Matapos masiguradong walang nakakita sa kaniya ay agad na umalis sa kaniyang pinagtataguan ang lalaki. Malapit na siya sa highway nang may makasalubong siyang dalawang babaeng nakasuot ng maninipis at hapit na hapit sa katawang damit. Galing ang mga ito siguro sa isang p****i house. "Hi, pogi." Kinindatan siya ng isa. "Baka gusto mong magliwaliw muna pogi," nang-aakit namang wika ng isang babaeng kasama nito sa lalaki. Hindi nagsalita ang lalaki. Sa halip ay tumango na lang ito bilang pagsang-ayon. Matagal-tagal na rin kasi siyang hindi nakakatikim ng laman. "May alam akong lugar," suhestyon ng isang babaeng halos lumuwa na ang dibdib sa suot nitong tube. "Gaga ka ba? Bakit mo pa siya dadalhin sa ibang lugar kung puwede naman sa bahay ko," pang-aakit muli ng pangalawang babae sa lal