RAINE’s POV
Naglalakad kami ni Marlon dahil may binili kaming cd para sa next class namin sa SBU Square nang magulantang kami ng mga sigawan. Being tsismosos, agad kaming pumunta sa kaguluhan and from where we are standing, kitang-kita kong nakikipagsuntukan ang 5 Kings sa isang grupo ng frat. Mas marami ang kalaban nila ngunit balewala lamang sa kanila. Nakikipagsabayan sila ng suntok at sipa sa mga kalaban. Warfreak pala talaga ang 5 Kings. Ayoko nang makipaglapit pa sa kanila. Naitakip ko ang mga palad ko sa tenga ko dahil halos mabasag na ang eardrums ko sa tili ng mga babae sa paligid.
"Ang galing nila, bez!" sigaw ni Marlon sa may tenga ko.
"Wateber, tara na." at hinila ko na siya paalis 'dun. Hindi ko na talaga lalapitan ang grupong iyon. 5 Kings is synonymous to the word T-R-O-U-B-L-E.
Andito kami sa Mc Donald's ni Waylon habang nasa malayong mesa sina Erica at Mae-anne. One week na ang nakakaraan mula ng humingi siya ng assurance ng pagmamahal ko sa kanya. Next week na ang monthsary namin at aminado akong wala pa akong desisyon tungkol sa hinihingi niya.
"’Ney, saan tayo sa monthsary natin? Dapat special yun. Gusto mo sa Puerto de San Juan tayo?" excited siya. Parang siguradong-sigurado siya na ibibigay ko na talaga ang V ko sa kanya.
"’Ney, tungkol 'dun, ah..." shems ‘di ko masabi.
"What? Don't tell me hindi ka pa decided?" asar na tanong niya.
"Kasi, ‘Ney..."
"Damn!" bulong niya.
"Mahal mo ba talaga ako?" madiin niyang tanong sa akin.
"Oo naman."
"Then bakit ayaw mo pa?"
"’Ney naman eh."
"Siguro what I'll do will help you decide." at tumayo na siya para umalis.
"Teka Waylon, saan ka pupunta?" hinabol ko siya ngunit hindi man lang niya ako liningon. Mabilis siyang lumabas at sumakay sa taxi kaya wala na akong nagawa pa kundi pumasok ulit sa loob. Naiiyak na ako kaya payuko akong naglalakad kaya nabangga ako sa isang malapad na katawan.
"Sorry." I managed to mumble.
"Hey, are you crying?" 'di ko kilala ang boses ng pakialamerong ito ah. Nagulat ako dahil nang tumingala ako ay si Jacob ang nabungaran ko. May hawak siyang lalagyan ng pagkain.
"Hindi ah." iniwas ko ang tingin ko sa kanya. Himala, nakikipag-usap tong pipi na to.
"Talaga lang ha. Asan mga friends mo? Mind if I join you?" nagkibit balikat ako at umakyat na sa second floor ng fastfood. Tumungo ako sa table nila Mae-anne na nagulat dahil umupo si Jacob sa bakenteng upuan.
"Oh ba't siya ang kasama mo? Nasaan si Waylon?" tanong ni Erica.
"Umalis na." mahina kong sagot.
"Nag-away na naman kayo?" si Mae-anne. Bumuntong-hininga ako.
"Kaya ka pala umiiyak." sabi ni Jacob. "Buti na lang ako ang pumunta dito at hindi si Tristan." mahina niyang dugtong. Tss, anong paki nung Tristan na iyon sa akin?
"Dahil na naman ba sa hinihingi niya?" concern na tanong ni Mae-anne.
"Shh!" sinipa ko ang paa niya sa ilalim ng mesa ngunit mukhang ‘di na siya makapagpigil pa sa pagdakdak.
"Ano ba namang lalake ‘yan. Dahil lang sa ayaw mo pang ibigay yang vir-ummph!" bigla kong tinakpan ang bunganga niya. Hello, may lalaki kaya kaming kasama. Ngunit hindi ko na napigilan si Erica sa pagsasalita na super pa-cute sa crush niyang si Jacob.
"My God. Dahil lang sa ilang patak ng dugo nagkakaganyan na 'yung lalaking iyon! Assurance, my ass!" at napa-facepalm na lang ako.
"What do you mean?" tanong ni Jacob kay Erica at ang traidor kong kaibigan nag-sweet-sweetan pa ng boses sa pagsagot.
"Eh paano, 'yung bf nitong si Raine nanghihingi ng assurance para sa monthsary nila next week. At ang proof daw ng assurance na iyon ay ang virginity niya." hay,binangka na talaga niya ang usapan.
"Really?"
"Yup. Gago talaga. I-break mo na, Raine." si Mae-anne.
Tumingin naman sa akin si Jacob. Nag-init ang mukha ko sa tinging ibinibigay niya sa akin.
"So?" tanong ni Jacob sa akin. ‘Di ko siya sinagot. Tumingin ako kina Erica at sinabing,
"Bilisan n’yo diyan nang makauwi na tayo."
......
Monthsary namin ni Waylon ngayong araw na ito. Napabuntong-hininga ako habang nakatitig sa handmade bracelet na ginawa ko para sa kanya. Hindi ko alam kung paano ko iyon ibibigay sa kanya, mula kasi nung mag-walk out siya nung nasa Mc Donald's kami ay iniiwasan niya na ako. Walang tawag o text man lang. I tried calling and texting him pero hindi niya sinasagot. Alam kong ginagawa niya ito para mapilitan akong ibigay ang hinihingi niya pero hindi ko talaga kaya. Ayokong biguin ang Nanay at kapatid ko. Siguro kailangan ko na siyang kausapin. Magpapaliwanag ako ng mabuti para maintindihan niya ang side ko. Kung ayaw naman na niya sa akin dahil hindi ko maibigay ang V ko sa kanya, kahit mahal ko siya, makikipaghiwalay na lang ako sa kanya ng maayos. Muli akong napabuntong-hininga.
"Uy, bez nakita ko si Waylon andun sa canteen," nakangiting umupo si Marlon sa tabi ko. This is it.
"Thanks, bez. Pakopya na lang ako ng notes mo bukas ha." aabsent na ako sa last subject namin. Kailangan ko na talaga siyang makausap. Kinuha ko ang bag ko at lumabas na upang magtungo sa canteen. Panay ang lingon ko habang dahan-dahan akong naglalakad. Pagkatapos ng ilang sandali ay nakita ko na siya. Kahit nakatalikod ay alam kong siya iyon. Teka, bakit kausap niya si Anne Casiope, iyong 1st runner up na Miss SBU. I didn't mean to eavesdrop but my curiousity is bugging me kaya tumigil ako ng ilang dipa mula sa table nila.
"Love, kelan mo ba hihiwalayan 'yung gf mo na ‘yun? One week na tayo hindi ka pa rin nakikipag-break sa nerd na yun." malambing niyang sabi kay Waylon. Sumulyap siya saglit sa akin na may tusong ngiti. Ibinalik naman niya agad kay Waylon ang kanyang pansin. Gustong manlaki ng ulo ko. Waylon is cheating on me. Ngali-ngali ko na silang sugurin ngunit pinigilan ko ang sarili ko. May gusto pa akong marinig mula kay Waylon.
"Don't worry, love. Kapag nakuha ko na ang virginity niya makikipaghiwalay na ako sa kanya. Alam mo kasi lahat ng nagiging gf ko eh nakukuha ko. Hindi ang tulad niya ang sisira sa record ko." nagmamalaking sabi niya sa babaeng iyon. Hindi na ako nakapagpigil at pumunta na ako sa harap nila. Kitang-kita ko ang gulat sa guwapong mukha ni Waylon.
"Happy monthsary, ‘Ney." pinilit kong ngumiti.
"’Ney." mahina niyang sabi. At kahit malamig ditto sa Baguio ay nagpunas siya ng pawis niya.
"Eto ang gift ko sa’yo, ‘Ney." pinagdiinan ko ang endearment ko sa kanya at sinampal ko siya. Inabot ko ang tasa na mainit na kape sa table nila at ibinuhos iyon sa harap niya sabay sigaw ng,
"Isipin mo na lang na yan 'yung hinihingi mong virginity ko. Break na tayo!" and with that tinalikuran ko na sila. Hindi ko na pinansin ang paghiyaw niya sa sakit at ang pagkakagulo ng mga tao. Takbo na lang ako ng takbo. All I wanted was to get away from them.
Takbo. Lakad. Takbo. Lakad. Takbo. Nagulat na lang ako nang makarating ako sa gitna ng People's Park na ‘di ko namamalayan. Sumalampak ako ng upo at umiyak. Iniiyak ko lahat ng sama ng loob ko kay Waylon. Ang sakit ng panloloko niya sa akin. Antanga ko. Akala ko minahal niya ako tapos malalaman ko na lang na virginity ko lang pala ang habol niya. Tang-inang lalaking yun. Umiyak ako nang umiyak. Wala akong pakialam kahit pagtinginan ako ng mga taong dumadaan sa paligid ko. Hindi ko na namalayan ang oras. Nang mapagod ako ay pinunasan ko na ang pisngi ko. Muntik na akong mapatalon sa gulat ng may magsalita sa tabi ko.
"Tapos ka na?" napalingon ako sa kanya at nanlaki ang mga mata ko ng mapagsino siya.
"Anong ginagawa mo dito, higante?!"