(Ysolde) “SOLDE,” anang boses ni Sir Ali. Naramdaman kong hinawi niya ang buhok kong nagsabog sa aking mukha. Hindi ako makakilos sa pagkakabaluktot. Pakiramdam ko ay may lalapat na naman sa akin oras na iniunat ko ang aking katawan. Takot na takot ako. “Solde, sumama ka na sa’kin.” May pagmamakaawa sa tinig niya. Unti-unti akong nagmulat. Nanlalabo ang tingin ko pero, naaninag ko si Sir Ali na nakaupo at nakayuko sa nanghahapding katawan ko. “Umalis ka riyan, lalake ka! Hindi pa ako tapos sa demonyong batang ‘yan!” “Rodrigo, tama na!” Narinig ko ang malumanay na sigaw ni Lola. Kanina ay siya ang gusto kong tawagin subalit sa bawat paglatay ng sinturon sa akin ay pulos daing ang nasasambit ko imbes na ang pangalan niya. “Inay, sinabi ko na sa inyong tuturuan ko lang ng lek