KABANATA 11

2778 Words
PALAGING GANOON ANG routine namin ni Atreo kapag kailangang magkita. Palagi akong nagpapahatid sa mga bodyguard sa mga matataong lugar para doon tumakas at makipagkita sa kanya. Kapag gabi na ay saka lamang ako babalik para hindi makahalata ang mga body guard na nakaalis na ako sa lugar na pinaghatiran nila. Palagi akong inuulan ng tanong ni Mom tungkol sa palagi kong pag uwi ng gabi. Kaya sinabi ko kay Atreo na dapat magkaroon ng distansya ang pagkikita namin. “b***h, ano ba ang pinagkaka-busy-han mo at hindi ka na sumasama sa amin sa gimik? Nakakatampo ka na. Simula nang mawala ka, parang may iba na sa ’yo.” Umirap si Zylene habang sinusuklay ng daliri niya ang kanyang buhok na kulot. “Okay. Sasabihin ko sa inyo, pero ipangako n’yo na walang ibang makakaalam nito?” Nagkatinginan sila at ngumisi kaya umirap ako dahil ganyan sila kapag makakasagap sila ng chismis. Nakabalik ako sa Lux Calisse at sinabi ko sa lahat na nagka-amnesia ako kaya matagal akong nawala. Hindi ko akalain na marami palang nakaka-miss sa akin sa work na talagang kanya-kanya pa sila ng message na ibinigay sa akin bilang pagbati sa muling pagbabalik ko. Huminga ako nang malalim at binaba ang lipstick ko. Kasama ko rin kasi sila sa modeling. Narito kami ngayon sa Lux Calisse dahil may photoshoot kami para sa mga sexy night dress. “I have a boyfriend now.” Nanlaki ang mata nila at impit na napatili bago nag-apiran. “Talaga? Bakit hindi mo man lang ipakilala sa amin?” “Tsaka na. Medyo mahirap kasi ang sitwasyon namin. Ayaw sa kanya ni Dad.” “Huh? Bakit naman?” si Allison iyon na masyadong mababa ang neckline ng suot na night dress na hugis V. Inayos ko ang neckline niya dahil lumalabas na ang padding. “Ewan ko nga. Basta, ayaw nila na makitang kasama ko siya.” “Baka naman . . . babaero?” “Ano ka ba, Zylene? Hindi gano’n si Atreo. Kapag magkasama nga kami ay hindi man lang iyon tumitingin sa iba.” “Sus! Ganyan ang boys, b***h. Syempre sa una lang loyal, pero pagtagal malalaman mo na may iba na siyang kinakalantari. Lalo pa ’yong mga hindi naman kagwapuhan, kung mambabae, e, wagas.” “Asus, bitter ka lang, Zylene. Hindi ka pa rin nakaka-move on kay Paulo? Akala ko ba gwapo siya? Pinanlalandakan mo sa amin kahit na sukang-suka na kami,” sarkastikong sabi ni Allison kaya binato siya ni Zylene ng T-back. “’Wag mo ngang ipaalala ang panget na ’yon. Gosh. Tuwing maaalala ko na ginayuma ako no’n, god, kinikilabutan ako.” Natawa kami ni Allison sa reaksyon ni Zylene na kilabot na kilabot habang tila malinaw pang na-i-imagine si Paolo. Napailing ako at pinagpatuloy ko ang pagpahid ng lipstick. “Anyway, Grace, may larawan ka ba ng jowa mo? Baka naman.” Ngumisi si Allison at nakipag-apir pa kay Zylene. Nasa gitna ako kaya pinagkakaisahan ako ng dalawa. “Gwapo siya. Baka maglaway pa kayo,” pagyayabang ko. “Sige nga, patingin.” Wala akong choice kundi kunin ang phone ko sa bag at binuksan ang gallery para hanapin ang larawan ni Atreo. May kuha kaming couple picture noong minsang mag-date kami sa isang floating restaurant. “Oh . . .” Nag-agawan ang dalawa pero mabilis si Zylene kaya siya ang nakakuha agad ng phone. Bumaba si Allison sa high chair niya at lumapit kay Zylene para tingnan ang larawan ni Atreo. “Oh my gosh! Ang hot! s**t, ang abs . . . ilan? Walo ba? Tapos . . . god!” Inagaw ko na sa kanila ang phone ko dahil tila nakita nila ang larawan ni Atreo na topless habang naglilinis ng car niya. Kinuhanan ko kasi si Atreo ng litrato habang pinapanood ko siyang maglinis. “God! Grace, saan ka nakahanap ng ganyan? Dalhin mo naman kami.” Natawa ako sa dalawa. Talagang mga hayok sa mga gwapo. Ewan ko kung ano ang trip nila at gusto yata lahat ng lalake sa mundo ay maging nobyo nila. “Hmmm. Meron siyang mga army group. Tawag sa kanila Vipers. Gwapo rin at malalaki ang katawan. Sayang nga at wala kayo no’n. Napapalibutan ako ng gwapo.” Inggit na inggit ang dalawa at natulala habang in-i-imagine ang Vipers. Napailing ako at bumaba na sa high chair ko. “Grace.” Napahinto ako sa paglalakad para lumabas sana ng dressing room nang makasalubong ko si Won sa pinto. “Bakit? May problema ba?” Ngumiti siya at umiling. “Wala naman. Hindi kasi kita matiyempuhan this past few days.” “Ah . . . Kailangan ko rin kasing umuwi nang maaga dahil grounded ako. May problema ba?” Napahawak siya sa batok niya at napangiti. “Wala naman . . . gusto lang sana kitang ayaing lumabas. Free ka ba ngayon?” Tiningnan ko siya at napahinga ako nang malalim. Alam ko at ramdam ko na ang pagkagusto sa akin ni Won, pero ayokong paasahin siya. Lalo pa ngayon na mahal na mahal ko na si Atreo. “Won, hindi kita gusto na paasahin. May nobyo na kasi ako.” “Sino? Bakit hindi naman kita nakikitang may kasamang iba?” Gulat siya at hindi makapaniwala. “Sorry, Won, pero ayoko munang sabihin sa ’yo.” Napahinga siya nang malalim at bumagsak ang balikat niya. Pero ngumiti pa rin siya kahit na kita ko ang pagkabigo sa mga mata niya. “So, friendly date, baka naman pwede? Alam mo na pangarap kong maka-date ka.” Ngumiti ako at napaisip. Tutal ay wala naman ngayon sa Pilipinas si Atreo. May inayos kasi siya sa ibang bansa at hindi ko alam kung ano. Basta saglit lang daw siyang mawawala. Ayoko man na umalis siya pero hinayaan ko na. Ayokong isipin niya na masyado akong clingy. “Friendly date lang, ha? Won, ayokong paasahin ka.” Ngumiti siya at tumango. “Oo, friendly date lang.” “Grace, your turn.” Napatingin ako sa assistant ko na tinatawag na ako hudyat na ako na ang sasalang sa photoshoot. “Sige, Won, maya na lang. What time ba?” Tumingin siya sa wrist watch niya at saka siya tumingin muli sa akin. “Mauuna na akong umalis dahil tapos naman na ang trabaho ko. Mga exactly seven ay susundin kita sa inyo.” “Hindi, ’wag mo na akong sunduin. Pupunta na lang ako . . . Saan ba tayo magkikita?” “Sa Sofitel Plaza. Ayaw mo bang sunduin kita?” Umiling ako rito. “Hindi na. Dadalhin ko na lang ang isang kotse ni Dad, dahil ayoko naman na abalahin ka pa sa pagsundo at hatid sa akin.” “Okay. Sige, kita-kita na lang.” Napatango na lang ako at tiningnan siya na sobrang luwang ng ngiti at napapapito pa na naglakad na palayo sa akin. Napangiti ako at napailing dahil nakakatuwa si Won. Kahit alam niya na wala na siyang pag-asa ay nagagawa pa rin niyang maging masaya. “Grace, galit na si Direk.” Agad akong napatingin kay Clarissa at tumango rito bago sumunod sa kanya. Nag-retouch muna siya sa akin saglit habang nakaupo na ako sa chair na kailangan sa photoshoot. Wearing the violet night dress, white cardigan, and white stelletos with white socks; nag-pose ako sa nais ni Direk na gawin ko. Alam kong daring ito, pero ito ang gusto kong fashion ng trabaho. Hindi naman nagagalit sila Dad, pero ’wag lang daw masyadong revealing dahil tiyak na maghihisterikal iyon. Even my twin brother. “Good job, Grace! Nice shot!” Napangiti ako at tumayo na nang sabihin iyon ni Direk. Inirapan nila Zylene at Allison si Direk dahil halatang inis ang mga lukaret dito. Kanina pa kasi sila pinapagalitan ni Direk dahil puro kalokohan ang pinagpo-pose ng dalawa na kinainit ng nito. “Kayong dalawa, imbes na irapan n’yo ako ay ayusin n’yo ang pose n’yo. Para kayong mga nakawala sa kural kung maka-pose kayo ng nakabukaka. Bakit hindi n’yo gayahin si Grace. Very class, chick, and sopistikada.” “Direk, paano naman, kulang na lang ay maging dancer kami sa bar sa pinasusuot n’yo? Alangan namang nagdadasal pose ang i-pose namin para desente?” sarkastikong sabi ni Zylene. “Kahit kailan pilosopo ka, Zylene. Bukas na nga kayo . . . Okay, team, pack up!” Pumalakpak si Direk at binitbit ang mga gamit niya bago siya kumekembot-kembot na umalis na with matching irap at flip pa ng hair sa dalawa. “Argh! Nakakainis talaga ang baklang iyon. Pasalamat siya at mataas ang posisyon niya sa modeling. Kung hindi, sasabunutan ko talaga siya!” Inis na inis si Zylene nang bumalik kami sa dressing room. Napailing ako at nagpalit ng damit kahit nakaharap sa kanila. Naka-lock ang room at kaming tatlo lang ang tao. Tsaka sanay na kaming magbihis sa harap ng isa’t isa. Noong una ay naiilang ako, pero hindi naman sila tumitingin dahil nagbibihis din sila. “Dapat kasi, hindi mo na pinatulan. Bakit ba kasi gano’n kayo mag-pose? Hindi naman kayo dating gano’n.” “Ewan ko rito kay Allison. Type yata ang new photographer kaya todo pang-aakit.” Napatingin ako kay Allison na nakasandal sa pader habang pinapaikot sa daliri niya ang dulo ng buhok niya. Nangingiti siya at natutulala na tila may iniisip na malalim. “Tingnan mo, parang tanga. Maniwala ka sa akin, Grace, mamaya lang ay nakikipag-one night stand na ’yan sa photographer.” “Shut up, Zylene. Masyado kang mainit.” Umalis si Allison sa pagkakasandal sa pader at lumapit sa amin. “Baka ikaw ang mainit. Alam kong kating-kati ka na na matikman si Aries.” Ngumiti si Allison at sinuot ang skirt niya at pinatungan lang ng jacket ang suot niyang blouse na revealing. “Tama ka, Zylene. Eskapo na ako. Baka maudlot pa ang gabing ito sa akin,” aniya at bumeso sa amin bago nagmamadaling umalis bitbit ang bag niya. “Hoy, Allison! Iiwan mo talaga ako?!” galit na sigaw ni Zylene at binitbit din ang bag niya. “Mauna na kami, Grace, alam kong hindi ka naman makakasama sa amin.” Tumango ako at ngumiti sa kanya. Sinundan ko siya ng tingin hanggang sa makalabas na siya. Napabuntonghininga ako at kinuha na ang bag ko. Tiningnan ko ang phone ko at hindi pa rin nagte-text si Atreo. Hindi ko alam kung ano ang nangyayari sa kanya, pero kahapon at kaninang umaga ay nakatawag pa siya. Naglakad na ako para lumabas ng building. Sinilid ko sa bag ang phone ko ngunit muntik na akong mapaupo sa sahig nang may nakabangga ako. Umayos ako ng tayo at tumingin sa babae na hindi man lang nag-paumanhin. Hindi ko na nakita ang mukha niya dahil tuloy-tuloy siya sa pagpasok