Makalipas ang isang linggo... Nakangiting hinagod ko ang ilang hiblang umalpas mula sa pagkakatali paitaas ng aking buhok. Bago tsinek muli ang make-up na ilang minuto ko rin pinaghirapan. Simple lang naman, kahit pa nga lipstick lang kabog na. Kaso, gusto ko kasing maging pinakamaganda ngayong gabi. Always pala. Nang ganap na makuntento, isinuot ko na ang sneakers wedge ko na black and white ang kulay. Itinerno ko ito sa high waisted black short at crop top na pang-itaas na ganoon din ang kulay. Sleeveless iyon kaya kita ang makinis kong braso na siyang nagpadagdag sa appeal ko ngayong gabi. Iba pa siyempre ang makikinis kong legs na ang ganda ng pagkakahubog. Maglalaway ang mga kalalakihan at maiinggit ang mga kababaihan. Kinuha ko mula sa kabinet ang isang denim jacket. Habang i