Courting Aliah

1064 Words
Hingal na hingal si Aliah nang makarating sa kinaroroonan ng guwardiya na nakabantay sa national bookstore. "Ma'am, okay lang po ba kayo? May problema po ba?" nagtatakang tanong ng guard. Habol pa rin ni Aliah ang kaniyang paghinga. "Okay lang po siya, sir. Nagulat lang yata sa akin kanina," sambit ng lalaki. Napahawak sa kaniyang dibdib si Aliah at napatitig bigla sa guard. Agad naman niyang nilingon ang lalaking nagsalita sa kaniyang likuran. "Nagulat ba kita?" Nakakamot sa ulong tanong ng lalaki. "Jayrus? Ikaw pala..." buntong- hiningang sagot ni Aliah nang mga sandaling iyon. "Pasensya na kung natakot kita. Mukha ba akong nakakatakot?" Napapangingisi-ngising turan naman ni Jayrus. Lihim pa itong natawa sa ekspresyon ng mukha ni Aliah. "Magkakilala naman pala kayo ma'am at sir. Wala na po bang problema?" singit ng guwardiya sa dalawa. "Ok na po--kami," sabay na sambit ng dalawa at agad na tumawa. Humingi ng paumanhin si Jayrus kay Aliah at sinabayan na lamang niya itong pumasok sa loob ng bookstore. Dahil kilala na ni Aliah si Jayrus ay palagay ang loob niyang makasalamuha ito. Window shopping, basa-basa ng mga aklat na gusto nilang basahin, at paminsan-minsan ay nagkakasulyapan ang dalawa sa loob. Iyon ang ginawa nila. Hanggang sa nagdesisyon si Jayrus na manood sila ng sine. Pumayag naman ang babae at pinili nilang panoorin ang "The Minions". Noong una ay ayaw pa ni Aliah dahil hindi niya hilig ang manood ng cartoons pero dahil ililibre siya ni Jayrus ay umoo na lang ito. Ang akala niyang boring panoorin ay hindi pala. Dahil halos siya lang ang tawa nang tawa. Panaka-naka namang sumusulyap si Jayrus sa kaniya kanina sa loob ng sinehan dahil walang humpay o hindi ito nauubusan ng laughing gas. Hindi alam ni Jayrus kung bakit ganoon na lamang ang ngiti niya sa tuwing masisilayan ang napakaamo at mala-anghel na mukha ni Aliah. Kahit madilim sa loob ng sinehan ay banaag namang napagmamasdan nito ang ngiti ng dalaga. Napapailing na lang siya dahil sa sobrang pagtawa nito sa loob. Akala ni Jayrus ay hindi niya ito magugustuhan. Last full show na ang napanood nilang pelikula kaya pasadong alas diyes na nang makalabas sila. "Salamat Jay ha? Hindi ko in-expect na matutuwa at mae-enjoy ko ang mga saging na yun. Ha-ha." daldal na may kasamang tawang wika ni Aliah. "Pansin ko nga eh. Maingay ka pala sa sinehan. Ha-ha," Tumawa rin ni Jayrus. "He-he. Salamat ha? Nag-enjoy ako. Pa'no mauuna na akong sumakay ha? See you at the office," pamamaalam ni Aliah habang pumapara ng masasakyang jeep. "A-aliah, kung mamarapatin mo sana..." biglang hinawakan ni Jayrus ang kamay ng dalaga. Nang mga oras na iyon, nakaramdam si Aliah ng malakas na boltaheng kaagad na dumaloy sa kaniyang katawan. Nagsimula itong mag-circulate ng dugo sa kaniyang dibdib hanggang sa bumilis ang pintig ng kaniyang puso at agad na namula ang pisngi. Bahagya siyang napatigil sa pagpara at yumuko sa harap ni Jayrus. "Jay?" tanging pagsambit sa pangalan na lamang ng binat ang salitang lumabas sa kaniyang bibig. "Ano kasi... Alam kong maaga pa pero iba ang sinasabi ng puso ko kaysa sa iniisip ng isip ko eh. Gusto