sa loob. “Mukha pa naman siyang respetadong babae, hindi man lang nag-sorry.” Umiling ako at naglakad na patungo kung saan nag-park ang mga bodyguard ko. “Ma’am, pauwi na po ba?” “Yeah. May lakad pa ako, kaya pakibilisan na lang ho.” Tumango ang driver ko at pinaandar na ang sasakyan. Napahawak ako sa leeg ko dahil nakakapagod din ang mag-pose nang mag-pose. Umayos ako ng upo at sinandal ko ang ulo ko sa pinagsasandalan ko. Umidlip din muna ako saglit. Ginising lang ako ng mga bodyguard ko no’ng nasa bahay na kami. Inayos ko muna ang sarili ko at bumaba ng kotse bitbit ang bag ko. Pagpasok ko sa bahay ay nakita ko si Mommy na tinatahi ang slocks ni Daddy. Ganyan kasi si Mom. Ayaw niya na ipatahi sa iba ang damit namin. At ayaw na ayaw rin niya na bili nang bili ng damit. Pero si Dad naman ay bili nang bili at kapag alam niyang nasisira na ang damit ay hindi na niya sinusuot pa iyon. “Mom.” Lumingon siya sa akin at tumigil sa ginagawa. Bumeso naman ako sa kanya pagkalapit at naupo sa tabi niya. “Kumusta ang photoshoot, anak?” “Okay lang, Mom. Nakakapagod lang ngayong araw.” “Kumain ka na ba? Meron akong natira pang pagkain doon. Hindi na kita nahintay dahil akala ko ay gagabihin ka.” Umayos ako ng upo at napabuntonghininga. “No need, Mom. Iniimbitahan ako ni Won para sa friendly date. Kaya doon na po ako sa restaurant kakain.” Nagulat ako nang mapatili si Mom. Natawa rin ako at nagtaka sa naging reaksyon niya. “Date ba kamo, anak?” Tumango ako rito nang nagtataka. “Edi kailangan mong ayusan? Meron ka bang dress na isusuot?” Natawa ako at hinawakan ko siya sa kamay. “Mom, friendly date lang po iyon, hindi po tulad ng iniisip n’yo.” “Ganoon din iyon. Inaaya ka niya, Anak . . . Mabait na bata si Won. Nung nakaraan ay nakasalubong ko ang batang iyon. At talagang napaka-gentleman dahil tinulungan pa akong mamili ng magandang lulutuin ko at tinulungan din akong magbuhat ng pinamili ko. Kaya kung sana ay magugustuhan mo siya, siya sana ang gusto ko para sa ’yo, anak.” Napahinga ako nang malalim dahil hindi ko maunawaan si Mom. Akala ko ay wala siyang tutol sa lovelife ko. “Mom, alam mo naman po kung sino ang gusto ko, ’di ba? And Won is just a friend to me, nothing else.” Hinawakan niya ang mukha ko at hinaplos. “Anak, alam ko na ’yong lalakeng kinukwento mo sa akin ang gusto mo, pero kung talagang gusto ka niya, edi sana humarap siya sa amin ng Dad mo. At hindi ka rin paghihigpitan ng Dad mo kung alam niyang maayos ang lalakeng gugustuhin mo. Sa ginagawa ng Dad mong pagprotekta sa ’yo ay alam kong hindi mabuti sa ’yo ang lalakeng iyon.” Nanlalata ako na pumanhik sa kwarto habang ume-echo sa isip ko ang sinabi ni Mom. Bakit ba kasi ayaw nila kay Atreo? Alam ko naman na kaya ayaw humarap ni Atreo ay natatakot siya sa maaaring gawin ni Dad. Napahinga ako nang malalim at inalis sa isip ko ang sinabi ni Mom. Hindi masama para sa akin si Atreo. I love him. siya lang ang nagpapasaya sa akin ngayon. Ayaw man nila sa kanya, basta ako ay gustong-gusto at mahal na mahal ko siya. Napabuntonghininga ako at pinatay ang makina ng kotseng dala ko. Pinayagan ako ni Mom nang walang bodyguard dahil alam niyang si Won ang katatagpuin ko. Gustong-gusto talaga nila si Won. Napahinga ako nang malalim at napatingin sa labas ng kotse. Narito