Nakatingin lang ako kay Joseph habang nagpapaliwanag siya. Sapo ng dalawang kamay ang sariling ulo habang nakasubsob sa manibela. Tahimik lang akong nakaupo sa passenger's seat at kampanteng pinagmamasdan siya. Mayamaya pa, iniangat niya ang ulo at malungkot na tumingin sa akin. Puno ng luha ang kaniyang mga mata at pisngi. Pero wala man lang akong nararamdamang awa ni katiting. Pagkasuka, 'yun ang nararamdaman ko sa mga oras na ito! "Yanna, ikaw ang mahal ko maniwala ka. Pero, kailangan kong pakasalan si Greta dahil hindi na ako bibigyan ng mana ni mama. Pagsasayaw lang ang alam kong gawain. Nakasaad sa will niya na tanging si Greta lang ang kailangan kong mapangasawa." Muli siyang yumuko sa manibela at impit na umiyak. Pathetic! Mama's boy! At mukhang pera! Ganoon ko siya nakiki
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books