"Hey, I brought flowers for all the girls here, and since Rose was the first woman I saw, here. For you, young lady." Napakurap ako ng ilang ulit nang humugot si Rod ng isang tangkay ng rose mula sa isang bungkos niyang dala at iniabot sa akin. Napakatamis nang mga ngiti niya habang nakatitig sa akin, na para bang isang napakagandang babae ang nasa harapan niya ngayon. Sa gilid ng mga mata ko ay kita ko ang paghabol nang tingin ni Sir Gabriel sa rose na ngayon ay nasa harapan ko na. "Ahm..." Hindi ko malaman ang gagawin ko pero wala akong planong tanggapin ang bulaklak niya. Lamunin niya kung gusto niya! Naalala kong dati ay palagi niya akong binibigyan niyan. Kilig na kilig pa ako noon pero ngayon, gusto ko nang masuka sa lahat ng mga alaalang mayroon kaming dalawa. Pinagsisisihan ko