KABANATA 12

3337 Words
BUMUSINA AKO NANG makarating na ako sa harap ng gate ng bahay ni Atreo. Mabuti na lamang at tiyempong pinayagan ako ni Mommy na walang bodyguard, kaya malaya akong nakapunta kay Atreo. Pinagbuksan ako ni Manang na nandito pa pala. Pinasok ko ang sasakyan nang mabuksan niya ang gate. Pinarada ko sa gilid ang sasakyan ko at agad akong bumaba ng kotse. “Hija, pakisabi na lang kay Sir na aalis na ako. Hindi pa kasi siya lumalabas ng kwarto niya, e,” ani Manang. Tumango ako rito at ngumiti. “Sige po, sasabihin ko po.” Nagpasalamat siya at umalis na. Napangiti naman ako at naglakad na para pumasok sa loob ng bahay. Sinara ko ang doble door ng bahay ni Atreo at naglakad na sa makintab na marble tiles. Tunog ng takong ko ang umaalingawngaw dahil sa katahimikan ng bahay. Inakyat ko ang hagdan patungo sa room niya. Nakita ko siyang nakaupo sa isang matatag na upuan na gawa sa rattan na tila upuan ng isang hari. Hubad ang pang-itaas niya na nagpapakita sa maputi niyang balat ngunit mamasel na katawan. Mabato ang tiyan at malapad ang balikat na siyang nagpapakita ng bato-bato niyang braso. Kitang-kita ko rin ang tattoo niya sa dibdib na lalong nagpakita ng pagka-adonis niya. Lumapit ako sa kanya kaya napaangat siya ng tingin sa akin. Agad naman siyang napatayo at inilapag ang baso ng alak na hawak niya bago lumakad palapit sa akin. Napangiti ako at gumapang ang mga kamay ko payakap sa leeg niya. Hinawakan naman niya ako sa baywang at mas hinapit palapit sa katawan niya. “I miss you . . .” aniya at ngumiti habang tinititigan ako nang malagkit. Sobra ko siyang na-miss. Nakakabaliw pala kapag hindi ko siya nakita nang matagal. Napakagat ako ng labi at tumitig din sa napakakisig niyang mukha na siyang nagpapahulog pa lalo ng damdamin ko sa kanya. Nagtagpo ang aming mga labi na parehong sabik sa isa’t isa. Kahit ilang beses na niya akong nahalikan ay para pa ring nanlalambot ang katawan ko tuwing sasakupin niya ang mga labi ko nang may pang-aangkin. Naramdaman kong gumapang ang kamay niya sa likod ko at naramdaman ko na ibinaba niya ang zipper ng dress ko. Nang maibaba niya ay bumitiw ako sa pagkakayakap sa kanya at napakagat-labi ako nang tuluyang maibaba ang dress ko na ngayon ay nasa sahig at paa ko na. Malaya ang mga mata niya na pinagmasdan ang hubad kong pang-itaas at tanging pulang Victoria panty na lamang ang tumatakip sa aking pang-ibaba. Muli kaming naglapit ng katawan at muling dumampi ang kanyang mga labi sa akin na mas mapusok at malagkit—tila mas lalo siyang nanabik. Gumapang ang kanyang kamay sa aking pang-upo, kaya kusa kong tinaas ang mga binti ko para ipulupot sa baywang niya. Gumapang ang halik niya sa gilid ng labi ko patungo sa panga ko hanggang magtungo sa likod ng tainga ko. Napalunok ako at napatingala nang gumapang ang labi niya sa leeg ko nang maihiga niya ako sa napakalambot niyang kama. “Ahhhh . . .” Napahalinghing ako nang paikutin niya ang dila niya sa tuktok ng dibdib ko. Napakagat din ako ng labi at hinawakan ko ang ulo niya para mas ilapit pa siya sa dibdib ko. “This is mine,” aniya nang bitiwan ang dibdib ko at dilaan ang guhit sa pagitan ng dibdib ko patungo muli sa leeg ko hanggang sa muling pagsakop niya sa labi ko. Napangiti ako nang magbitiw kami ng halik. Mahal na mahal ko talaga siya. Kahit pa masyado siyang misteryoso sa akin ay gusto ko nang makasama habambuhay ang lalakeng ito. Napaarko ang katawan ko at napakapit ako sa balikat niya nang gumapang ang kamay niya pababa sa puson ko at pinasok niya ang malaki niyang kamay sa loob ng panty ko para paglaruan ang p********e ko. “It’s hot inside . . .” aniya habang dinadama ng daliri niya ang kalooban ko. Hinawakan ko siya sa mukha at hinalikan na ikinangiti niya bago siya tumugon sa halik ko. Tinagilid niya ang ulo niya at halos lumubog ang ulo ko sa unan sa sobrang diin ng pagkakahalik niya. Napapahalinghing ako sa pagitan ng halik namin nang bumilis ang ritmo ng daliri niya na nagpalala ng nararamdaman ko. Inalis niya ang daliri niya nang bigla akong manginig agad sa sarap. Hinawakan niya ako sa baywang at napakadali niyang pagpalitin ang posisyon namin para dalhin ako sa ibabaw niya. Napabitiw ako ng halik at ibinaba ko agad ang panty ko. Bumaba ako sa pagitan ng hita niya at ibinaba ko ang kanyang boxer. Tumingin ako sa kanya nang makita ko kung gaano kasabik ang kahabaan niya na ngayon ay galit na galit na. Hinawakan ko ang kahabaan niya na nagpanganga naman sa bibig niya. “You like it?” tanong ko. Namula ang mukha niya habang tinitingnan ang ginagawa ko sa kahabaan niya. Ngumisi ako at sinubo sa bibig ko ang kanya na lalong nagpamura at nagpa-tense sa katawan niya. “f**k! f**k!” Napangiti ako at sinipsip ang dulo ng kahabaan niya na lalong nagpawala sa kanya. Saglit pa lang ang pagpapaligaya ko sa kanya nang hilahin na niya ang ulo ko para huminto ako sa pagsubo sa kahabaan niya. Inalalayan niya akong maupo sa kanyang tiyan. Iniangat niya ako kaya napahawak ako sa dibdib niya habang sinesentro naman niya ang kahabaan sa akin. Pareho kaming napaungol nang sumagad siya sa kaloob-looban ko. Gigil na nilamukos niya ang pang-upo ko habang nagsisimula na akong mangabayo sa kanya. “Damn it! You’re still tight, baby.” “You like this?” malandi kong tanong sa kanya. Hindi ko alam kung bakit ako sabik na sabik sa kanya. Hindi ako ganito. Pero simula nang makuha niya ang kainosentehan ko ay parang biglang may dumaloy sa dugo ko na gusto kong akin lang ang lalakeng ito. “Yes, let’s say I f*****g love it!” aniya kaya napangiti ako at mas ginalingan ko pa para lalo siyang mabaliw sa akin. Tumagal kami sa ganoong posisyon at nanginig muli ako sa pangalawang pagkakataon. Pinagpalit niya ang posisyon namin kaya siya na muli ang nasa ibabaw ko. Tinukod niya ang mga kamay niya sa gilid ng ulo ko habang walang habas na gumalaw siya sa ibabaw ko. “Ohhh. F-faster please . . .” “I can’t hear you, baby?” Nanunukso pa siya at binagalan talaga ang paggalaw niya pero puno naman ng diin siyang naglalabas-pasok. Pakiramdaman ko ay punong-puno ako sa sobrang kalakihan ng batalyon niya. Hindi ko akalain na kakayanin ko siya. Hinawakan ko ang pang-upo niya para mas sumagad pa siya sa akin. “Sige na, bilisan mo pa.” “Masusunod, babe,” aniya at bumilis muli siya sa ritmo. Habang wala siyang kasimbilis na gumagalaw sa ibabaw ko ay walang kasawa-sawa naman niyang nilalamon ang labi ko. Gusto ko ito. Gusto kong ibigay sa kanya ang lahat ng pagkatao ko. Siya ang lalakeng nagparamdam sa akin ng ganito. Pakiramdam ko