"Puwedeng maki-share?"
Nahigit ko ang hininga nang marinig iyon. Hindi ako nag-angat nang paningin at nanatiling nakatutok ang atensiyon sa aking kinakain. Hawak nang mahigpit ang kutsara at tinidor sa magkabilang-kamay.
Kahit na nang magsimula siyang umupo sa tapat ng aking kinauupuan.
Hindi pa rin ako nag-abalang tumingin.
Never!
Nakakainis! Bakit ngayon niya pa ako ninais na makasalo? Kung kailan kare-kare ang ulam ko? May bagoong malamang na kasama iyon.
"Hey, Yanna!"
Marahan ang ginawa kong pagtaas nang paningin, kasabay nang tipid na ngiti. Umayos din ako nang upo bago uminom ng tubig.
Tumango ako habang binababa ang baso. Aarte pa ba ako? E, gusto ko naman ang ganito?
"Thanks! Paborito mo pala ang kare-kare? Hindi ako kumakain niyan, allergy ako sa mani," habang umuupong saad niya. Inayos niya ang tray ng pagkain sa harap niya at tinanggal ang mga platong naroon. Nang ganap na siyang makaayos, nagsimula na itong kumain.
Totoo ba ito na kinakausap niya ako? Hinga nang malalim, Yanna! Para prepare sa paglandi.
"Hindi naman, okay lang. Ayoko na kasi no'ng ibang ulam," seryosong saad ko kahit pa parang lalabas na ang puso ko sa sobrang lakas ng t***k nito.
Ngumiti lang siya at hindi na nagkomento pa. Ngumuya-nguya lang siya habang nagsasandok ng pagkain at susubo pagkatapos.
Kainis!
Akala ko pa naman gusto niya akong kausap. Akala ko pa naman magkakaroon na kami ng moment together.
Duh, asa!
"Bakit mag-isa kang kumakain? Wala ka bang ibang friends?"
Nabitin sa ere ang kutsarang kaunti na lang at lalapat na sa nakabuka kong bibig. Umiling ako bago itinuloy na ang pagsubo. Ngumuya-nguya ako habang hindi ako makatingin ng diretso sa kaniya. Ramdam kong nakatingin siya sa maganda kong mukha.
Pasimple ko siyang sinulyapan.
Oh my... He's smiling... At me.
"Know what, sa ganda mong 'yan wala kang friends?" Halos hindi ko na makita ang mata niya sa pagkakangiti.
Hay...
Saglit akong napatanga na nakatingin lang sa kaniya. Bago nahihiyang ngumiti.
Naman, e!
Napasulyap din ako sa mga kamay niya na nakahawak sa dalawang kubyertos na parang naiinggit ata ako dahil buti pa iyon hawak niya nang mahigpit. Parang ayaw niyang pakawalan.
Napakaganda ng mga iyon! Dinaig pa ang mga kamay ng babae.
Awts...
"Mahilig ka ba sa tula?"
Mula sa mga naggagandahan niyang kamay, tumulay ang paningin ko sa kaniyang mukha.
Pero, bago ko pa man masagot ang kaniyang tanong, isang malamig na bagay ang biglang tumulo mula sa aking ulo, pababa sa aking uniporme.
Ni hindi ako nagulat o tingnan ang kung sino mang walang modo na nagbuhos ng tubig sa akin. Nanatili lang akong ngumunguya habang mahigpit na hawak ang mga kubyertos.
Napatayo si Roberto at galit na nilapitan ang taong may gawa niyon.
Yah, right. Kahit hindi ko sinuhin kung sino siya, isang tao lang naman ang maaaring gumawa niyon sa akin.
"Kate! What did you do?" Pilit pang pinipigilan ni Roberto ang pagtaas ng kaniyang boses. Pero, wala akong paki kung nag-aaway man sila o nagsisigawan sa likod. Nagpatuloy lang ako sa pagkain, kahit pa naririnig ko na ang anasan sa buong paligid.
"Nilalandi ka kasi ng babaeng 'yan! Ano ba, Roberto? Kung pinagseselos mo ako, huwag na lang sa kaniya!"
Awts, ha? Hindi ba ako kagandahan para hindi mapansin ng isang Roberto?
Grabe, ah!
Tumayo na ako matapos kong iligpit ang mga pinagkainan ko. Kahit pa, may komosyon pa ring nagaganap sa likuran ko.
Paalis na ako nang hindi ko inasahan ang paghila ni Kate sa buhok ko.
Sobrang lakas na halos matanggal na ang buhok ko sa aking anit!
"Kate! Sumusobra ka na!" Pilit na inilalayo ni Roberto ang nanggagalaiting si Kate sa akin.
Balewala namang hinagod ko lang ang buhok ko at hindi man lang sila sinulyapan.
Dire-diretso akong lumabas kahit pa nagtatalak ang bruhildang si Kate sa loob ng canteen.
Tikom ang bibig at nakakuyom ang mga kamay kong dumiretso ako ng banyo.
Lintik lang ang walang ganti!
jhavril---