"Sya yung transferee hindi ba?"
"Oo yung pinsan ng mga Carmichael..ganda diba?!"
"Oo chicks pare, kaya lang suplada!"
"Bantay sarado pa ng mga pinsan!"
Lalo ko pang binilisan ang lakad ko, nakayuko lang ako habang papunta ng Cafeteria nandoon kasi ang mga pinsan ko at naghahantay para sabay sabay kami mag lunch. Ngayon ang unang linggo ng pasukan sa State University.
"Cassoipeia Everleigh, where have you been?" Napaangat ako ng tingin. "You are 10 mins. late!" Nakasimangot na sabi ni Azalea. Kasing edad ko lang si Azalea at kaparehas ko na nasa grade 12, hindi kami mapag kakamalan na mag pinsan dahil kami ang tinatawag na araw at buwan sa pamilya. We are the exact opposite of each other, physically speaking. Kung ako ay nagmana sa Mommy ko ng malaporselanang kutis, sya naman ay morena at biniyayaan ng Pilipina beauty samantalang ako ay mapag kakamalan na anak ng foreigner lalo pa at ang mata ko ay halata ang pagka kulay brown na namana ko kay mommy, samantalang itim na itim naman ang mata ni Azalea. Pati sa height ay magkaiba kami, hindi naman maliit si Azalea, pero kung saakin itatabi ay matatawag syang maliit sa height nya na 5'3 at sa height ko na 5'6.
"Sorry, medyo naligaw ako." Nakangiti kong sabi sakanya na ikinasingkit ng mga mata nya.
"Nakakainis kasi, ang tagal mo! Pinag tutulungan nila ako, pati si ate Safron nakikisali! Wala akong kakampi." Nagmamaktol nitong sabi sabay hila saakin palapit sa table ng mga pinsan ko, ramdam ko ang tingin ng mga tao sa café pero hindi ko na sila inintindi.
"Cass, bakit ang tagal mo? Naligaw ka?" Nakataas kilay na tanong ni Ate Saffron. Pag tiningnan mo si Ate Saffron ay aakalain mong masungit ito, bukod sa palaging nakataas ang kilay nito ay namana nito ang kagandahan ng Mommy nito na spanish na mukhang kontrabida. Ang asar nga namin saakin ay Ruby...ang bidang kontrabida.
"Saf, one week palang si Cass dito sa Campus, you can't blame her if she get lost..kahit na di ganoon kalaki ang campus, medyo nakakalito parin naman.." Pagtatangol saakin ni Reed, na kapatid naman ni Pheonix, katulad ni Pheonix, singkit ito na nakuha sa daddy nyang hapon, sya ang tinatawag na Chinitoboy next door kaya di na nakakapagtaka kung hinahabol habol ito ng mga babae, hindi ito sumama sa pag sundo saakin sa Manila dahil may inutos si Uncle sakanya na tapusin kaya di na sya nakasama pa.
"You, douche bag! Nakalimutan mo na yatang gumalang! Mas matanda ako sayo! You should call me ate!" Naniningkit ang matang saway nito kay Reed sabay pingot sa taenga nito.
"Aww..Saf! Stop it! Nakakahiya, ano nalang sasabihin ng mga girls na nakakakita!" Umaaangal na sabi nito sabay alis sa kamay nito sa tenga nya. "Besides, you are just 1 year older than me!"
"Oo nga Saf, okay lang yun..I don't want him to call me Kuya!"Sabi naman ni Kuya Rue.
Rue, Saffron and Thyme are triplets, and the funny part of it is their names. Sa sobrang hilig ng Mommy nila sa herbs and spices ay pinangalan sakanilang tatlo ay puro hango sa spices, bukod pa doon, pinag sunod sunod nito ang letter ng pangalan ng triplets.. R,S,T..at ang pinakamalupit pa doon ay Si Kuya Rue ang panganay at bunso si Kuya Thyme at middle ang nag iisang babae sa triplets na si Ate Saffron.
"Whatever!" Nakairap na sabi ni Ate Saffron sa kakambal. "Kaya yang si Pheonix ayaw ding tumawag na ate kay Cass at Alea dahil sainyo."
"Oh, Tama na Rue, pinapainit mo ulo ng kambal natin eh." Nakangisi namang sabi ni Kuya Thyme sabay akbay kay Ate Saffron.
Natatawang umupo ako sa tapat ni Yckos, ang pinsan naming may pagka pasaway kaya na brand sya as bad boy.
"Okay kids settle down..since nandito na si Cassopeia, pwede na tayong mag lunch." Seryosong sabi ni Kuya Yvo, 3 taon ang tanda nya saakin samantalang halos isang taon lang ang tanda nya sa triplets at nasa 2nd year college na sya.
"Makakids naman itong si Kuya Yvo..palibhasa matanda na!" Nakangiwing sabi ni Azalea.
"Azalea Hilary.."
"Opo tatahimik na." Naiiling nalang si Kuya Yvo sabay umpisa na sa pagkain.
"Teka, bibili ako ng food ko." Sabi ko pero hinawakan ni Pheonix ang braso ko para pigilan ako sa pag tayo.
"Wag ka nang bumili, eto ang pagkain mo, binilihan na kita." Napatingin ako sa inabot nyang Seafood pasta at lemonade, automatic na napangiti ako sabay kuha sa pagkain.
"Thanks bunso, you're so sweet." Nangingiti kong sabi sabay yakap kay Pheonix.
"Stop it Cassi, don't call me bunso!" Nakasimangot na sabi nito. "And FYI, kay Yckos ka dapat mag thank you dahil sya nag sabi na bilhan kita at pera nya pinambili ko!" Nakangisi nitong sabi.
"Tsssss..ang bata mo pa, ang galing mo nang mang isa, inutusan lang kitang bilihan si Cass ng food pero pati sarili mo binilhan mo gamit ang pera ko?! Don't tell me nag hihirap ka na? Sa pagkakantanda ko walang mahirap sa angkan natin!" Salubong ang kilay na sabi ni Yckos sa nakangising si Pheonix.
"Mautak ka talaga Nix!" Natatawa kong sabi. "Thanks Yckos!" Tumango lang ito saakin at nag umpisa ng kumain.
"Buti nalang talaga pinadala ka ni Tito at Tita dito, at least tatlo na kaming babae, puro lalaki ang mga pinsan natin, kainis outnumbered kami ni Ate Saf palagi!" Nakasimangot na kwento ni Azalea.
"I hate to break it to you my dear cousin, pero kahit dumating si Cass, outnumbered parin kayo." Nang aasar na sabi ni Kuya Thyme.
"Whatever Kuya Thyme!" Inirapan lang ni Azalea si Kuya Thyme na ikinatawa namin. Pamatay kasi talaga ang irap ni Azalea, at hinid lilipas ang araw na hindi ito iirap.
"Pumasok na daw sya!"
"Finally! I've heard he came all the way back from Greece?"
"Yes, he spent his vacation with his family."
"Buti naman I missed him kaya!"
"Oh my! Excited na ko!"
"Tsss ano ba yan, nagbalik pa sya! Yung mga girls na naman walang mapapansin kundi sya!"
Halos mag salubong ang kilay ko ng marinig ang mga usapan sa iba't ibang table. Mukhang iisang tao lang ang pinag uusapan nila, at halatang sikat ito dahil sa mukhang kilala sya ng lahat.
"s**t ayan na sya!"
"Oo nga! Oh my he's so damn hot!"