ay lubos akong masasaktan oras na iwanan niya ako. Kaya gagawin ko ang lahat para ako lamang ang babaeng para sa kanya. Napayakap kami sa isa’t isa at napanganga ako nang isagad niya ang kahuli-hulihang lakas niya sa akin. Napahinga ako nang malalim at tinanggap ang mainit na likidong nilabas niya sa kaloob-looban ko. Muli kaming naghalikan ng mapusok at napangiti kami sa isa’t isa habang magkatitigan. Hinugot niya ang kahabaan niya sa akin at umalis siya sa ibabaw ko. Tumabi siya sa akin at niyakap ako kaya sumandal ako sa dibdib niya. “Atreo, bakit ngayon ka lang? Ano ba ang inayos mo?” tanong ko sa kanya at tumingin sa kanya. Hinaplos niya ang buhok ko kaya pinatong ko ang baba ko sa dibdib niya. “Inaasikaso ko ang gusot sa buhay ko. Kaya kapag oras na naayos ko na iyon ay wala ka nang takas sa akin.” Nagpigil ako ng ngiti dahil sa sinabi niya. Napangiti siya at kinumutan ang hubad naming katawan. Hiniga niya ako nang maayos sa tabi niya bago niya ako yakapin at ipatong ang isang binti niya sa binti ko. Humarap naman ako patagilid sa kanya. Nagkatinginan kami at ngumiti kami sa isa’t isa. Dumampi ang labi niya sa akin at pumikit siya. Tiningnan ko siya at lihim na napangiti ako dahil tila matutulog siya na nais ay magkalapat pa rin ang aming mga labi. Pumikit na rin ako at yumakap sa kanya habang nakalapat ang aming mga labi. “Malandi!” Nagising ako mula sa pagkakatulog nang may biglang humablot sa buhok ko kaya napangiwi ako sa sobrang sakit lalo na nang hatakin ako nito pabagsak sa kama. “Suzane!” “Hayop kayo! Hayop ka, Atreo!” Naguguluhan ako habang pinupulupot ko ang kumot sa hubad kong katawan. Tumingin ako sa babaeng maganda, sopistikada, mukhang edukada, at siguro ay kaedaran nila Kuya at ni Atreo. Galit na galit siya at nanginginig sa hindi ko malamang dahilan. “Suzane, please, ’wag dito.” Napatingin ako sa kanilang dalawa dahil hindi ko maunawaan kung bakit umiiyak ang babae, habang si Atreo ay walang emosyon ngunit galit na nakatingin din sa babae. Tumingin sa akin ang babae nang tumayo ako. Nabigla ako nang sampalin niya ako nang malakas kaya napahawak ako sa pisngi ko at tumingin rito nang gulat. Napabuka ang bibig ko sa nakitang pagluha niya at galit na tingin na binibigay niya sa akin. “Malandi ka! Nagawa mong makikabit sa lalakeng asawa ko na!” Sinabunutan muli ako nito at napabagsak ako sa sahig nang maitumba niya ako at kubabawan ako para sabunutan muli. Hindi ako makalaban at hindi ko ma-process sa utak ko ang sinabi niya. Asawa? Asawa niya si Atreo? Agad na inawat ni Atreo ang babae at inalis sa ibabaw ko. Agad akong dinaluhan ni Atreo at hinaplos ang mukha ko. Napatingin ako kay Atreo Ripler Alvarez. Ang lalakeng akala ko ay single. Ang lalakeng akala ko ay pwede kong angkinin. Ang akala ko ay boyfriend ko at walang sabit. Tumulo ang luha ko at tumaas-baba ang dibdib ko, ’yong tipong hindi na ako makahinga. Halos hindi ko alam ang gagawin ko sa mga oras na ito. Hiyang-hiya ako para sa sarili ko. Tinulak ko siya kaya nagulat siya sa pagkabigla. Tumayo ako kahit masakit ang balakang ko dahil sa pagtulak sa akin ng asawa niya sa sahig. “Grace, let me explain . . . ” Napaiyak ako lalo at halos gusto kong lumubog sa lupa sa sitwasyon ko. Diring-diri ako sa sarili ko. Nakakadiri