sana kitang -- ligawan. Ku-kung okay lang sa 'yo," Nakayukong sabi ni Jayrus na halatang namumula na ang tainga at hindi pa rin binibitiwan ang kamay ng dalaga. "Ah eh. Yung kamay ko kasi..." nahihiyang sabi ni Aliah. "Pasensya na. Puwede ba?" tanong ulit ni Jayrus at agad na binitiwan ang kamay ng dalaga. "Pu-pwede naman. I-ikaw bahala. Sige, una na ako. Nandito na ang jeep. Thanks. Bye," iyon kaagad ang sinagot niya at biglang nagpaalam si Aliah sa binata. Nanatili namang nakatulala at hindi makapagsalita si Jayrus sa sagot ng dalaga. Binigyan na siya ng permisong manligaw dito pero napipi pa rin siya. Huli na nang malaman niyang nakakaway na ang dalaga sa kaniya sa malayo. "Manong bayad po. Makikisuyo po," nakikisuyo't sabay abot ng kaniyang bayad sa ibang pasaherong nag-abot ng kanyang bayad si Aliah. Ngingiti-ngiti namang palihim si Aliah. Inaamin niyang nag-enjoy siya ngayong araw. Hindi lang dahil nakapagsimba siya kung hindi ay unexpected ding nakasama niya ang ahente s***h so-called napagkamalang killer na si Jayrus. Hindi niya rin inakalang mae-enjoy niya ang pelikulang cartoon na sila Kevin, Bob, at Stuart. First time niya talagang manood ng cartoons na ganoon. Isang cartoons lang naman kasi ang paborito niya at iyon ay ang Lilo and Stitch. Nakauwi si Aliah safe and sound. Pero nagtaka siya dahil nakabukas na ang ilaw ng kaniyang apartment. Ang pagkakaalam niya ay si Aries lang ang may duplicate. "Aries?" gulat na tanong ni Aliah sa kapatid. "Ako nga ate. Bakit parang nagulat ka yata at hindi mo expected ang pagdating ko?" Napakamot pa sa ulong sagot ng kapatid sabay halik sa pisngi nito. "Ah. Wa-wala naman. Akala ko kasi hindi ka darating," nakangiting wika nito sa kapatid. "Grabe ka naman. Kanina pa kaya ako nagmimiskol. Nakailang text na rin ako. Kaya dumeretso na lang ako dito," pahayag ni Aries. Tiningnan naman ni Aliah ang bag niya para siyasatin ang kaniyang cellphone. 15 missed calls, at 10 text messages. Tama nga ang sinabi ng kapatid. Marahil, napasobra ang enjoyment niya ngayong araw at nakalimutan niyang naka-silent mode pala ang phone niya at hindi niya naramdaman ang pag-vibrate ng mga tawag at ingay ng text ng kapatid. "Ate, okay ka lang? Kumain ka na ba? Mukhang masaya yata aura mo ah? Ha-ha," Alog-alog at wika ng kapatid niya sa kaniya. "Wala. Masaya lang ako. Gutom na ako. May niluto ka ba?" pag-iiba ng usapan ni Aliah. "Ayan tayo eh. Buti nakapagluto ako. Sige, maghahanda na ako para makakain ang prinsesa kong ate. Ha-ha." Ngingiti-ngiting sabi ni Aries. Pumanhik na lamang muna si Aliah sa kaniyang kuwarto at nagpalit ng damit. ...... Sa kabilang banda, nakauwi naman ng maayos si Jayrus sa kaniyang tinutuluyan. May bahid ng ngiti ng kasiyahan ang kaniyang mukha. Unang pagkakataon para sa kaniyang mas kilalanin pa ng husto si Aliah, ang babaeng nagpatibok ng kaniyang puso. Ang hindi alam ni Jayrus, natunton pala ng isang hindi kilalang lalaki ang tinutuluyan niya. Nakangiti ito. Naghithit-buga pa ito ng sigarilyo sa lilim na lugar. Nanlilisik ang mga mata nitong nakatingin sa labas ng bahay ni Jayrus.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD