Makalipas ang isang buwan... Literal na umikot ang eyeball ko sa inis sa aking mga katabi. Sigawan, hampasan at balyahan ang nangyayari. Kahit saan ako pumuwesto e ganoon, kaya no choice ako kung hindi magtiis kung saan ako kanina pa muntikang matumba. Dito lang kasi ang magandang puwesto para kita ko ang performance ng grupo ni hubby. Ops, tawagan lang namin 'yun, pero malay mo, soon! Dance contest sa isang malaking venue kaya maraming tao. At ang init! Kung hindi ko lang talaga siya mahal, nunca na magtiis ako ng ganito. Nakahalukipkip ako habang nakatayo. Buti na lang at medyo humupa na ang ilan dahil katatapos lang ng isang grupo. Sunod na ang grupo nila kaya inihanda ko na ang digicam. Kailangan siyempre may souvenir. Nagsimula na ang kanilang paghataw at as expected, nagkagulo n