ako! Hindi ako makatingin sa asawa niya. Para bang ano mang oras ay bibigay na ako sa sobrang sama ng pakiramdam ko. I don’t need his explanation. He tricked me. He lied to me. God. I want to kill myself. Tumakbo ako palabas habang tanging kumot lamang ang tumatakip sa kahubaran ko. Halos hindi ko makita ang dinadaanan ko dahil sa bumabaha kong luha na nagpapa-blurred lalo sa paningin ko. “Malandi ka! Nagawa mong makikabit sa lalakeng asawa ko na!” “Malandi ka! Nagawa mong makikabit sa lalakeng asawa ko na!” “Malandi ka! Nagawa mong makikabit sa lalakeng asawa ko na!” Paulit-ulit na nag-e-echo sa isip ko ang sinabi ng babae. His wife. The legal one. Napaupo ako sa isang batong malaki at napayakap ako sa sarili ko habang panay ang hagulhol ko. “You are nothing but a mistress, Grace. You’re so idiot!” Sinuntok ko ang dibdib ko dahil hindi ako makahinga. Parang hindi ko alam ang nangyayari. Parang ang puso ko ay nahati sa dalawa at nagkapira-piraso sa sobrang sakit na dinulot ng nalaman ko. Lalo akong napahagulhol nang maalala ko kung bakit ako nilalayo nila Daddy kay Atreo. Nagawa ko silang suwayin. Nagawa ko silang pagsinungalingan para lamang kay Atreo. Napakagaga ko para magdamdam sa kanila dahil sa ginagawa nilang pagpigil sa akin na makipagrelasyon kay Atreo. Napakatanga ko! “Grace! Grace!” Agad akong napatayo sa kinauupuan ko nang marinig ang tinig ni Atreo. Dali-dali akong lumapit sa kotse ko. Pasakay na sana ako nang mabilis siyang nakalapit sa akin at hinila ako sa baywang para hindi makapasok. Agad ko siyang pinagsusuntok sa dibdib at tinulak ko siya palayo sa akin. “’Wag kang lalapit! Hayop ka! I hate you so much! ’Wag na ’wag ka nang lalapit sa akin kailanman! Tinatapos ko na kung ano man ang meron tayo.” Nakita ko ang pagdilim ng mukha niya at agad akong sumakay sa kotse nang ambang lalapit siya. Pinipilit niyang buksan ang pintuan ko pero ni-lock ko lahat. Agad kong binuhay ang makina ng sasakyan ko habang humahagulhol. Mabuti at bukas ang gate kaya agad akong nakasibat paalis ng bahay niya. Malakas akong humagulhol habang nakatingin sa daan at nagmamaneho nang mabilis palayo sa bahay niya. Halos manlabo ang paningin ko dahil sa tuloy-tuloy na pagpatak ng luha ko. Nang makalayo ako nang malayong-malayo sa bahay ni Atreo ay pinereno ko ang kotse. Napadukdok ako sa manibela at doon binuhos ang lahat ng sakit na nararamdaman ko. Naisip ko na hindi ako pwedeng umuwi sa bahay na ganito ang itsura ko. Hiyang-hiya ako sa parents ko lalo na sa oras na malaman nila ang nangyari, kaya ayokong mag-alala pa sila sa akin. Mugto ang mata ko at hikbi ako nang hikbi habang nakatingin sa pouch ko nang umalingawngaw ang tunog mula sa phone ko. Kinuha ko ang pouch ko at huminga ako nang malalim habang pinahiran ang luha ko. Nang makita ko kung sino ang nag-text ay agad kong binasa ang text ng malaman kong si Zylene iyon. Nakita ko nga ang ilang message at missed calls galing kina Mommy at Daddy. Tila nalaman nila na hindi na si Won ang kasama ko. Tinext ko si Zylene at sinabi ko sa kanya na sabihin niya sa parents ko na kasama niya ako. Pagkatapos kong i-text iyon ay nilapag ko sa kabilang upuan ang phone at pinaandar na muli ang sasakyan. Habang tinatahak ko ang daan patungo sa bahay na kinatitirahan nila Zylene at Allison ay napatingin akong muli sa phone ko nang umalingawngaw muli ito. Nakita ko na si Atreo ang tumawag kaya iniwas ko ang tingin doon at hindi ito pinansin. Napahinga ako nang malalim at tumingin sa bahay nila Zylene. Sila lamang ngayon ang malalapitan ko. Hindi ako pwedeng umuwi nang hindi ako maayos. Ayokong mag-alala sa akin sila Daddy and Mommy. At ayokong malaman nila ang kahihiyang ginawa ko sa pamilya namin. Kinuha ko ang phone ko at hinanap ko ang contact nila Allison. Nakita ko ang tadtad na missed calls and texts kay Atreo. In-exit ko ito at dinial si Zylene. “Oh, Grace, mabuti at tumawag ka na? Ano ba ang nangyayari?” Ramdam ko ang antok na boses ni Zylene kaya napakagat ako ng labi dahil naistorbo ko pa siya. “Zylene, I’m here outside of your house. I need your help.” “Huh? Teka! Sige, sige, bababa na ako.” Agad na niyang pinutol ang tawag at maya-maya lang ay nakita ko na ang paglabas niya. May bitbit siyang payong dahil malakas ang ulan sa labas. Nang makalapit siya sa kotse ko ay binuksan ko ang pinto habang hawak-hawak ko ang kumot upang hindi ito maalis sa pagkakapulupot sa katawan ko. Nagulat siya sa itsura ko at nagulat sa biglang pagyakap ko sa kanya. “Anong nangyari sa ’yo, Grace?” Napahagulhol ako at humigpit ang yakap ko sa kanya. She’s older than me kaya tinuturing ko siyang ate. Hindi ako makasagot sa kanya at tanging pag-iyak ko ang sumasabay sa bagsak ng ulan. Niyaya niya akong pumasok sa loob at agad naman akong sumunod. Niyakap ko ang sarili ko habang tulala na nakatayo sa harap ng pintuan niya. “Ano ba talaga ang nangyari sa ’yo? Bakit ganyan ang ayos mo?” Tumingin ako sa kanya habang tumutulo ang luha ko. Napakagat ako ng labi at tila ako natutuliro. “Zylene, napakasama ko. Diring-diri ako sa sarili ko.” Inalalayan niya ako na pumasok at maupo sa sofa. “Anong ibig mong sabihin?” “Kabit ako.” “Ano?” Nagulat siya at naguguluhan. Napahilamos ako ng mukha at sinabunutan ko ang buhok ko. “Si Atreo, may asawa na pala siya. At ako naman, napakatanga ko! Dahil hindi ko alam na ang boyfriend ko pala ay may asawa na. Ang tanga-tanga ko! Binigay ko sa kanya ang lahat! Hindi ko alam na ginawa pala niya akong kabit!” “Lintek na lalakeng ’yan! Sabi na, e, hindi porket gwapo, jackpot na . . .” Napakuyom ako ng kamay at napayuko. “So . . . Paano mo nalaman?” alanganin niyang tanong. “Nagpunta ang asawa niya sa bahay niya at kita niya na may nangyari sa amin. Natutulog ako no’n nang hatakin niya ang buhok ko at ibagsak ako sa sahig . . . ” Mapait akong napangiti habang umiiyak. “Hindi ko siya masisisi, dahlia ang makita niya na ang asawa niya ay may kasiping na iba, napakasakit no’n para sa kanya. Nararapat lang sa akin ito. Kasalanan ko rin kung bakit ako nauwi dito. Kung mas inalam ko at hindi ko siya inakit ay baka hindi ko ito sasapitin! Napakatanga ko kasi. Ngayon, nagsisisi ako.” Niyakap niya ako at inalo. Pero hindi sapat iyon, dahil ngayon ay para akong na-trauma sa nangyari. Parang gusto ko na lang magtago upang wala nang makakakita sa akin. “Bitches! What’s happening here?” Napatingin kami kay Allison na kakauwi lang. Humihigop kami ng kape ni Zylene at nakabihis na ako ng matinong damit na pinahiram ni Zylene sa akin. “Sabit, b***h. May asawa