RAINE’s POV
"Shame, ang guwapo nila!" paimpit na tili ni Mae-ann.
"Super!" tili ni Erica.
"He!" saway ni Mg. Jun na siyang driver namin.
Nanatili naman ang tingin ko sa labas. Buwiset na Tristan na yun. Linasing talaga ako para makalimutan kong kunin 'yung id ko sa kanya kagabi. Saka ko lang naalala na hindi ko nakuha 'yung id ko kagabi nung nasa ilalim ako ng shower kanina. I have no choice kundi hanapin siya para makapasok ako sa loob ng school. Nakakadyahe na ring magtago sa likod ng mga estudyante para lang ‘di mapansin ng guwardya na wala akong id.
Nang makapasok na sa parking area ang kotse ay nakita ko silang nakatambay malapit sa guard house. Dali-dali akong bumaba sa sasakyan at lumapit sa kanila.
"Akina ang id ko!" agad kong bulyaw sa kanya na hindi pinapansin ang pagbati ng tatlong kaibigan niya. Andyan naman sina Erica to greet them back.
"Yeah, good afternoon, too." tinatamad na sagot niya sa akin. Leche, pinaglalaruan ba ako ng higanteng to?
"Ano ba?! Ginagawa mo na akong tanga! Asan na 'yung id ko?" badtrip na talaga ako sa lalaking to.
"Gusto mong makuha ‘'yung id mo?" natigilan ang pagmumuryot ko nang masilip ko ang kapilyuhan sa mga mata niya.
"Hello?! Kahapon ko pa hinihingi sa'yo 'yung id ko. Ano ba?!"
"Kiss muna." ngisi niya. s**t, ba't parang gwumapo ang tipaklong na ito? Naramdaman kong nag-init ang buong mukha ko nang parang choir na sabay-sabay na mag-'uy' 'yung tatlong barkada niya at ang mga traidor na kaibigan ko. Pati 'yung ibang mga estudyanteng papasok sa gate ay biglang napatigil at pinanuod kami.
Shit talagang lalaking ito!
"Pwede ba,ibigay mo na lang 'yung id ko. Malapit ng mag-time!" mariin kong sabi sa kanya habang naniningkit ang mga mata ko. Inismiran lang ako ng walanghiya at sa inis ko hindi ko namalayang tumaas na ang nakakuyom kong kamao at tumama ng malakas sa panga niya. Napasinghap ang lahat. Nanlaki naman ang mga mata ko nang tignan niya ako ng puno ng galit.
"s**t! Sorry, sorry! Ibigay mo na kasi 'yung id ko." maluha-luha ko nang pakiusap sa kanya. I tried holding him pero bago ko pa siya mahawakan ay hinawakan niya na ang mukha ko gamit ang dalawa niyang kamay and the next thing I know ay mariin niya na akong hinahalikan.
"Mmph!" I tried pushing him away but to no avail. Para lang akong nanunulak ng pader.
"Ay, s**t!" hindi ko na malingon kung kanino galing iyon. Linalaro pa rin ng labi at dila niya ang bibig ko. Saka lang niya ako binitawan noong pareho na kaming hindi makahinga. Napatulala lang ako sa kanya habang nakangisi pa rin siya sa akin habang hawak ang bibig niya. Saka lang nagbalik ang katinuan ko ng masulyapan ko ang pamilyar na lalaking matatalim ang tingin sa akin. This can't be happening! Si Waylon ang lalaking iyon. And by the look he is giving me, alam kong nasaksihan niya ang kissing show na naganap. Dali-dali akong lumapit sa kanya at sinubukan siyang hawakan ngunit ipiniksi lang niya ang braso niya.
"Waylon, let me explain," pakiusap ko sa kanya ngunit umiwas lang siya at naglakad na papasok ng school.
"Waylon," hinabol ko siya pero may humawak sa bisig ko na pumigil sa paghakbang ko para mahabol ang boyfriend ko. Nagtataka akong lumingon. Nanggalaiti ako nang makita kong si Tristan iyon. Tinanggal ko ang pagkakakapit ng kamay niya sa braso ko at itinulak siya.
"Kasalanan mo ito eh!" ewan ko pero napaiyak na ako sa halu-halong emosyon. Naitakip ko sa mukha ko ang dalawang kamay ko at walang kiber na humagulgol. Wala na akong pakialam kahit mapanuod pa ako ng mga estudyante ng SBU tutal kanina pa ako napahiya dahil sa walangyang higanteng tipaklong na ito. Napatigil lang ako sa pag-iyak na maramdaman kong may isinuot siya sa ulo ko at ibinaba iyon sa leeg ko. Tinanggal ko ang mga palad ko at yumuko para makita ang isinuot niya sa akin. Sa wakas, after all the dramas, isinauli na rin niya ang id ko. Mabilis ko siyang tinalikuran at nagmamadaling pumasok sa loob ng eskuwelahan.
…………..
Nakailang beses na akong sulyap sa suot kong relo. 5.30 pa lang. Thirty minutes pa bago matapos ang klase namin. Kung hindi lang kami nagreport, kanina pa sana ako sa labas ng classroom nina Waylon at naghihintay para makapag-explain sa kanya. Hay, bwiset kasing lalaking iyon eh.
"Bez, kanina ka pa galaw ng galaw dyan. Ba't di ka na lang magpaexcuse at pumunta sa cr kung ihing-ihi ka na." papansin talaga tong Marlon na ito.
"Pwede ba, bez? Manahimik ka kung ayaw mong sapukin kita diyan." asar kong sagot sa kanya.
"Taray! Kung ako si Waylon, hindi ko papakinggan 'yung explanation mo." bulong pa niya. You heard him right. Kalat na sa buong SBU 'yung nangyari eksena sa may gate kanina. Ganiyan kabilis ang tsismis dito sa school namin. Kaya nga hindi na ako nagtataka na kanina pa ako pinagtitinginan ng mga kaklase ko. 'Yung iba nakangisi tapos magbubulungan. 'Yung iba nagpaparinig ng mga salitang 'two-timer', 'malandi', 'p****k', 'b***h' and the likes. Masakit mang pakinggan pero hindi sila ang priority kong makausap sa ngayon kundi si Waylon.
Pagkalabas ko sa lab ay agad ko nang tinungo ang building na kinaroroonan ng classroom nina Waylon. Wala na akong pansin sa paligid dahil ang makarating kay Waylon ang focus ko kahit na isang oras pa akong maghihintay bago matapos ang klase niya. Kinakabahan ako. Naglalakad ako ng pabalik-balik sa labas ng room nila. What if mapahiya na naman ako? What if ayaw akong kausapin ni Waylon? What if makipag-break siya sa akin? Natatakot ako sa pwedeng mangyari pero sumisingit ang pagkaasar ko sa Tristan na iyon. Siya ang malas sa buhay ko!
Kagat ko ang labi ko nang makita kong palabas na si Waylon sa room nila. Agad ko siyang nilapitan at kumapit sa braso niya.
"’Ney, usap tayo please." I pleaded. Tinignan niya muna ako bago tumango. Sumulyap ako kina Erica at Mae-ann. Sa pagtitinginan namin ay nagkakaintindihan na kami. Hihintayin na lang nila ako sa harap ng gym.
Tahimik kaming pumunta sa isang bakanteng kwarto. Its 7pm at wala ng nagkaklase doon.
"Sige start explaining." utos niya sa akin. Sinimulan ko ang pagkukuwento ko mula sa pagkawala ng id ko, pagpunta ko sa gym, pagpunta namin sa bar at 'yung nangyari sa gate. Madilim ang mukha niya pagkatapos kong magsalita. Lumapit ako sa kanya at yumakap.
"’Ney, hindi ko naman in-expect na ganon ang gagawin niya eh. Tsaka wala naman akong pakialam kung guwapo at sikat 'yung grupong iyon. Ikaw lang ang priority ko. Ikaw ang mahal ko." yinakap ko siya. I was silently hoping na paniwalaan niya ako.
"You want me to forget what happened to you and that Tristan-jerk?" tanong niya sa akin.
"Oo, ‘ney."
"Then patunayan mo 'yung sinasabi mong mahal mo ako. Give your self to me as an assurance na mahal mo ako at akin ka lang." siya naman ang yumakap sa akin. Natigilan ako sa sinabi niya. Am I ready to give him my V para lang mapatunayang mahal ko siya at para sa insecurities niya? Pero ayoko pa. Paano si Nanay at ang kapatid ko? What if mabuntis ako? Kailangan kong magtapos at magkatrabaho para mapag-aral ang kapatid ko at tuparin ang mga pangarap ko sa pamilya ko.
"Look, hindi kita bubuntisin. We can use protection. I just want to make sure na akin ka lang." nabasa niya ang takot sa mukha ko kaya siguro niya sinabi ang mga yun. Pero ayoko pa rin. Para sa akin, 'yung V ko ang pinakaimportanteng maireregalo ko sa mapapangasawa ko in the near future.
"What?" naiinip na tanong niya.
"Ney--" pareho kaming natigilan ng makarinig kami ng kalabog sa labas ng kuwarto. Nagkatinginan kami at sabay na pumunta sa pintuan. Naabutan namin ang 5 Kings na naglalakad sa direksyon namin. Nag-uusap sila samantalang nakatingin ng masama sa amin 'yung tipaklong na si Tristan. Nang makita sila ni Waylon ay agad niya akong inakbayan. Nang matapat sila sa amin ay huminto sila sa pag-uusap. Lumingon sila sa amin at pinag-aralan si Waylon.
"So this is the boyfriend." si Vince.
"Hi, Raine." sabay sina Apollo at Harry. Tinanguan lamang ako ng piping si Jacob at lalo namang tumalim ang tingin ni Tristan at tinitigan pa ang kamay ni Waylon na nakaakbay sa akin. Hindi naman nagpatinag si Waylon na lalo pa akong hinapit palapit sa katawan niya.
"Waylon Gene Hernandez pare, Nursing." itinaas niya ang palad niya. Matagal bago abutin iyon ni Harry dahil mukhang walang balak ang mga kasamahan niyang makipag-hand shake.
"Harry Griffith. Sina Jacob Tan, Vince Ordonez, Apollo de Blanch at Tristan Jed Kim. Business Ad."
"Nice meeting you but my gf and I have to go. Hinihintay na siya ng mga friends niya." magalang na paalam ni Waylon sa kanila.
"Sige, dude. Ingatan mo ‘yang gf mo." si Vince. May pakiramdam akong may ibang ipinapahiwatig ang pagpapaalala niya kaya liningon ko siya pero nginitian niya lang ako.
"Siyempre naman, pare. Mahal na mahal ko yata 'to."
"Talaga lang ha?" sabay-sabay kaming napatingin kay Tristan. Nag-uumpisa na naman ba siyang mang-asar?
"TJ." there's a warning on his voice - sa wakas nagsalita din si Jacob. Akala ko pipi eh.
"What?!" asar na lingon ni Tipaklong sa kanya.
"Let's go." yakag ko kay Waylon. I smiled at them pero pagtingin ko kay Tristan ay sumimangot ako.
"Tss." he smirked at me. Tinalikuran ko na sila at hinila na si Waylon.
"Bye, Raine." sabi ni Apollo ngunit di ko na sila lingon pa.
"I think he likes you." walang anu-ano'y sabi ni Waylon habang naglalakad kami papuntang gym.
"Ha? Sino?" nagulat ako sa sinabi niya.
"’'Yung Tristan."
"What? Pfft! Ano ka ba, pinagtritripan lang ako nun. Haven't you heard? Mahilig gumawa ng pranks 'yung mga iyon. Kaya nga ata sila na-kick out sa SCU kase wala na silang ginawa kundi i-bully at paglaruan 'yung mga kawawang estudyante dun. At ngayong andito na sila, ako naman ang inuna nilang pinaglalaruan."
"Basta I have a feeling na kursunada ka nung gagong iyon." kulit pa niya.
"’Ney, kahit na totoo yang sinasabi mo, hindi ko iyon magugustuhan dahil siya ang malas sa buhay ko."
"I need an assurance." naman. Balik na naman kami sa topic na iyon.
"Raine!" tawag ni Mae-ann. Nasa harap na pala kami ng gym. Saved by the bell.
"Pag-iisipan ko." I told him. He smiled at me.
"Sana sa monthsary natin this month may desisyon ka na." he kissed my lips. Nagpaalam na siya sa amin at umalis. Hinila naman ako ni Erica papasok ng kotse at pinagtulungan nila ako para magkuwento.