"Hey Cassiopeia Everleigh, wake up.."
"Hmmmnn.."
"Wake up, we are here." Dahan dahan kong minulat ang mata ko, pilit kong nilabanan ang antok na narararmdaman ko. Wala pa akong maayos na tulog, one hour lang ang flight namin pero tinulugan ko lang iyon, feeling ko nga kakapikit ko lang tapos andito na kami sa Palawan. After namin mag bar ay nagpalipas lang kami ng ilang oras bags pumunta ng Airport pa Manila, sinundo Galahad ako ng mga pinsan ko para na din maki celebrate sa birthday ko. Nana makarating kami sa Manila matapos nag mahabang oras ng byahe at masakit sa ulo na jet lag ay dumiretso kami sa aming private plane na pag aari ng pamilya namin, ito nag nag hatid saamin patungong Palawan.
"Hey, you okay? Sabi sayo eh, dapat di na tayo ngayon umuwi ng Puerto Princesa pwede naman bukas na..may aftershock pa tayo sa birthday party mo tapos nag ayos lang tayo at dumiretso na ng airport pa Manila, tapos pa Palawan pa, hindi ko alam kung ano gusto natin patunayan." Naiiling na sabi ni Azalea.
"Nah..it's okay." Inaantok kong sagot sabay hagod sa buhok kong medyo nagulo dahil sa pag tulog.
"You girls, ready?" Tanong naman ni Ate Safron na halata din ang antok sa mga mata.
"Yeah.."sabay namin sagot no Azalea at nag umpisa ng mag ayos ayos.
"Hey Saf, okay na kayo?"
Napalingon ako sa kabilang row kung saaan nakaupo ang mga boys naming pinsan.
"Yeah twin, we're good to go." Sagot ni Ate Saf Kay Kuya Rue na kakambal nya. "Si Thyme?" Nagpalingon lingon si ate Saf para tingnan ang kakambal.
"I'm ready sis don't worry." Tamad na sagot ni Kuya Thyme na kakambal ni ate Saf at Kuya Rue. Yes they are triplets, at nakakatuwa silang tatlo pag nag kasama sama, ang gulo nila kakabangayan pero halata namang lambingan lang nila iyon.
"Si Phoenix nakanganga pa!" Turo ni Azalea sa kinalalagyan ng pinakabata naming pinsan na kinatawa namin.
"I can hear you Alea.."Biglang sabi ni Pheonix na nakapikit parin.
"Hey! How many times do I have to tell you na you should call me ate! I am older than you!" Magkasalubong kilay na angal ni Azalea.
"You're just 10 months older than me. Tsaka bakit si Caleigh okay lang na di ako mag ate? Eh halos mag kasing edad lang kayo ha."
"10 months is still 10 months! Mas matanda parin ako. Besides bakit ba Alea at Caleigh ang tawag mo saamin ni Cassi, stop making baboy our names!" Azalea said in a bratty tone na nag patawa saamin.
"Ang cool kaya, pinag sama yung first and last letters nang names nyo.."
"Whatever!" Azalea rolled her eyes that made me laugh. Ohhh.. this is what I missed!
"Hey, it's only 7 in the morning at pare pareho tayong walang tulog, masakit sa ulo ang ingay nyo..stop bickering around..bababa nalang ng eroplano andami nyo pang nasasabi." Nakasimagot na sabi ni Yckos, na halatang may hangover pa kaya nag susuplado.
"Sungit." Sabay na sabi ni Azalea at Pheonix.
"Let's go." Tipid na sabi naman ni Kuya Yvo na kapatid ni Yckos. Si Kuya Yvo ang pinakamatanda saaming magpipinsan, matanda sya ng ilang buwan sa Kuya kong si Evans na ngayon ay kasalukuyang nag aaral sa states.
Isa isa kaming tumayo at bumaba ng eroplano, habang pababa ay nagkukulitan pa si Kuya Rue at Kuya Thyme, buti nalang talaga nakaprivate plane kami kundi nakakahiya sa ibang tao dahil sa gulo namin.
"Let me." Napalingon ako kay Yckos na medyo nakasimangot parin. Kinuha nya ang dala kong maleta at sya nag bitbit nito.
"Thank you." Nakangisi kong sabi na tinanguan lang nya.
Pinasundo kami nila Grandma at Grandpa sa driver nila Kuya Yvo, dapat ay sasalubingin nila kami pero may kailangan asikasuhin si Grandpa, at Kung nasan si Grandpa ay nandoon si Grandma.
Nakatingin lang ako sa daan habang nasa byahe patungo ng hacienda, ang tanawin sa millionaire's road ay sadyang nakakaaliw, namiss ko ang Palawan, matagal na rin ng huling dumalaw ako dito.
"Daan muna tayong Bakers hill? Bili tayo ng favorite mong crinkles?" Nakangising sabi ni Azalea saakin, alam nya know ng gaano ko kamiss ang crinkles ng bakers hill.
"Oyyy, ako bilhan nyo ng hopiang ube, mga limang box.."
"Wow Pheonix, limang box?! Grabe ka naman!" Nanlalaking mata ni ate Saf.
"Ate, alam mo naman super favorite ko yun. Besides best seller nila yun ang bilis palagi naubos."
"Palagi naman silang may bagong luto ah, tsaka ang lapit lang ng bakers hill saatin..” Sabi ni Yckos na magkasalubong ang kilay.
"Basta nga, good for three days naman yun, walang basagan ng trip at sigurado ako na kakain din naman kayo kaya hayaan nyo na..." Nakasimangot na sabi ni Pheonix.
Natatawang nag katinginan nalang kami niAzalea habang ang iba ay walang pakialam sa trip ni Pheonix.
”Bili din tayo ng Hopia na Pastillas flavor! Patikim natin kay Cassiopeia!” Azalea said.
”Oh, pastillas flavor?” Gulat kong sabi, dati wala namin ganon.
”Hopia na literal na may pastillas!” Tawang sabi in Phoenix. “Naiimagine mo ba?” Baling nya sakin.
”Hindi.” Lukot Ang mukhang sabi ko.
”Kaya, kailangan talaga tayong bumili para matikman mo!” Natatawang sabi ni Azalea.
"Manong pa stop sa Bakers Hill bago tayo dumiretso sa hacienda." Utos ni Kuya Yvo.
Matapos kami mamili ni Azalea sa Bakers hill ay dumiresto na kami pauwi. Nadaanan namin ang Mitra Ranch kung saan ay sikat ito sa mga turista dahil binuksan ito sa publiko bilang tourist spot. Nang makarating kami sa hacienda ay kanya kanyang uwi ng bahay nila ang mga pinsan ko. Sa loob kasi ng Hacienda ay may tig iisang villa sila Dad at ang kanyang mga kapatid. Ang bawat Villa ay kasing laki ng isang regular na Mansion sa Manila. Since dito sila sa Palawan nakatira ay doon na sila sa Villa na pinagawa nila Grandpa tumira para mag kakalapit sa isa't isa, gusto kasi nila Grandpa na magkakasama sila. Kaya pag may mga bisita ay naaliw sila dahil ito lang daw ang nakita nila na hacienda na may mga Mansyon sa loob na tinatawag nga namin na Villa.
Sa magkakapatid ay si Daddy lang ang nahiwalay dahil tumira kami sa ibang bansa dahil sa kailangan mag pagamot ni Mommy hung bata pa ako, hang gumaling naman si Mommy ay napilitan kami mag stay doon dahil sa napili nyang negosyo. May Villa din kami sa hacienda pero sa main mansion ako mag i-stay since wala naman sila Mommy, kasama ko sa main mansion sila Grandpa.
Pumasok na ako sa aking magiging silid habang nasa Mansyon, inayos ko ang aking gamit at humiga na para magpahinga. Isang linggo nalang at umpisa na ng pasukan, alam kong maninibago ako ng husto kaya kailangan ko ikondisyon ang aking sarili. Nag chat ako sa parents ko at sinabi ko na nakadating kami ng ligtas sa Palawan, mamayang gabi ay kailangan kong tumawag sa skype sa Kuya ko dahil nangako ako sakanya, hindi kami sanay na magkahiwalay pero kailangan nya sumama sa States para doon mag aral habang binabantayan nya si Mommy, sa tuwing busy si daddy sa aming kompanya. Dapat ay doon na rin ako mag aaral kung hindi lang talaga ako nagging masyadong playful at friendly sa boys, ngayon palang nag si-sink in saakin na nalayo ako sa pamilya ko, panigurado maninibago ako pero alam ko na Makkah adjust ako agad sa gulo ng ng mga pinsan ko at nila Grandpa at Grandma.
Humiga ako matapos kong mag half bath, medyo hilo na ako sa antok at masakit na ang ulo ko dahil sa jet lag. I need to have a proper rest para makapag function and utak ko mabuti allow pa at kailangan ko pang mag enroll, at bago makapag enroll ay may isang mahabang pag susulit ang kailangan ko ipasa.