Strange Feeling

1005 Words
Araw ng Sabado. Isa itong araw na hinihintay palagi ni Aliah dahil day off na niya. Oras na naman ng kaniyang pahinga. Araw na inaabangan niya linggo-linggo. Ito ang araw kung saan makakatulog siya ng buong araw upang kalimutan ang limang araw na pasok niya sa trabaho. Kasama na rin doon ang paglimot sa makukulit at nagbibigay ng stress ss kaniya na mga irrtate customers. At dahil wala namang nangyaring kahina-hinala at hindi niya rin nakita ang lalaking nakasabay niya sa bus matapos silang maghiwalay ni Jayrus ay nakahinga siya ng maluwag. Wala rin naman siyang nabalitaang may nabiktima na naman. Marahil, nagpapahinga at bumubewelo lang ang suspek. O hindi kaya ay gumagala at naghahanap ng susunod na mabibiktima. O kaya ay nagpapalamig lang upang hindi mahuli. Iilan lang iyan sa mga naiisip ni Aliah. Samantala, aliw na aliw talaga si Aliah sa kakornihan ni Jayrus. Halos isang linggo pa lang sila nagkakakilanlan pero pakiramdam niya ay napakabuting tao ni Jayrus. Hindi siya nauubusan ng mga joke. Kahit simpleng biro na hindi nakakatawa ay mapapatawa ka na lang. Hindi mo aakalaing may other side pala itong magpatawa. At isa siya sa mga biktima niya sa mga corny nitong jokes Sa tuwing ngumingiti ito sa kaniya ay agad siyang napapangiti. Hindi lang basta ngiti, napapahalakhak pa siya sa mga walang kuwenta nitong mga biro. Nguni't kapag tinutukso na siya ni Dabby, sinisimangutan niya ito. Kaya naman todo pa-cute naman kay Jayrus si Dabby. Minsan nga ay nahuli siya ni Dabby na namumula ang pisngi. Subali't iwas-tanggi na lamang ang sagot niya sa kaibigan. Sa isang maliit na apartment nangungupahan si Aliah. Studio type na may dalawang kuwarto. May kusinang sapat na para siya ay makapagluto. At siyempre, may sarili rin itong banyo. Hindi na niya kailangan pang lumabas para maligo dahil nasa loob ng apartment nito ang banyo. Ang isang kuwarto ay tambakan muna ng kaniyang mga gamit. Maglilimang taon na rin siyang umuupa roon. Mabait ang landlord at landlady nila kaya wala pa siyang balak na lumipat ng ibang matitirhan. Kahit na mag-isa siya roon ay hindi naman siya malungkot. Binibisita naman siya minsan ng kaniyang kapatid na lalaking si Aries kapag linggo. Pero bukas ng linggo ay hindi makakapunta ang kapatid niya. Dalawa lang silang magkapatid at ang kaniyang nakababatang kapatid ay nagtatrabaho na rin. 'Yun nga lang malayo sa kaniya. Dasmarinas, Cavite siya at sa Quezon City naman ang kapatid niya nagtatrabaho. Napasalampak na lang sa kama si Aliah. Unti-unti naman siyang pumikit. Dinamdam ang malambot na higaan at mga unang katabi niya lagi sa pagtulog. Hanggang sa dalawin na nga siya ng antok at tuluyan ng napahimbing ang tulog. ... Kinabukasan, tanghali na ng magising si Aliah. Araw ng linggo at kailangan niyang pumunta ng mall para makapagsimba. Sa lahat ng bagay na hindi niya kinaliligtaang gawin ay ang pagsimba linggo-linggo kahit hindi man sa mismong literal na simbahan ang lokasyon. Bago ihanda ang sarili ay inayos muna ni Aliah ang kulay asul niyang kobre-kama. Hindi naman siya mahilig sa blue dahil pati punda ng unan niya ay asul din. Favorite niya lang talaga ang kulay na blue. Mahilig kasi siyang manood ng Lilo at Stitch noong bata pa siya at do'n siya nagkainteres sa kulay asul. Matapos isaayos ang kaniyang higaan ay naghanda naman siya ng almusal niya. Tanghaling tapat na pero ang hindi niya ay breakfast palang niya. Ang lulutuin niyang hotdog with fried egg ay magsisilbi na rin niyang tanghalian para sa araw na iyon. Bago maligo ay naglinis pa siya ng buong apartment at dumeretso ng banyo. Makalipas ang ilang oras ay gumayak na siya para pumunta sa mall. Ni-lock na niya ang pinto at nagsimulang mag-abang ng masasakyang jeep papuntang mall. Mha sampu hanggang labinlimang minuto lang naman ang layo mula sa tinutuluyan niya. Pagkarating sa mall ay pumunta siya sa gitna kung saan malimit idaos ang mga palabas o mall shows. Sakto lang ang dating niya dahil kakasimula pa lang ng simba ng araw na iyon. One hour after ay nagpasiya siyang magliwaliw. Tambayan niya ang national bookstore kaya doon siya dederetso para tumingin-tingin ng mga libro at kapag may sale na magugustuhang books ay bibilhin niya. Kasalukuyan siyang naglalakad paakyat sa second floor gamit ang escalator nang may napansin siya sa hindi kalayuan na isang lalaking naka-hoodie. Nakapasok ang dalawang kamay nito sa dalawang bulsa ng kaniyang jacket pero titig na titig ang mga mata nito sa kaniya. Umiwas ng tingin si Aliah at dere-deretsong naglakad papuntang bookstore. Hindi niya namukhaan masyado ang mukha ng lalaki pero ang mga mata nito ay sadyang nakakatakot. Tingin na may kasamang pagnanasa na parang hinuhubaran na siya. Bahagya siyang tumigil at lumingon sa kinaroroonan ng lalaki pero paglingon niya ay wala na ito. Hinanap pa niya ito kaliwa't kanan sa paningin niya pero wala na. Napailing na lang at napahawak si Aliah sa kaniyang kinakabahang dibdib. Linggo ngayon at alam niyang maraming tao kaya huminga na lang siya ng malalim at agad na naglakad papunta sa loob ng national bookstore. Hahakbang na sana siya nang bigla na lamang siyang makaramdam ng isang kamay na kumapit sa kaniyang braso. Pansamantalang tumigil ang oras at mundo niya. Hindi siya makapagsalita. Tila naurong pa ang kaniyang dila. Ayaw niyang lumingon dahil baka kapag lilingunin niya ang humawak sa kaniyang kamay ay atakihin siya sa puso or bigla na lamang hihimatayin. Nakiramdam muna saglit si Aliah. Malamig ang kamay na kumapit sa braso niya. Tinangka niyang i-roll ang mga mata upang masilayan sa peripheral vision niya ang taong iyon. Pero tila, mas nananisin na lamang niyang pumikit muna. Ganoon nga ang kaniyang ginawa. Nagbilang siya ng limang minuto sa isipan habang nakapikit. Huminga siya nang malalim. Inhale. Exhale. Then, Aliah grab the hand and pull it away from her and decided to open eyes towards the direction of the guard. Aaaaaaaahhhhhh! Napasigaw nang malakas si Aliah at agad na nagtatakbo sa kinaroroonan ng guard na nakabantay sa national bookstore.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD