RH 5

1251 Words
Mabilis akong umupo nang tumapat na siya sa pinto ng cubicle. Agad kong hiniwaan ang binti niyang kita sa ilalim. Napasigaw siya sa sakit, kasabay nang pag-atras sa pinto. Kinuha ko ang pagkakataong iyon para tuluyang mabuksan ang pinto. Isang Kate ang kasalukuyang nakahawak sa dumudugong kaliwang binti niya. Tumayo siya nang tuwid nang mamataan ako at paika-ikang umaatras habang panay ang mura niya patungkol sa akin. Ang OA naman! Mababaw nga lang ang ginawa kong hiwa. Hindi nga umabot sa buto niya at kaunting laman lang naman ang kita, a? Arte talaga nito! Itinaas ko ang kutsilyo na para bang ako si Chucky doll na nanakot habang nakangisi. Puwes matakot talaga siya dahil totohanan na talaga ito! "Bit*ch! Weirdo ka talaga kahit kailan!" Bakas sa mukha ni Kate na nagmamatapang lang siya. Kahit kitang-kita sa mga mata niya ang takot. Ito talaga ang lubos na nagpapasaya sa akin! Mga ganitong eksenang sobrang takot na takot sila sa gagawin ko. Ginaganahan talaga ako! "Ano, Kate? Ilabas mo ang tapang mo ngayon na." Palapit ako nang palapit sa kaniya habang siya ay umaatras naman hanggang napasandal na siya sa marmol na lababo. "Tulong! Tulungan ninyo ako!" Naging malikot ang kaniyang mga mata habang sumisigaw. Tinawanan ko lang siya dahil sa bukod sa hindi nga ito napupuntahan ng mga tao, nagsisimula na ang programa sa auditorium. Napakalakas ng sounds ng speaker na sinasabayan pa nang malalakas na palakpakan. "Boba! Sino naman tutulong sa 'yo? Hindi mo napansin ang nakalagay sa labas ng pinto? Under maintenance? Aw, shunga ka talaga kahit kailan!" Isa rin iyon sa dahilan ko kung bakit pinanatili kong bukas kanina ang pinto, para hindi niya mapansin ang nakasabit sa labas ng pintuan. Natuwa nga ako dahil wala na talagang magtatangkang magbukas niyon o pumasok dito para gumamit. Para hindi na siya makasigaw pa, mabilis ko siyang nahawakan sa buhok at kinaladkad patungong kaliwang dulo ng cubicle. Medyo malaki ito kumpara sa lima pa dahil para iyon sa mga may kapansanan. Pilit ko siyang ipinapasok kahit pa halos nanlalaban na siya. Hawak ko nang mahigpit ang buhok niyang buti na lang at kulot. Hindi masiyadong nadudulas ang gloves ko. At dala nang inis, agad kong itinutok ang kutsilyo sa kaniyang leeg. "Subukan mong sumigaw at magwala, magkakaroon ng gripo ng dugo, dito mismo!" Pinakadiinan ko pa ng kaunti ang dulo ng kutsilyo sa kanang leeg niya. Natusok iyon kaya naman may tumulong kaunting dugo. "Ang likot-likot mo kasi! Pasok!" Ramdam ko ang panginginig ng katawan niya habang nagpaubaya na siyang pumasok. Halos natatapilok na siya sa suot na mataas na sapatos. Napangisi akong isinalya siya sa ibabaw ng toilet bowl bago ini-lock ang pinto. At least dito, kahit magngangawa siya, walang gaanong makakarinig. Isinara ko na kanina ang nag-iisang bintana na bakod lang naman ang likuran. Tanging kami lang dalawa ang magkakaintindihan sa gagawin ko sa kaniya. "Please... Please Yanna... No... Sorry..." Naghahalo-halo na ang luha at sipon niya habang magkasalikop ang mga kamay sa kandungan at nakaupo sa nakasaradong toilet bowl lid. Wala siyang anumang dalang bag. Malamang iniwan niya sa venue iyon. Napakasarap namang pakinggan ang pagmamakaawa niya, pero hindi sapat iyon! "Una, binuhusan mo ako nang tubig sa ulo. Gawin mo ngayon, sa sarili mo." Habang nakatutok ang may kahabaang kutsilyo sa gawi niya. Isang dipa rin ang layo ko sa kinauupuan niya. "Sige... Tapos pakakawalan mo na ba ako?" Nagkaroon ng pag-asa ang mga mata nito. Lihim akong napaismid. Matapang lang pala ito sa mga taong akala niya ay kayan-kayanan niya. Puwes, nagkamali siya ng kinalaban! "Pag-iisipan ko. Gawin mo na muna." Mapang-asar na tinig ang ginamit ko. Agad naman siyang tumayo at akmang lalabas para siguro kumuha ng tubig. Akalain mo ‘yun, uto-uto pala ito. At nagtaka siya nang pigilan ko ang tangka niyang paglabas. "Ayun o, 'yun ang gamitin mo." Isang plastic cup ang nasa ibabaw ng takip ng lalagyan ng tubig para sa flush ang itinuro ko gamit pa rin ang kutsilyo. Inilagay ko na iyon bago pa man kami makarating dito. Nalilitong napatingin dito si Kate at nilapitan. Nag-aalangan man dinampot niya ito at tinangka muling lumabas. "Ops, dito ka maghanap ng tubig." Halos sabay pa naming inilibot ang paningin sa paligid; walang gripo, timba at tabo sa loob. Dahil tinanggal ko lahat. "Nasaan ang tubig?" Nagsisimula na naman siyang mairita. "Maghanap ka." Itinaas ko nang bahagya ang kutsilyo para ipakita sa kaniya ang mangyayari kung hindi niya ako susundin. Napapalunok na nilapitan ang takip ng lalagyan ng tubig para sa flush, iniangat, subalit walang laman iyon kahit kaunti. Puro kalawang lang ang nakita niya marahil. Nandidiring ibinaba ni Kate ang may kabigatang takip. "Wala naman! Sa labas na lang kasi para matapos na!" Nanlilisik na ang mga mata nitong nakatingin sa akin. Inihanda ko na rin ang sarili ko dahil malamang sa hindi ay humahanap lang ito ng tiyempo para sa gagawing pagtakas sa akin. Hindi ako tumugon sa kaniyang mga reklamo. Tiningnan ko siya at makahulugan kong ibinaling sa nakasaradong toilet bowl ang mga iyon. Sobrang kashungaan na lang kung hindi pa niya na-gets ang nais kong iparating. Sinundan naman niya ang tinitingnan ko. At halos nanlaki ang mga mata niya nang maunawaan ang nais kong ipakahulugan. "No! My God! NO!" Halos lumabas na ang litid niya sa leeg sa pagsigaw. "Ayaw mo?" Sinabunutan ko na siya patingala habang nakaamba na rin ang kutsilyo sa kaniyang leeg. "Unahin na lang muna natin ang pangalawang ginawa mo sa akin." At walang sabi-sabing dinuraan ko siya sa mukha! Nalagyan ang kaniyang ilong at kaliwang pisngi. "Eeew! Kadiri ka talaga!" Mabilis niyang pinunasan ang mukha gamit ang kaliwang kamay. "Eeew! Kadiri ka talaga!" Ginaya ko pa ang paraan nang pagsasalita niya. "Ang arte mo!" At walang pagdadalawang-isip na agad kong hiniwaan ang kaniyang leeg, mula sa kaliwa pakanan. Madiin na siyang nagpabulwak nang masaganang dugo sa kaniyang katawan. Na halos ikaputol na nito mula sa kaniyang ulo. Hindi niya siguro inaasahan dahil hindi niya ako nagawang pigilan. Buti naman. Pinilit niya pang isalba ang sarili sa pamamagitan nang paghawak sa sariling leeg. Balewala kong binitawan ang kaniyang katawan, habang unti-unti iyong napapahandusay sa sahig. Nangisay-ngisay pa siya habang tumitirik ang mata. Pinagmasdan ko lang siya hanggang tumigil na siya kagagalaw indikasyon na wala na siyang buhay. Hay... Sa ganito siya kapangit namatay... Tsk... Tsk... Ang sad. Sabagay, bagay naman sa kaniya! Agad akong lumabas ng cubicle habang hinuhubad ang gloves. Dinampot ang naiwan kong bag sa kabila at inilabas ang isang plastic bag. Inilagay ko rito ang ginamit na gloves bago ibinalik sa secret pocket. Sa bahay ko na lang ito ididispatsa. Nagtuloy ako sa lababo at balewalang hinugasan ang kutsilyo habang pangiti-ngiti sa salaming nasa aking harapan. Ibinalik ko iyon sa pagkakabit sa aking kanang hita. Inayos ko pa ang damit para hindi masiyadong mahalata. Pagkatapos mag-ayos ng sarili, nag-retouch at nagpabango, hinagod ko rin ang nagulong buhok, nag-alay pa ako ng huling sulyap sa kinaroroonan ni Kate. Labas pa ang isang paa nito at nakatabingi ang sapatos na suot habang nagsisimula nang kumalat ang dugo palabas ng cubicle. Inismiran ko lang siya bago dinampot ko na ang aking bag. Eksaktong paglabas ko ng banyo, si Roberto na ang nagsasalita. Matapos kong patayin ang ilaw, agad ko ng isinara ang pinto. Pinunasan ko pa ng panyo ang magkabilang seradura. Napangiti pa ko nang lingunin ang CCTV. Nagawan ko na rin kasi iyon ng paraan. May pagmamadaling bumalik na ako sa venue. Sa susunod na linggo na lang ang sunod kong biktima. jhavril---
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD