Napasinghap ako nang sampalin si Joseph ng kaniyang ina, bago galit na binalingan ako at dinuro. Aw, what is happening? "Ikaw na babae ka! Anong karapatan mong saktan si Greta? Pinalalamon mo ba siya, ha?" Galit na galit ang aura niya sa kulubot niyang fez e, umuunat kaya. Parang anumang oras ay kakainin niya ako ng buhay! "Ma! Ano bang nangyayari?" Agad na nahawakan ni Joseph ang ina at pinigilan na makalapit sa akin. Subdivision sila nakatira at halos kabababa lang namin ng kotse at hindi ko pa nga nalalanghap ang hangin sa labas ay ganito na ang bumungad? Kaloka! "At ikaw naman!" Hinampas nito ang anak habang nagtatanong ang mga matang nakatingin sa akin. Nagkibit-balikat lang ako at sumandal ng kotse. What a nice scene! "Hindi mo man lang pinagsabihan ang babaeng iyan! Wala siyan