Isasara ko na sana ang locker ko ng may gumawa niyon na muntik nang ikaipit ng kamay ko. Buti na lang at natanggal ko na kaagad. Malakas ang ginawang pagkakabagsak at mukhang may galit, ha? "Ang kapal talaga ng mukha mo!" Buti na lang at ibinaba ko ng kaunti ang tingin ko at may ilaw sa tapat namin dahil bigla na lang may nagsalita kung saan. Ako lang pati ang mag-isa rito kanina pa. Duh?! Hindi naman ako matatakutin. Aw, in fairness, abot niya ang locker ko, ha? "Ano na naman ba ang ginawa ko, Minnie?" Ikinabit ko ang nurse cap habang matamang nakatingin sa kaniya. Wala talaga akong balak patulan ang gaya niya na alam ko namang masasayang lang ang oras ko. Pero, ewan ko ba sa babaeng ito at masiyado akong paborito. Hindi ko alam kung talagang palaaway siya o Insecure talaga ang toto