Makalipas ang tatlong linggo... Matapos kong sindihan ang pangalawang kandila para sa inihanda kong dinner with candlelight for our monthsary, nasisiyahang pinagmasdan ko ang mga nakahaing pagkain. Hindi naman ako marunong magluto kaya inorder ko na lang ang mga ito sa kilalang restaurant. Mukhang kaaya-aya naman at masarap. Dito ko sinet-up sa seventh floor ng isang lumang building malapit sa aking bahay. Gusto ko kasi talaga ang mga kakaiba. Siyempre, para memorable, iyong hindi kaagad makakalimutan. Nagpakalat rin ako ng marami-raming kandila sa paligid para magbigay ng kahit kaunting liwanag sa madilim na gabi. Wala kasing buwan. Binayaran ko pa ang mga nagbuhat nito kanina dahil hagdan lang ang gamit. Bakas man sa mga mukha nila ang pagtatanong, hindi na nila tinangkang isatini