Si Niko, hay... Ang nag-iisang si Niko ang pinakamagandang tinig na atang narinig ko. Ang sarap niyang pakinggan kapag kumakanta lalo na ang love song... Parang feeling ko, ako ang kinakantahan niya. Tanging sa akin lang. Grabe, kailan ko kaya siya makikilala? Makukuha ko kaya ang nais ko sa kaniya gayong sikat siya at hindi niya alam na may magandang Yanna na nag-e-exist sa paligid niya? Gustong-gusto ko talagang maisama sa koleksiyon ko ang kaniyang... DILA!