Tiningnan ko ang mga pinsan ko pero parang wala silang pakialam sa kung sino man ang pinag uusapan ng mga ito at mukhang busy ito sa sarili nilang mundo. Sabi nila curiousity kills the cat, but I really can't help it, sa reaction ng mga students dito sa café ay para bang celebrity ang pinag uusapan nila. Huminga ako ng malalim at dahan dahang nag angat nang tingin, tumingin ako sa pinto para abangan ang kung sino mang papasok doon. I don't know why but my heart is beating fast, I'm also nervous which I find it ridiculous. Ano bang nangyyayari saakin?
Then suddenly a guy entered the Café, I swear I think my heart just skipped a beat, I even thought that I forgot how to breathe for a second. Ngayon alam ko na kung bakit ganun nalang ang excitement na nararamdaman ng mg girls dito sa Café.
The guy who just entered the Café looks like a GQ model, he is walking as if he doesn't care if everyone is watching him, or maybe he is just oblivious of the stares and drool that he is getting. He is tall, I guess he stood around 6 foot, mukha talaga syang model or some will think of that he is a basketball player. He also looks like a foreigner, his eyes are gray and he have thick eyelashes plus he have stubbles on his face. Sa totoo Lang gusto ko sa lalaki ng clean cut. Ayoko ng may balbas o bigote but damn,this guy proved me wrong that stubbles can make a guy look hotter.
Napabuntong hininga ako ng marealized ko na for the first time, I'm checking out a guy. I was born in New York, I was raised there, at kung tutuusin, marami na akong nakasalamuha na lalaki na iba't iba ang lahi, at hindi sa pag mamayabanag pero karamihan sakanila ay pinormahan ako pero I have never met a guy who looks this good. Ibabalik ko na sana ang tingin ko sa kinakain ko ng bigla syang mapatingin sa gawi ko, our eyes met, and yes, I think I held my breath again for the second time this morning, I swallowed hard when I realized that he is staring at me, his brows furrowed, umiwas nalang ako ng tingin dahil sa pag iinit ng pisngi ko.
It's okay Cassiopeia Everleigh, that was nothing for sure he is used to it, I mean for sure hindi lang ikaw ang babaeng natulala sa kagwapuhan nya na nahuli nyang tumitingin.
"Hey, bro! Nakabalik ka na pala?" Halos mapabalikwas ako ng marinig ang boses ni Kuya Yvo. Sinundan ko ng tingin ang tingin nya para kumpirmahin kung tama ba ang nasa isip ko na kausap nya.
"Yeah, why you missed me?" The guy chuckled. Bagay na bagay ang boses nito sa hitsura nito, he looks so damn hot and his voice is seductive.
"Bromace!" Kantyaw ni Pheonix.
"Shut up lil boy!" Sabi ng lalaki.
"Kuya! I'm not a little boy!"Nakasimangot na sabi ni Pheonix. "Kainis mamaya may makarinig sa sinabi mo! Bawas pogi points!"
Naupo ang lalaki sa tabi ni Kuya Yvo. At binati ng mga boys ito pati narin ni Ate Saf at ni Azalea tinanguan nya ang mga ito hangang sa napako ang tingin nya saakin. Salubong ang kilay nyang itinuro ako na akala mo ay hindi ko sya nakikita at naririnig.
"Who is she?" He asked in a not so friendly voice.
Napaiwas ako ng tingin. He seem rude. Akala mo kung sino porke gwapo!
"Oh yeah, I forgot..dude she's our cousin from Manila, actually from states..her parents decided to send her here para makasama namin. Her name is Cassiopeia Everleigh.. Cass this is my bestfriend, Silas..he is a half Greek and half Playboy, so better stay away from him." Seryosong sabi ni Kuya Yvo na halos magpangiwi saakin, mabilis akong tumango ay nag yuko ng tingin.
"Woah dude! What an introduction?!" He snorted and Kuya Yvo just shrugged na para bang so nasabi na totoo naman.
Tinginan lang nya ako at tumango sya, katulad ko ay hindi din sya nag hello o hi. Pinag patuloy ko nalang ang kinakain ko at di na muling tumingin sakanya.