"Aliah, magtatatlong buwan na akong nanliligaw sa iyo, baka puwede ko na bang malaman kung may pag-asa ba ako?" tanong ni Enrique sa kaniya. "Susuko ka na ba?" sagot naman ni Aliah. Nakapamaywang pa ito sa kaniya. "Hindi naman sa ganoon. Gusto ko lang kasing malaman kung may pitak ba ako riyan sa puso mo," nakakunot-noong wika ni Enrique. Napapakamot pa ito sa ulo. "Okay, fine. Actually, I don't have feelings for you. I just accepted all your request, but it was all a friendly date for me. Wala talaga akong makapang kahit konti para sa iyo, Enrique. Mas bagay kayo ng best friend ko. Bakit hindi mo pagbigyan o hindi kaya ay subukan mong mahalin siya," sagot ni Aliah. Dire-diretsong sagot nito sa kaniya. "You and Dabby have different personality. Mahal ko rin si Dabby as a friend lang p