Magtatatlong buwan na ang nakalilipas ay unti-unti ng nakakalimutan ni Aliah si Jayrus. Itinuon na lamang niya ang kaniyang buong atensyon sa pagtatrabaho at sa iba pang mga bagay. Bihirang-bihira na rin ang mga lalaking gusto siyang ligawan. Alam niya kasi sa sarili niyang darating ang tamang panahon ng pag-ibig sa kaniya. Kaya hindi na niya pinapansin ang mga nais na pormahan o ligawan siya sa huli. At kapag dumating man ang panahong iyon, sisiguraduhin niyang handa na nga siyang umibig muli. Kasalukuyang sumasagot sa isang e-mail si Aliah sa harap ng kaniyang computer nang bigla na lamang pinatay ni Dabby ang monitor at hinawakan siya sa kamay. "Anyare best?" tanong ni Aliah habang dire-diretso siyang dinala ni Dabby sa ladies room. "Psst. Huwag kang maingay," sabi ni Dabby sa mahi