na ako sa restaurant na sinabi ni Won. Kinuha ko ang pouch na dala ko at bumaba na ako ng kotse. Inayos ko ang suot kong cube red dress habang suot ko ang black pumps. Curl ang dulo ng buhok ko habang light make up ang nakapahid sa mukha ko. Red lipstick lamang ang nagpatingkad sa lahat. Naglakad na ako papasok ng restaurant. Tumingin ako sa paligid ng restaurant para hanapin si Won. “Yes, Ma’am? Do you have a reservation?” Tumingin ako sa waitres at ngumiti. “I have a date here. He’s Won Rusbelt.” “Ah, Si Sir Won.” Tumango ako kaya ngumiti siya. “Okay, Ma’am, I will guide you. This way, please.” Sinundan ko siya kung saan ang table na ni-reserve daw ni Won. Umakyat pa kami sa taas dahil nandoon daw si Won. Tinuro niya kung nasaan si Won kaya nagpasalamat ako rito at naglakad palapit kay Won na panay ang tingin sa wrist watch niya. “Won . . . ” Agad siyang napaangat ng tingin sa akin at napatayo nang makita ako. “Mabuti at dumating ka. Akala ko, hindi ka na sisipot sa date natin.” “Sorry, I’m late.” Naupo ako ng ipaghila niya ako ng chair. “It’s okay, ang mahalaga ay nakarating ka,” aniya at tinawag ang waiter at may binulong siya. Umayos ako ng upo at ngumiti sa kanya nang maupo na siya paharap sa akin. “You’re so really beautiful, Grace.” Nag-init ang pisngi ko sa papuri niya. Naiilang na ngumiti na lang ako. “Madalas ka ba rito? Parang kilala ka na kasi ng mga empleyado ng restaurant na ito,” pag-iiba ko sa usapan. “Yes. Masarap kasi ang food nila at maganda ang services nila kaya pabalik-balik ako rito para kumain.” Napatango naman ako dahil base nga sa accomodation sa akin ng waitress kanina, doon palang ay kita ko na ang good services nila. Napatingin ako sa mga waiter and waitress nang ilapag nila sa table namin ang sari-saring pagkain. “Ang dami naman nito. Mauubos ba natin ito?” natatawa kong tanong sa kanya. “Oo naman. Sure akong magugustuhan mo lahat iyan, dahil mga favorite ko ’yang order-in dito. Gusto kong ipatikim sa ’yo.” Napatango naman ako at natakam sa amoy pa lang ng mga pagkain. Ang bango at mukhang masarap ngang talaga. Inumpisahan na namin ni Won kumain dahil gutom na ako, pati rin pala siya. Natatawa na lang kami dahil pareho kaming gutom na gutom. Nasa kalagitnaan na kami ng pagkain nang umalingawngaw ang tunog sa phone niya. Nag-excuse siya kaya tumango ako at pinagpatuloy ang pagkain. Maya-maya lang ay sa akin naman umalingawngaw ang tunog. Binitiwan ko ang fork and knife na hawak ko at kinuha sa loob ng pouch ko ang phone ko. Nakita kong nag-text si Atreo kaya agad kong binuksan iyon. Iyon ang text niya. Nanlaki naman ang mga mata ko sa sinabi niya. At paano niya nalaman na may ka-date ako? At ano? Sa bahay niya? Ibig sabihin ay nakauwi na siya!? Oh my gosh! “Grace.” Napatingin ako kay Won at nakita ko na seryoso siya. “Bakit?” “I need to go. Naglalasing kasi ang hipag ko. May kabit daw kasi ang kapatid ko sa mismong agency natin. Kailangan ko lang siyang puntahan muna.” Tumango ako habang hindi nakapag-react sa sinabi niya. Nagpaalam na siya at naunang umalis. Grabe naman pala ang kuya niya. May asawa na, kumakabit pa. Umiling-iling ako at agad nang tumayo para puntahan si Atreo. God. I missed him. Finally, he’s here now.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD