Maingat kong inilagay ang kamay ni Roberto sa isang garapong sapat para magkasya iyon. Pinutol ko ang sobrang braso nito at tanging kamay lang ang itinira. May inihanda na akong hukay sa likod ng lumang building ng gabing iyon. Medyo madamo roon at malupa naman. Dahil balak ko na talaga siyang patayin oras na hindi siya pumayag na makipagbalikan sa akin. Hinila ko ang may kabigatan niyang katawan papuntang hukay. At ibinaon ko roon ang katawan ni Roberto. Nilinis ko ang lahat ng kalat na maaaring magturo sa akin na maging suspek. Matalino talaga ako dahil alam na alam ko ang dapat at hindi dapat gawin. Alam na alam... Matapos na lagyan ng pangalan ang takip ng garapon, nakangiting inilagay ko iyon sa estanteng may salamin. Matapos ma-secure na ayos na ito, agad na akong dumiretso ng pi