Kanina pa ako naririndi sa walang sawang ingay sa loob ng gym. May nangyayari kasing Welcome Program para sa mga freshman pati na rin para sa mga transferees. Hindi ko na sana nais na pumunta, kaso halos lahat ay ni-required na dumalo. Like, duh? Bakit kailangang lahat pa e, old student na naman kami? Kanina ko pa nais na tumalilis at tumambay ng canteen. Inis na inilabas ko ang pamaypay kong hello kitty bago kiber na nagpaypay. Ang init dahil sobrang dami ng tao, ang ingay at naghalo-halo na ang mga amoy nila. Papawisan na naman ako ng bonggang-bongga nito! Kapag nakakuha ako ng pagkakataon, lalabas na talaga ako. Hindi naman siguro nila mapapansin na may nakaalis na isang magandang estudyante sa dami ng tao. Kaso, nagkalat ang mga teacher sa paligid. Parang binabantayan kung may nais n