Matapos ang pakikipagkalas ni Aliah kay Jayrus ay naging abala na lamang siya sa kaniyang trabaho. Ibinuhos na lamang niya ang atensyon at isipan sa work upang makalimutan ang nangyari at ang lalaking minahal niya. Dalawang araw kasi pagkatapos ng nangyari sa kanila ay hindi na nagpakita si Jayrus. Hindi na niya alam kung saan ito. Hindi na rin siya pumapasok sa trabaho. Hanggang sa naging AWOL (absent without leave) na siya makalipas ang isang linggo. At dahil siya ang dating nobya ay siya ang tinatanong ng kaniyang supervisor na si Ms. Jasmin. Hindi rin kasi maikakailang alam ito ng kaniyang bisor. "Aliah, may I talk to you for a minute?" Tinawag siya ni Ms. Jasmin. Ilang stations lang ang layo niya sa supervisor kaya dinig niya ang pagtawag sa pangalan niya. "Yes, Ma'am," sagot ni A