Chapter 3

958 Words
RAINE’s POV So no choice kaya pinunasan ko na rin 'yung mukha niya in a not so gentle way pero wala naman akong narinig na reklamo mula sa kanya. Nang makita kong malinis na ang mukha niya ay agad ko nang ibinigay 'yung bimpo at in-extend 'yung kamay ko. "ID ko?" nakasimangot kong sabi sa kanya. "Wala sa akin." malamig niyang sagot. "What the eff? Akala ko ba--?!" pakiramdam ko ay umakyat ang lahat ng dugo ko sa ulo ko dahil sa sagot niya. "Wala nga. Naiwan ko sa bahay." cool niyang sabi. "Tristan, ‘'di ba nasa ba--..." bigla namang tinignan nang matalim ni Tristan si Vince. "Ah, oo nga pala. Nasa bahay mo." biglang bawi ng loko. "Naknaman! Eh bakit mo pa ako pinapunta at ginawang taga-punas ng pawis mo kung wala naman pala sa'yo ngayon 'yung id ko?!" halos mag-usok na ang mga butas ng ilong ko sa sobrang asar ko sa kanya. "Mamayang gabi, magkita tayo sa Tippi ng mga 9 pm. Isama mo 'yung barkada mo, pero wag na wag mong dadalhin 'yung bf mong unano. Dun ko ibibigay 'yung ID mo." Wow! Ang hangin porke mga matatangkad sila ng barkada niya. "Hoy, excuse me lang, hindi unano ang bf ko. Higante ka lang!" maliit lang nga si Waylon kung ikukumpara mo sa 6 footer na lalaking ito. 5'5 lang si Waylon samantalang 5'2 ako kaya wala namang problema sa akin iyon. Kung makainsulto naman ito kala mo naman. Hay, buwiset talaga. Kung ‘di ko lang kailangan asap 'yung ID ko eh. Kung kukuha naman ako ng bagong id, it will take the admin 1 month to give me a replacement. Tang-ina this! "Ano? Payag ka?" nakangisi pa ang loko. "As if naman may choice pa akong iba, 'di ba?" inismiran ko siya at tinalikuran. Nagulat ako nung masalubong ko 'yung grupo ng kababaihan na very colorful ang mga mukha. Erica and Mae-ann call them Make Up Girls. Matatalim ang mga tingin nila sa akin nung lampasan ko sila. Problema ng mga to? Tss. .... Tippi Bar 9.30 pm Hay asar! Late na kami sa usapan namin ng mga higanteng yun. Kumbat naman kase naubusan pa kami ng gasolina nung papasok kami ng Session Road. Buti na lang may malapit na gasolinahan kaya 'di malayo 'yung pinagtulakan namin ng kotse nina Erica. Ang pamilya niya ang nagpapa-aral samin ni Mae-anne. Libre bahay at pagkain pa. May sarili pa silang driver kaya ‘di rin problema ang gastusin sa pagpasok sa school. Kaming tatlo at 'yung driver at kasambahay lang ang nakatira sa two storey house na nabili nila sa isang subdivision sa Camp 7. Matatawag kong masuwerte kami dahil naging kaibigan namin si Erica. Kung hindi dahil sa kanya baka ni ang umapak sa City of Pines ay hindi ko magawa. Paakyat na kami papasok sa bar njng makasalubong namin si Harry. "Hallah, bakit ngayon ka lang? Kanina pa naaasar si Tristan sa kahihintay." sabi niya at walang sabi-sabing hinila niya ang kamay ko. Wala naman kaming pagpipilian kundi ang sumunod sa kanya. Nang makarating kami sa table nila ay napatingin sa amin ang mga miyembro ng 5 Kings na naroon. Binitawan ni Harry ang kamay kong hawak niya nang mapatingin doon si Tristan-suplado. Tss, anong trip nito? "Akina 'yung id ko!" yamot kong sabi sa kanya. "You're late!" sigaw niya sa akin. "Naubusan kami ng gasolina! Akinang id ko!" inilahad ko pa ang palad ko sa kanya. Hinila niya ito at pinilit akong maupo sa tabi niya. Puro sofa kasi ang upuan dito sa bar na ito. Halos mapasubsob ako sa lakas ng hila niya kaya ipiniksi ko ang kamay kong hawak niya nang makaupo na ako. Nakita kong pinaupo naman ng barkada niya sina Mae-anne at Erica. "Ba't ba ang hilig mong manghila?!" asar kong tanong sa kanya. Hindi niya ako pinansin at uminom na lang ng beer. "Asan na ba ‘yung id ko kase?!" napipikon na ako sa kanya. "Since you are late, you have to drink first bago ko ibigay 'yung id mo." WTF?! Talagang ginagago ako ng isang ito ah. "Asan ba iyang iinumin ko para mainom na? Para sa isang id lang eh nagagawa mo na akong pasunurin sa mga gusto mo!" bulyaw ko sa kanya. Nginisihan lang ako ng walangya. Nakita ko nang ipatong ng waiter ang isang barrel ng beer sa lamesa. Nanlaki ang mga mata ko. Don't tell me ipapainom niya lahat sa akin iyon?! "Walangya ka, ipapaubos mo sa akin lahat yan?!" tinaliman ko ang tingin ko sa kanya. "No, silly. Iinumin natin ‘yan." at umikot na ang baso. Nakita ko namang nag-eenjoy na sina Erica at Mae-anne kaya sinubukan ko na lang mag-enjoy. Okay naman kasi masayang kausap 'yung tatlo. Tahimik lang ako, si Jacob at itong supladong Tristan sa tabi ko. Nakalimang ikot na ang baso nang magyayang sumayaw sina Vince at Apollo. Hinila nila sina Mae-anne at Erica sa dance floor. Pinanuod ko lang sila. Katatapos ko lang inumin ang pang-anim na baso ko nang maramdaman kong hinawakan ni Tristan ang braso ko. "Ano ba?!" ipiniksi ko ang braso ko pero hindi niya binitawan ang pagkakahawak niya sa akin. Naramdaman ko na lang na nasa gitna na kami ng dance floor. Ilinagay niya ang mga kamay ko paikot sa leeg niya at iyinakap ang mga kamay niya sa baywang ko. "Hindi ako marunong." pasuplada kong sabi sa kanya. Ayoko man pero kinikilabutan ako sa pagkakalapit namin pero hindi ko naman mapigilang masamyo ang bango niya. Bakit ba kasi ambango ng hinayupak na ito eh?! "Then let me lead you." at nagsimula na siyang gumalaw. Sumabay ang katawan namin sa sensual na tugtog sa bar.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD