Dahil walang alam na pamilya o kamag-anak man lamang ang dalawang batang sinagip ng otoridad, sa isang bahay ampunan sila dinala. Pero bago sila dinala roon ay sinangguni nila sila sa DSWD (Department of Social Welfare and Development) upang maalagaan. Alam ng mga pulis at ng tagapangasiwa ng DSWD na napakalaki ng traumang idinulot ng krimeng naganap sa mga bata limang taon ang nakakaraan. Alam din nilang hindi iyon basta-basta na lamang mabubura sa kanilang mga isipan. Kaya't laking pasasalamat na rin dahil hindi sila naisama ng mga taong pumatay sa kanilang magulang. Mahiyain at sadyang mailap kausapin ang isang bata. Samantala, isang suplado at barumbado naman ang kapatid nito. Kahit noong inilagak sila sa DSWD ay walang oras na hindi nakasimangot ang isa at iyak naman nang iyak ang u