ako nang may biglang yumakap sa akin kaya napatingin ako sa gilid ko at nakita ko si Atreo. “Anong ginagawa mo rito?” bulong ko na ikinangiti niya. “Gusto ko lang na ipaalala sa ’yo na mamaya ay sumipot ka, kundi yari ka sa akin,” banta niya habang nasa harap ko na siya at ginigitgit ako. “Oo, hindi ko makakalimutan iyon.” Ngumiti ako at pinakita ko ang kamay ko. “Tingnan mo. Nagkasugat-sugat ang kamay ko. Ang hirap palang maglaba.” “Bakit kasi nagkamay pa kayo? Heto na nga ang washing machine,” aniya at kinuha ang kamay ko at hinalikan ang may paltos kong kamay na ikinangiti ko naman. “Sabi kasi ni Aling Consuelo, dapat daw matuto akong maglaba para daw kapag nag-asawa ako ay may alam ako.” Ngumiti siya at nilagay ang mga kamay ko para ipayakap sa leeg niya. Niyakap naman niya ang baywang ko habang nagkakatitigan kami. “Hija!” Bubuka na sana ang bibig ni Atreo nang magulat kami sa narinig na boses ni Aling Consuelo. Agad niya akong hinalikan nang mabilis sa labi bago kami nagbitiw at tumakbo na siya paalis. Napailing ako at napangiti bago tumingin kay Aling Consuelo na lumabas na mula sa pinasukan niyang pinto papasok sa kusina ng bahay ni Atreo. “Hija, heto ang band aid, o. Ilapat mo sa kamay mo pagkatapos mong magsampay. Pasensya na at nasugatan ka,” aniya at inabot ang band aid. “Ayos lang ho, Aling Consuelo, pero salamat po rito.” Tumango siya at bumalik na muli sa loob. Napangiti ako at nilagay ko muna sa bulsa ng bestida ang band aid at tsaka ako tumingin sa dryer na huminto na sa pag-ikot. Sinampay ko na ang mga damit ko maging underwear ang ko. Nanlalata na naupo ako sa higaan ko sa bahay nila Aling Consuelo nang matapos akong magsampay. Nakaramdam ako ng antok kaya parang gusto ko munang matulog bago maligo. Hinubad ko ang tsinelas ko at nahiga sa higaan. Paglapat pa lang ng katawan ko sa higaan ay agad na akong hinila ng antok. “Hija . . .” Naalimpungatan ako at napakusot ng mata bago napatingin kay Aling Consuelo na ginising ako. “Kumain ka muna ng hapunan. Kakain na tayo.” Agad naman akong bumangon at tumango. Sinabihan niya ako na sumunod na lang ako at bumaba agad. Tinali ko ang buhok ko at napatingin sa damit ko na heto pa rin pa nga pala ang suot ko. Dahil sa antok ay hindi ako nakapaligo. Tumingin ako sa bintana at nakita ko na madilim na. Agad akong umalis sa higaan nang maalala na may date kami ni Atreo. Pagbaba ko ay nakita ko na sila Aling Consuelo at Mang Feliciano na nasa hapagkain at hinihintay ako. “Saan ka pupunta, hija?” tanong ni Mang Feliciano. “Kukunin ko lang ho ang nilabhan.” Agad akong pinigilan ni Aling Consuelo at tumayo siya. “Hindi na kailangan, hija. Naisilong ko na. Masama rin kasi na mahamugan ang damit.” Tumango naman ako at lumapit na sa kanila. Nakita ko na isda at gulay ang ulam. Naupo ako sa tabi ni Aling Consuelo na pinaglagay pa talaga ako ng kanin. “Salamat po,” pasalamat ko rito at nilublob ko ang kamay ko sa tabong nasa gilid sa lamesa. Hinugasahan ko ang kamay ko gaya ng nakagawian kong tinuro nila. “Tila pagod na pagod ka, hija. Nasabi sa akin ni Elo na naglaba ka raw?” si Mang Feliciano. “Ah, opo. Yakang-yaka ko naman po.” Napangiti siya at tumango bago sumubo habang nakakamay kami na kumakain. Kaunti lang din ang kinain ko para makaligo na ako. “Tapos ka na, hija? Kakaunti pa lang ang nakakain mo. Hindi mo ba nagustuhan ang niluto ko?” “Busog na po kasi ako. Masarap po ang luto n’yo, pero po kasi busog pa po talaga ako.” “Gano’n ba.” “Opo. Ah, maliligo lang po ako at naglalagkit na po ako.” “O, sige.” Alam kong nagtataka sila sa ikinikilos ko, pero hindi ko lang talaga mapigilan na ma-excite. Ito ang unang beses na makikipag-date ako sa lalakeng gustong-gusto ko. Pagdating sa kwarto ay agad na hinanda ko ang susuotin ko at naligo na pagkatapos. Sinuot ko na ang dress na binili ni Aling Consuelo na kinatuwa ko. Nagpatuyo ako ng buhok at maayos na sinuklay ang buhok ko para maging kaaya-aya naman ako sa harap ni Atreo. Nang makapaghanda na ako ay naupo ako sa higaan para hintayin ang oras ng pagkikita namin ni Atreo. “Hija!” Pumasok na si Aling Consuelo at napatingin siya sa suot ko at napangiti. “Kaya pala agad mong pinalaba para agad mo ring maisuot.” “Ang ganda po kasi kaya sinuot ko na po agad.” Tumango siya at nakita ko na may bitbit siyang gatas. “Inumin mo muna ito bago ka matulog, Hija. Parang lalo ka yatang nangangayayat.” Napanguso naman ako dahil ginagawa niya akong bata. Bakit ba lahat ng tao rito ay bine-baby ako? “Aling Consuelo, dalaga na po ako para sa gatas. Ayoko po n’yan.” Napatingin siya sa akin nang mailapag niya sa isang wood chair ang gatas. “Aba, ireng batang ito. Kailan pa nagkaroon ng age limit ang gatas? Kahit dalaga ka na ay mabuti pa ring umiinom ng gatas. Para tumibay ang buto mo.” “Ganoon po ba iyon?” Tumango siya kaya wala na akong choice, “Sige po.” Agad ko nang ininom ang mainit na gatas na tinimpla niya para makalabas na si Aling Consuelo at makatulog na sila at para makaalis na rin ako. Binilinan niya na matulog na ako bago siya lumabas ng kwarto. Mga alas-otso o alas-nuebe pa lang ay natutulog na sila kaya naghintay ako ng dalawang oras bago ako umalis sa pagkakaupo ko sa higaan. Marahan ang ginawa kong lakad para hindi lumagikgik ang yapak ko at baka marinig pa nila Aling Consuelo. Maingat kong sinara ang pinto ng kwarto. Baka kasi magising sila, maigi na rin na ang iisipin nila ay nasa kwarto ako. Maigi rin ang naniniguro. Nang makababa ako ng hagdan ay maingat kong pinakiramdaman ang kabilang kwarto. Nang sigurado akong tulog na sila ay maingat akong naglakad sa pinaka-main door nila. Binuksan ko nang dahan-dahan ang pinto at lumabas ako. Sinara ko muli ang pinto at nang makalabas na talaga ako ay napangiti ako. Agad akong lumakad palayo sa bahay at napatingin sa bahay ni Atreo na patay na ang ilaw. Nilakad ko na ang mahabang dalampasigan. Suot ko lamang ang tsinelas na pinahiram ni Aling Consuelo. Hindi bagay sa suot kong dress pero wala akong pagpipilian. Tsaka alangan namang mag-heels ako, edi lumubog lang sa buhangin iyon? Malayo-layo pala ang Light House pero ayos lang dahil maaga pa naman sa pinag-usapan at tsaka mahangin kaya masarap maglakad. Nakakita na ako ng dalawang puno ng buko kaya excited ako na nagmadaling maglakad. Paglagpas ko sa dalawang puno ng buko ay napahinto ako at napanganga sa nakita kong light house. May mga blue lights na nakapalibot sa light house at sa pinakatuktok ay may bukas na ila. Pumasok na ako at inakyat ang maraming step ng hagdan na paikot. Pag-akyat ko ay napangiti ako habang tinitingnan ang isang table na naka-setup habang may dalawang upuan. May kandilang may disenyo rin at flower vase sa gitna habang may ilan pang mga romantic candle sa bawat palibot na pader sa kinatatayuan ko. Lumapit ako sa pader at natanaw ko rito ang dagat at ang kabilang isla. Napangiti ako at tumingin sa langit. Napababa ako ng tingin nang may biglang pumulupot na braso sa baywang ko. Lumingon ako sa likod ko at napangiti nang malaman kong si Atreo na iyon. Humarap ako sa kanya habang nakasandal sa pader. Kinorner niya ako habang nakapatong ang mga kamay niya sa magkabilang gilid ko na mismong pader. Sinampay ko ang mga kamay ko sa leeg niya habang magkatitigan kami at nakangiti sa isa’t isa. “You like it?” tanong niya kaya tumango ako. Ngumiti siya at tumayo nang tuwid bago ako akayin sa table. “Seat down, baby,” aniya nang ipaghila niya ako ng upuan. Ngumiti ako at naupo. Tumingin ako sa kanya na naglakad patungo sa isang basket na dala niya. Binuhat niya iyon at naglakad siya palapit sa akin. Nilapag niya muli sa sahig ang basket at naupo siya upang kunin ang laman no’n. Pinatong ko ang siko ko sa lamesa habang nakapangalumbaba ako na pinagmamasdan siya. “Ano ang mga iyan?” nakangiti kong tanong. “This is my specialty. I hope you like it,” aniya at nakita ko ang mga luto niya na nakalagay sa mahabang baunan. Nilapag niya iyon sa lamesa kaya umayos ako ng upo at tiningnan ang mga iyon. Nang mailapag lahat pati ang mga cold fresh fruit juice na nakalagay sa bawat bote ay lalo akong namangha. “You cooked all of this?” Hindi ako makapaniwala na siya lahat ang gumawa nito. “Yes,” buong pagmamalaki na sabi niya. Napangiti ako nang buksan niya ang bawat baunan. May mga fried shrimp, vegetable with barbeque meat, at meron ding chicken fillet with creamy mayonnaise. Meron ding fresh slice mango. Basta ang dami niyang niluto na tila balak niya na ubusin namin iyon. “Ang dami nito. Kaya ba nating ubusin ito?” Tumingin siya sa akin at pinisil ang pisngi ko kaya napasimangot ako. “Uubusin natin ito. Gusto kong tumaba ka,” aniya kaya inalis ko ang kamay niya at kinagat na kinadaing niya. “Ayoko ngang tumaba. Alam mo ba na modelo ako noon? Kaya hindi pwede.” “Tsss. Okay,” aniya at akmang tatakpan na niya ay pinigil ko ang braso niya. “Bakit mo tinatakpan?” “Ayaw mong tumaba, kaya walang saysay itong niluto ko. Ipapakain ko na lang sa Vipers.” Napahinga ako nang malalim dahil talagang nangongonsensya siya. “Sige na nga. Kakainin natin ’to lahat.” Napangisi siya at pinindot ng daliri niya ang pisngi ko kung nasaan ang dimples ko. “Ang cute mo talaga, baby.” Inirapan ko lang siya na kinahalakhak niya, tila tuwang-tuwa talaga siya. Napailing na lang ako at tiningnan siya na pinaglagay na ako ng luto niya sa plato ko. Talagang totoo ang sinabi niya. Naubos namin lahat kaya ngayon ay pakiramdam ko ay sasabog ang tiyan ko sa kabusugan. Wala kasi siyang ginawa kundi subuan ako at para makaganti ay sinubuan ko rin siya. Nakatanaw kami ngayon kung saan ay kitang-kita ang dagat at kabilang isla na may ilang ilaw na tanaw mula rito. Nakayakap siya habang nasa likod ko siya at tahimik lang kami. “Baby . . .” aniya. “Hmmm.” “Eísai tóso ómorfi.” “Ha? Anong ibig sabihin no’n?” Lumingon ako sa kanya at nakita ko na nakangiti siya. “Basta.” Napakunot-noo naman ako dahil hindi ko alam ang sinabi niya. Bumitiw siya ng yakap at tila may kinuha siya sa bulsa niya. Tumanaw na lang muli ako sa paligid at dinama ang sarap ng hangin. Napahawak ako sa leeg ko nang may malamig na bagay akong naramdaman. Napatingin ako sa sinuot ni Atreo at nakita ko na isang silver necklace iyon na may singsing na ang nasa gitna ay isang pearl. Hinawakan ko ito. Very unique at ngayon lamang ako nakakita ng ganitong design. “Bakit mo ’ko sinuotan nito?” Lumingon ako sa kanya nang maayos niya ang buhok ko at matapos niyang masuot sa akin ang kwintas. “Binibigay ko sa ’yo ito dahil ibig sabihin lang niyan ay seryoso ako sa ’yo.” Napangiti ako at muling tumingin sa kwintas habang hindi ko mapigilan na kiligin. “Ang ganda nito. Ngayon lamang ako nakakita ng ganitong ka-unique na kwintas.”. Muli siyang yumakap sa akin kaya napahawak ako sa braso niya na nakapulupot sa baywang ko. “I’m happy you like it,” aniya at sumayad ang ilong niya sa balikat ko upang amuyin na kinakiliti ko. Tiningnan ko siya kaya napahinto siya at tumingin sa akin hanggang sa mapatingin siya sa labi ko. Umayos siya ng tayo at hinarap niya ako sa kanya bago isandal sa pader. Niyakap niya ako at agad na bumaba ang labi niya para sakupin ang labi ko kaya napahawak ako sa baywang niya at tumugon sa halik niya. Palalim nang palalim ang halik namin habang rinig na rinig namin ang bawat tamis ng palitan namin ng halik. Ramdam ko ang kasabikan niya sa bawat pagdiin ng katawan niya sa akin. Pahigpit nang pahigpit ang yakap niya. Halos higupin niya ang buo kong lakas sa kasabikan niya sa paghalik. Pumaling ang ulo ko at tumaas ang kamay ko sa likod niya habang hinahaplos ito. Agad niyang pinagparte ang hita ko at binuhat niya ako kung kaya napayakap ang binti ko sa baywang niya. Napahalinghing ako sa halikan namin nang ipadama niya ang katigasan niya. Napahagilap din agad ako ng hangin nang bitiwan niya ang labi ko at mabilis na bumaba ang labi niya sa leeg ko. Napatingala rin ako habang napapakagat ng labi dahil masyado siyang sabik. May bigla namang tumunog na ringtone mula sa bulsa ng pantalon niya kaya mahinang pinalo ko ang likod niya para patigilin siya sa paghalik sa leeg ko. “Atreo, may tawag ka . . .” Huminto naman siya at napahinga nang malalim, tila nainis siya. Tumingin siya sa akin na inis kaya napangiti ako at napailing. Ngumiti na siya at kinuha niya ang phone niya sa bulsa ng kanyang pantalon habang nasa ganoon pa rin kaming posisyon. Buhat-buhat pa rin niya ako. Tiningnan niya ang tumawag at nakita ko na biglang nag-iba ang reaksyon ng mukha niya. Dahan-dahan niya akong ibinaba kaya nagtaka ako na napatingin sa cellphone niya bago sa mukha niya. “Sino ang tumatawag?” Agad naman siyang nagbago ng reaksyon at pinatay ang tawag. Binulsa niya muli ang cellphone at napahagod siya ng buhok. “Wala. Wrong number lang,” aniya at bumitiw ng yakap sa akin. Tumalikod siya sa akin bago lumapit sa lamesa. “Kailangan na nating umuwi, masyado nang gabi,” dagdag pa niya at niligpit ang lahat ng pinagkainan namin. Tiningnan ko ang likod niya habang napapaisip ako kung bakit tila siya nawalan ng gana matapos makita ang tumawag sa kanya? Alam ko na hindi lang isang wrong number iyon. Dahil hindi ko makikita sa mukha niya ang pangamba kung wala lang iyon. Naglalakad na kami sa dalampasigan habang tahimik lang kami. Buhat niya ang basket habang ako ay napapaisip sa ikinikilos niya. Tiningnan ko siya na seryoso lamang ngunit wala akong mabasa ni isa sa kinikilos niya. Pagdating sa harap ng bahay ni Aling Consuelo ay aalis na sana siya nang pigilan ko siya sa braso. “May problema ba, Atreo?” Lumingon siya sa akin at ngumiti. Huminga siya nang malalim at pinisil ang baba ko. “Wala akong problema. Sige na, pumasok ka na. Masyado nang gabi,” aniya at hinalikan ako sa labi bago siya tumalikod na at naglakad palayo patungo sa kanyang rest house. Napahinga ako nang malalim at hindi ko alam kung bakit ako nakaramdam ng kaba dahil sa tumawag sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD