Nakakuyom ang kanang palad ko sa gilid habang nakangiti nang pilit kay Hero. Nakasampay naman ang kaliwa kong kamay sa sandalan ng kinauupuan niya. Nakatagilid ako paharap sa kaniya na siyang nasa driver's seat. Kasalukuyan kaming nasa loob ng kotse niyang bulok. Ang init kasi at amoy patay na daga! Ang yabang-yabang kasing pangit naman niya ang sasakyan niyang sa junkshop ata nabili. Jusko! Nakakasulasok! Parang pagkatao ng kaharap ko ngayon na humihimas na sa naka-cross kong legs. Pilit pa rin akong nagtitimpi. Sa Antipolo niya ako dinala kung saan kita ang napakalawak at nagtataasang building. At sa itaas naman ay parang nagsisilbing mga liwanag ang mga bituin nito dahil sa dami. Nakatigil ang sasakyan nito sa harapan niyon. Napakagandang pagmasdan lalo na ngayong alas diyes na