na pala si Atreo the hottest abs.” “Huh? May asawa na siya?” Napatingin sa akin si Allison kaya napaiwas ako ng tingin. “Grace, are you okay?” aniya at naupo sa gilid ko kaya napapagitnaan na nila ako. Tumango ako at pilit na ngumiti. Hindi ko maibuka ang bibig ko para magsalita. Dahil kapag gagawin ko iyon ay para akong maiiyak. “Lintek talagang mga lalakeng ’yan! Pare-pareho talaga sila!” “Bakit, anong problema mo, b***h?” tanong ni Zylene kay Allison. “Si Aries, God! Nakakaloka! Hindi ko ma-take na inakit ko siya. Pwe! Pwe!” “Parang alam ko na ang nangyari . . . ” Ngumisi si Zylene at natawa na tila alam na niya ang nangyari kay Allison at Aries. “Tsss. Lintek! Bakla pala siya. Kaya pala kahit todo gitgit ko na sa kanya sa dance floor ay hindi pa rin bumibigay. Tapos no’ng may lalakeng pumagitna sa amin ay doon bumigay. Nakakahiya!” Napangiti naman ako dahil kahit paano ay alam kong ginagawa nila ang lahat para patawanin ako. Napahinga ako nang malalim habang nakahiga sa sahig pero may sapin naman akong makapal na blanket. Kahit pilit nilang sinasabi na doon na ako sa kama ay tumanggi ako kaya wala rin silang nagawa nang ako na ang mahiga sa sahig. Tahimik na umiiyak ako habang nakatingin sa kisame at inaalala ang lahat ng nangyari. Sobra akong nasaktan nang malaman ko ang totoo. Mahal na mahal ko si Atreo, pero bakit niya ako niloko!? Binigay ko pa naman ang sarili ko sa kanya. Nangako siya na hindi niya ako sasaktan. Bakit ginawa niya akong kabit? “ANAK!” HUMAHANGOS SI Mommy nang makitang pumasok na ako sa loob ng bahay. Naisipan ko nang umuwi agad pagkagising ko ng umaga dahil alam kong nag-aalala na sa akin sina Mommy. Niyakap niya ako at hinawakan sa mukha. Kita ko ang pag-alala sa mata at mukha niya. “Anak, ayos ka lang ba?” Ngumiti ako rito at tumango upang ipakita na ayos lang ako. Ayokong makita nila na meron akong mabigat na dinadala sa puso ko. “Sinabi ko na nga ba na dapat ay hindi ka hinahayaang umalis na mag-isa. Pinayagan ka ng mommy mo na umalis dahil ang binatang si Won ang kasama mo, pero bakit napunta ka sa bahay ng mga kaibigan mo o doon ka nagpalipas ng gabi? Hindi ka man lang nagpaalam.” Lumunok ako at naglakad kami ni Mommy palapit kay Daddy habang inaalalayan niya ako. Nakaupo sa sofa si Daddy habang may binabasa sa dyaryo at umiinom ng kape. “Dad, sorry po.” Gusto kong humingi ng paumanhin sa kanila dahil hindi ko sila sinunod. Tumingin siya sa akin at kita ko ang istrikto niyang tingin. “Ang sorry ay para sa nakagawa lang ng kasalanan. Bakit, may ginawa ka bang kasalanan sa amin at nag-sosorry ka?” Napayuko ako dahil natumbok niya ang sinabi ko. Sinuway siya ni Mommy at hinaplos ni Mommy ang likod ko. “Napakasungit mo talaga, James. Nagpapaumanhin lang ang anak natin dahil hindi siya nagpaalam sa atin na pupunta siya sa mga kaibigan niya.” Sinara ni Daddy ang dyaryong binabasa niya at inalis ang salamin niya sa mata. Tumayo siya at kinuha ang coat ng tuxedo niya na nakasampay sa sofa. “Don’t do anything you’ll regret someday, Grace.” Hinalikan niya ako sa noo at humalik siya kay Mommy bago siya nagpaalam sa amin na kailangan na niyang magpunta sa company. Hinintay niya lang pala akong makauwi bago siya umalis.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD