Matapos naming makapag-impake ng lahat ng mga dadalhin naming gamit ay kaagad na kaming bumaba ng bahay. Pinagtulungang buhatin nila Sir Gabriel, Tonyo at ng kapatid nitong si Sheryl ang mga bagahe namin na mailabas ng mansion at maipasok sa loob ng kotse habang si Bokbok naman ay buhat ko. "Kukuha lang ako saglit ng tubig ni Bokbok," ani ko sa kanila bago ko ibinaba si Bokbok sa loob ng kotse at muling bumalik sa loob ng mansion. Wala naman akong narinig na anumang sagot mula sa kanila dahil pare-parehas silang abala sa pagkakarga ng mga bagahe namin sa compartment ng isang kotse. Kasama na rin kasi doon ang kay Sir Gabriel. Dumiretso ako sa kusina habang bitbit ang feeding bottle ni Bokbok. Kaagad ko itong hinugasan sa gripo at nilagyan ng malinis na tubig. Matapos ay kaagad ko n
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books