CHAPTER 8

1041 Words

NAKIKINIG LANG si Bea sa usapan ng mag-ina saka ni Doctor Santos habang nasa loob sila ng pribadong kwarto ni Basty. Kanina pa niya gusto lumabas ngunit pinigilan siya ni Ma'am Vicky. Nakahiyaan naman niyang magpaalam ngayon. "Kung lalabas ka ng ospital, alam mo na dapat ay mayroon kang kasama." "Alam ko naman iyan, kuya kaya nga nandito si mama para samahan ako." Tumingin pa ito sa ina na tila nagpapasaklolo. "Di ba, ma?" "Anak, hayaan na lang natin na magdesisyon ang Kuya Jem mo tungkol dito, okay?" Hinawakan pa nito ang kamay ng anak. Nang magtama ang paningin nila ng ginang ay ngumiti ito sa kaniya. Nahihiya naman siya ngumiti rin dito. "Ang ibig kong sabihin na 'kasama' ay hindi si Tita Vicky." Umayos ng tayo si Doctor Santos. "I'm referring to your private nurses. Si Nurse Bea

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD