RAINE’s POV "Anong ginagawa mo dito, higante?!" "Tss. Andoon ako sa canteen kanina." shems, ngayon ako nakaramdam ng takot sa ginawa ko kay Waylon. "Umm, buhay pa ba siya?" alumpihit kong tanong. "I think so. Bakit mo ginawa iyon?" bumuntong-hininga ako at napilitang ikuwento sa kanya ang narinig ko. Hindi ko napigilang mapaiyak ulit. Nagulat ako nung punasan niya ang pisngi ko gamit ang pan'yo niya. Biruin mo nga naman nagdadala pala ng pan'yo ang higanteng ito. "Tama na! Pulang-pula na 'yang ilong at mga mata mo." patuloy siya sa pagpunas sa pisngi ko. "Blow your nose," nasa ilong ko na ang panyo niya at hawak pa rin niya ito. "Ako na," suminga ako sa panyo. "Salamat. Lalabahan ko na lang saka ko isasauli," ewan ko ba pero bigla na naman akong napaiyak. "Tss," nagulat ako nang b