RAINE’s POV Nagising akong giniginaw. Iniangat ko ang comforter. Wala akong anumang suot maliban sa isang mahabang tshirt. Kahit panloob ay wala. Nagsimula akong matakot. Mataranta. Nasaan ba ako? Iginala ko ang paningin ko sa paligid. Malaki at maganda ang kuwartong kinaroroonan ko. Masarap sa mata ang kulay ng buong silid. Nang mapatingin ako sa larawang nakasabit ay bumalik sa alaala ko ang nangyari kagabi. Pumasok sa isip ko ang ginawa namin ni Tristan. Nag-init ang mga pisngi ko. Nanginig ako bigla. Shit! Virgin pa kaya ako? Bumangon ako ngunit sa hindi malamang kadahilanan ay nanlambot ang mga tuhod ko kaya napaupo ulit ako sa kama. Nanghihina man pero kailangan kong lumabas dahil baka naghihintay na sina Erica at Mae-anne. Pinilit kong tumayo. Nanginginig man ang mga tuhod ko